Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

Kabanata 27: Realization


Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Jean na nakasandal sa puno. Nakatingin ang mga mata nya sa akin. May hawak itong dalawang alak. Naglakad sya papunta sa akin kaya nanatili ako sa aking pwesto.


"Gusto ko sanang maglasing ngayong gabi. Pwede mo ba akong samahan?" Ngumuso ito habang ipinapakita ang dalawang beer na hawak nya.


Natawa ako sa sinabi nya bago tumango. Pumunta kami sa parking lot at umupo sa harap ng sasakyan namin. Napatingin ako sa maaliwalas na kalangitan. Nakakalula ang dami ng mga bituin at kung paano ito kuminang.


Binuksan ko ang beer na hawak ko at tinungga 'yon. Kumapit ang mainit na tubig sa aking bibig papunta sa aking lalamunan. Hindi ko maramdaman na mapait 'yon. Parang tubig lang na malamig.


"Pwe!" Napatingin ako kay Jean. Namula ang mukha nya habang nakangiwi. Tumingin sya sa akin. "Ba't ba gustong-gusto nila ang alak? Bukod sa hindi masarap ay nakakalasing pa?" Sinubukan nya ulit na uminom do'n. Mas lalong namula ang mukha nya nang lunukin.


Tumawa ako sa reaksyon nya. "Akala ko ba gusto mong malasing? Paano ka malalasing kung juice ang iinumin natin?" Biro ko sa kanya.


Umayos ako ng upo bago muling uminom sa hawak ko. Sobra pa ring bigat ng pakiramdam ko. Hindi pa man ako lasing ay inaantok na ako. Wala naman ako gaanong ginawa ngayon ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Oo nga pala... Umiyak ako. 


"Nakakapagod pala ang umiyak?" Tanong ko. 'Yon lang kasi ang ginawa ko para maramdaman ang ganito.


"Eh ba't kasi umiyak ka?"


Muli kong tinungga ang alak sa bibig ko. Hinabol ko ang hininga ko matapos uminom no'n. Kahit na malakas ang ihip ng hangin ay hindi ko magawang lamigin.


"Para linisin ang mata ko at malinawan?" Natatawang sagot ko.


Tumingin sya sa akin. Nakataas ang dalawa nyang kilay. "Nalinawan ka naman?" Tanong nya. Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko rin alam. Kung nakakalinaw lang ng paningin ang pag-iyak eh ba't hanggang ngayon ay bulag pa rin ako na hindi nya ako minahal?


"Chels? Ngayon ko lang ito sasabihin sa'yo," seryosong sinabi ni Jean habang nakatingin sa aking mata. Bahagya akong natawa dahil sa sobrang seryoso nya. "Ang ganda mo," bulong nya habang nakangiwi. "'Yon lang. Maganda ka lang, Chels. Pero ito?" Itinuro nya ang ulo nya. "Kinulang ka."


Natawa ako sa panlalait nya. Akala ko pa naman ay makakarinig na ako ngayon ng papuri mula sa kanya nang walang hinihinging kapalit. Sumandal ako sa balikat nya at muling uminom sa boteng hawak ko.


"Ang daya ni Blaze," pumikit ako nang mag-init na naman ang gilid ng mata ko. "Hindi naman nya ako pala minahal." Nagbadya na naman ang luha sa aking mata ngunit ginawa ko ang lahat para hindi 'yon pumatak.


Ang sakit isipin na mag-isa lang pala ako no'n. Ako lang ang nagmahal. Ako lang ang naging masaya sa tuwing magkasama kami. Ako lang ang ngumingiti. Ako lang ang nasaktan. Siya? Wala. Bakit naman sya magiging masaya kung lahat ay pagpapanggap lang?


"I heard everything,"


"I know. Chismosa ka eh." Muntik na akong mahulog nang itulak nya ako. Napangiwi ako nang bumuhos sa damit ko ang konting alak dahil sa ginawa nya. "Jean!" Ngumuso ako.


"Pero bakit sya nakipaghiwalay sa'yo?"


Natawa ako sa tanong nya. Itinaas ko ang kamay ko bago isinigaw ang mga katagang, "Dahil hindi naman nya ako minahal!" Pumikit ako nang halos maubos ko na ang laman ng alak.


Sa pagkakataong 'yon ay wala na akong nagawa para pigilan ang pagpatak ng luha sa mata ko. Hays. Pagod na ako pero mukhang mas mapapagod pa ako dahil sa mga luhang ito.


"May tanong ako," muli akong humarap sa kanya. Nakangiti ako kahit na umiiyak. Tumungga sya ng alak bago nagsalita. "Matapos mong malaman ang lahat. Ano ng gagawin mo ngayon?"


'Yon ang tanong na hindi ko nasagot. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.


May kinuha ito sa pouch nya at ibinigay sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa compact mirror. "Tumingin ka sa salamin, Chels. Malalaman mo kung ano ang mali sa'yo." aniya.


Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Sobrang pula ng mata ko, magulo ang buhok ko. Parang nakatingin ako sa ibang babae... babae na walang ibang ginawa kundi ang masaktan.


"You are messed up. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"


Hindi ko maalis ang tingin ko sa sarili ko. Hinawakan ko ang pisngi ko at nakita ko naman 'yon sa salamin pero parang hindi talaga ako. Sobrang lagkit ng mukha ko dahil sa mga natuyong luha.


"Why don't you love yourself first? Baka kaya ka nasasaktan ay dahil mas minamahal mo ang ibang tao kesa sa sarili mo." Nakikinig lang ako kay Jean. Lahat ng sinasabi nya ay tumatagos sa dibdib ko. "Mas lalong gumagwapo si Blaze habang ikaw ay losyang na. Ew." 


Ngumuso ako sa panlalait nya pero hindi ko magawang pumalag. Mukha nga akong pinagsakluban ng langit at lupa. Mas mukha pa akong kawawa kesa sa mga batang lumaki sa lansangan.


Binaba ko ang salamin dahil hindi ako komportableng makita ang mukha kong ganito. Ngumisi ako bago tumingin kay Jean. "I-make over mo ako?" Tanong ko sa kanya.


Pumungay ang mata nya nang ngumiti sya. "Gaga. Anong make over ang sinasabi mo? Maligo ka lang pwede na." Natawa ako dahil akala ko ay 'yon ang gusto nyang mangyari. "Saka pwede ba? Bawas-bawasan mo ang pagiging madrama mo? Lagi na lang iyakan eh. Nakakasawa na."


"Bukas sige, madugo na naman." biro ko sa kanya.


Humikab ito sa harapan ko kaya mabilis na umiwas ako. Tama lang na sa lalamunan umabot ang alak, ayokong maamoy dahil nasusuka ako.


"Pag nagmahal ako, ayokong maging katulad mo." Ngumiti ito bago umayos ng upo. Tumingala ito sa taas. "Masasaktan ako panigurado, magpapakatanga rin katulad mo pero hindi ganyan kalala." Ipinakita nya sa akin ang limang daliri nya. "Hanggang lima lang ang kaya kong iiyak para sa isang lalaki. Pag naabot na 'yon? Kahit na mahal ko sya ay lalayo na ako. Hindi ko kailanman iiyakan nang iiyakan ang isang lalaki. Maganda ako kaya marami pa rin ang magkakandarapa sa akin." Humalakhak sya matapos nyang sabihin 'yon.


Nakatingin lang ako sa kanya. Ayokong maranasan nya kung ano ang naranasan ko. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang babaeng ito dahil lang sa isang lalaki... kahit na kay Kuya Led.


"Kaya mo bang magmahal ng ibang lalaki maliban kay Kuya?" Tanong ko sa kanya.


Malakas na tumawa ito.


"Anong akala nya? Sya lang ang gwapo sa mundo?" Natatawang sagot nya.


Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko na pala. Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa biglaan nyang pagsulpot. Wala sa sariling inubos ni Jean ang alak na hawak nya habang hindi makatingin kay Kuya Led.


"Maraming gwapo sa mundo pero ako ang pinaka." Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.


Humalukipkip si Jean, "Hindi ko kailangan ang pinaka kung sasaktan nya lang ako? Duh... Ang ganda ko kaya." Pagmamayabang pa niya.


Nakita kong ang pagkainis sa mukha ni Kuya dahil sa sinagot ni Jean. "That's my point. Don't look for a good-looking guy... Find someone like me. He'll surely love you without hesitation." Ngumisi si Kuya. "Now, get out of my car."


Tumaas ang kilay ni Jean. "Alam mo bang nag-uumpisa na akong mainis sa'yo?"


Tumaas ang dalawang kilay ni Jean. Gusto kong umawat pero natutuwa ako sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang nakitang pumatol sa babae si Kuya Led. Karamihan kasi pag nainis sya ay hindi na nya pinapansin .


"Do I look like I give a damn? Loathe me then... I don't care."


Hinila ko na si Jean pababa sa sasakyan. Tinamaan na rin sya ng alak kaya sya nagkakaganito at alam kong hindi nya gustong magkasagutan sila ni Kuya.


Mabilis na inalalayan ko sya nang muntik na syang matumba. Dinuro nya si Kuya Led habang nakanguso. "Mapundi ka sana!" sigaw nya na malakas kong ikinatawa.


Nabitawan ko sya dahil sa sobrang kakatawa.


Bumali ang leeg ni Kuya Led dahil sa inis. Pinilit ko ring pahupain ang tawa ko dahil baka mas lalo syang mainis. "Ba't mo pinainom ng alak ang babaeng 'yan?" Tanong nya sa akin.


"Siya kaya ang may sabi..."


Pinasadahan nya ng daliri ang kanyang buhok. Namumula na rin ang tainga nya dahil sa inis.


"Chels... inaantok na ako. Ayusin mo na 'yong kama."


"Shut up, Jean. Wala ka sa bahay."


Napatingin syang muli kay Kuya Led. "Anong tinitingin-tingin mo sa akin?" Pagsusungit nya. Ngumiwi ako nang muntik na kaming matumba dahil sa kagaslawan nya.


"Akin na nga," Kinuha ni Kuya Led sa akin si Jean at sya ang humawak sa kanya. "Mag-iinom pero hindi kaya. Stupid."


Nakatingin lang ako kay Jean na nakatitig kay Kuya Led. Nanlaki ang mata ko nang bigla nyang halikan sa labi si Kuya. Sa sobrang gulat din ni Kuya ay nabitawan nya si Jean. Napaupo ito sa sahig.


Tumingala si Jean. "Ba't mo ako hinalikan?" Tanong nya kay Kuya Led gayong sya ang humalik.


Napahawak si Kuya Led sa ilong nya. Sobrang pula na rin ng mukha nya. Muli nyang itinaas si Jean para alalayan. "Don't tell her about that kiss." May halong pagbabantang sinabi ni Kuya sa akin.


Wala sa sariling napatango na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang hinalikan nya si Kuya Led. Lasing sya kaya malamang na hindi nya alam ang ginawa nya pero nasa huwisyo si Kuya. Totoo ang halik na 'yon.


"Ihahatid ko lang sya sa loob. Hintayin mo ako at sabay tayong uuwi." aniya bago hinila si Jean pabalik sa loob.


Hindi pa rin mawala sa aking isip ang halik na 'yon.


Matapos nilang mawala sa paningin ko ay napaisip ako sa mga sinabi ni Jean. Magmula nung malaman kong mahal ko sya ay nawalan na ako ng panahon sa sarili ko. Ibinuhos ko sa kanya ang lahat ng atensyon ko at sinaktan ang sarili ko nang paulit-ulit.


Siguro, panahon na para mahalin ko naman ang sarili ko.


Ngumiti ako bago sumandal sa sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped