Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

Kabanata 25: Birthday

Tumingin ako sa reflection ko sa salamin. Sinubukan kong ngumiti kahit na kinakabahan ako. Kanina pa ako dito sa loob ng kwarto ko kahit na tapos na akong mag-ayos.

"Chels?" Dinig kong tawag ni mommy sa labas.

Pinasadahan kong muli ng tingin ang sarili ko bago huminga nang malalim. Naglakad ako papunta sa pinto at sinalubong ng ngiti si mommy.

"Aw. My gorgeous daughter." Humalik ito sa pisngi ko bago ako binigyan ng saglit na yakap.

Saktong kalalabas lang din ni Kuya Led sa kanyang kwarto. Busy pa ito sa pagbubutones ng kanyang kulay gray na long sleeve.

"Thanks mom," Nakangiting sinabi ko.

Napatingin si mommy kay Kuya Led. Malapad na napangiti si Kuya Led. "Why don't you greet your handsome son, mom?" Nakangising sinabi nya.

"Tumigil ka. Hindi ko pa nakakalimutan na maaga kang umuwi para makadalo sa basketball na 'yon."

Natawa ako sa sinabi ni mommy. Ang akala ko ay maaga talaga syang natapos. Tumakas lang pala.

"You look handsome tonight, Led." Natatawang sinabi ni daddy na nakaupo sa sofa.

Kuya Led frowned, "Just tonight?" Naglakad ito papunta kay daddy.

"Of course, I am more handsome than you, son. Always remember that."

Mahinang tumawa si Kuya Led. Pumasok muna si mommy sa kwarto nila dahil mukhang may nakalimutan sya. Dumalo ako kina Kuya at Dad.

Tumaas ang dalawang kilay ni Kuya Led habang nakatingin sa akin. "Hindi naman halatang pinaghandaan mo ang gabing ito." Nakangising sinabi nya.

Pinitik ko ang buhok ko bago lumapit kay daddy at binigyan ito ng halik sa pisngi at saglit na yakap. "You look beautiful and sexy as always, Chels." Nangingiting binalingan ko ng tingin si Kuya Led.

Hindi ito kumibo at inabala na lang ang sarili sa kanyang phone.

"Sandra! Let's go!" Sigaw ni Daddy dahil kanina pa si mommy sa loob.

Hinagis ni daddy ang susi ng sasakyan kay Kuya Led na mabilis naman na nasalo ni Kuya. Narinig ko naman ang  mura ni Kuya nang mahawakan nya ang susi ng kanyang dream car. Ang usapan nila ni daddy ay pag na-promote si Kuya Led sa trabaho ay ibibigay nya 'yon kay Kuya.

"Sandra!"

Sumilip sa pinto si mommy at sinamaan ng tingin si daddy. "Bakit ba nagmamadali ka, Mr. Richard Vellarde?" Lumabas si mommy at dahan-dahan na naglakad papunta sa amin.

Tumawa si daddy bago sya sinalubong. "You're the most beautiful woman I've ever met, hon." Hindi ko alam kung bulong ba 'yon.

"Yah right, dad. Mom is the most beautiful woman we've ever met." Then he looked at me. Ngumisi ito at alam kong inaasar nya ako.

Nauna silang lumabas dahil nagpaalam ako na pupuntang comfort room sandali. Inayos ko ang bagsak kong buhok. Kinalma ko ang sarili ko.

Ngayon ang birthday ni Ram at imbitado rin pala sina mommy. Hindi ko maiwasang kabahan ng sobra dahil ngayon ang unang pagkakataon na makakatapak ako sa mansion ng mga Abelard.

Narinig ko ang sunod-sunod na busina sa labas kaya nagmadali na akong lumabas. Sumakay ako sa tabi ni Kuya na magda-drive habang nasa likod naman sina daddy at mommy.

"Akin na ba 'to, dad?" Tanong ni Kuya habang nagmamaneho.

"No!" Si mommy ang sumagot na ikinatawa na lang ni daddy. "Umayos ka muna sa trabaho," Bumalin si mommy ng tingin kay dad dahilan ng pagtahimik nito. "Huwag mong kukunsintihin ang anak mo."

"Aye Aye commander!" Bahagyang sumaludo si dad.

Hindi ko maiwasang mainggit kung gaano kahigpit ang bond nila. They are the reflection of a perfect love story for me. May mga hindi pagkakaintindihan pero nauuwi rin ang lahat sa yakapan. Someday, I want to be like them.

"Hindi ka raw pumasok sa klase mo nung isang araw?" Bulong na tanong sa akin ni Kuya.

Napatingin ako sa rear-view mirror. Busy sina mommy sa pag-uusap at hindi nila 'yon narinig.

"Kuya baka marinig ka nila mommy," Nakangusong sinabi ko.

Saglit syang tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. Umiling-iling ito. Kumislap ang kulay itim na earring sa kanyang tainga.

"Hindi ka naman siguro gagawa ng hakbang na ikapapahamak mo, 'no?"

Umiling ako. "Inantok ako. Natulog ako. Akala ko ay ilang oras lang pero hindi ko inakalang hapon na ako magigising." pagpapaliwanag ko.

Iniwasan kong sabihin na kasalanan nya kaya hindi ako nakatulog pero mukhang magagalit lang sya at baka marinig sya ni mommy. Patay ako kung sakali.

Hindi na muling nagsalita si Kuya Led at hindi na rin ako nagsalita pa. Buong byahe ay nakikinig lang kami sa kwentuhan nina mommy at daddy. Pagkapasok namin sa loob ng event ay marami-rami na ring tao.

Humigpit ang hawak ko sa regalong hawak ko habang ngumingiti sa mga kakilala ko. Lumihis naman ng daan si Kuya Led nang makita ang tropa nya.

Sumama lang ako kina mommy at daddy. Sinalubong kami ng mag-asawang nakangiti. Kinabahan ako nang sa unang pagkakataon ay makita ko sila. Nakita ko na sila sa pictures kasama si Blaze pero hindi sa malapitan.

"Mabuti at nakadalo kayo, Sandra." Humalik ang babae kay mommy.

"You know us, Gina. We are one call away." Biro ni mommy.

Nagkamayan naman sina daddy at ang dad ni Blaze. Kuhang-kuha ni Blaze ang features ng kanyang ama.

"How's life, Cris?" Dad asked.

Mahinang tumawa ang daddy ni Blaze. "Medyo tumatanda na," sabay silang tumawa.

Napatingin sa akin ang mommy ni Blaze. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba ngunit pinilit kong ngumiti.

"Oh, it's nice to see you, dear." Nagulat ako nang yakapin ako ng mommy ni Blaze. "I'm really glad to meet you. Finally." bulong nya pa.

Tumingin sa akin ang daddy ni Blaze. "You really look like Sandra." Mahinang tumawa ito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko na nauwi na lang sa pagngiti. Halos mangawit ako sa sobrang laki ng ngiti na ginawa ko para hindi mahalata ang kaba at pagkailang na nararamdaman ko.

"Ramez!" Tawag ng daddy ni Blaze sa isang lalaking nasa isang table kasama ang lima pang lalaki.

Napatingin sa akin si Ram. Nanlaki ang mata nito at mabilis na tumayo. "Ate Chels!" Masayang yumakap ito sa akin na ikinatawa ko.

"Happy birthday, baby boy."

He pouted his lips. "I already have a girlfriend!" Turo nya sa isang babaeng nasa isang table. Maikli ang buhok no'n na kulay itim. Nakatalikod ito sa amin pero halatang maganda.

"Ikaw lang ang nakakaalam," Napatingin ako kay Blaze na nasa likod ko pala.

Bahagya akong gumilid.

"Young version of Mr. Cris Abelard," Inilahad ni daddy ang kamay nya sa harapan ni Blaze.

Nakangiting inabot 'yon ni Blaze. "Nice to see you again, Sir."

Nakita kong umikot ang mata ni mommy kaya mabilis na lumapit ako sa kanya. "Mom... Please." Bulong ko sa kanya.

Alam kong may galit syang nararamdaman kay Blaze dahil alam nya ang ginawa nito. Sinumbong ako ni Kuya Led.

Yumakap si mommy kay Blaze. Bumati si Blaze ngunit tango lang ang isinukli ni mommy.

"Soon, Kuya. Soon!" Napatingin kaming muli kay Ram.

"Ligawan mo muna bago mo tawaging girlfriend." Biro ni Blaze.

"Study first, Ram. 'Di ka mauubusan ng babae." Seryosong sinabi ng daddy nila.

Ngumuso si Ram bago napatingin sa hawak ko. Inabot ko naman sa kanya ang regalo ko. "Thank you, Ate Chels." Masayang yumakap itong muli sa akin.

"Ram. Your soon to be girlfriend is here," tumikhim si Blaze.

Kumawala naman sa pagkakayakap sa akin si Ram bago tumingin sa babaeng tinuro nya kanina. Namula ang pisngi nito bago muling humarap sa akin.

"Oo nga pala, Ate Chels. Ando'n si Ate Lyn!" Tinuro nya ang nasa bandang dulong table.

Tumawa ako nang mali na naman ang tawag nya kay Jean.

"Ate Lyn?" Nagtatakang tanong ni Blaze.

"Jean, Ram. Ate Jean, not Lyn."

Tumango naman ito bago bumalik sa kanyang mga kaklase ata. Napatingin ako sa mga parents namin na nasa isang table na. Kami na lang ni Blaze ang naiwan.

"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Blaze. Nakasimpleng black long sleeve lang ito na nakatupi hanggang siko.

"Hindi pa," sinubukan kong tanawin ang table nila Jean mula sa pwesto ko pero hindi ko magawa. "Baka sabay na lang kami ni Jean." sabi ko pa.

Tumango naman sya at tinignan kung saan ako nakatingin. Tumikhim ito na ikinalingon ko.

"Tara. Ando'n sila." Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko. Sa halip na humawak ako do'n ay ngumiti lang ako.

Napansin nya atang wala akong balak na tanggapin 'yon kaya ibinaba nya rin. Nauna syang naglakad sa akin habang palingon-lingon sa akin.

"Kayo na ulit?" Napatingin ako sa babaeng nasa isang table. Hindi ko sya matandaan pero mukhang may alam sya sa amin.

Napatingin ako kay Blaze. "Thank you for coming, Shena." Ang tanging lumabas na kataga sa bibig ni Blaze bago muling nagpatuloy.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya 'yon sinagot. The answer is simply no. Hindi ko na lang 'yon gaanong inintindi.

Dumating kami sa table kung nasan sina Irene, Jean at isang babae na hindi familiar sa akin.

Pinanghila ako ng upuan ni Blaze. Hindi ko binalingan ng tingin si Jean dahil alam kong nakatingin sya sa bawat kilos ko.

"You're so beautiful, Chels. Bagay na bagay sa'yo ang floral dress." Masayang sinabi ni Irene.

"Aw. Thank you. Hindi na kita kailangang sabihan ng maganda since alam mo na 'yon." Biro ko na ikinatawa nya.

Napatingin ako kay Jean na humahaba ang leeg. Palingon-lingon 'yon sa paligid at mukhang alam ko na kung sino ang hinahanap nya.

Sasagot pa lang sana ako nang makita na ang grupo ng mga lalaki na palapit sa amin. Mabilis na napaiwas ako ng tingin.

Lumipat sina Kuya Led ng table sa gilid namin. Pasimple ko silang tinignan. Kasama nila sina Jude, Ryde, Jux at iba pang tropa nila. Bumalik na sa ibang bansa si Kuya Light dahil do'n ang trabaho nya.

Napatingin ako kay Ryde na busy sa kanyang phone. Nakasimpleng long sleeve itong maroon. I know it's his favorite color at 'yon ang malimit na kulay ang isinusuot nya pag may ganitong selebrasyon.

Napatingin sa amin si Kuya Led. Nagulat ako nang kumaway sya kay Jean. Napatingin ako kay Jean na nakangiti lang. Aba. Hindi na ata sya gaanong malikot pag kinikilig.

Tumayo si Jude at lumapit sa babaeng kasama namin. Nakita kong umiwas ng tingin si Irene na umiinom ng juice.

"Ah, girls." Tawag ni Jude sa aming atensyon. "This is Arra... My fiancé." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Fiancé? Really?" Manghang tanong ni Jean.

Tumango naman si Jude na nakangiti. "Hmmm... Arra. This is Jean," turo nya kay Jean na ngumiti lang sa kanya. "And... Chelsea." Kumaway ako sa kanya.

Umangat ang kilay ko nang makita ang pasimple nyang pag-irap. Napansin ko rin na kanina pa sya nakatingin sa suot ko. What's with Jude's fiancé?

"Just call me if you need something." Dinig kong bulong ni Jude sa kanya. Tumango naman si Arra. Nagulat ako nang hilain nya ang batok ni Jude at ginawaran ito ng isang halik sa labi.

Nahihiyang ngumiti sa amin si Jude bago bumalik sa table nila Kuya Led.

Tumayo si Arra at walang pasabing naglakad palayo. Hindi ko alam kung saan sya pupunta at wala akong panahon magtanong. Mukhang hindi ko magugustuhan ang babaeng 'yon.

"I'm sorry for that." Nahihiyang sabi ni Irene.

Hindi na lang ako nagsalita.

"Arra? I don't like her." Kinuha ni Jean ang wine glass at sumimsim do'n. Ngumiwi sya bago ito binitawan. "I hate this drink too... Just like Arra."

Natawa ako sa sinabi nya. "Kain na tayo?" Aya ko sa kanila.

Tumayo na kami para kumuha ng pagkain. Dumaan kami sa likod ni Ryde na busy sa kanyang phone. Hindi man lang nya ata alam na andito kami.

Kumuha lang kami ng pagkain. Hindi naman ako gutom kaya konti lang ang kinuha ko. Pagbalik namin sa table ay dumaan kaming muli sa likod ni Ryde. Napailing ako nang makitang may ka-text sya.

"Okay naman sya. Medyo ganon lang talaga ang ugali nya." Gusto kong matawa na ipinagtatanggol pa ni Irene ang walang modong babaeng 'yon.

"Okay naman nga sya. Okay naman syang sampalin." Iritang sinabi ni Jean. "She looks like an insecure bitch."

"Jean..." Pigil ko sa kanya.

Hindi na lang sya kumibo ulit. Ayoko rin sa ipinakitang ugali ng babaeng 'yon. I don't like her for Jude. Jude is an asshole but he's a good friend. Kung hindi sila magkapatid ni Irene ay iisipin kong mas bagay sila.

Tumayo si Kuya Led. Tumango naman sa kanya si Blaze. Hindi ko alam kung saan sya pupunta pero dahil sa direksyon na tinahak nya ay malaman na papasok sya sa loob.

"Ryde! Umuwi ka na. Busy ka ata." Biro ni Jude.

Bahagyang umangat ang ulo ni Ryde bago bumalik sa kanyang phone. Tumaas ang kilay ko dahil mukhang importante ang ka-text nya ngayon.

Tumayo si Ryde. Nagpaalam ito kina Jude bago umalis.

Napatingin ako kay Arra na kakabalik lang. Kinuha nito ang isang wine glass at maarteng sumimsim do'n. Masyadong makapal ang kanyang lipstick.

"You smoke?" Dinig kong tanong ni Irene.

Maarteng tumaas ang isang kilay nya. "And so what if yes? Mind your own business." Umawang ang bibig ko sa sagot nya.

"May taning na ang buhay mo," nagulat ako sa sinabi ni Jean.

"Excuse me?" Mas lalong tumaas ang kilay ni Arra.

"Nagsisigarilyo ka. Malamang na malapit ka ng mamatay."

Hinawakan ko sa braso si Jean. Umiling ako sa kanya at kinalma sya. Kahit ako ay hindi na rin makapagpigil pero baka gumawa lang kami ng eksena. Andito sina mommy at magiging kahiya-hiya kami.

"Even if you smoke or not, we'll also die and that's inevitable."

Hindi na lang kami kumibo. Umiling din sa amin si Irene na nahihiya na dahil sa inaasta ng magiging asawa ni Jude. Ngayon pa lang ay naaawa na ako kay Jude.

Tumayo ako para magpahangin. Pumunta ako sa mapunong bahagi ng mansion nila. Mabilis na napansin kong may tao do'n. Bahagya pa akong lumapit.

"I love you, Tara." Parang nabingi ako sa sinabi ni Ryde.

Napansin kong kusa ng naglalakad palayo ang aking paa sa lugar na 'yon. Malayo na ako sa kanya ngunit dinig na dinig ko pa rin sa aking isipan ang apat na salitang binitawan nya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped