Kabanata 26
Kabanata 26: Enough
Natigilan ako sa paghakbang nang may maramdaman akong humawak sa braso ko. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ang namumulang mata ni Ryde.
Mukhang pagod na pagod sya...
"Can I talk to you?" I gulped when our eyes met.
"A-About what?" Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Sobrang hinahon no'n na maging ako ay nababahala.
Binitawan nya ang pagkakahawak sa braso ko at nag-umpisang bumalik sa kung saan ko sya nakita kanina. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang pag-usapan namin pero sumunod ako.
Nanatili ako sa likod nya. Ang bigat sa pakiramdam. Para akong lalagnatin. I have no idea what's happening to me. Ginugulo ako ni Ryde.
Huminto sya sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod sa akin. Humangin kaya medyo nagulo ang buhok nya.
"Chels..." Parang kinapos ako ng hangin nang bigla syang humarap sa akin. Umawang ang bibig nito na parang gusto pang magsalita ngunit pinigilan nya ang sarili nya.
I didn't bother to open my mouth and I suddenly became voiceless in front of him.
"Don't cry again..." He said. Ngumiti ito sa akin. Bahagya syang lumapit sa akin. Hinawakan nya ang balikat ko kaya naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay. "Please. Don't hurt me again."
Namula ang gilid ng kanyang mata kaya binitawan nya ako. Bahagya syang tumalikod sa akin at nakita ko ang pasimple nyang pagpunas sa kanyang mata.
Damn... I need to say something. But what? I couldn't find any word to say right now. The guy standing in front of me now is not the guy I used to know. Hindi ko makita ang galak sa kanyang mata.
"What do you want, Ryde?" Finally. Nagawa kong magsalita.
Narinig ko ang pagsinghap nya bago humarap sa akin. Nanginginig ang kamay ko hindi dahil sa lamig kundi dahil sa mukhang may ideya na ako kung ano ang mangyayari ngayon.
"Can't you see?" Ipinakita nya sa akin ang phone nya. "I'm already trying so damn hard to forget you... My feelings for you."
"W-Why?"
"I don't want to say this but... Chelsea Vellarde. My Earth..." Nag-umpisang pumatak ang luha sa kanyang mata. "I love you."
Napanganga ako kahit na alam kong 'yon ang sasabihin nya. Nag-init ang gilid ng mata ko. Ngayon ay bumalik lahat ng alaala na inaasar nya ako. 'Yong mga panahon na si Blaze ang pinili ko.... Damn. Nasasaktan na pala sya no'n.
"R-Ryde..."
"Ssshhh... Don't reject me now... Just not now. I need to prepare myself." Mahinang tumawa ito.
Madiin nyang pinunasan ang kanyang luha sa mata. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Kanina ko pa nararamdaman ang pagpatak ng luha sa mata ko.
"I want the best for you and the best for you is my biggest breakdown."
May kinuha sya sa kanyang bulsa. Sinindihan nya ang sigarilyo. Nanginginig ang kamay nya na hindi nya magawang hawakan ng maayos 'yon. Bumuga sya ng usok sa hangin.
"Smoking is dangerous to your health, Ryde."
Tumawa sya sa sinabi ko. "Smoking is dangerous but you're a poison that already killed me." He shook his head.
Napaupo ako nang malanghap ang usok mula sa kanyang sigarilyo. "Fuck..." Binitawan nya ang sigarilyong hindi nya pa nakakalahati at inapakan 'yon.
"I'm sorry, Love."
Suminghap ako ng hangin. Ngumuso ako nang makitang nakangisi sya sa akin. "What?" Kunwari ay iritang tanong ko.
Umiling ito.
"Sa tingin ko ay suko ka na," Napatingin kami sa isa pang lalaking nasa gilid namin. May hawak itong dalawang beer at hinagis nya ang isa kay Ryde.
"You won, Blaze." Itinaas ni Ryde ng beer. "Congrats..." Nanginig ang boses ni Ryde.
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata ni Blaze dahil sa sinabi ni Ryde. Namumula na rin ang mukha nya kaya malamang na nakainom na ito.
"I hate you, Ryde." May diining sinabi ni Blaze.
Mahinang tumawa lang si Ryde. "I know." Uminom sya ng beer. Tumingin sa akin ang naniningkit na mata ni Ryde.
Mabilis na umiwas ako ng tingin. Ibinaba ko ang tingin ko sa damuhan. Nanghihina akong nakikita ang malungkot nyang mata.
"I want to ask for forgiveness now..." Napanganga ako nang lumuhod si Ryde sa harap ni Blaze. "Forgive your bestfriend, Blaze." he whispered.
Napatakip ako sa aking bibig nang dumapo ang kamao ni Blaze sa mukha ni Ryde. Bahagyang napaupo si Ryde sa damuhan. Nanatiling nakayuko ang kanyang ulo.
"Can you still remember that first time I punched you, Ryde?"
Tumatawang tumayo si Ryde. Putok ang kanyang labi na may dugo pa. "And now I lost the count..." Natatawang sagot nya. Humangin nang malakas na gumulo sa kanilang buhok.
Sa tingin ko ay dapat na akong umalis. Hindi na ako kailangan dito. Sa tingin ko ay mas magandang maiwan silang dalawa.
"No..." Natigilan ako sa paghakbang nang pigilan ako ni Blaze. "Stay here, Chels."
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata ni Ryde. "Blaze. Hayaan mo na sya. Pakiusap. Tama na. Ako na lang." Walang emosyong sinabi ni Ryde.
Lumakas ang kaba sa aking dibdib dahil sa mga sinabi nya. Pakiramdam ko ay may malalaman akong dapat ay hindi ko marinig.
"Yes, Ryde. That's what I want." Tumaas ang isang sulok ng labi ni Blaze. "Sasaktan ko sya hanggang sa magsawa ako."
Napanganga ako sa sinabi nya. Parang sinaksak ng kutsilyo ang dibdib ko para maging ganito. Walang luhang pumatak sa aking mata.
Bumali ang leeg ni Ryde. "Fuck you... Don't hurt her." Hinawakan ni Ryde ang kwelyo ni Blaze. Walang mababakas na takot sa mata ni Blaze bagkus ay nakangiti pa ito.
Nanatili akong nakatayo kahit na may parte nagsasabi sa akin na umalis na ako.
"Listen, Chels. Hindi kita kailanman minahal." Isang suntok ang inabot ni Blaze mula kay Ryde.
Hindi ako nakapagsalita. Walang luhang pumatak sa aking mata. Pakiramdam ko ay naabot ko na ang pinakasukdulang sakit na kahit luha ay hindi na 'yon kayang sabihin. Kinagat ko ang labi ko.
"I used you for my revenge!" Isang suntok pa ang inabot nya kay Ryde. "Para makaganti sa ginawa sa akin ni Ryde." Hindi ko na mabilang kung ilang suntok ang inabot nya kay Ryde.
Napaluhod ako sa damuhan. Walang luha. Pagod. Nanginginig.
Mabilis na lumapit sa akin si Ryde. "Hey... H'wag kang luluhod dito. Hindi ito simbahan." Natatawang biro nya sa gitna ng pagpatak ng luha sa kanyang mata.
Sinubukan nya akong itayo ngunit hindi ako sumunod. Hinablot ni Blaze ang damit ni Ryde at itinulak palayo sa akin.
Nanginig ang labi ko nang makitang ngumisi sa akin si Blaze.
"B-Bakit?" Ang tanging katagang lumabas sa aking bibig.
"Alam mo bang dati pa may pagtingin sa'yo si Ryde?" Tanong nya sa akin. Nanatiling nakaupo sa damuhan si Ryde. Nakakuyom ang kamao nito. "Dahil sa'yo ay nagawa kong makapaghiganti. Higit pa sa nais ko." Mahinang tumawa ito.
"Blaze... Tama na. Hayaan mo na si Chelsea. Ako na lang."
Naglakad papunta sa kabilang bahagi namin si Blaze. Ngayon ay nakaupo na kaming lahat sa damuhan at nakatingin sa isa't-isa.
"Gago kasi 'yan eh. Alam mo bang inagaw nya sa akin ang babaeng mahal ko?" Pumula ang gilid ng mata ni Blaze. "Tuwang-tuwa pa naman ako pag nagkukwento ako sa kanya kung gaano ko kagusto ang babaeng 'yon pero ang gago. Hindi sinabing sila na pala."
Kinain kami ng katahimikan. Matapos sabihin ni Blaze 'yon. Dinig na dinig ko ang mabibigat naming paghinga. Muling umihip ang hangin.
"Ryde is such a great pretender. Ibinalin nya sa iba't-ibang babae ang kanyang atensyon at nagkunwaring wala syang pakialam sa'yo para tigilan na kita..." Mahinang tumawa muli si Blaze.
Hindi kami nagsasalita ni Ryde. Nagkatitigan kami. Inilabi nya ang mga katagang... "Patawad..."
"Pero hindi nya maitatago sa akin na nasasaktan sya pag magkasama tayo. Nice try..." Ngumisi sya kay Ryde.
"You are such a jerk, Blaze." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin 'yon. "I loathe myself for loving you."
Malakas na tumawa si Blaze. Halos mag-echo pa 'yon sa paligid. Sa gitna ng pagtawa nya ay sumabay ang pagbuhos ng luha sa mata ko. Akala ko ay pagod na ako... Hindi pa pala.
"Huwag kang magkunwari, Chels. Alam kong patay na patay ka pa rin sa akin."
Kumuyom ang kamao ko dahil sa mga sinabi nya. Kumulo ang dugo ko at gusto ko syang paulanin ng malakas na sampal.
"Why don't you kiss me?" Nagulat ako sa sinabi ni Blaze. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "I know you've been craving for my lips."
Ngumisi ako sa kanya. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa kanya. Nakatingin lang sa akin ang nakangisi nyang mukha.
Bahagya akong yumuko at tumingin sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya at ginawaran ng isang halik ang kanyang labi.
Ngumiti ako bago inilapit ang aking bibig sa kanyang tainga.
"I've had enough of you. Wait until I get over you..." I whispered.
Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palayo. Inis na pinunasan ko ang luha sa aking mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro