Kabanata 28
Kabanata 28: Alone
Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ang katawan ko at mulat na mulat na ang mata ko. Late na rin kami nakauwi kagabi at nakakapagtakang maaga pa rin akong nagising. Kumuha ako ng damit sa cabinet bago pumasok sa loob ng cr.
My lips parted as the cold water touches my skin. Mahina akong napasigaw dahil sa bigla. Mabilis na inilipat ko ang lagay ng tubig sa maligamgam. Hinayaan ko ang sarili kong magbabad sa tubig. Pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi naligo. It really feels good to wake up this early in the morning.
Pumikit ako habang inaalala lahat ng nangyari kagabi. Lahat ng detalye ay alam ko pa rin. Ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ngunit hindi na ganon. Parang pagod na rin ata ang mata kong maglabas ng luha.
Matapos kong maligo ay nagpatuyo ako ng buhok. Matapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Ang akala ko ay ako ang pinakamaagang nagising maliban sa bago naming kasambahay na pansamantalang pumalit kay Manang Lory ngunit may isa pa palang mukhang mas maaga pa sa akin.
"You're already awake," Kuya Led greeted me with amaze written on his face. "Good morning." Sumimsim ito sa kapeng hawak nya habang nakasunod sa akin ang kanyang tingin.
"Kape?" Tanong sa akin ng kasambahay.
I nodded my head as I sat beside Kuya Led. "How 'bout you Kuya? Mukhang nasa mood kang maagang gumising, ah?" Itinukod ko ang siko sa lamesa at pumahalungbaba. Tumaas ang dalawa kong kilay. "Nakatulog ka ba ng maayos?"
Umiwas sya ng tingin at binalingan na lang ng atensyon ang kanyang cellphone. "Bakit naman ako hindi makakatulog?" Tanong nya nang hindi lumilingon sa akin.
Umayos ako ng upo nang ipatong ni Manang ang baso ng mainit ka kape sa harapan ko, "Salamat po." sagot ko at isang ngiti lang ang isinagot nya.
"Nauna pa ngang nagising sa akin si Led," biglang sinabi ni Manang.
Napatingin si Kuya Led kay Manang na mukhang nataranta. Siniko ko si Kuya dahil mukhang natatakot siya. "Sige na po. Kami na ang magliligpit nito." Nakangiti kong sinabi sa kanya.
Tumango sya at mabilis na umalis nang hindi nililingon si Kuya Led.
"Kailan ba babalik si Manang?" Natawa ako sa tanong nya.
Hinipan ko ang kape bago sumimsim dito. "Matagal pa. Bakit? Mabait naman si Manang ah?" Nakangising sabi ko na ang tinutukoy ko ay ang bago naming kasambahay.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Kuya, "Pero mahilig syang sumama sa usapan ng iba." Nakangiwing sabi nya na mahina kong ikinatawa.
"Bakit nga ba sobrang aga mong nagising ngayon?" Kunwari ay naguguluhang tanong ko. "Hindi ko tuloy alam kung natulog ka ba talaga o hindi."
Mas lalong nangunot ang kanyang noo. Pinagmasdan ko ang mukha nya. From his high fade haircut to his chin... Okay. Hindi naman mukhang puyat sya o hindi nakatulog. Baka katulad ko ay maaga lang talaga syang nagising.
"Anong nangyari kagabi?" Pag-iiba nya sa usapan namin. Ako naman ngayon ang nakaramdam ng kaba. "Bakit mukhang nag-away sina Ryde and Blaze?"
Hinawakan ko ang mainit na baso ng kape para pakalmahin ang sarili ko. "Hindi ko rin gaanong maintindihan." 'yon lang ang naging sagot ko.
"I know you were involved, Chels." Tamad na sinabi nya. Tumayo ito at nilagay sa sink ang basong pinagkapehan nya bago bumalik sa tabi ko.
Sinimot ko ang kape bago tumayo at nilagay yon sa sink, "I'm okay, Kuya. I'm trying..." 'yon ang sagot ko sa kanya bago lumabas.
Halos patakbo akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Pabagsak na humiga ako sa kama. Tumulala ako sa kisame. I'm okay... Hindi katulad dati na pagsinasabi ko 'yon ay masikip sa dibdib. I'm really fine at alam kong totoo 'yon.
Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay unti-unti na akong nakakalaya sa tanikala. Maluwag ang paghinga ko at kahit na sumagi sa isipan ko ang mga masakit kong nakaraan ay wala na sa akin 'yon.
Sumabay na ako kay Kuya sa pagpasok dahil dadaan din naman sya sa school namin. "Don't tell her about that." Napatingin ako kay Kuya Led nang aktong bababa na ako sa sasakyan nya.
Bigla kong naisip ang ginawa ni Jean sa kanya kagabi. Malawak na napangiti ako bago tumango. Wala rin naman akong balak sabihin sa kanya ang ginawa nya at malabong maalala nya rin naman 'yon. Gusto ko sanang makita ang reaction nya kung sakali pero baka mapagalitan ako kay Kuya.
Kumunot ang noo ko nung pagkapasok ko sa room namin dahil walang Jean ang tumambad sa akin. Sya ang laging nauuna sa akin, isang beses pa lang ata akong nauna sa kanyang pumasok. Umupo ako sa upuan ko at inayos ang mga gamit ko.
Natapos ang isang subject na walang Jean ang nagpakita. Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon?
"Hoy," Napatingin ako kay Quin. Lumapit ito sa akin. Napansin ko na naman ang compact mirror na hawak nya. "Samahan mo ako mamaya."
Tumaas ang dalawa kong kilay, "Saan?" Tanong ko.
Ibinalik ko na sa loob ng bag ko ang mga gamit ko. Bakit ba hanggang ngayon ay wala pa rin ang babaeng 'yon? Don't tell me hindi sya papasok? Final examination na namin next week.
"May meeting kasi ang mga officers tungkol sa Recollection na mangyayari," umupo ito sa bakanteng upuan ni Jean. "Wala ako gaanong alam sa ganon kaya mabuting sumama ka na lang tutal ay Vice-President ka rin naman."
Ow. Bigla kong naalala ng Recolletion na mangyayari dahil graduating students na kami. 'Yon ang pinakainaabangan ng lahat bukod sa pag-graduate. Pupunta kami sa isang lugar at doon gagawin ang mga activities.
"What time?" I prepared myself to leave.
"After lunch? I'll just send you a private message." Tumango ako bago tumayo.
Palabas na sana ako nang makita ang babaeng papasok. Mukhang hindi pa sya gaanong nakapagsuklay at namumula rin ang kanyang mata. Inaantok na tumingin sya sa akin.
"What happened?" Dinaluhan ko sya nung muntik na syang matumba. "Lasing ka pa rin ba?"
Inalalayan ko syang makaupo. Kulang na lang ay pumikit na ang mata nya.
"Hindi na sana ako papasok pero pinilit ako ni Mommy," humaba ang nguso nya bago sumandal sa upuan. "I'm still sleepy. Agh! Masakit din ang ulo ko."
"Punta ka muna kayang clinic para makahingi ka ng gamot?" Suhestyon ko.
Napangiwi ako nang tumayo sya agad at naglakad palabas. Mabilis na sumunod ako sa kanya. Nakaalalay ako sa bawat hakbang na ginagawa nya dahil baka mahulog sya sa hagdan.
"Oh my god!" Natigilan sya sa paglalakad kaya natigilan din ako. "Nanaginip ako." Biglang namula ang kanyang mukha.
Tumaas ang dalawa kong kilay.
"About what?"
"Nanaginip ako... I punched Led! Dumugo ang labi nya!"
Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil mukhang kabaliktaran ang panaginip nya sa totoong nangyari. "Really? Why did you punch him?" Kunwari ay interesadong tanong ko. Muli kaming naglakad.
"I don't know. I consider that dream as nightmare,"
Hindi na lang ako kumibo pa. Pagdating namin sa clinic ay sinalubong kami agad ng nurse. Tinanong nya kung anong nangyari kaya sinabi kong masakit ang ulo ni Jean na hindi man lang makapagsalita.
"Pwede po ba syang mag-stay muna rito?"
"Sure," hinawi nya ang isang kurtina at mukhang nagkamali sya dahil may tao na pala ro'n. Mabilis na napalingon sa amin si Ryde na nagbabasa ng libro. Nakahiga ito habang malamig na nakatingin sa amin. "I'm sorry..." Nakita ko ang pagguhit ng hiya sa mukha ng babaeng nurse.
Muli nyang ibinalik sa ayos ang kurtina bago pumunta sa kabila. Tinignan nya muna kung may tao ro'n bago 'yon hinawi. "You can stay here," Inayos nya ang unan at bedsheet. "I'll just get you medicine." Sabi nito bago umalis.
Humiga sa kama si Jean, "Anong ginagawa ni Ryde rito? Mukhang hindi naman sya may sakit. ah?" Tanong sa akin ni Jean.
"Kailangan ba may sakit bago pumunta rito sa clinic?" Sagot ni Ryde sa kabila.
Sinenyasan ko si Jean na huwag na lang sumagot pero mukhang hindi nya 'yon naintindihan, "Bakit, Ryde? Alangan namang pumunta ka rito para kumain?" Pabalang na sagot ni Jean.
Ngumiwi ako, "Just sleep, Jean. Para makapasok ka pa mamaya," sabi ko.
Dumating ang Nurse na may dalang tray kung saan nakalagay ang isang basong tubig at gamot. Tinulungan naming makatayo si Jean para mainom 'yon. Napatingin ako sa kurtina nang may humawi rito.
"Nurse pagalitan mo nga ang mga 'yan. Ang ingay eh." Sumbong ni Ryde.
"Kung pumunta ka rin naman dito para matulog, baka pwedeng umuwi ka na lang?" Hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya. Siguro dahil nainis ako na nagsusumbong syang maingay kami pero sya naman talaga ang may kasalanan.
Tumaas ang dalawa nyang kilay at parang namangha sa sinabi ko.
"He has a fever," medyo mabalang na sagot ng Nurse sa akin. Nakaramdam ako ng inis dahil parang pinagtatanggol nya pa si Ryde.
Ngumisi si Ryde sa isinagot ng Nurse, "You don't want to believe?" Nang-iinis na tanong nya. Umayos ito ng upo. "Then touch me..." Nakangising sinabi nya. "Feel me..."
"Shut up, Ryde."
"I'm hot!"
"Okay, fine! Kung hindi maganda ang pakiramdam mo ay matulog ka na lang!" Lumapit ako sa kanya at inayos ang unan nya. Napangiwi ito nang itulak ko sya pahiga. "Rest in peace, Ryde." Ang huling sinabi ko bago inayos ang kurtina.
Inis na binalingan ko si Jean, "You too! Sleep now!"
Umiiling na umalis ang Nurse. Napatingin ako kay Jean na mulat pa rin ang mata. Tinaasan ko sya ng kilay, "Matutulog na nga eh," bumalin ito sa kabila bago niyakap ang unan.
Napailing na lang ako.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko. Binasa ko ang message ni Quin kung saan gaganapin ang meeting. Sandali kong tinignan si Jean at mukhang nakatulog na rin sya.
Aalis na sana ako nang maisipan munang tignan si Ryde. Naabutan ko syang tulog na tulog. Mahigpit ang kapit nya sa kanyang kumot. Napatingin ako sa librong hawak nya kanina na ngayon ay nahulog na sa sahig.
Kinuha ko ito at ipinatong sa side table. Hindi ko alam kung bakit ko pa hinawakan ang noo ni Ryde. "Shit!" Napamura ako nang maramdaman ang sobrang init nito.
Mabilis na lumabas ako para puntahan ang Nurse. "Masyadong mataas ang lagnat ni Ryde. Baka pwedeng paki-check naman sya?" Sabi ko sa Nurse na naabutan ko. Mukhang umalis ang Nurse na kumausap sa amin kanina.
"Sure," Kinuha nito ang thermometer bago naglakad papunta sa kama ni Ryde.
Susunod pa sana ako nang tumunog na naman ang phone ko. Pinaulanan ako ng text message ni Quin kung nasa'n na ba raw ako. Wala akong nagawa kundi ang lumabas na do'n. May nurse naman do'n na magbabantay sa kanila.
Pagkapasok ko sa meeting room ay nahihiyang umupo ako sa tabi ni Quin. Kumpleto na pala sila at mukhang ako na lang ang hinihintay.
Napatingin ako kay Blaze nang tumikhim ito, "Shall we start?" Tanong nya sa lahat.
Naging maayos naman ang meeting namin. Nailista na rin ang mga activities na gagawin namin at kung saan gaganapin ang Recollection ngayong taon. Sumang-ayon ang lahat kaya mabilis na natapos ang pagpupulong.
"Hindi ba parang unfair 'yon?" Tanong ni Quin pagkalabas namin. "I mean... Halos babae tayo tapos kalaban natin mga lalaki."
Napaisip naman ako sa sinabi nya. May mga activities kasi na magkakalaban ang bawat course. Konti lang ang mga lalaki sa amin at malamang na wala kaming laban sa ibang course na halos lalaki ang kasama.
Bigla kong naisip ang sinabi ni Kuya Led nung naglaro sila ng basketball, "Hindi naman natin kailangang manalo. Let's just have fun! 'Yon naman talaga ang rason kung bakit may mga activities na ganon." Sabi ko.
Napatango naman sya, "May tama ka. Sige. Mauna na ako, ah?" Lumihis sya ng daan papunta sa cafeteria.
Napabuntong-hininga na lang ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa Clinic nang may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako kay Blaze na humahangos papunta sa akin.
"Yes?"
"May suggestion ako," Hinahabol pa rin nya ang hininga nya. "Konti lang naman kayo, baka pwedeng mag-merge na lang tayo?" Nakangiti nyang sinabi. "May chance pa kayong manalo."
Napangiti ako sa sinabi nya.
"That's a good idea!" Masaya kong sinabi.
Malawak na napangiti naman sya. Gusto kong matawa.
"Payag ka?"
"That's good but we are best without any help from you..." Ngumiti ako.
Nakita ko ang mabilis na paglaho ng ngiti sa kanyang mukha.
"Excuse me," bago pa man ako makaalis ay nakita ko ang pagsilip muli ng ngiti sa kanyang labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro