Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

Kabanata 22: Fraction

Tumigil sa pagtakbo si Jean kaya tumigil din kami. Sabay kaming naghabol ng hininga habang nakahawak sa aming mga tuhod dahil sa pagod. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa aking katawan.

"M-Manunuod ka mamaya?" Tanong ni Jean sa gitna ng paghingal nya.

Pumunta kami sa isang bleacher kung nasan ang aming mga tubig. "Saan?" Tanong ko bago uminom. Halos maubos ko 'yon dahil sa sobrang uhaw.

Pinanuod kong magpunas ng pawis si Jean. "May laro sila Blaze, 'di ba?" Aniya kaya napaisip naman ako.

Oo nga pala. May laro silang basketball. Kaya pala dinig na dinig ko ang pagtatalo nila mommy at Kuya Led kagabi dahil ayaw ni mommy na payagan si Kuya. May trabaho pa kasi sya.

"Ikaw ba?" Tanong ko. Kinuha ko ang towel ko at pinunasan ang mukha ko pababa sa aking leeg. Marami-rami rin ang nagja-jogging ngayon at medyo umiinit na rin.

Umupo ako at isinandal ang likod ko. Naramdaman ko rin ang paggalaw ng upuan dahil sa pabagsak na pag-upo ni Jean.

"Hindi ko alam. Wala rin naman si Led." Malungkot niyang sinabi. "Pero andon naman sina Blaze, Jude at Ryde. May rason pa rin tayo para manuod." Ngumisi siya sa akin.

Hindi ako nagsalita. Bigla ko na naman naalala ang napakinggan namin kahapon sa audio recorder. Ryde's meaning of love. EARTH means Electricifying Art Running Through our Heart. Damn. Paano nya nagawang buuin 'yon? Nice.

"Ano? Malamang na ayaw mo!" Mahinang hinampas sa akin ni Jean ang kanyang towel.

Ngumiwi ako dahil amoy pawis 'yon.

"Pupunta ako! Wala namang pasok bukas." sagot ko. Malawak na ngumiti ito sa akin.

Wala rin naman akong gagawin mamayang gabi. Next week na ang finals namin kaya sa Sunday na lang ako magrereview. Magaling naman ako pag nagmamadali. And medyo nakapagreview na rin ako kanina.

"Hindi ba talaga pupunta si Led?"

"Hindi. May pasok sya sa trabaho." Maikli kong sagot.

Kinuha ko ang pouch ko at inilabas ang phone ko do'n. Alas diyes na rin pala kaya kumakalam na ang sikmura ko. Matapos kong mag-check no notifications ay ibinalik ko na rin ito sa aking pouch.

Napatingin ako sa lalaking tumayo sa aming harapan ni Jean. Medyo matangkad lang sa amin ng konti. Nakanguso ito. Kung susuriin ay medyo bata sa amin ito.

"Ram?" Tawag sa kanya ni Jean.

Hindi sya pinansin nito. Napalunok ako nang pinaningkitan nya ako ng mata. Hala. Anong problema nito? Hindi ko naman nga sya kilala.

"Chelsea, right?" Magalang na tanong nya.

Napatingin ako kay Jean. "Kapatid 'yan ni Blaze." bulong nya sa akin.

Napanganga ako sa sinabi nya. Binalikan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan namin.

"Y-Yes. Why?" I gulped. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahalingtulad nila ni Blaze.

Bigla itong kumamot sa kanyang batok. "Birthday ko next week. Sunday." Sabi niya kaya umangat ang kilay ko. "Punta ka!"

Natawa ako nang bigla itong umiwas ng tingin. Namula ang kanyang tainga. Ngayon ko lang napansin ang hawak nyang bola. Naka-sleeveless white shirt ito na tinernohan ng short.

"Imbitado rin ba ako?" Nakangiting tanong ni Jean.

"Sino ka ba?" Tanong niya kay Jean.

Napanganga si Jean. "Kilala kita tapos ako hindi mo kilala? Aba! Wala kang galang ah!" Hinawakan ko sa braso si Jean dahil nag-o-over react na naman sya.

"Dapat ba kilala mo rin lahat ng taong kilala ka?"

"Hindi ako pupunta kung hindi imbitado si Jean," turo ko kay Jean na nakahalukipkip. "Bestfriend ko at kaibigan din ng kuya mo."

Kumakot ito sa kanyang batok. "Aish. Sige na nga. Sumama ka na." Namumula na ang mukha nya dahil sa init.

Hindi sumagot si Jean na nakataas lang ang kilay. Inilipat nya sa kanyang kaliwang kamay ang bolang hawak nya.

"Punta kayo, ah?" Ngumiti ito. Nakakagulat ang dimples na lumitaw sa magkabila nyang pisngi. "Ate Chelsea. H'wag mong kalimutan, ah?" Bigla syang napatingin kay Jean. "Isama mo na rin si Ate Lyn."

"Jean!" Pagtatama ni Jean kay Ram.

"Sige. Una na ako." Kumaway ito bago tumakbo habang dinidribble ang bola.

Napatingin ako kay Jean na umiinom ng tubig. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa bote ng mineral water na bahagya nya na itong nalukot.

"Tara na nga!" Aya nya sa akin. "Mamaya, ah? Kita na lang tayo sa covered court." Naghiwalay na kami ng daan.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko ang gagawin ko next Sunday. Naka-oo na ako sa kapatid ni Blaze. Ibig sabihin ay pupunta ako sa bahay nila! Agh!

Pagkarating ko sa bahay ay nakaayos na ang gamit ni Manang Lory. Ngumuso ako nang maalala na uuwi na sya para magbakasyon. Ilang buwan din 'yon kaya kukuha muna si mommy ng pansamantalang papalit sa kanya.

Lumabas si Manang Lory sa kwarto. "Aalis ka na talaga, Manang? Isang buwan lang, ah?" Biro ko sa kanya na ikinatawa nya.

Pumasok si Tito Raul at kinuha ang mga gamit ni Manang Lory at inilabas.

"Pawis na pawis ka. Magpahinga ka muna bago maligo. O kaya kumain ka na muna, nagluto na ako."

Tumango ako bago yumakap sa kanya ng ilang segundo. Nakakahiya na bagong ligo lang sya habang ako ay naliligo sa pawis.

"Mag-iingat ka po... Bumalik ka po, ah?"

Mahinang tumawa ito bago tumango. "Oo naman. Tatlong buwan lang naman akong mawawala." aniya na ikinatawa ko.

Parang sobrang ikli lang ng tatlong buwan kung sabihin nya. Sinamahan ko sya sa labas. Pumasok ito sa sasakyan. Kumaway ako sa kanila hanggang sa makaalis na sila.

Pagpasok ko uli ay katahimikan ang bumungad sa akin. Ako lang mag-isa. Pumunta muna ako sa kusina at gaya ng sinabi ni Manang Lory ay may nakahanda na. Tahimik na kumain lang ako bago pumasok sa kwarto ko.

Kumuha na ako ng damit bago pumasok sa comfort room. Pagkahubad ko sa lahat ng suot ko ay hinayaan kong umagos sa katawan ko ang malamig na tubig.

Habang naghihilod ako ay tumatakbo ang aking isipan sa kung anu-anong bagay. Pero naiinis ako na tungkol lahat ito kay Ryde. I like his definition of love--- How he defined it as art. Damn. I loved it.

Matapos kong maligo ay nagpatuyo na ako ng buhok. Dahil sa inip ko ay kinuha ko na lang ang notes ko para mag-review.


Kinuha ko ang headset ko at nilagay sa tainga ko. Mas nakakapag-focus ako pag may music. Kinuha ko ang isang notebook ko at sumandal sa headboard ng kama.


Scanning lang ang ginagawa ko since alam ko naman na ang mga ito at kailangan ko na lang syang i-refresh sa utak ko. Nasa bandang dulo na ako nang mabitawan ko ito. Bumukas ang note sa pinakalikod.

Kumunot ang noo nang may mapansin na sulat do'n. Pinagmasdan ko ang mga numero na 'yon.

1/8 - 2/9 - 1/9 - 3/4 - 1/3 - 1/6 - 1/9 - 1/7

Mas lalong nangunot ang kilay ko. Kahit na Math subject ito ay hindi ko hilig na magsulat sa likod. At hindi ko naman ito penmanship.

Tiniklop ko ang notebook ko.

"Wait..." Nanlaki ang mata ko nang may maalala. Ito 'yong notebook na inagaw sa akin ni Ryde nung nahuli kami ni Blaze.


Kumalabog ang dibdib ko at dali-daling muling binuksan 'yon. Pinagmasdan kong muli ang mga numbers. Sinulatan nya? Ano ito? Ginawa nyang pang-solve? O may iba pang dahilan?


Bakit fraction? Napansin ko rin na medyo parang hanggang 3 lang ang mga nasa numerator. What the hell is this?

Humiga ako at tinitigan ang mga numero. May hidden message kaya ito? Sumasakit ang ulo ko. Teka---Baka naman wala lang 'to. Pinapasakit ko lang ang ulo ko.


Ipinikit ko ang mata ko at kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang may humablot sa headset ko. Tamad na tumingin ako kay Jean.


"Gaga! Gising!" Sigaw nya.

Tumayo ako at humikab. Nagulat ako nang mapatingin sa bintana. Gabi na na pala. Mukhang napa sarap ang tulog ko.


"Hindi ka man lang marunong mag-lock?" Hindi makapaniwalang sinabi nya sa akin. "Ikaw lang mag-isa tapos babae ka pa. Bakit ba hindi mo isipin na maaari kang mapahamak?!"


Ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala sya. Manunuod nga pala kami ng basketball.

"Paano kung pasukin ka rito at gawan ka ng masama?"

"Nakatulog ako. Hindi ko alam." Ngumuso ako habang kumukuha ng maisusuot.


Ramdam kong nakasunod sya sa akin kahit na nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko naman ginustong makatulog.

"Sige lang. Pag inulit mo pa ito. Pagkagising mo buntis ka na!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Inis na sinuklay nya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. Tinuro nya ang labas. "Maghihintay ako. Bilisan mo!" sabi pa nya bago tuluyang lumabas.

Bumuga ako ng hangin bago nagpalit ng damit. Nagligpit din ako ng mga kalat nang makita ko na naman ang notebook ko na nasa kama.

Hindi ko alam kung bakit muli ko pa 'yong binuksan. Ngumuso ako habang nakatingin sa mga numero. Okay. Mukhang wala lang talaga 'to.


Nagulat ako nang hablutin ni Jean ang notebook ko. "Ano 'to?" Tanong nya pa bago umupo sa kama.

Kinuha ko ang suklay bago tumabi sa kanya. "Di ko alam. Baka si Ryde ang nagsulat nyan. Remember nung hinablot nya sa akin 'yan para gawing kodigo?

Sinusuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa notebook.

"Oh? Bakit fractions? Wala naman tayong lesson na fractions ngayong semester, ah?" Kumunot ang noo nya.

Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko rin alam kung ano 'yon.

"Tara na?" Aya ko sa kanya ngunit hindi nya ako nilingon. Nanatili ang mata nya sa notebook ko na animo'y pinag-aaralan nya 'yon.

"I have a feeling that there's something behind these fractions." Humawak pa ito sa kanyang baba na animo'y nag-iisip.

Kumuha ito ng papel at nagsimulang magsulat ng kung anu-ano doon. Ngumiwi ako sa ginawa nya dahil wala akong maintindihan do'n.

"Anong ginagawa mo?"

Tinuro nya ang numerator. "Parang ang count ay 1 - 3 lang." Kumunot ang noo nya habang tinuturo ang denominators. "Paano naman ito?"

Natawa na lang ako dahil parang wala naman talagang hidden message ang fractions na 'yon at pinapasakit nya lang ang ulo nya.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Kuya Led kung ano syang oras makakauwi. Baka maabutan nya pa ang game.

Nakatingin ako sa keyboard nang may mapansin. Binilang ko ang mga 'yon. Nanlaki ang mata ko. Kinuha ko kay Jean ang pen at notebook.


"Alam mo na?" Tanong nya pa.

Sinimulan kong isulat ang keyboard do'n. Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa 'yon.

"Shit!" Napamura ako nang magtugma.

"Baka gusto mong ipaliwanag sa akin?" Inis na sinabi ni Jean.

Tumango ako. Tinuro ko ang sinulat ko.

1 - QWERTYUIOP
2 - ASDFGHJKL
3 - ZXCVBNM

"Gets ko na ang numerator!" Masaya nyang sinabi. "Pero paano ang denominator?" tanong nya.

Ngumiti ako. "Makukuha mo ang denominator kung magbibilang ka from left to right." sabi ko.

Tumango naman ito.

"Let's try..." Ngumisi ako bago kinuha ang unang fraction na nakalista sa notebook.

1/8
1 - QWERTYUIOP
8 - Letter I

Napasigaw kami ni Jean bago sinunod-sunod na 'yon. Natigilan ako sa pagsagot nang maintindihan na kung ano ang mababasa ko.

Kinuha ni Jean ang pen at sya na ang nagpatuloy. "Shit!" Nabitawan nya ang pen nang maisulat na ang pinakahuling letter.


Kumalabog ang dibdib ko habang nakatingin sa mga letter na nabuo namin.


"C-Chels..."

Kinagat ko ang labi ko. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Muli kong iminulat ang mata ko bago binasa ang nabuo namin.


I-L-O-V-E-Y-O-U

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped