Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

Kabanata 30: Stay Away

Ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa pag-review. Masyadong maraming requirements ang tinatapos namin as a graduating student. Halos hindi na rin kami nakakakain ni Jean sa tamang oras pero hindi naman namin hinahayaan na lumipas ang isang araw na gutom kami.

"Oh? Ba't 'di ka naka-uniform?" Tanong sa akin ni Kuya Led pagkalabas ko ng kwarto.

Nakaupo ito sa sofa habang nakapatong naman sa kanyang hita ang kanyang laptop. Ngumiwi ako nang makita na naman ang suot nya.

"Mag-short ka nga kuya!"

Kumunot ang noo nya bago tumingin sa kanyang suot. "It's a boxer short. What's wrong? Lagi namang ganito ang suot ko pag nasa bahay, ah?" Naguguluhang sinabi nya.

Pumunta ako sa lagayan ng sapatos at kinuha ang converse shoes ko bago tumabi kay Kuya Led.

"Baka biglang may dumating tapos nakaganyan ka lang," sabi ko habang nagsisintas ng sapatos.

"Edi swerte sila," Mahina syang tumawa. Muli kong narinig ang pagtunog ng keyboard ng kanyang laptop dahil sa bigat ng pagpindot nya do'n.

"Hindi ka ata papasok?"

Sumandal ako sa sofa at tumingin sa kanyang laptop. Mabilis na iniwas ko rin ang tingin ko do'n nang makita ang mga nakakahilong numero.

"Pupuntahan namin ngayon ang magiging venue namin for Recollection."

Ngayon kasi naka-sched ang appointment namin sa may-ari ng isang resort sa Baguio. Pupunta kami ngayon kasama ang ibang representative ng ibang course.

"Wow! Masaya 'yan!"

"I know."

Napatingin ako sa pinto nung bigla itong bumukas. Pumasok si Jean na nakasimpleng kulay buting blouse na tinernohan ng ripped jeans.

"Hi!" Masaya nyang bati bago napunta kay Kuya Led ang kanyang tingin. Nakita kong natigilan ito.

Mabilis na tumayo si Kuya at halos tumakbo papasok sa kanyang kwarto. Namula ang mukha ni Jean. Sabi ko na nga ba at mangyayari ito.

"You should have knocked first!" Sigaw ni Kuya Led sa loob ng kwarto nya.

Aawang pa lang sana ang bibig ni Jean para sumagot ay umiling na ako sa kanya. Baka humaba na naman ang usapan. Kanina pa kasi nagte-text si Quin kung nasan na kami.

"Why would I knock? Comfort room ba itong salas nyo?" Pabulong na tanong sa akin ni Jean.

Kinuha ko ang pouch ko na nakapatong sa table.

"Hindi lang naman sa comfort room kailangang kumatok, Jean." Hinila ko na sya palabas.

Sinarado ko ang gate bago kami naglakad ni Jean. Sasakay na lang siguro kami ng taxi para makarating sa school.

Napatingin ako kay Jean nang humigpit ang pagkakakapit nya sa braso ko.

"Ayos ka lang?"

Namula ang mukha nito, "B-Ba't parang ang liit?" Mas lalong namula ang kanyang mukha sa tanong na 'yon.

"Maliit ang alin?" Naguguluhang tanong ko.

Mabilis na umiling ito. Pinakawalan nya ang braso ko. Umiling ito at mahinang tinapik ang kanyang pisngi.

"Don't judge a boxer short without seeing what's inside." Dinig kong bulong nya sa sarili nya. "Bulges can be deceiving."

Hindi ko na lang sya pinansin. Tumigil kami sa gilid ng kalsada at naghintay ng Taxi na masasakyan.

Muling nag-text si Quin, "Andyan pa ba kayo sa North America? Malapit na ba kayo sa Asia?" Natawa ako sa sinabi nya.

Nung may mapara kaming taxi ay mabilis na sumakay kami at sinabi kung saan kami pupunta.

"Kasama si Blaze?" Biglang tanong ni Jean.

Sumandal ako sa upuan at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking daliri.

"Of course. Hindi pwedeng hindi kasi sya ang may alam nung lugar."

Sya rin ang nag-suggest ng lugar dahil nakapunta na sya ro'n. Mabilis na pumayag kaming lahat dahil wala rin naman kaming maisip na ibang lugar.

"How's Ryde?" Napatingin ako kay Jean nang itanong nya 'yon.

"Dunno. Malamang na magaling na 'yon." Hindi rin naman sya nag-text pagkahatid namin sa kanya last friday. Monday ngayon kaya hindi pa rin kami magkikita sa school.

Pinahinto namin ang taxi sa gilid ng main gate. Nagbayad ako bago lumabas. Sinama ko si Jean at ang sabi nya ay libre ko lahat. Ayoko rin namang sumama nang ako lang. Kahit na magkasama kami ni Quin ay hindi kami ganon ka-close.

"Welcome to Philippines!" Masayang isinigaw ni Quin nang makita kami. Halata ang irita sa kanyang mukha.

"Saan na sila?" Tanong ko. "Wait... Wala tayong service?" Naguguluhang tanong ko pa.

Kumaway sa akin ang ibang officer na kasama at isang ngiti lang ang isinukli ko rin.

Napatingin kami sa isang van na huminto sa harap namin. Bumaba ro'n si Blaze na naka-simpleng maroon tshirt na masyadong fit sa kanyang katawan. Nakasampay sa braso nya ang isang jacket.

"Andito na ba lahat?" Tanong nya. Isa-isa nya kaming tinignan. Nailang ako nung mapadapo sa akin ang kanyang mata.

It's still awkward for me. Damn.

"Yes, Mr. Abelard." Sumagot ang officer ng Civil Engineer Department.

Tumango naman si Blaze bago tumingin sa kanyang sasakyan. "Kasya ba tayo?" Tanong ni Jean.

"Wait. Why are you here?" Tanong ni Quin kay Jean.

"Because I am not there," Jean rolled her eyes.

"Isinama ko sya." Ngumiwi ako dahil mukhang hindi na kami kasya.

"Hindi tayo kasya lahat. Kailangan na may mag-commute na dalawa." Sabi nung Officer ng Tourism.

"Kami na lang!" Napanganga si Jean sa sinabi ko. Napatingin naman silang lahat sa akin. "Text nyo na lang ako kung saan kami bababa."

Sumang-ayon naman ang lahat maliban kay Blaze na nakataas ang dalawang kilay.

"I could get another car for the two of you," Blaze suggested. "May driver naman kami."

"Sure!" Masayang sinabi ni Jean.

"No. Mag-commute na lang kami." Napangiwi ako nung talikuran nya ako at itinapat ang kanyang cellphone sa tainga nya.

Narinig ko ang pagtawag nya sa driver nila na pinagmamadaling magdala ng isang kotse.

"Tara na!" Binuksan nung lalaking CE Student ang sasakyan ni Blaze at nagpasukan na silang lahat do'n.

Bumali ang leeg ni Blaze dahil do'n. Ibinaba na nya ang phone at ibinalik na sa kanyang bulsa.

Sumandal ito sa kanyang sasakyan at pinasadahan ng tingin ang suot ko. Bahagya kong ibinaling sa ibang direksyon ang aking tingin.

"Hindi ko alam kung saan ka nakakuha ng lakas ng loob para mag-volunteer para mag-commute."

"Kaya namin, Blaze. Hindi na kami bata para maligaw."

"Sino bang nagsabing maliligaw kayo? Baka iligaw." Ngumisi ito at alam kong dahil 'yon sa inis.

Hindi na lang ako kumibo. Napatingin ako sa lalaking naglalakad papunta sa amin. Nakakunot ang noo nito.

"Ryde! Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Jean.

Ngumiti ito at tumango, "Of course. Thank you for taking care of me, Nurse Chelsea."

Napailing na lang ako sa itinawag nya sa akin. Naalala ko na naman ang mga kabaliwan nya. Pagkahatid namin ni Jean sa kanya sa kanilang bahay ay kami naman ang hinatid nya. Baliw lang.

"Late ka na, Ryde." Natatawang sinabi ni Blaze.

Nagulat ako nung mag-fist bro sila. Hindi na sila magkagalit. Napangiti ako dahil kitang-kita ko ang saya sa kanilang mata.

"Teka. Saan kayo pupunta?" Naguguluhang tanong ni Ryde nang mapansin na hindi kami naka-uniform. "Hindi kayo papasok?"

"Aayusin namin ang resort na gagamitin natin para sa Recollection." Si Jean ang sumagot.

Napatingin kami sa sasakyan na huminto. Lumabas ang isang matandang driver at lumapit ito kay Blaze. Nag-usap silang dalawa.

"Can I come with you?" Ryde asked. Nag-puppy eyes pa ito.

"No. May pasok ka."

"Don't care!"

"But, I care!" Nagulat sya sa isinagot ko. "Galingan mo, Ryde. Dapat mag-excel ka sa course nyo."

Napatingin ako kay Blaze na mahinang tumawa. "Nangunguna naman si Ryde sa kanila, ah?" Nagulat ako sa sinabi ni Blaze.

"But, sure! Kailangan ko pang lamangan ang sarili ko!" Masayang sinabi ni Ryde. "You care for me so I have to care for me too. Thank you!" Masayang tumakbo ito papasok sa loob.

Ngumiwi ako. Hindi ko inakalang nangunguna pala sya.

Pumasok na kami ni Jean sa loob ng kotse. Kami lang dalawa dahil nasa loob na ng van ni Blaze silang lahat.

"Manong, do take care of them. Ingat sa pagmamaneho!" Masayang sabi ni Blaze na ikinatawa lang ng driver.

Naunang umalis ang van nila Blaze. Nakasunod lang kami sa kanila.

Napatingin ako sa driver na nahuli kong nakatingin din pala sa akin gamit ang rear-view mirror.

"Ikaw ba si Chelsea? 'Yong crush ni Ram?" Tanong nya sa akin.

Tumawa ako bago tumango, "Pumasok po ba sya?" Tanong ko.

"Hindi. Gusto ngang sumama, eh." Natatawa nyang sinabi.

"Why not?" Masaya kong sinabi. Kumunot ang noo ni Jean. "Daanan natin sya. Pwede ba manong?" Tanong ko.

"No. Chels. Baka maabala lang natin sya." sagot ni Jean.

"Haha. Sige!" Sagot ni Manong.

Dadaanan naman namin ang bahay nila Blaze eh. Tumigil kami sa harapan ng gate nila. Bumusina si Manong at mabilis na lumabas si Ram. Naka-puting sleeveless shirt at short lang ito. Naka-tsinelas lang din sya.

"Ate!" Masaya nyang bati sa akin.

"Gusto mong sumama?" Tanong ko sa kanya.

Binuksan nya ang pinto sa front seat at pumasok sya ro'n. Muling umandar ang sasakyan. Nakalayo na sila Blaze sa amin pero alam naman daw ni Manong ang lugar na 'yon dahil pinuntahan daw nila 'yon last year.

"Baka mapagalitan ako kay Kuya Blaze,"

"Malamang! Kaya bumaba ka na!" Siniko ko si Jean dahil sa sinabi nya.

Humarap sa amin si Ram dahil nasa likod nya kami. "Amin 'tong sasakyan. Ba't 'di ikaw ang bumaba?"

"Ram. Mas matanda sa'yo 'yan. Ate mo na 'yan." Pinagalitan sya ni Manong.

Nakita ko ang pasimpleng pag-irap ni Jean.

Buong byahe ay tahimik na lang kami. Alas dose na rin ng tanghali nung makarating kami. Nauna pa sila Blaze sa amin pero nanatili sila sa labas ng gate.

Kumunot ang noo nito nang makita si Ram na giniginaw. Naka-sleeveless shirt ba naman.

Lumapit ito kay Ram. Akala ko ay papagalitan nya ito ngunit hinubad nya ang kanyang jacket at isinuot kay Ram.

"I thought you're a boy scout? Laging handa?" Natatawang tanong sa kanya ni Blaze.

"I am! Sino ba kasing nagsabing kailangan ko ng jacket?" Tanong ni Ram ngunit hindi nya hinubad. Halatang giniginaw ito.

"Let's go inside?" Napatingin kami sa matandang babae na kausap nila kanina.

Namangha ang lahat sa loob. Tahimik at konti lang ang tao. Ginala niya kami sa buong resort. May mga rooms din para sa mga gustong mag-overnight. May lima silang pool na maligamgam ang tubig na galing raw sa bukal. Ibinaba ko ang kamay ko do'n. Hindi nga malamig. Umuusok din ito.

"It's a perfect place!" Masayang sabi ni Jean.

Halatang natuwa ang matanda sa sinabi ni Jean.

"Maraming salamat, Lola Signa." Saglit na yumakap si Blaze sa kanya.

"Kain na muna kayo. Nagpahanda ako."

Pumunta kami sa isang kubo at nakahain ang iba't-ibang klase ng pagkain sa nakalatag na dahon ng saging.

"Wow!" Namilog ang mata ni Ram.

Naghugas muna kami ng kamay bago nagsalo-salo ro'n. Nagkwentuhan pa sila tungkol sa kung ano ang gagawin nila rito.

"Excited na ako!" Sabi nung Tourism Student.

Three days and two night kami mag-i-stay dito. Nung magkasundo na ang lahat ay nagpaalam na kami. Hapon na rin 'yon at mahaba-haba pa ang byahe namin.

"Hindi mo sinabing may alam kang ganitong lugar, Blaze." Natatawang sabi ni Jean.

Napatingin sa kanya si Ram, "Baka naman hindi ka nagtanong?" Nawala ang ngiti sa labi ni Jean.

"Ba't ba ang init ng ulo mo sa akin?" Tanong nya kay Ram habang palabas na kami.

Napatingin ako kay Manong nung mapaatras ito. Mabilis na hinawakan ko naman sya.

"Ayos ka lang po?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin sa amin si Blaze. "Hindi ata maganda ang pakiramdam ni Manong." sabi ko sa kanya.

"H-Hindi. Ayos lang ako. Medyo naparami lang ata ang kain ko." Natatawa nyang sabi.

Nauna na sa loob ng van ang lahat. Pumasok na si Manong sa loob ng sasakyan namin. Lumapit na rin si Blaze sa van nila.

Pumasok na kami nila Ram at Jean sa loob.

"Manong, kaya mo pa bang mag-drive?" Tanong ni Ram sa kanya.

"Bakit? Kung hindi nya kaya, ikaw ang magmamaneho?" Tanong sa kanya ni Jean.

Ipinakita ni Ram ang kanyang cellphone, "Nag-rank 1 na ako sa car racing!" sabi nya.

"Baliw. Iba 'yan!" Hinawakan ko na si Jean sa braso para tumigil na sya.

Biglang bumukas ang pinto sa gilid ni Ram. "Lumipat ka sa tabi nila Ate Chelsea mo." Malamig na sinabi ni Blaze kay Ram.

Mabilis naman na bumaba si Ram at pumunta sa gitna namin ni Jean.

"Manong, ako na po ang magmamaneho." Nakangiting sabi ni Blaze.

Umusod naman si Manong papunta sa pwesto kanina ni Ram at si Blaze ang pumalit sa kanyang magmaneho.

"Ba't mo sila iniwan?" Tanong ko kay Blaze.

"One of them can drive that van." Tipid na sinabi nya.

"But Jean can drive for us. Marunong sya."

Bumali muli ang leeg nya. Umawang ang bibig nya at alam kong pigil na pigil sya sa inis.

"Kaya namin, Blaze."

"Fuck!" Natahimik ako nang hampasin nya ang busina. "I'll drive this car whether you like it or not!"

Natahimik ako. Biglang parang bumigat ang talukap ng mata ko. Ramdam kong nag-init ang gilid nito. Shit! Why am I being emotional? No. Please.

"Kuya, 'wag mo namang sigawan si Ate Chels."

Ignore, Chels. Please...

"I-I'm sorry for cursing..." Nakita ko ang biglang paglambot ng mukha nya.

I bit my lower lip. Stop it, Chels. 'Wag kang OA. Kasalanan mo.

Isinandal ko ang likod ko at kinalma ang sarili ko. Alam kong kasalanan ko kaya nya ako nasigawan.

I just don't want him like this. He never loved me, I already accepted that. Hindi na nya kailangang gawin ito. Ayokong ganito sya.

Sariwa pa rin ang sugat na idinulot nya. Kailangan ko ng sapat na panahon para pahilumin ang mga ito pero magiging mahirap sa akin ang lahat kung ganito sya.

I hate it. Really. I want him to stay away from me and if he can't do that. Ako na lang ang iiwas.

"It's okay." Sagot ko bago ipinikit ang mata ko.

I'm just tired.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped