Kabanata 24
Kabanata 24: Annoyed
"Miss Vellarde!"
Napabalikwas ako sa upuan nang marinig na tinawag ng prof namin ang apelyido ko. Nanlalabo ang mga matang tumingin ako sa kanya.
Mahinang ipinilig ko ang ulo ko. "Ma'am?" Tanong ko. Pinigilan kong humikab dahil baka mas magalit sya.
"If you'll just sleep in my class," Itinuro nya ang pinto. "Nakabukas ang pinto."
Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala ang buong klase sa akin. Nakataas ang kilay ni Jean na nakangiwi.
"I'm sorry, Ma'am." Bahagya kong iniyuko ang aking ulo. Hindi ko hinayaang humilig muli ang aking likod sa upuan dahil baka makatulog na naman ako.
Umayos ako ng upo at pinigilan ang antok. Nakatingin lang ako sa whiteboard kahit na wala akong maintindihan sa sinasabi ng prof namin. I tried to open my eyes kahit na naniningkit na ang mga ito.
"Natulog ka ba kagabi?" Tanong ni Jean pagkalabas ng prof namin.
Ngumuso ako nang maalala na naman ang nangyari kagabi. "Nagalit si Kuya. Hindi nya ako tinigilan." Mas lalong humaba ang nguso ko.
Hindi ko naman ginusto na patulan ang mga dirty players na 'yon. They triggered me. Pinagmamayabang pa nila ang pandaraya na ginawa nila. Mga desperadong manalo.
"I can't blame him. Ba't mo kasi sila hinampas ng jacket mo?" Nakataas kilay na tanong nya sa akin. "Kung sanang may super power ang jacket mo na magpapatulog sa kanila para makatakbo tayo ay pwede pa."
Ngumiwi ako nang muling pumikit ang mata ko. Nakadalawang subject palang kami ay pagod na pagod na ako.
"Muntik na nila tayong patulan kundi lang dumating si Led. Ghad! Idadamay mo pa ako sa kahibangan mo."
Umiling ako. Hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi. Kinagat ko ang labi dahil sa hiya.
"And... Bakit parang lumalabas na pinagtanggol mo pa si Ryde." Ngumisi ito.
'Yon ang hindi nagpatulog sa akin. Nakita ni Ryde at narinig nya ang mga sinabi ko. Hindi ko pinagsisihan na ginawa ko 'yon pero narinig nya. Kahit papaano ay naawa ako kay Ryde dahil sa ginawa nila. Those bastard!
"I don't know. Nainis lang ako sa kayabangan nila."
"Uh, really? 'Yon lang ba talaga?"
Humikab ako. Mas lalo akong inaantok sa conversation namin. Mukhang hindi na ako tatagal pa kaya tumayo na ako. Habang wala pa ang prof namin para sa next subject ay inayos ko na ang mga gamit ko.
"Saan ka pupunta?"
Isinakbit ko na sa aking braso ang bag ko. "I'll just take a nap. Babalik din ako." Tamad na sagot ko bago sya iniwan at lumabas ng classroom na 'yon.
Para akong zombie na naglalakad. Dahil sa nakayuko ako ay marami rin akong nabangga. Muntik na akong masubsob nung pababa ako sa hagdan. Wala akong marinig nang maayos.
Napahinto ako nang may maramdaman na humawak sa braso ko. Base sa laki ng kamay nito ay alam kong lalaki sya.
Iniangat ko ang tingin ko para tignan sya. Kahit na malabo ay sinalubong ko ang nakakunot na kilay ni Blaze.
"You okay?"
Hinawi ko ang kamay nya sa braso ko. Wala ako sa mood kiligin dahil parang kahit na anong segundo ay hihiga na lang ako sa sahig para dito na matulog.
"I'm not," pagsasabi ko ng totoo bago nagpatuloy sa paglalakad.
Dumiretso ako sa pinakadulong bahagi ng garden na hindi gaanong napupuntahan ng mga estudyante rito. Umikot ako papunta sa likod ng malaking puno.
Sandali kong iginala ang tingin ko sa paligid. Sariwa at mas nakakaantok ang hangin. Hindi mainit dahil sa lilim ng puno. Nung matapos kong siguraduhin na tama lang ang lugar na ito ay inayos ko ang bag ko para gawing unan.
Humilig ako sa puno at inayos ang umangat kong blouse. Medyo hindi ako komportable pero dahil sa sobrang antok ay mabilis akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog. Nagising ako nang marinig na may bumagsak sa harapan ko. Mabilis na umayos ako ng upo. Kinusot ko ang mata ko bago tinignan ang lalaking nakanguso habang hawak ang kanyang likod.
"Damn! Walang sumalo."
"B-Blaze?"
Parang nagising ang diwa ko nang makita sya. Saka ko lang napansin na hapon na pala. Tumayo ako at inayos ang gusot kong blouse. Pinasadahan ko ng daliri ang aking nagulong buhok. Medyo masakit din ang likod ko dahil sa pangangawit.
Pinanuod kong tumayo si Blaze. Natawa ako nang makitang may dahon pang nakaipit sa buhok nya.
Napangiwi ito nang makitang nawarak ang gilid ng kanyang polo. Tumingin ako sa itaas ng puno na malamang na inakyat nya.
"K-Kanina ka pa?" Tanong ko.
Inis na binalingan nya ako ng tingin. Medyo napaatras pa ako dahil sa gulat. "It's your fault. Ba't ba kasi rito ka natulog? Kambing ka ba?" Hindi pa rin maalis ang inis sa kanyang boses.
Imbes na muling matakot ay natawa pa ako. Pumula ang kanyang mukha habang hinuhubad ang kanyang polo. Bale ang natira ay isang puting tshirt.
"Bakit ka nasa taas ng puno?" Binalingan kong muli ang puno ng mangga.
"Syempre." Maikling sagot nya.
Napatingin ako sa hawak nyang mangga. Naglaway ako matapos makita 'yon. Napansin nya ata na nakatingin ako do'n kaya iniangat nya ang kanyang kamay para ibigay sa akin 'yon.
"Akin na lang?" Turo ko pa sa sarili ko.
Bahagyang tumango ito. Nanatiling nakanguso ang kanyang basang labi.
Mabilis na inabot ko 'yon. Itinago ko muna sa bag ko para kainin mamaya sa bahay.
"Hindi ko inakalang ganon ka kapuyat para makatulog maghapon."
"Hindi na nga ako nakapasok." Sagot ko.
Kung alam ko lang na ganito rin pala ang mangyayari ay sana'y hindi na rin ako pumasok. Sumakit lang ang likod ko dahil sa pagtulog na ginawa ko.
"Hindi ka na nakapasok?" Natatawang tanong nya. Halata ang inis sa tawa nya. "Parang ikaw lang ah."
Kumunot ang noo ko bago napagtanto kung ano ang ibig nyang sabihin. "H-Hindi ka rin pumasok?" Gulat na tanong ko sa kanya. Kilala ko kasi si Blaze. Laging perfect ang attendance nya at nasama pa sya sa mga Most Outstanding Students.
"Hindi ako marunong gumamit ng clone jutsu para gawing dalawa ang sarili ko," Pagpapaliwanag nya habang pinapagpagan ang kanyang slacks.
"Jutsu?"
"I mean..." Natigilan ito na parang hindi alam kung paano ipapaliwanag 'yon. "Hindi ko kayang pumasok sa mga subjects habang binabantayan kang matulog."
Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi nya. Ibig bang sabihin ay binantayan nya ako maghapon? Hindi sya pumasok dahil binantayan nya ako. Nakaramdam ako ng hiya sa mga sandaling ito.
Humawak ito sa kanyang likod habang nakatingin sa taas ng puno. "Ba't ba kasi dito ka natulog?" Bumagsak ang tingin nya sa akin.
"Ang akala ko kasi ay ilang oras lang ako makakatulog," mas lalong pumula ang mukha ko. "Hindi ko alam na maghapon pala." Kunwari ay natawa ako.
Itinuro nya ang bag ko. "Hindi mo man lang inisip na baka mahulugan ka ng mangga sa ulo at magka-amnesia?" Hindi makapaniwalang sinabi nya.
Hindi ko napigilan ang matawa nang malakas. "Come on, Blaze. Walang ganon." Natatawa kong sinabi sa kanya.
Hindi ko inakalang may ganito pala syang side. OA.
"Tinatawanan mo pa talaga ako?" Natatawa nyang sinabi ngunit bakas pa rin do'n ang inis. "Paano kung nahulog sa ulo mo ang mangga na 'yan?" Muli nyang tinuro ang bag ko kung nasan ang mangga.
Umiling ako dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.
"Kasalanan mo 'pag hindi ako nakapasok bukas dahil sa sakit ng likod."
"Eh? Kasalanan ko bang matakam ka sa mangga at umakyat para kumuha?" Biro ko sa kanya na halatang hindi nya nagustuhan.
Hinawakan nya ang ilong nya na parang nagpipigil ng inis. Pumuputok ang white t-shirt sa kanyang katawan. Hindi nya pa rin naaalis ang dahon sa kanyang buhok.
"Kasalanan mo."
"At bakit naman?" Ngumisi ako nang lalo syang mainis.
"Malapit nang mahulog ang mangga na 'yan sa'yo. Kung hindi ako umakyat para pitasin yan ay baka may bukol ka na ngayon sa ulo."
Kinagat ko ang labi ko nang kumalabog ang dibdib ko. Damn it. Kaya pala sya umakyat ay para pitasin ang bunga ng mangga na ito dahil mahuhulog sa akin.
"M-Marunong ka bang umakyat ng puno?"
"Syempre!" Pagmamayabang nya sa akin. Ngumiti sya sa akin bago inilis pataas ang damit nya. "See this?" Namula ang mukha ko sa ginawa nya.
Bahagya kong inils ang tingin ko. Ramdam ko ang mas lalong pagpula ng mukha ko. Damn. Bakit nya pa kailangang gawin 'yon?
"Tara na," Aya nya sa akin. "Kanina ka pa nila hinahanap."
Sabay kaming lumabas ng garden na 'yon. Nag-aagaw na rin ang liwanag at dilim. Konti na lang ang mga estudyante sa paligid.
Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagtaas nya sa shirt nya. Kinagat ko ang labi ko. Calm down, Chels.
Sa bungad pa lang ng gate ay nakita ko na si Jean na nakatingin sa kanyang phone. Halatang kabado ito habang nagtitipa roon.
"Jean!" Tawag ko sa kanya.
Napatingin sya sa akin. Naiiyak na lumapit ito sa akin. Ang akala ko ay yayakapin nya ako pero binatukan pala ako.
"Akala ko naglayas ka na!"
Natawa ako sa sinabi nya. "Why would I?" Ibang klase talagang mag-isip ang isang 'to.
Napatingin ako sa lalaking nasa likod ni Jean. Nakatayo ito ngunit sa ibang direksyon nakatingin. Dinig na dinig ko ang pagpitik nya sa kanyang dila na gumagawa ng nakakainis na tunog.
"Saan ka galing?" Tanong ni Jean bago napatingin kay Blaze na nakahawak pa rin sa kanyang likod. "M-Magkasama kayo?"
"Nakatulog ako. Binantayan nya ako." Maikli kong pagpapaliwanag.
Tumawa si Jean habang tinuturo ang buhok ni Blaze. "Bagong hair style ba 'yan?" Natatawa nyang tanong.
Tumaas ang dalawang kilay ni Blaze. Halata pa rin ang inis sa kanyang mukha at mas lalong nainis dahil sa pagtawa ni Jean.
"Why?" Malamig na tanong nya kay Jean.
Lumapit ako sa kanya at hindi naman sya kumilos sa kanyang kinatatayuan. Sobrang lakas ng tibig ng puso ko nang makalapit ako sa kanya nang sobrang lapit. Nagtama ang mga paningin namin.
Ngumiti sya sa akin. Tumingkayad ako para sana alisin ang dahon sa kanyang buhok nang may mauna na sa akin.
Ngumisi si Ryde bago itinapon sa kung saan ang dahon. "That's how you do it. You don't need to stare at each other just to remove that damn leaf." Tinaasan nya ako ng kilay bago naglakad palayo.
Naiwan kaming tulala. Napatingin ako kay Blaze. Nakangiti ito sa akin.
"Matulog ka nang maayos ngayon gabi, ah? Please." Natatawa nyang sinabi bago ginulo ang buhok ko.
Lumapit ito kay Jean. "Iuwi mo na 'yan. Baka matulog na naman kung saan eh."
Napanganga ako sa sinabi nya. Lumapit sa akin si Jean.
"Huwag kang matulog ngayon gabi para maulit ito." Biro nya.
Naglakad kami papunta sa waiting shed. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Damn it. Mukhang hindi ako ulit makakatulog ngayong gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro