Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Kabanata 3: Jealous

Kinabukasan ay napagpasyahan naming hindi na muna pumasok. Ngayon kasi darating sina mommy at daddy galing ibang bansa at ngayon din kami mamimili ng damit ni Jean. Bukas na ang birthday ni kuya at alam kong excited na siya---sila.

"Sa kaliwa." Turo ko kay kuya Led.

Napatingin ako sa phone ko dahil nanginig na naman ito. Natawa na lang ako dahil sa pagbaha ng mga mensahe galing kay Jean na minumura na ako. Ang sabi ko alas nuwebe kami aalis pero ang bruha alas singko palang ay naliligo na.

"Bakit ang tagal nyo? I miss my husband so much!" one of her messages. "Great! Hihimatayin ata ako. God! Makakasama ko ang asawa ko!" sumunod na text niya.

Muli ko na lang ibinalik sa aking shoulder bag ang aking cellphone. Naabutan kong nakatingin sa akin si Kuya Led na nagda-drive. Nakakunot

"Sino ang nag-text sa'yo? What's with that smile?"

"Jean." Ngayon ay ako na naman ang naguluhan. "Why?" I asked.

Tumingin itong muli sa kalsada. "Sabihin mo sa akin kapag may nanligaw sa'yo. Ayokong masaktan ka na naman. Madala ka naman, Chels. He doesn't deserve you and you don't deserve to be hurt." hinampas niya ang busina na lumikha ng ingay.

Kinagat ko ang labi ko at ibinalin na lang din sa kalsada ang aking tingin. Alam ni Kuya Led ang namagitan sa amin ni Blaze at ang break up namin. Saksi siya sa kung paano ako nagkadarapa at lumuhod sa harap ng lalaking 'yon para bumalik siya sa akin. Medyo nakokonsensya rin ako. Dahil sa akin kaya parang nagkaroon ng malaking gap ang pagkakaibigan nila ni Blaze.

Huminto kami sa harap ng gate nila Jean. Bago pa man bumusina si kuya ay lumabas na agad si Jean. Malakas na natawa ako nang makita ang ayos niya. Naka crop top ito at maikling short at hindi ko alam kung bakit naka-shade pa ito.

"What's with the get up?" tanong ni kuya habang nakatingin kay Jean na parang nagmomodel habang naglalakad papunta sa amin. "Are we going to beach?" inis na tanong niya pa.

Dumiretso ito sa gilid ko at kinatok niya ang salamin. "Get in." turo ko sa likod.

Pinanlakihan niya ako ng mata bago nginuso ang backseat. Inis na lumabas ako at pumunta sa likod habang siya ang pumalit sa pwesto ko katabi si Kuya Led. Napatingin ako sa rear-view mirror at kitang-kita ko ang pagkagat ni Jean sa kanyang labi. Halatang kinikilig ang bruha dahil katabi nya lang naman ang kanyang 'asawa' kuno.

Napailing si Kuya Led bago pinaandar ang sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone ko nang magvibrate ito. "I need oxygen. Fuck it, Chels. I'm having a heart attack!" Jean texted me.

Napatingin ako sa kanila. Nakita ko kung paano idinikit ni Jean ang kanyang balikat sa braso ni Kuya Led. Tumingin akong muli sa cellphone ko bago nagtipa ng mensahe. "Calm down you crazy bitch. Magagalit si kuya sa ginagawa mo!" I replied.

Napansin kong mas nilakasan ni kuya ang aircon at ngayon ay nakatodo na.

"Anong oras daw uuwi sina mommy, Chels?" tanong bigla ni kuya.

"Mamaya raw 2PM." Nanlaki ang mata ko nang si Jean ang sumagot para sa akin.

Napatingin sa kanya si Kuya Led bago muling binalingan ang kalsada. "Paano mo nalaman?" tanong ni kuya.

Nanginig ang cellphone ko kaya binasa kong muli ang text sa akin ni Jean "Biyenan ko kaya 'yon." She replied. Kumunot ang noo ko bago maintindihan na ang tanong ni kuya ay sa akin niya sinagot.

"Sinabi ni Chelsea."

Napansin kong medyo nanginginig na si Jean dahil sa lamig dito at dahil na rin sa damit niyang labas ang pusod. Alam kong sinadya ni kuya na lakasan ang aircon para lamigin si Jean. Hindi ko alam kung alam ba ni Jean na ayaw ni kuya Led sa mga babaeng masyadong clingy. Mas gusto niya sa mga mahinhin na babae.

Nagvibrate muli ang aking cellphone kaya kinuha ko ito. Akala ko ay si Jean ang nagtext ngunit hindi pala.

"Good morning, Earth! Have a nice day!" text ni Ryde at alam kong group message 'yon. I saved his number dahil hindi ako sanay na may nagte-text na unregistered number. Mukhang araw-araw akong makakatanggap ng message mula sa kanya.

Maya-maya ay huminto na ang sasakyan sa main gate ng isang mall. "Just text me, Chels. Susunduin ko kayo." Paalala nito bago ako lumabas.

Hinintay kong lumabas din si Jean ngunit nanatili sya sa kanyang upuan. Binuksan ko ang pinto sa harap. Naabutan ko siyang kinakalas ang kanyang seatbelt.

"Paano ba ito? Ang hirap alisin." Sabi niya.

Tutulungan ko na sana siyang alisin ang kanyang seatbelt nang hawiin niya ang aking kamay. Pinandilatan niya ako ng mata bago tumingin kay Kuya Led. Bumuntong hininga si Kuya Led bago tinulungan si Jean. Napapikit ang maharot kong kaibigan dahil sa sobrang lapit ni kuya sa kanya.

Hinila ko na si Jean palabas nang makalas na ang seatbelt niya. Nakita ko ang galit sa mukha ni Kuya Led bago umalis. Naiwan kaming dalawa ni Jean.

"You okay?" natatawa kong tanong sa kanya.

Tumango ito. Inayos niya ang kanyang damit. "Nilamig ako do'n ah. Let's go." Hinila niya ako papasok sa mall na parang walang nangyari. Hindi ba sya nahiya sa ginawa nya? Ako kasi ay hiyang-hiya.

Dumiretso kami sa isang boutique. Umupo na lang ako sa sofa at nagbasa ng magazine habang si Jean ay namimili. Meron na akong isusuot dahil may nabili na ako last week. Mahigit kalahating oras na akong nagbabasa at hindi pa rin nakakapili si Jean kaya tumayo na ako.

"May bibilhin lang ako." Paalam ko. Hindi ko na sya hinintay sumagot dahil masyado syang busy.

Lumabas ako ng boutique na 'yon at naglakad papunta sa isang accessories store. Tumingin-tingin ako sa mga wrist watch na nasa loob ng salamin. Mahilig si Kuya Led sa ganito at hindi pa 'yon lumabas ng bahay na walang suot na relo.

"Miss, may I see this?" napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Kumalabog ang dibdib ko nang mapatingin din ito sa akin. Nakita ko rin ang gulat sa kanyang mata kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Ano 'to? Pinaglalaruan na naman ba kami ng tadhana? Bakit sa dinami-rami ng taong makikita ko, bakit si Blaze pa?

Kunwari ay tumingin ako sa iba. Lumayo ako sa kanya at pumunta sa kabila para tumingin. Narinig kong may binili ito at nagpasalamat sa saleslady. Hindi ako gaanong makahinga ng maayos. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa paghuhuramentado nito. Masyado akong obvious.

"May bibilhin ka rin?"

"Shit!" Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla siyang sumulpot sa aking tabi. "You startled me!" hinabol ko ang hininga ko at iniwasan ang kanyang nakangiting tingin. "Y-Yes. Gift para kay Kuya Led." Sagot ko.

"Pangbabae ang mga narito." Natatawa niyang sabi. Napapikit ako sa hiya dahil hindi ko namalayan na pambabae pala ang mga accessories dito. "Here." Hinila niya ako sa mga panlalaki.

Mabilis na binawi ko rin ang aking braso at tumingin sa mga relo. Mabilis na nagturo na lang ako ng kahit na ano dahil hindi ako makapili ng maayos. Masyado na namang ginugulo ni Blaze ang sistema kong pilit kong inaayos. Dapat ay umalis na siya at hindi na ako pinapakialaman.

Nagpumilit pa itong siya na ang magbabayad ngunit hindi ako pumayag. Gusto kong sabihin na pwede na siyang umalis, na maaari na nya akong iwang mag-isa pero alam kong magiging bastos ako.

"May kasama ka?" he asked.

Binilisan ko ang paglalakad ko pabalik ngunit parang wala lang 'yon kay Blaze na malalaki ang hakbang. Nanginginig ang tuhod ko at parang bibigay na ito kahit na anong segundo. Bakit ba niya ako sinusundan?

Pagkarating namin sa boutique ay halos lumuwa ang mata ko sa dami ng binili ni Jean. "Baliw ka ba? Isang araw lang 'yong celebration!" sigaw ko sa kanya dahil pang isang linggo ang kanyang pinamili.

Napatingin ito sa likod ko kaya kumunot ang kanyang noo. "Ano bang paki mo? Hindi naman ikaw ang gumastos?" ipinakita niya sa akin ang isang card. "Credit card naman ni daddy." Humalakhak ito. Natawa na lang ako. Hindi na ako magtataka kung tataas na naman ang presyon ni Tito German pag nakita niya ang bill.

"B-Bakit... kasama mo... si Blaze?" naguguluhang tanong niya. Lumapit ito sa akin at pinanlakihan ako ng mata. "Kaya ba umalis ka dahil makikipagkita ka sa kanya?" bulong niya sa akin.

Mabilis na umiling ako. "Gaga. Hindi ko nga alam na makikita ko sya at mas lalong hindi ko alam kung bakit siya sumunod." Sagot ko.

"Naglunch na ba kayo?" biglang tanong ni Blaze.

Napatingin ako sa baklang nag-aayos ng damit sa gilid. Nakatitig ito kay Blaze habang kagat-kagat niya ang kanyang labi. "No. Hindi pa." sagot ko. Hinila ko na si Jean palabas do'n at sumunod naman sa amin si Blaze.

"Kain tayo? Don't worry. My treat." Ngumiti pa ito.

Nagkatinginan kami ni Jean. Umiling siya sa akin. Magiging rude naman kami kung tatanggi kami at gusto ko rin namang kahit papaano ay masanay akong kasama siya nang hindi nakakaramdam ng awkward.

Pumunta kami sa isang restaurant. Isang putahe lang ang in-order ko habang si Jean ay halos lahat ng nasa menu. Nahiya ako kay Blaze at parang wala lang 'yon sa kanya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang kausap niya ang waiter. Matikas itong tumindig. Bagay sa kanya ang kursong kinuha niya. Hindi ko pa rin maitatanggi na may nararamdaman pa rin ako sa kanya.

Umiwas ako ng tingin dahil masyado ko na naman siyang pinupuri.

"Ang awkward nito, Chelsea." Bulong sa akin ni Jean. Mukhang siya pa ang mas apektado sa amin. "Ah, Blaze?" napatingin si Blaze kay Jean. "Wait lang ah? Magc-cr lang kami?" sabi niya bago ako hinila.

Pumasok kami sa loob ng cr. Hinawi ko rin ang kanyang kamay sa braso ko 'pagkapasok naming sa loob. Pinandilatan niya ako ng mata. "Ano bang gusto mong mangyari?" tanong niya sa akin.

Tumingin na lang ako sa salamin. "H-Hindi ko alam." Sagot ko.

"Ako alam ko. Alam kong dapat ay iniiwasan mo sya. Alam kong dapat ay hindi na kayo ganito. Alam kong umaasa ka na naman. Alam kong masasaktan ka na naman. Alam kong konti na lang ang pagtitimping natitira sa akin at baka masampal na talaga kita."

Hindi ako nakapagsalita. Naiinis na rin ako dahil naguguluhan na naman ako. Nagbago na ba ang isip niya? Napagtanto niya bang mahal niya pa ako kaya niya ginagawa ito? Gusto niya bang magbalikan k--- Okay, Chelsea. Stop over thinking. Baka naman kasi naaawa siya sa akin kaya niya ginagawa ito.

Naiinis akong isipin na natutuwa ako. Natutuwa ako na nagpapahiwatig siya ng ganito. Naiinis akong baka baliin ko ang pangako kong iiwasan ko na sya at kakalimutan.

"Let's go back, Jean. Baka kung ano ang isipin ni Blaze." Mahinahon kong pakiusap.

Tumitig sa akin si Jean bago tumango. Bumuntong hininga ito. "The choice is still yours, Chelsea. Basta narito lang ako at kung ito ang makakapagpasaya sa'yo, ano bang magagawa ko? Wala akong magagawa kung baliw ang kaibigan ko." Sabi niya na ikinatawa ko. Nagdadrama na naman ang bruha.

Pagkabalik namin ay halos lumuwa ang mata ko nang makita si Ryde sa table namin. Kumaway ito sa amin ni Jean nang makita kami. Kung hindi pa ako hinila ni Jean ay hindi pa sana ako lalapit.

"Hey, Chels. Hi, Jean." Bati sa amin ni Ryde.

"Oh my god. Did he just say I love you Jean?" Bulong sa akin ni Jean.

Hindi ko na pinansin ito pinansin. Kumain na lang kami at ngayon ay naramdaman ko na talaga ang awkward. Kumakain lang din si Blaze ng tahimik habang si Ryde ay nagkukwento tungkol sa babaeng nagnakaw sa kanyang wallet.

" Ano bang laman ng wallet mo?" tanong ko. Kung makapag-react kasi siya ay parang milyon ang nakuha sa kanya.

"Just my picture." He answered. "And... excess condom." Sagot nito. Nasamid ako dahil sa sinabi niya.

Mabilis na inabutan ako ni Blaze ng tubig na tinanggap ko naman. "Easy, Ryde. May babae sa harap mo. Stop saying dirty things." Inis na sabi ni Blaze.

Pinunasan ko ng tissue ang gilid ng labi ko. Hindi na ako gaanong nakakain dahil sa sinabi ni Ryde. Tumikim lang akong saglit ng dessert bago uminom ng tubig. Kaya naman pala mukhang nalugi ang malanding ito ay dahil nanakawan siya ng condom na malamang ay dapat gagamitin niya mamayang gabi.

Nanlamig ang katawan ko nang nilapit ni Ryde ang kanyang upuan sa akin. Bigla niyang inilapit ang kanyang bibig sa aking tainga. "Susumbong kita sa kuya mo. Nakipagkita ka sa lalaking 'to." Bulong niya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ka lang pala malandi, sumbungero rin." Medyo iritang bulong ko pabalik.

"I'm serious and I know Led wouldn't like it."

Napatingin ako kay Jean nang tumikhim ito. "Sabihin nyo lang kung gusto nyong umalis na kami dahil mukhang naiistorbo naming kayo." Pabirong sabi nito.

Pasimple kong itinulak ang upuan ni Ryde palayo sa akin. Napatingin ako kay Blaze na nakatingin din pala sa akin. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa diretsong titig nito sa akin. Hindi ito kumukurap.

"May pupuntahan pa ba kayo after this?" tanong ni Blaze.

Narinig ko ang pagpilantik ni Ryde sa kanyang dila. Paulit-ulit 'yon at naririndi ako. "Wala na. Hinihintay na lang namin si Kuya Led dahil sinundo nya pa sina mommy sa airport." Sagot ko. Hindi pa rin tumitigil si Ryde sa pagpilantik ng kanyang dila.

"W-What?" napatingin ako kay Jean. "Makakasama natin ang biyenan ko sa iisang kotse? I am not yet ready, Chels." Nagpapanik na sinabi ni Jean habang nakayakap pa sa aking braso.

"It's okay. Pwede ka namang mauna." Sagot ko.

Umayos ito ng upo."Just kidding." Sabi pa nito.

Napakurap ako nang makita ang isang paa ni Ryde na nakapatong sa table. Patuloy pa rin ito sa pagpapatunog ng kanyang dila.

"Wala ka bang ibang lakad, Ryde?" biglang tinanong ni Blaze.

Napatingin ako kay Ryde. "I don't walk that much, Blaze. I have a car. Why? Gusto mong sumabay?" sabi na nito na halatang nang-aasar lang.

Tumayo si Blaze at nag-stretch ng katawan. "Sure. May bibilhin ako at tinatamad din akong magdrive." Hinila niya si Ryde para tumayo.

Nakatingin lang kami sa kanila na naghihilaan. "I am not your driver! Yah madapakah!" walang nagawa si Ryde nang tuluyan na siyang mahila ni Blaze.

Naiwan kaming dalawa ni Jean. "He's jealous." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaya.

"What?" I asked.

Lumapit pa ito sa akin. "Nagseselos si Blaze nung nagbubulungan kayo ni Ryde. I saw it, Chels." Bulong niya.

Kunwari ay natawa ako sa sinabi niya. Gusto kong magkunwaring wala lang sa akin 'yon ngunit ramdam ko ang pagguhit ng ngiti sa aking labi. Kilala ko si Jean at malakas ang pang-amoy niya sa ganito.

"Nagseselos siya kapag kasama mo si Ryde."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may ibig ba siyang sabihin do'n. Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. "Nagseselos siya sa inyo ni Ryde. Anong sa tingin mo, Chels?" nakangising sabi niya.

Umiling ako dahil mukhang naiintindihan ko na ang pahiwatig ng kanyang mga salita at ngisi.

"Hindi ako ganong klase ng babae, Jean. Hindi ako gagamit ng ibang tao para makuha ang gusto ko." Seryoso kong sagot.

Oo, desperado ako sa muling panunumbalik ng feelings ni Blaze sa akin ngunit hindi ako darating sa punto na gagamit ako ng isang inosent---Malanding lalaki para makuha ko ang gusto ko. 'Yon ay ang pagselosin si Blaze at mapilitan itong umamin.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinext si Kuya Led. Nanginginig ang kamay ko at hindi ko maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Jean.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped