Kabanata 20
Kabanata 20: Kissed
Hindi ko alam kung ilang minuto akong namalagi sa loob ng kwarto ko. Pilit ko pa ring inaalis sa aking utak ang nangyari kanina--- Ang pagkalabit ni Ryde sa gitara, ang pagbuka ng kanyang bibig, ang pikit niya at pagkanta. I must admin he's hot. Ryde is really hot. Hindi ko 'yon maipagkakaila.
Tumayo ako at nag-umpisang maghanap nang maisusuot sa cabinet ko. Napatingin ako sa table nang marinig ang vibration ng phone ko. Naabutan kong bukas ang ilaw no'n kaya tinigil ko muna ang paghahalungkat sa cabinet para lapitan 'yon.
Blaze is calling...
Answer
Decline
Sandali akong natigilan. Matagal-tagal na rin nong huli kong nakita ang pangalan nya sa screen ng phone ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil sa lakas ng kalabog sa dibdib ko. Habang nakatingin ako sa screen ay mas sumisikip ang paghinga ko.
My hands were trembling in nervous. Kahit na ganon ay kinuha ko pa rin ang phone. Mariin akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko bago sinagot ang tawag. Answered.
"H-Hello..." Damn. Even my voice was shaking.
Narinig ko ang mga mabibigat na paghinga sa kabilang linya at dinig na dinig ko rin ang mga stereo. "Hey... Good evening, Miss Vellarde." Masaya nyang bati na ikinakunot ng noo ko.
"Blaze? Are you drunk?" I asked. Agh! Isn't it obvious, Chels?
He chuckled, "They say yes, so I think... I am."
Lumapit ako sa bintana at binuksan 'yon. Parang kailangan ko ng malamig na hangin para kumalma ang nagwawala sa loob ko. Mabilis na niyakap ako ng hangin pagkabukas ng bintana at halos yakapin ko ang sarili ko dahil sa lamig.
"Where are you?" Tanong ko dahil alam kong wala siya sa kanilang bahay. Base sa ingay na galing sa background ay malamang nasa isa syang bar.
"Aww... My princess still cares for me. How sweet?"
Damn. Lasing nga ang loko.
Narinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto. "Chels?" Dinig kong tawag ni Kuya Led mula sa labas. "Kain na..." aniya pa. Inilaya ko sa tainga ko ang phone para sumagot.
"Mauna na kayo!" sigaw ko.
Wala na akong muling narinig na ingay mula doon kaya inilapit ko ng muli ang phone ko sa tainga ko. "Blaze?" Tawag ko sa kanya.
Muli kong narinig ang mga mabigat na paghinga sa kabilang linya. "I am torn, Chels. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin." Ngayon ay biglang lumungkot ang kanyang boses.
Huminga ako nang malalim. "Where are you?" Muli kong tanong.
"Pupunta ka ba rito kung sasabihin ko?"
"Just answer my question, Blaze..." Mariin akong pumikit. Ano na naman ang ginagawa ko. "And yes... I'll be there."
Matapos nyang sabihin ang lugar ay ibinaba ko na ang phone call. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko syang puntahan. May problema sya at nasasaktan akong marinig ang malungkot nyang boses.
Mabilis na pumunta ako sa cabinet. Hindi katulad kanina na hindi ako makapagdesisyon kung ano ang susuotin ko, ngayon ay mabilis na nakapili ako. Mabilis na nagpalit ako ng damit at kinuha ng pouch at phone ko.
Halos mapasigaw ako nang makita si Ryde na nakasandal sa gilid ng pinto. His hands were inside of his pocket. He stared at me blankly before a smirk formed in his lips as if he was mocking me.
"Where are you going?" Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko. "Nagmamadali ka pa. Masyado ba 'yang importante?" Mahina itong natawa sa sinabi nya.
"N-Narinig mo ako?"
He shook his head. "Narinig pero malabo. I waited for you to get out of your room. Sasabay na sana kitang kumain pero mukhang may lakad ka pa. Wala naman akong karapatang magtanong kung saan dahil alam kong hindi mo rin naman ako sasagutin."
I shook my head. Nilagpasan ko sya. Naabutan ko si Kuya Led na papunta rin sana sa kwarto ko. Mabilis na nagbago ang reaksyon nya nang makita ang suot ko. Tamad na tumingin sya sa akin.
"Where?" Malamig na tanong nya.
"M-May bibilhin lang ako sa labas." Paggawa ko ng alibi dahil alam kong hindi nya ako papayagan pag sinabi ko ang tunay na pakay ko sa paglabas.
Tumingin ito sa likod ko kung saan nakatayo si Ryde. "Okay. Sasamahan ka ni Ryde." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Tumingin ako kay Ryde na wala man lang reaksyon.
"K-Kuya---"
"Mamili ka, Chelsea. Papayagan kitang lumabas pero kasama mo si Ryde o mananatili ko rito. Don't fool me..." Ngayon ay ramdam ko na ang galit sa kanyang boses.
Tumingin ako kay Ryde. Kinuha nya ang susi ng sasakyan nya sa kanyang bulsa at ipinaikot ito sa kanyang daliri habang sa ibang direksyon nakatingin.
"Okay... Let's go Ryde." Aya ko sa kanya.
Naunang naglakad palabas si Ryde habang ako ay nanatili sa harap ni Kuya Led. Hindi ako makakilos dahil hinaharang nya ang daan. "Huwag na huwag ka lang uuwi nang umiiyak dito." Nilagpasan nya ako ng tingin bago bumalik sa loob ng kusina.
Mabuti na lang at wala pa sina mommy na malamang ay madaling araw na rin makakauwi. Sumunod ako kay Ryde. Huminto ang sasakyan nya sa harap ko. Bumukas ang pinto ng front seat.
Pagkapasok ko sa loob ay mabilis na pumasok sa sistema ko ang amoy ng kanyang sasakyan. Malamig at ang nag-iisang ilaw lang ang nakabukas. Hindi nagsalita si Ryde habang nagmamaneho.
"Anong tindahan?" Tanong nya.
Walang pag-aalinlangan na sinabi ko sa kanya ang bar. Napatingin sya sa akin ngunit nanatili ang tingin ko sa daan. Kung ano man ang iniisip nya ay wala na sya ro'n. Andito lang sya para samahan ako, hindi para pakialaman kung saan ako pupunta.
"That's a nice store!" Humalakhak sya matapos nyang sabihin 'yon pero alam kong may halong sarkastiko 'yon. "Malawak na store at masasarap ang alak. May party music at maraming lalaki. Hindi mo sinabing mahilig ka rin pala sa mga ganon na store."
Nanatili akong tahimik. Ramdam ko rin ang mas pagpapabilis niya sa takbo ng sasakyan.
"It's a pleasure to be with you in a place like that."
"Blaze is waiting for me..."
"Naghihintay sya sa babaeng may kasamang iba." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Diretso ang tingin nya ngunit nang-aasar ang kanyang nakangising labi.
"I don't want to start a war with you now, Ryde. Hindi ka ba napapagod?"
"But I am willing to start a war just to get someone... Even if I have no bullets left in me." He threw a glance at me with his lips smirking. "Even if I know to myself... Someone has already won."
Inis na sinandal ko na lang ang likod ko. Tumingin na lang ako sa cellphone ko at saktong may bagong text message galing kay Blaze. Sandali kong tinignan si Ryde bago umatras nang konti at binasa ang message.
"Hey... You don't have to go here. Gabi na." He said. I didn't bother to reply back. Malapit na kami doon at saka... Gusto ko rin syang makita.
Nakakatawa na kinain ko lahat ng pangako ko sa sarili ko. 'Yong pangako kong kahit na mahirap ay pipilitin kong kumawala sa kanya. Ngayon, heto na naman ako. Malamang na iniisip ng ibang tao na tanga ako--- Yes. I am that stupid girl who still into someone who hurt me the most and still willing to hurt over and over again. I don't care. And I don't give a damn. Buhay ko ito at wala silang pakialam sa ano ang gagawin ko.
Mabilis na lumabas ako nang sasakyan pagkahinto nito. Bumukas din ang kabilang pinto at iniluwal nito si Ryde. "Just wait me here..." sabi ko. Tumango ito at sumandal sa kanyang sasakyan.
"Just do what you want to do. I promise to keep it to myself."
Hindi ko na sya pinansin. Dumiretso ako sa loob ng bar. Familiar na rin ako dahil malimit na dito ginagawa ang mga party ng mga schoolmates namin tuwing birthday nila. Nasa bungad pa lang ako ay naagaw na agad ng isang lalaki ang aking atensyon.
Halos kapusin ako ng hininga nang magtama ang mga paningin namin. Naglakad ito palapit sa akin habang ako ay nanatiling nakatayo sa pwesto ko.
"Sinong kasama mo?" Ang unang lumabas na tanong nya sa akin. Sandali itong tumingin sa likod ko para tignan kung sino ang kasama ko. Kumunot ang noo nito nang makitang ako lang. "Don't tell me you went here alone?"
Umiling ako. "May kasama ako," ang tanging sagot ko.
Inalalayan nya akong makaupo sa stool bago humila ng isa pa at itinabi sa akin. Nakatingin lang ako sa magugulong tao. May mga nagsasayawan, nagtatawanan. Malamang na narito lang sila pampalipas oras.
"Sinong naghatid sa'yo?" Napatingin ako kay Blaze. Halos pumikit na rin ang kanyang mata. Mabilis na naamoy ko ang alak sa kanyang bibig dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Napatingin ako sa labi nyang basa at hindi ko na naalis ang tingin ko do'n.
"Answer my question and quit staring at my lips." he chuckled.
Mabilis na ang-iwas ako ng tingin. Damn. He caught me staring--- Sa labi pa! Sa sobrang hiya ko ay halos hindi na ako makatingin sa kanya. Sobrang init din ng mukha kaya laking pasasalamat ko na dim ang ilaw.
"Chelsea?" He tried to touch my face but I moved away. "Sorry..."
Nakangiwing tumingin ako sa kanya. "Why are you here, Blaze? Bakit ka naglalasing?" Pag-iiba ko sa tanong nya.
"You want some drink?"
I let a heavy sigh. Wala pa kaming nakuhang sagot sa isa't-isa. Tumango ako. Tumayo ito at lumapit sa counter. Pinanuod ko syang tumayo nang matikas do'n. Naka simpleng polo shirt ito na naka tucked in sa kanyang itim na slacks. Inabot nya ang drinks gamit ang kanyang kaliwang kamay na may wrist watch.
"Here," inabot nya sa akin ang isang inumin na kulay pula.
Pagkasimsim ko rito ay halos ibuga ko ulit sa kanya. "Why juice?" I pouted my lips.
Ngumisi ito bago umiling. "Because I already drunk an alocohol..." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi ako nakagalaw nang lumapit sya sa akin. Ramdam ko na ang mainit na hininga nya sa mukha ko. "and I want to taste that juice too..." Napasinghap ako nang halikan nya ako.
Namula ang buong mukha ko sa ginawa nya. Ipinulupot nya ang kanyang braso sa aking likod bago ito umangat papunta sa batok ko at mas idiniin pa ang labi ko sa kanya. Mahinang kinagat nya ang labi ko kaya napaawang ito.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang nasa likod namin. Napahinto ako sa paghalik habang nakatingin kina Ryde at sa isang babae. Humiwalay si Blaze sa pagkakahalik sa akin ngunit hindi ko man lang sya mapagtuonan ng pansin.
He pinned the girl on the wall and started to kiss her neck.
"Chelsea..." Tawag sa akin ni Blaze.
Ang akala ko ay may mas lalala pa ro'n ngunit nagulat ako nang biglang sinampal ng babae si Ryde. "H-How dare you kiss me! " Nanginginig na sinabi ng babae sa kanya. Mukhang natauhan naman si Ryde.
"You kissed me back..." May pang-aasar na sagot ni Ryde.
Napatingin ako kay Blaze. Nakatuon na ang pansin nya sa basong nasa harapan namin. "So... Si Ryde pala ang naghatid sa'yo?" Ngumisi ito sa akin.
"Y-Yes... Ipinasama sya sa akin ni Kuya Led."
"Chelsea, let's go..." Halos mapatalon ako sa gulat sa pagsulpot ni Ryde. May lipstick pang nakakalat sa gilid ng kanyang labi. "Malalagot ako sa kuya mo."
Tumingin ako kay Blaze. "Sige na... Sinusundo ka na." Natatawang sinabi ni Blaze.
Tumango ako bago tumayo. Sabay kami ni Ryde na naglakad palabas. Magtatanong pa lang sana ako sa kanya kung anong nangyari nang may sumampal na naman sa kanya. Tamad na tumingin lang si Ryde sa babaeng hinalikan nya kanina.
"Hinalikan mo nga ako!" singhal nya at parang gusto kong matawa. Ano bang tingin nya sa nangyari kanina? Panaginip? Bangungot?
Halos magtago ako sa likod ni Ryde nang mapatingin sa akin ang babae. "At may girlfriend ka na pala? You fucking ruined my dreams!" Napanganga ako sa sinabi nya at inambahan pa sana ako ng sampal, mabuti na lang at nahawakan sya ni Ryde sa braso.
"I kissed you once, you slapped me twice. It's a tie now. I have to kiss you again so you can slap me twice again. Deal?"
Literal na napanganga kami sa sinabi nya habang sya ay nakangisi lang.
"Y-You... Walang hiya ka! Huwag kang magpapakita ulit sa akin, ah?" Biglang tumakbo ang babae palayo.
Sumabog ako sa kakatawa. Hindi ko maipinta ang reaksyon ng babaeng 'yon dahil sa sinabi ni Ryde. Nakatingin lang sa akin si Ryde na halatang iritado na.
"Because of you I was slapped two times," Hinawakan nya ang pisngi nyang namumula. "Damn. Ang hapdi. Agh!"
"You deserved it! Why the hell would you kiss a stranger? Idiot!"
"Because I was jealous!"
Natigilan ako sa pagtawa dahil sa sinabi nya. Natigilan din ito at bahagyang namula ang kanyang buong mukha.
"Jealous?"
He cleared his throat. "Maraming naghahalikan do'n pagkapasok ko. Nainggit ako!" Aniya. Bahagya itong naglakad patalikod sa akin.
"Pero bakit sa kanya pa? Hindi mo kilala ang babaeng 'yon pero hinalikan mo. You're unbelievable, Ryde. Ang lakas ng loob mo para gawin 'yon sa babaeng hindi mo kilala,"
Kinabahan ako nang bigla syang humarap sa akin. Nakangisi ito kaya mas lalo akong natakot.
"I know you, Chels."
"W-What?"
"You're Chelsea Vellarde. Alam ko kung saan ka nakatira, kung ano ang pangalan ng parents mo at kung saan ka nag-aaral."
Tinaasan ko sya ng kilay dahil mukhang alam ko na kung saan patungo ang mga sinasabi nya.
"We are not strangers. You know me and I know you too... well."
"Ryde..." May pagbabantang sabi ko.
Lumapit ito sa akin at hindi ako nakakilos. Kumalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba lalo na nong masyado na syang malapit sa akin.
"So maybe... I can drive you home." Tumawa ito bago ako inakbayan. "Let's go home, Love."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro