Kabanata 23
Kabanata 23: Dirty Players
I love you... Ilang ulit kong binasa 'yon at umaasa akong mag-iiba ang mga nakasulat. Hinablot ni Jean ang hawak kong notebook at itinapon sa kama. Hindi ko 'yon pinansin bagkus ay bumagsak pa ang tingin ko sa sahig.
Damn it. Nawalan akong ng ganang manuod ng laban nila. Hindi ko rin gusto ang pakiramdam na ito. Parang ang bigat ng paghinga ko at kinapos ako sa hangin. Hindi ko ngayon alam kung ano ang mas maganda. Sana ay isang ordinaryon numero na lang ang mga 'yon at walang ibig sabihin. I wish I could change its meaning to a nonsense one. Sana ay ganon na lang nga.
"What are you going to do now?" Jean asked me. Nakangisi ito na parang nag-aasar. "Alam ko na," pinitik nito ang daliri nya bago mahinang natawa. "You're going to deny it again. Gagawa ka ng isang rason at 'yon ang paniniwalaan mo."
Hindi ako nakapagsalita.
"Am I right, Miss Chelsea Vellarde?"
"W-What if it was just an ordinary fraction? Paano kung nag-over think lang tayo na---"
"Fine! Believe in what you want... H'wag mo akong idamay sa kahibangan mo." Napanganga ako sa sinabi nya.
Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi nya. Tumaas ang kilay ko. "Bakit may pakiramdam ako na ipinagtutulakan mo ako kay Ryde?" Naguguluhang sinabi ko.
Tumawa ito bago ako inakbayan. "Chelsea, my best friend... May problema ka sa pakiramdam." Malakas na tumawa ito bago kinuha ang pouch nya na nakapatong sa table. "H'wag mo munang isipin 'yan... Tara na at baka pagkarating natin do'n ay makasalubong na natin silang lahat na pauwi."
Tumayo ako at kinuha ang phone ko. Inilagay ko ito sa bulsa ng jacket ko bago lumabas ng kwarto ko. Gaya ng bilin ni Jean ay kinandado namin lahat. May susi naman si Kuya kaya hindi problema 'yon.
Tahimik na binaybay namin ang tahimik na kalye. Gabi na at tanging ang liwanag lang mula sa buwan at mga nagkalat na lamp post sa paligid ang nagbibigay ng liwanag sa daan. May mga kasabay namin at base sa mga narinig kong pinag-usapan nila ay papunta rin sila para manuod ng laro.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko nang mag-vibrate ito. Tumambad sa akin ang isang text message mula kay Kuya Led. Sumilip din si Jean at nung nabasa nya 'yon ay mahina syang tumili.
"Baka raw makahabol pa si Kuya..." Sabi ko kahit na nauna nya pang nabasa sa akin. Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang phone ko.
Pagkarating namin sa covered court ay hinila ako agad ni Jean sa pinakaunang bleacher malapit sa scoring board. Ramdam ko ang excitement sa kanya na dumoble dahil sa text ni Kuya Led. Medyo nahiya ako sa mga nakaupo na do'n dahil isiningit lang ako ni Jean. Agh! Hindi ba sya marunong mahiya?
Tumingin ako sa loob ng basketball court. Nasa loob na sina Ryde, Jude at 'yong lalaking mayabang na muntik nang makipag-away nung birthday ni Kuya Led. Inayos ni Ryde ang kanyang wrist band na itim na lagi nyang isinusuot. Kinuha nito ang bola na ipinasa ni Jude at drinibble. Mahinang tumalon ito at binitawan ang bola. Umangat ang kanang bahagi ng kanyang labi nang makitang maayos ang pagkakabitaw nya. May mga tumili nang ma-shoot 'yon.
"Bili lang ako, ah?" Pumalad ito sa akin. Saka ko lang naalala na nakalimutan ko ang pouch ko. Agh! Tanging phone lang ang nadala ko. Masyado akong lutang kanina na hinayaan ko lang si Jean na hilain ako.
"Nakalimutan ko sa bahay 'yong pera ko." Ngumuso ako dahil alam kong hindi nya ito papalagpasin.
"Okay... Libre ko." Hinawi nya ang mga taong nasa daan at sumingit do'n. Napailing na lang ako dahil first time kong narinig na sinabi nyang libre nya ako.
Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Halos occupied na lahat ng bleachers at may mga nakatayo na sa pinakataas. May mga sari-sarili silang gawa na banner kung saan nakasulat ang kanilang team at kung sino ang pambato nila. May mga sumisigaw sa likod ko kaya kinailangan ko pang umatras para 'di tuluyang mabasag ang eardrums ko.
Napatingin ako sa mga bagong dating. Sina Ram at Blaze. Dumiretso sila sa coach nila at base sa naging reaksyon nito ay malamang na pinapagalitan nya ang dalawa. Umangat ang tingin ni Ram papunta sa pwesto ko. Kumaway ito kaya napatingin din sa akin si Blaze. Hindi gaya ni Ram ay nilagpasan nya lang ako ng tingin.
Alam kong may kapatid si Blaze pero hindi ko alam ang pangalan o istura. Hindi naman nya nabanggit sa akin ang kanyang pamilya. Nakakatawa na halos tumagal kami ng isang taon na hindi man lang ako nakakaapak sa loob ng kanilang bahay. Ni hindi man lang nya ako napakilala sa kanyang pamilya. It's okay with me anyway.
Pagkabalik ni Jean ay saktong kakaumpisa lang ng laban. Ni hindi ko pinansin ang inabot nyang pagkain dahil nakatingin ako kay Ryde na may hawak na bola. Wala ka man lang mababakas na pangamba sa kanya kahit na mas matangkad sa kanya ang nakabantay para pigilan sya.
"Kain na muna, Chels. Hindi naman mawawala si Ryde." Napatingin ako kay Jean. Hinablot ko ang chips na binili nya.
Tumawa sya sa naging reaksyon ko.
"You're not funny."
"Because I am pretty,"
"Whatevah!"
Muli ko na lang ibinalik ang tingin ko sa laro. Hawak ng kalaban ang bola. Ang kulay ng jersey ng team nila Ryde ay itim habang ang kalaban nila ay kulay asul. Hindi maipagkakaila na may ipagmamalaki rin pagdating sa mukha ang mga 'yon at mahusay din silang maglaro.
Ngumuso si Ram nang mabitawan nya ang bola kaya nakuha ito ng kalaban. Tumawa si Ryde at hinawakan lang sa balikat si Ram. May sinabi pa ito dahilan para mas humaba ang nguso ni Ram. Pansin ko na medyo close ang dalawa at nag-aasaran pa sila sa loob.
Matapos maka-shoot si Jude ay tumingin sya sa babaeng nakaupo malapit sa couch nila. Kumaway sa kanya si Irene na hawak pa ang phone. Malamang na kinukunan nya ng video si Jude.
Umakbay si Blaze kay Jude at may ibinulong pa ito. Napatingin naman si Jude sa grupo ng mga babae na sabay-sabay tumili. Napangiwi ako nang maghampasan sila ng mga pompom na hawak nila.
"Oh gosh... Nakatingin si Ryde sa'yo." Bulong sa akin ni Jean. Napatingin naman ako kay Ryde. Hawak nito ang isang bote ng mineral habang nakatingin sa akin. Tumaas ang dalawa nyang kilay bago umiling.
Hinubad ko ang jacket na suot ko dahil pinagpapawisan ako.
Naging mas mainit ang laban. Pansin ko rin na pagod na sina Jude at Ram. Kumunot ang noo ko nang makita ang pasimpleng pagsiko ng lalaking binabantayan ni Ryde. Ngumisi si Ryde na parang hindi naman nasaktan.
Pumito ang referee. Napatingin ako sa lalaking kausap ngayon ng coach nila Ryde. Napatakip ako sa aking tainga nang tumili ng sobrang lakas si Jean. Tumayo pa ito sa kanyang upuan. Napatingin sa amin si Kuya Led bago ngumisi.
Hinawakan ni Jean ang aking braso. "Tara..." Magtatanong pa lang sana ako kung saan nang sapilitan nya na akong itinayo. Hinawi nya ang mga taong nanunuod sa daan. Nakayuko lang ako dahil sa hiya.
Kumaway si Irene at itinuro ang dalawang bakante sa tabi nya. Umupo ako sa tabi ni Irene habang si Jean naman sa kabila ko. Hindi na sya nagsalita at nakatutok na ang kanyang mata kay Kuya Led.
"Buti isinama ka ni Jude?" Biro ko sa kanya dahil alam kong mahigpit sa kanya si Jude. Mas matanda ng ilang taon si Irene kay Jude ayon sa sinabi ni Jean. Pagdating talaga sa balita ay sya ang mapagkakatiwalaan ko.
Mahinang tawa lang ang isinagot nito.
Umupo si Ryde sa harap namin kung nasan ang coach nila. Bale si Kuya Led muna ang pumalit sa kanya.
Napatingin ako kay Irene nang mag-ring ang phone nya. Nakita ko ang pagkabahala sa reaction nya bago tumingin kay Jude na kasakuluyang naglalaro.
"Excuse me," ipinakita nya sa akin ang phone nya bago sya tumayo.
Hindi ko na lang 'yon pinansin. Tumingin na lang ako kina Kuya Led na naglalaro. Hawak ni Ram ang bola at kasalukuyan silang tumatakbo papunta sa ring nila.
Napahinto si Ram nang maunahan sya ng nagbabantay sa kanya. Nanatili syang nakatayo habang nakatingin sa lalaking mahigpit na nakaabang sa kanya. Patuloy lang sya sa pagdribble sa bola habang naghahanap ng pagkakataon para makalusot.
Napanganga ako nang makita ang pasimpleng pagsiko ng kalaban kay Ram. Ngumiwi si Ram dahil sa ginawa nya.
May sinabi si Blaze sa kalaban bago ito ngumisi. Malamang na nakita nya ang ginawa nila sa kanyang kapatid at alam kong hindi nya 'yon basta-basta palalagpasin.
"Coach, ang bango natin ngayon, ah?" Napatingin ako kay Ryde nang magsalita sya.
"Umayos ka. Ikaw na ang susunod at magpapahinga muna si Ram." Sabi ng coach nya.
Napatingin sa akin si Ryde. "Hindi ata ikaw ang mabango coach." Namula ang mukha ko at iniwasan ang kanyang titig.
Naramdaman kong idinikit sa akin ni Jean ang kanyang braso.
"Good evening, Jean." Masayang bati ni Ryde kay Jean. Tumingin syang muli sa akin bago ibinalik sa laro ang kanyang atensyon.
Lumobo ang pisngi ko. Iniinis nya ako. Para namang naghihintay akong batiin nya rin ako.
Humalukipkip ako at itinuon na lang ang buo kong atensyon sa laro. Saktong pagtingin ko ay kumuha ng pagkakataon ang nagbabantay kay Ram para patumbahin ito. Nanlaki ang mata ko nang kunwari ay aagawin nya ang bola mula kay Ram ngunit sinadya nyang itulak ito.
Pumito ang referee at tinawag ang numero ng lalaking tumulak kay Ram. Imbes na malungkot ito dahil sa nakuha nyang warning ay ngumisi pa ito.
Tumakbo si Blaze at bago pa man sya makalapit sa lalaking nakangisi ay pinigilan na sya nina Kuya Led at Jude.
"Easy... Blaze!" sigaw ng coach nila.
Dinaluhan naman ni Jux si Ram para alalayan itong makatayo. Si Jux ay ang mayabang na lalaking muntik nang sumira sa birthday ni Kuya Led. 'Yon ang pangalan na narinig ko kaninang itinawag sa kanya.
Tumayo si Ryde at sinenyasan na lumapit si Ram sa kanya. Inakbayan nya ito nang makalapit sa kanya.
"Cool kid," Natatawang sinabi ni Ryde sa kanya. "Don't let that dirty bastard touch you again."
Napaikot na lang ang mata ko dahil parang sinasabi nya pang lumaban si Ram.
"He pushed me! Hindi ako nasaktan. I don't want to touch him but damn, Kuya Ryde. Gusto kong basagin ang mukha nya." Nagulat ako sa sinabi ni Ram. Hindi katulad ni Blaze ay mukhang takaw gulo ang isang ito.
"Good. Just punch his ugly face. We don't mind."
Napanganga ako sa sinabi ni Ryde. Kinukunsinti nya pa talaga si Ram! Ngayon ay mukhang alam ko na kung kanino natutunan ni Ram ang ugali nyang 'yon. Damn Ryde! Such a bad influence.
Pinaupo na si Ram at pumalit na si Ryde. Napatingin si Jude sa bakanteng upuan sa tabi ko. Umawang ang bibig nito na parang gustong magtanong kung nasan si Irene. Saktong kakarating lang ulit ni Irene. Umiling si Jude at nakita ko ang galit sa kanyang mata. Alam kong hindi 'yon napansin ni Irene.
"N-Nakita ba ni Jude na wala ako?" Kinakabahang tanong nya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya napangiti na lang ako. Ano kayang problema ng dalawang ito?
"Ate!" Napatingin ako kay Ram. Nakaupo sya sa kaninang pwesto ni Ryde. Nakalagay sa balikat nya ang kulay puting towel. "Did you see me play?"
Narinig kong may ibinulong si Jean na hindi ko naintindihan.
"Yeah. Nice game." Bati ko sa kanya dahilan kung bakit pumula ang kanyang pisngi.
"I LOVE YOU RAMEZ ABELARD!"
Napatingin ako sa grupo ng mga high school students na sumigaw. Saka ko lang napagtanto na si Ram ang tinutukoy nila nang bigla sila ulit tumili. Ngumuso si Ram bago ibinalik ang atensyon sa laro.
Oh. Malamang na maraming babae rin ang tumitili para sa isang 'to. Pero katulad ng iba ay malamang na ayaw nya rin na sya ang hinahabol.
Ibinalik ko na lang muli sa laro ang atensyon ko. Hawak ni Jude ang bola at pasimple syang sinisiko ng nagbabantay sa kanya. Ano nga bang pangalan ng team ng mga kalaban nila? Siko Team? Dirty Players?
"Go Jude!" Napanganga kami ni Jean nang sumigaw si Irene. Ang akala ko ay mahinhin sya ngunit hindi ko inakalang may ganon sya kalakas na boses.
Napatingin sa kanya si Jude. Imbes na matuwa ito na sinigaw ni Irene ang kanyang pangalan ay parang mas nainis ang mukha nito. Napatingin kay Irene ang ibang lalaki at alam kong 'yon ang mas kinaiinisan ni Jude.
Nabitawan ni Jude ang bola kaya naagaw ito ng mga kalaban. Inis na ginulo nya ang buhok nya nang makapuntos ang mga kalaban.
"It's okay." Dinig kong sabi ni Kuya Led nang bumalik sila sa aming pwesto para uminom ng tubig. "Our main goal is to have fun and not to win." dugtong pa niya.
Lumapit si Blaze kay Ram. Narinig kong tinanong nya ito kung gusto na ba nyang umuwi at tanging iling lang ang isinagot ng kanyang kapatid.
"Hays... Nakakawalang ganang maglaro. Wala mang sumisigaw ng pangalan ko." sabi ni Ryde.
"I LOVE YOU RYDE LEIBNIZ!"
"Oh shut up, not you girls." Ngumisi ito sa dalawang babaeng nasa itaas.
Nagsimula na ulit ang laro. Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng sigawan lalo na pag nakukuha ni Kuya Led ang bola.
Nung nakuha ni Ryde ang bola at ilang segundo na lang ang natitira ay parang gusto ko ng lumabas. Di ko ata kakayanin ang sigaw ng mga babae sa likod ko. Lamang ang kalaban at pag nagawa nyang i-shoot 'yon ay sila ang panalo.
"Go Ryde..." Bulong ko na ikinatawa ni Jean.
"Tama 'yan, Chels. Ibulong mo para marinig nya."
Namula ang mukha ko sa hiya. Hindi pa ako sumigaw ng pangalan ng isang player sa larong ito. Maging si Kuya Led ay never kong isinigaw ang pangalan nya. Para saan pa si Jean?
Tumalon na si Ryde nang magsimulang magbilang ang crowds. Napatayo kami sa kinauupuan namin nang tumalon din ang tatlong kalaban nila. Hindi na namin alam ang nangyari basta ang alam namin ay bumagsak sa sahig si Ryde kasabay ng pagpito ng referee.
Nakapuntos ang kalaban at sila ang nanalo. Mabilis naman na pinuntahan nila Kuya Led si Ryde na nakahiga pa rin sa sahig.
"Tara!" Napagitla ako nang hawakan ni Jean ang braso ko at sapilitan akong itinakbo papunta kay Ryde.
Pagkalapit namin do'n ay nakita kong kinakausap ni Jude si Ryde na nakahiga. Nakamulat ang mata nito!
"Ryde... Wala ka sa bahay. Tumayo ka na." Tamad na sinabi ni Jude.
"Hindi ako makatayo..." Bigla syang napatingin sa akin. "Do the resuscitation."
"What the fuck?!" Hinawakan ni Kuya Led ang braso ko at hinila ako palayo kay Ryde. "Hayaan nyo na 'yan!"
Iniwan namin sya do'n at tumayo rin naman sya agad. Wala ka man lang mababakas na lungkot sa kanila gayong talo sila.
Bago kami umuwi ay hinila muna ako ni Jean sa comfort room dahil kanina pa sya naiihi ngunit ayaw nyang iwan ang laro.
Nanatili lang ako sa labas ng comfort room at hinihintay si Jean. Halos pauwi na rin lahat ng nanuod.
"Good! Malamang na nasaktan din ang mokong na 'yon." Napatingin ako sa tatlong lalaking nag-uusap. Ang nga kalaban nila Kuya Led. Nagyoyosi ang mga ito.
"Mas gwapo naman kasi ako sa Leibniz na 'yon. Bagay lang sa kanya ang ginawa ko." Humalakhak sila matapos sabihin 'yon.
Humigpit ang hawak ko sa jacket ko. Sinadya nilang patumbahin si Ryde.
"Tara na?" Aya sa akin ni Jean.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at nilapitan ko ang mga lalaking 'yon. Napatingin sila sa akin.
"Miss? Anong kailangan m---" Hinampas ko sa kanya ang jacket ko. Napanganga ito sa ginawa ko.
Hinawakan ni Jean ang braso ko at pilit akong inilayo. Lalapitan sana ako ng tatlong lalaki nang pumagitna sa amin si Kuya Led.
Bumali ang leeg nito habang nakatingin sa tatlong lalaki. "Hinayaan ko ang nangyari kanina pero h'wag ang kapatid ko." Ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita ni Kuya Led.
"Gago. Sinong mas gwapo sa atin?" Tanong ni Ryde na kanina pa pala ando'n. Nagyoyosi din ito.
Hindi sumagot ang tatlong lalaki. Tahimik lang na umalis ang mga ito at iniwan kami.
Napaatras ako sa takot nang harapin ako ni Kuya Led. "Anong pumasok sa kukote mo at hinampas mo sila ng jacket mo? Paano kung wala ako at may ginawa silang hindi maganda sa inyo?" Biglang tumagos ang tingin nya kay Jean.
"Nandaya sila! Sinadya nilang patumbahin si Ryde!"
"Shit!" Napatingin ako kay Ryde na nakatingin sa akin. Nakaawang ang bibig nito.
Hinawakan ni Kuya Led ang braso ko at hinila na ako pauwi. Narinig ko pa ang sinabi nya.
"Kinikilig ang gago."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro