Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Kabanata 21: Definition

Halos mahulog ko ang mga librong hawak ko dahil sa dami ng mga ito. Matapos ng klase ay napagpasyahan ko ng ibalik ito sa library since tapos na rin akong mag-notes.

Ngumiti ako sa lalaking nagbukas ng pinto dahil napansin nya na wala na akong bakanteng kamay na maaari magbukas do'n.

Pumunta ako sa table ng librarian. Sinamaan ako ng tingin nung librarian dahil sa pabigla kong pagbitaw sa mga libro.

"Name?" Tanong niya. Masyadong malaki ang nakakatakot na boses ng librarian namin. Parang laging galit. Sabagay ay lumaki syang binata.

Tumikhim ako. "Chelsea Vellarde po," sagot ko. Binuksan nya ang logbook at hinanap ang pangalan ko ro'n. Matapos nyang makita ito ay isa-isa naman nyang tinignan ang mga dala kong libro.

Nanunuod lang ako sa kanya nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa babaeng nagtatago sa gilid ng bookshelves. May tinitignan ito sa likod no'n. Pinasadahan nya ng kamay ang kanyang itim na buhok.

"Miss Vellarde?" Napatingin ako sa librarian. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Ano 'to?" Tinuro nya ang isang libro.

Kumunot ang noo ko. "Bakit po?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit nya 'yon ipinapakita sa akin.

Napatalon ako sa gulat nang bigla nyang ihampas ang kanyang kamay na puno ng kalyo sa table.

"Hindi mo ba nakikita o bulag ka?" Idinuro nya ang edge ng book. "Bakit may lukot?"

Gusto kong matawa kasi masyado lang maliit at halos hindi ko napansin ang lukot na tinutukoy nya. Hindi ako marumi o pabaya sa gamit kaya malamang na baka dati pa 'yon at hindi ko lang napansin nung hiniram ko.

"Sa susunod na may lukot pa ang librong hiniram mo, ipapabayad ko na sa'yo."

Nakita kong nilagyan nya ng kulay pulang mark ang pangalan ko. Tumango na lang ako. Napatingin ako sa babaeng nagtatago pa rin.

Lumapit ako sa kanya. Bigla syang umatras kaya nabunggo ako. Nahulog ang tatlong librong hawak nya sa sahig. Napahawak na lang ako sa likod ko dahil sa lakas ng pagbagsak ko sa sahig.

"Sorry..." Hingi nya ng paumanhin bago pinulot ang mga libro. Pinulot ko ang isang librong malapit sa akin at iniabot 'yon sa kanya.

Inilahad nya ang kamay nya sa aking harapan kaya tinanggap ko 'yon. Tinulungan nya akong makatayo. Ngayon ko lang napansin ang bilog at maamo nyang mukha. Makinis din ang kanyang kutis at medyo maputi sya sa akin ng konti at lamang naman ako sa kanya ng konting tangkad.

"You okay?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin ako sa lalaking lumabas mula sa bookshelves. Yumuko ang babaeng nakabunggo ko at mabilis na tumakbo palabas ng library. Napatingin akong muli sa lalaking nakatingin sa librong hawak nya.

"B-Blaze..." Tawag ko sa kanya. Napalingon naman sya sa akin.

Ngumuso ako nang mapagtanto kung bakit nakasilip ang babaeng 'yon dito. Malamang na isa sya sa mga babaeng may crush kay Blaze!

"Chelsea? Kailan ka pa nahilig sa mga books?" Biro nya. Kunwari ay natawa na lang ako. "Halika. Maupo ka muna."

Pinanghila nya ako ng upuan bago sya umupo sa harapan ko. Ipinatong nya ang librong hawak nya sa table at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. Naka-school uniform sya na medyo fit sa kanya.

"Hindi mo ata kasama si Jean?"

"Hindi eh, nagpaalam lang ako sandali kasi nag-survey kami." Sagot ko. Malamang na nag-uumpisa na nyan ang mga 'yon sa survey.

Tumango si Blaze. Umawang ang bibig nya na animo'y may gustong sabihin. "Y-Yon palang kagabi..." Bahagyang namula ang kanyang mukha.

Maging ako ay nahiya sa kanya. Bigla ko na naman naalala ang nangyari kagabi. We kissed each other and that was our first! Our first kiss happened when everything is already over between us. That's funny!

"I didn't mean to kiss you," lumunok ito.

Ngumiti na lang ako. So, hindi nya ginusto ang nangyari? Sabagay. He was drunk habang ako ay hindi. Ako dapat ang pumigil kasi ako ang nasa normal na kontrol.

"It's okay, Blaze."

"Nakauwi rin ba kayo agad ni Ryde?" Bigla nyang tanong kaya naalala ko na naman ang kahihiyan ko kagabi.

Agh! Ang akala ko ay hahalikan nya ako! Hindi naman sa nag-expect ako pero 'yon ang ipinahiwatig nya at alam kong hindi nya lang itinuloy--- It doesn't matter anyway. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya pag itinuloy nya lang.

"So... How's Ryde?" Nagulat ako sa tanong nya.

Kung susuriing mabuti ay napakaaliwalas ng mukha ni Blaze. Hindi katulad nung mga nakaraang araw na halatang problemado sya. Pakiramdak ko ay nakawala sya sa isang problema para maging ganito. Bigla kong naalala ang sinabi nya sa phone... "I am torn..." Ano ang ibig nyang sabihin?

"Hindi naman kami ganon ka-close ni Ryde."

"Pansin ko kasing lagi syang nakadikit sa'yo ngayon. I thought you're already friends."

"Y-Yes. We are friends." I said. Ano naman ngayon kung kaibigan na ang turing ko sa kanya?

Nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa labi ni Blaze matapos kong sabihin 'yon. "T-That's great! Ryde is a good friend... Really." Tumawa sya ng bahagya.

Awkward na tumango na lang ako.

Tumingin ito sa kanyang relos. "Ah, mauna na ako? May klase pa ako eh." sabi nya habang inaayos ang librong kinuha nya.

Tumayo sya kaya tumayo na rin ako. "Sige." Tumango na lang sya sa akin bago nagmadaling lumabas.

Pagkalabas nya ay biglang pumasok muli ang isang babae---'Yong babaeng nahuli kong patagong tumitingin kay Blaze. Halos tumakbo na ito palapit sa akin at kahit na sa malayo ay ramdam ko na ang saya sa kanyang mata.

"Hey! Close pala kayo ni Mr. Abelard?" Tanong nya sa akin.

Hindi ako sumagot dahil alam ko na ang gusto nyang mangyari. Pinaupo nya ako sa pwesto ko kanina at sya na naman ngayon ay umupo sa kaninang pwesto ni Blaze.

"I'm Jaira." Inilahad nya ang kanyang kamay sa harapan ko.

Ngumiti ako bago 'yon tinanggap. "Chelsea..." Pagpapakilala ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi matapos nyang marinig ang pangalan ko. "Narinig ko na ang pangalan mo na binanggit niya." Masaya nyang sinabi pero hindi ko alam kung sino ang mas masaya sa amin nang marinig ko 'yon.

Pero may kailangan ang babaeng ito. Malamang na magpapatulong sya para mas mapalapit kay Blaze. Hah!

"Hmmm... Paano kayo naging close ni Blaze?"

Natigilan ako sa pagsagot. "Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong mo?"

Mahina itong tumawa. "I'm sorry. Ang cool nya lang kasi tapos nalaman ko na Education pala ang course nya." Ramdam ko ang kilig sa kanya habang sinasabi 'yon.

"Crush mo?"

Namula ang mukha nya at sa tingin ko'y hindi na nya kailangang sagutin 'yon. Tumingin ako sa wall clock. Hays. Lagot na ako kay Jean nito.

"O-Oo?"

"Crush mo sya. Okay." Sabi ko bago tumayo. Nakatingin lang sya sa akin. "Sige lang. Wala naman syang girlfriend." Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palabas. Narinig ko pa ang mahina nyang pagtili.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at gaya ng hinala ko ay tinambakan na ako ni Jean ng messages. Tinatanong nya kung nasan ako.

Magre-reply na sana ako nang may marinig akong nagsalita sa likod ko.

"Tinataguan mo ba kami?" Humalukipkip si Jean. "Para hindi ka mapagod sa kakalakad?"

"Huwag kang OA mag-isip, Jean." Tumingin ako kay Quin na nakatingin sa kanyang compact mirror. "Tapos na kayo?"

"Actually, konti na lang." sagot ni Fairy na nakatingin sa kanyang notes. "Tatlo na lang!"

"Oh? That's good!"

"Good ka dyan." Nilingkis ni Jean ang kanyang braso sa akin. "Hulaan mo kung sino ang na-interview namin?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Bago mong crush?" Tanong ko sa kanya.

Umiling ito. "Si Ryde!" sagot nya na ikinabigla ko.

"And guess what? He answered yes! Nainlove na sya!" Sabi naman ni Quin. "And..." Ipinakita nya sa akin ang phone nya. "He gave me his phone number." Pagmamayabang nito.

Hindi na lang ako nagsalita. Nabigla ako hindi dahil sa ibinigay nya ang phone number nya kay Quin kundi dahil sa sagot nya sa interview.

He answered yes? Hindi naman sa minamaliit ko sya. Nakakabigla lang kasi.

"And may sinabi pa sya..." Kumunot noo ni Jean habang nakatingin kay Quin. "Ba't kasi hindi mo pinakinggan? Halos mamatay ka na sa kilig dahil lang sa phone number!"

Hindi sya pinansin ni Quin na ngayon ay busy na sa kanyang cellphone. Nakangisi pa ito habang nagtitipa roon.

"Sinabi?" Naguguluhang tanong ko.

"Bukod sa yes... May narinig pa akong sinabi nya." Ani Fairy. Nanlaki ang mata nya at napatingin kay Quin. "It was recorded!"

"Oo nga! Malamang na narecord!" Tinagkang kunin ni Jean ang bag ni Quin ngunit inilayo nya ito.

"Mamaya na lang. Magugulo ang gamit ko. Kakaayos ko lang!"

Ngumiwi na lang kami. Ang natitirang minuto namin ay inilagi namin sa cafeteria. Kumain lang kami ng sandwich.

Nung kaming dalawa na lang ni Jean ay agad na hinarap nya ako. Hinila nya ako papunta sa isang sulok.

"Ano na?" Excited na tanong nya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong ano na?" Tanong ko sa kanya.

Inis na bumuga ito ng hangin na parang disappointed sa sagot ko.

"About Ryde. Napag-isip mo na ba ang sinabi ko sa'yo?"

"Kung maiinlove ako kay Ryde, edi ma-inlove ako. Hindi 'yon pinipilit, Jean."

Sinenyasan nya akong hinaan ang boses ko. Nadadala lang ako dahil sa mga sinasabi nya. Parang andali lang ma-inlove.

"Hindi ko sinabing ma-inlove ka agad, gaga!"

"Then what?"

"Hayaan mong lumapit sya sa'yo. Huwag mo syang ipagtulakan at pakiusap lang... Huwag mong pigilan ang sarili mo."

Natawa ako sa sinabi nya. Parang kailan lang ay sinabi nyang hayaan kong muli ang sarili kong mahalin si Blaze. Ngayon ay ito na naman. Hindi ata tatagal ay mababaliw na ako sa kanya.

"Hindi mo ako kailangang diktahan sa dapat o hindi dapat kong gawin, Jean. I can decide on my own."

Nanlaki ang mata nya bago ako niyakap. Nagulat ako sa naging reaksyo nya sa sinabi ko.

"Ghad! Finally!" Bulong nya sa akin. "Naghintay akong sabihin mo 'yon. Damn. Finally. 'Yon lang ang gusto kong malaman mo, Chels. Be matured enough to decide on your own."

Nanatili akong hindi nagsasalita at tahimik na nagpapasalamat na may kaibigan akong katulad nya. Wala akong pakialam kung masakit ang mga lumalabas sa bibig nya. Hindi ko ata kakayanin pag nawala sa akin si Jean.

Matapos ng usapan namin na 'yon ay nagpatuloy ang lahat. Napatingin ako kay Quin. "Pabantay ng bag ko. Mag-CR lang ako." Aniya. Hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na sya.

Napatingin ako sa upuan nya. Para namang may mahalagang gamit ang makukuha sa bag nya. Halos make up kit lang naman ang laman at ang favorite nyang compact mirror.

Mayamaya'y dumating na ang prof namin para sa last subject at wala pa rin si Quin. Nilapag ko sa sahig ang shoulder bag nya. Malamang na magagalit 'yon pag nakita nya kung nasan ang bag nya.

Wala naman gaanong ginawa sa subject na 'yon since puro preparation lang para sa darating na final exams namin. Mga pointers to review lang ang ibinigay bago nag-dismiss.

"Hindi ka pa aalis?" Tanong ni Jean nang mapansin na wala pa akong balak na tumayo.

Nginuso ko ang bag ni Quin. "Baka may mawala pag iniwan natin." sabi ko. "Ba't ba kasi wala pa sya? 'Di na rin pumasok sa last subject."

Bumalik sa pagkakaupo si Jean.

"Wait..." Napatingin ako sa kanya. Nakangisi ito bago kinuha ang bag ni Quin. Kinuha nya roon ang audio recorder. "Pakinggan natin."

Hinila nya ang upuan nya palapit sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hinahanap nya pa kasi 'yong last na interview which is 'yong kay Ryde.

Ba't ba hindi ko naabutan 'yon? Hindi ko rin naman kasi inakalang masasali sa interview nila si Ryde.

"Here we go," Hinila ni Jean ang ulo ko at inilapit sa kanya. She pressed the start button.

"So... Can I get your number?" Wala pa man ay napangiwi na ako sa tanong ni Quin.

"Yeah, sure." dinig kong sinabi ni Ryde. Mahinang tumili si Quin. Mayamaya'y nagpasalamat na ito kay Ryde. "Is that all?"

"No. Hindi naman talaga 'yon ang pakay namin." Dinig kong sinabi ni Jean. Tumikhim sya bago sinabi ang tanong. "Have you ever been in love?"

"Yes." Nagulat ako sa bilis ng sagot ni Ryde. Ang akala ko ay magdadalawang-isip pa syang sumagot.

Narinig ko ang pagtawa ni Jean. "Di nga? Sige nga. What is love?" Tanong nya.

Napatingin ako kay Jean na natatawa sa kanyang boses.

"Love... is God."

Napangiwi ako sa sagot nya.

"Wala nang iba? Come on, Ryde!" Pagpupumilit ni Jean.

"Love is art... Minsan ay magulong intindihin. Minsan nakakalito. Minsan konti lang ang nakakapansin. But still... Love should be appreciated."

Napangiti ako matapos 'yon marinig. Damn it!

"Love is an Electrifying Art Running Through our Heart."

Halos mabitawan ni Jean ang audio recorder nang may tumili sa gilid namin. Saka lang namin napansin si Quin na nakatingin sa kanyang phone.

"Damn... Ryde!"

Pasimpleng nilagay ulit ni Jean ang audio recorder sa loob ng bag ni Quin. Ayaw na ayaw pa naman nya ang kinakalkal ang bag nya kahit na may pahintulot.

"What happened? Ba't ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Inabot nya sa akin ang phone nya. "Walang hiyang Ryde Leibniz! Walang hiya!" Halos mahimatay ito sa kakasigaw.

Tinignan ko ang phone nya at nakita ko palitan nila ng messages ni Ryde. Nagtaka ako nung makita ang load transactions ni Quin.

"Pinaload mo si Ryde ng 500 pesos?"

"Kung kay Ryde ay walang problema pero... Agh!"

Napatingin ako sa phone number na gamit ni Ryde. Kinuha ko ang phone ko at pinagkumpara ang dalawa.

"Hindi naman sa kanyang phone number ito, ah?" Takang sinabi ko. "D-Don't tell me..."

"Maling number ang ibinigay nya sa'yo, Quin." Ani Jean na natatawa. "Hindi ka ba nakalahata na jejemon pa ang ka-text mo?"

Binalikan ko ang unang conversations nila.

Quin: Hi Ryde. Quin here... Please save my number.

Ryde: ...Huz dis,?!

Matapos magdrama ni Quin kung gaano sya kagalit kay Ryde ay lumabas na kami ni Jean para umuwi.

"Love is an electrifying art running through our heart..." Ulit ni Jean sa sinabi ni Ryde.

"Memorized agad, ah?" Biro ko.

Napatigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Nakakunot ang noo nito at mukhang malalim ang iniisip.

"Jean. Mamaya mo na lang 'yan isipin. Gabi na."

"Wait!" Nanlaki ang mata nya. "Love is Earth?"

"Huh?"

"Ryde's definition of love is Earth!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped