Kabanata 29
Kabanata 29: Touch Me
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin ang mga 'yon sa mismong harapan ni Blaze. Parang normal lang para sa akin ang kausapin sya ngayon, walang kahit na anong mabigat sa loob ko. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad.
Pagkabalik ko sa clinic ay nagkakagulo ang mga Nurse. Napatingin ako kay Jean na nakatayo rin. Lumapit ako sa kanila para tignan kung saan silang lahat nakatingin.
"Paano ka gagaling kung hindi mo iinumin ang gamot na ito?" Tanong ng isang Nurse kay Ryde na nakasandal lang sa headboard habang nagbabasa ng libro.
Napatingin ako kay Jean, "Anyare? Ba't gising ka na?" Tanong ko sa kanya.
Ngumuso ito kay Ryde, "Ang ingay nila. Si Ryde kasi ayaw uminom ng gamot." sabi nya.
Napatingin naman ako sa Nurse na nanginginig na ang kamay habang hawak ang isang baso ng tubig. Mukhang kanina pa nila pinipilit na uminom ng gamot si Ryde. Halatang walang pakialam sa kanila si Ryde na nakatutok sa libro ang atensyon.
"Mr. Leibniz, please. Baka kung mapano ka. Masyadong mataas ang lagnat mo." Pakiusap ng Nurse.
"Ayokong uminom ng gamot,"
"Hayaan nyo na sya," Umangat ang tingin ni Ryde nang marinig akong magsalita. "Hindi naman kayo ang mamamatay."
Tumagilid ang ulo ni Ryde at alam kong naiinis sya.
"Ang sabi mo wala akong sakit! Feel me, Ms. Vellarde. I'm freaking hot!"
Gusto kong matawa dahil para syang bata na asar na asar dahil hindi sya pinaniwalaan. Hindi ko inakalang matapos nyang magtapat sa akin ng nararamdaman nya ay makakausap ko pa sya ng ganito. Ganito ka ba magmahal? Parang wala lang?
"Touch me, Ms. Vellarde." Nakangising sinabi nya.
Kahit na kung makipag-usap sya sa amin ay parang wala syang nararamdaman ay kitang-kita mo sa kanyang mata ang pagod. Namumula rin ang gilid ng kanyang mata at makikita mo sa labi nyang nakangiwi na hindi nga maganda ang pakiramdam nya.
Lumapit ako sa kanya. Nakasunod ang tingin nya sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinipo ang kanyang noo. Nakatingin lang sya sa akin habang ginagawa ko 'yon. Napangiwi ako nang hindi man lang bumaba ang init nya.
"Oh my god. Ryde, you're freaking sick." Kunwari ay gulat na sinabi ko.
Kumunot ang noo ko. Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"I told you so!"
Tumingin ako sa Nurse at sinenyasan syang ibigay sa akin ang gamot na mabilis naman nyang ginawa. Muli kong hinarap si Ryde na namumula. Nanatiling nakasunod sa bawat galaw ko ang kanyang tingin.
"You drink this medicine, alright? Hindi naman 'to masakit, parang kagat lang ng langgam."
Pinigilan kong matawa nang umawang ang kanyang bibig. Mas lalong kumunot ang noo nya at nagkasalubong na ang makapal nyang kilay. Namumula na rin ang matangos nyang ilong.
"You're treating me like a baby!"
"Because you're acting like one," hindi mawala ang ngiti sa aking labi.
Umilag ang kanyang mukha nang itinapat ko sa bibig nya ang medicine tablet. Hinawakan ko ang kanyang mukha ngunit hinawi nya lang ang kamay ko. Muntik ko ng mabitawan ang baso dahil sa lakas ng paghawi nya sa akin.
"Bakit ba ayaw mong uminom ng gamot?" Hindi ko mapigilang mainis.
Daig nya pa ang bata kung umayaw sa gamot.
"I don't believe in medicine!" Nagulat ako sa isinagot nya.
Ipinatong ko muna sa table ang gamot at baso ng tubig bago humarap sa kanya.
"Why?" I asked out of curiosity.
"Inimbento lang naman nila ang gamot para kunwari ay gagaling tayo. Kunwari ay pag ininom natin ang gamot ay mawawala lahat ng sakit natin. Galing lang naman ang formula ng mga gamot na 'yan sa kung anu-ano tapos papaniwalain nilang gagaling tayo."
Natahimik ako sa sinabi nya.
"That's why I don't take medic--- Aray!" Inis na binatukan ko sya sa ulo.
"Kung anu-ano ang sinasabi mo! Ang sabihin mo hindi ka lang marunong uminom ng gamot!" Singhal ko sa kanya.
Natatawa ako sa mga ginawa nyang rason. Ang nakikita ko lang kasing rason kaya ayaw nyang uminom ng gamot ay hindi nya kayang lunukin. Ibang klase rin ang lalaking ito kung gumawa ng dahilan para makaiwas.
"That's my point. Why do we have to drink those medicine? They could have just made a medicine that will cure us just by staring on it."
"Stop blubbering like a baby and drink this medicine, Ryde."
Hindi ito sumagot. Itinaas nyang muli ang kanyang libro at nagpatuloy sa pagbabasa ro'n. Napatingin naman ako sa mga Nurse na mukhang suko na rin sa pagpapainom ng gamot sa lalaking ito.
Ano ba ang mahirap sa pag-inom ng gamot?!
May naisip naman akong iba kaya napalingon akong muli kay Ryde, "There's another way for you to drink this," sabi ko habang iniisip ang gagawin ko.
Tamad na ibinaba nya ang librong kanyang binabasa. Nanliliit na rin ang kanyang mata.
"I told you... I can't drink that medicine without chewing it. Mapait!"
"Why would you chew it?" Inis na tanong ko sa kanya. "Pagkatapos mong ilagay sa bibig mo ang gamot na ito ay mabilis kang uminom ng tubig para malunok mo. Ano ba ang mahirap do'n?"
"Hindi ko nga kaya. Don't act like a nurse! You're a Mass Communication student! Why don't you just create an article about a drop-dead gorgeous man who doesn't drink medicine instead?"
Hindi ko sya pinakinggan. Tumayo ako at hinanap ang mga gamit na kakailanganin ko. Lumapit ako sa lababo nila at kumuha ng kutsara. Nilagyan ko 'yon ng tubig bago nilusaw ang gamot do'n. Nilagyan ko rin ng asukal.
"Chels, mag-uumpisa na ang next suject natin. Baka ma-late tayo, " bulong sa akin ni Jean.
"Sandali na lang 'to," sagot ko.
Bumalik ako sa kama ni Ryde. Napatingin sya sa hawak kong kutsara. "Hindi ko alam na kinukutsara na pala ngayon ang gamot." Natatawa nyang wika.
"Try this one,"
Mukhang nakuha ko ang interest nya dahil mabilis na binitawan nya ang librong hawak nya. Lumapit ito sa akin at tinignan ang kutsara. "Nilusaw mo 'yong gamot?" Ngumiwi ako nang diretso nyang sinubo ang kutsara at nilunok ang gamot.
Mabilis na kinuha nya ang baso ng tubig at halos maubos ang laman no'n.
"Done!"
"Good boy," Hinawi nya ang kamay ko nung guluhin ko ang kanyang buhok.
Tumayo na ako matapos kong magawa 'yon.
"A-Aalis ka na?" Biglang tanong ni Ryde sa akin.
Pakiramdam ko ay lumungkot ang boses nya dahil do'n.
"May pasok pa ako,"
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata. Pabagsak na humiga ito sa kama at itinaas ang kumot hanggang sa kanyang leeg.
"Sana pala hindi ko na muna ininom ang gamot," bulong nya.
Napabuntong-hininga ako. "Don't worry, Ryde. Babalikan kita bago ako umuwi." Sabi ko na ikinalingon nya. Nanlaki ang mata nya at bahagyang umawang ang kanyang bibig.
"Hihintayin kita,"
Matapos no'n ay hinila na ako ni Jean palabas. Nakakatuwa ang lalaking 'yon pag may sakit. Para siyang bata magsalita at kumilos. Gusto ko sanang isipin na sana ay may sakit na lang sya lagi.
Napatingin ako kay Jean na humikab, "Inaantok pa rin ako." Reklamo nya. Hindi katulad kanina ay hindi na gaanong singkit ang kanyang mata dahil sa antok.
"H'wag ka kasing iinom ng alak kung hindi mo kaya,"
"Oo na. Baka mabangungot na naman ako at suntukin ko si Led sa panaginip ko."
Hindi na lang ako kumibo. Pagkarating namin sa computer laboratory ay maingay na tawanan at kwentuhan ang nadatnan namin. Dumiretso ako sa upuan ko at binuksan ang desktop.
"Saan daw gaganapin ang Recollection ngayon?" Tanong sa akin ni Jean.
Hinila nya ang kanyang upuan palapit sa akin.
"Last year sa Tagaytay---"
"Ang tanong ko ay ngayon."
Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang ayos na nga ang pakiramdam nya dahil nagawa nya na akong barahin.
"Sa Baguio,"
Tumango lang ito bago muling inilagay sa ayos ang kanyang upuan. Kaya naman pala maingay ay pinag-uusapan na nila ang magaganap na Recollection. Mukhang sinabi na rin si Quin ang mga activity na gagawin kaya naririnig kong pinag-uusapan na rin nila 'yon.
"Uy..." Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko nang asarin sya ng mga kaibigan nyang lalaki. "May pagkakataon ka na rin para magtagap kay Fairy!" Humalakhak silang apat matapos 'yon sabihin.
"Gago!" Mabilis na inilayo ko ang upuan ko nang magbugbugan na naman sila sa gilid ko. Halata namang nagkakatuwaan lang sila.
May confession night kasi na mangyayari. Lahat kami ay required na magtapat ng feelings namin sa isang tao. Kahit na anong feelings. Hatred, love, crush... Hindi ko na lang 'yon gaanong pinansin dahil mas excited ako sa ibang activities na mangyayari.
Tumahimik ang lahat nang dumating na ang prof namin. Konting lectures lang ang ginawa nya bago diretso sa activity. 'Yon naman ang gusto ko. Tinatamad akong magsulat kay madalas na nanghihiram ako kay Jean ng notes at magsusulat na lang pag sinipag na ako.
Natapos ang ilang subject at medyo madilim na rin sa labas.
"Teka... Hindi mo ba pupuntahan si Ryde?" Tanong ni Jean nang mapansin na palabas na ng campus an tinatahak namin.
Umiling ako, "Sarado na ang Clinic pag ganitong oras. Malamang na umuwi na rin 'yon." sagot ko sa kanya.
Natigilan ako sa paghakbang nang hawakan ni Jean ang braso ko. Napatingin ako sa kanya.
"Daanan kaya natin?"
Napabuga na lang ako ng hangin bago tumango. Lumihis kami ng daan. Sarado na kasi ang clinic pag ganitong oras at sigurado akong pinauwi na rin nila si Ryde.
Sarado na ang clinic pero naabutan namin si Ryde na nakaupo sa gilid ng pinto. Naka-jacket itong malaki habang naka-headset. Napansin ko rin ang bahagyang pagbuka ng bibig nya na malamang ay sinasabayan nya ang kanta.
"Ryde!" Tawag ni Jean sa kanya.
Hindi ito lumingon dahil malamang na nakatodo ang volume ng headset nya. Wala kaming nagawa kundi ang lapitan sya. Nang makita nya kami ay mabilis syang tumayo at inalis ang headset sa tainga nya.
"Kakalabas nyo lang?" Tanong nya sa amin.
"Ba't hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Ang sabi mo ay babalik ka. Kung uuwi ako, sinong babalikan mo rito?"
Pinigilan ko ang sarili kong mabatukan sya. Hindi naman nya ako kailangang hintayin at ano naman kung masayang ang pagpunta namin dito dahil wala na sya? Mas kailangan nyang magpahinga.
Napatingin ako sa suot nyang jacket. Masyadong malaki 'yon sa kanya na maging ang kamay nya ay hindi na ko na makita. Nakita nya atang nakatingin ako doon kaya inamabahan nyang aalisin ang jacket na 'yon.
"No. Malamig." Pigil ko sa kanya.
Hinaplos ko ang kanyang noo. Napangiti ako dahil hindi na sya gaanong mainit. "Wala ka ng lagnat. Magpahinga ka na lang sa inyo." Sabi ko.
"H-Hindi mo ba ako ihahatid sa amin?" Tanong nya na ikinagulat ko.
"Bakit naman kita ihahatid sa inyo?!"
"May lagnat ako! Hindi ko kayang umuwing mag-isa!"
"Wala ka ng lagnat!"
"Meron pa!"
Napabuga ako ng hangin dahil sa kakulitan nya. Napatingin ako kay Jean nang hawakan nya ang braso ko.
"Hatid na natin sya?" Nakangiwing sabi nya.
Muli kong binalikan ng tingin si Ryde na malawak na nakangiti.
"Okay," maikli kong sagot.
Tinulak ko sya nung aktong yayakap sya sa akin. Humalakhak sya dahil do'n.
"Sana lagi na lang akong may sakit. " dinig kong bulong nya.
"Anong sabi mo?"
"Thank you, Love."
Tinalikuran ko na sya matapos kong marinig 'yon. Matapos kong malaman ang nararamdaman nya sa akin ay parang hindi na ako komportableng tawagin nya ng ganon. Hindi ko alam kung naiilang ako o ano.
Naramdaman kong inakabayan nya ako. Dumampi sa balat ko ang tela ng jacket na suot nya.
Napatingin ako kay Jean na nakangisi. Mabilis na inalis ko ang braso ni Ryde sa balikat ko at inunahan na silang maglakad. Pakiramdam ko ay sobrang init ng mukha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro