Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2


Kabanata 2: I'm sorry

Naghintay lang ako ng ilang sandali sa waiting shed at dumating na rin si Tito Raul na family driver namin. Hindi ko na hinayaang pagbuksan nya pa ako ng pinto dahil pumasok na ako agad.

"Musta ang school?" Tanong nya.

Ngumuso ako. "Normal lang naman, Tito. Walang magical na nangyari." Pabalang na sagot ko na ikinatawa nya.

Kinuha ko na lang sa bag ko ang headset at ipinasak sa tainga ko. Pumunta ako sa music at pinindot ang shuffle. Sumakto ang kanta sa Jealous by Nina. Isinandal ko ang likod ko at ipinikit ang aking mata.

Nagawa ko naman. Umiwas ako sa kanya. Hindi ako naghabol at nagmakaawa sa harap nya gaya ng madalas kong ginagawa. Kahit na gustong-gusto kong lumapit ay hindi ko ginawa.

Pero ba't ganon? Akala ko ay malinaw na ang lahat sa amin dahil sa kanya na mismo nanggaling ang mga salita pero bakit nakikialam sya sa akin? Yes, I know he still cares for me pero hindi ko na 'yon kailangan. Kaya ko na ang sarili ko at hindi ko na kailangan ng kanyang gabay at pahintulot sa kung sino ang dapat at hindi dapat na lumapit sa akin.

I hate it. Dahil sa mga ginagawa nya ay mas nahihirapan ako. He's acting like a jealous boyfriend.

Biglang sumagi sa isip ko si Ryde. Alam kong mas dumidikit ako ngayon sa kanya pero alam kong malabong magustuhan ko sya at malabong magustuhan nya rin ako. He doesn't know how to love. Ryde Leibniz is a disgusting shit who loves to fuck and then, leave. The total opposite of Blaze.

Iminulat ko ang mata ko, saktong nasa harap na kami ng gate. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang mga nakahilerang sasakyan sa harap namin. Inalis ko ang headset sa aking tainga at ibinalik sa aking bag.

"Nakauwi nab a sina mommy at daddy?" nagtatakang tanong ko kay Tito Raul na itinabi na ang sasakyan.

Inalis ko na ang seatbelt ko.

"Baka sa huwebes pa, bago ang kaarawan ng kuya mo."

Mas lalong nangunot ang noo ko. Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang tatlong sasakyan na nakaparada. Mas umagaw sa pansin ko ang isang kulay itim na Jaguar XJ--- Oh Ghad! Mukhang alam ko na kung sino ang mga bisita.

Nasa bungad pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang mga sigawan ng mga tao sa loob. Lumunok ako bago pinihit ang seradura ng pinto. Namula ako nang bigla silang mapatingin sa akin kasabay ng pagtahimik nila.

"W-What?" tanong ko sa kanila.

Napatingin ako kay Kuya Led na may hawak na gitara at nakaupo sa sofa. Katabi nya si Jude na nagpipigil ng tawa.

Nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa isang lalaking nakangiti habang nakatingin sa akin. "Light!" halos magkandarapa ako makalapit lang sa kanya.

Dumaing si Ryde nang maapakan ko ang kanyang kamay. Nakahiga ba naman sa floor. Lumapit ako kay Light at binigyan ito ng saglit na yakap. Natawa ito sa ginawa ko.

"Namiss kita, Light."

Sa lahat ng kaibigan ni kuya Led ay si Light ang pinakaclose ko. Siya ang nagtatanggol sa akin pag pinagtutulungan ako nila kuya.

"Kuya Light, Chels. Mas matanda sya sa'yo." Pagtatama ni kuya Led.

"Sino bang magbibirthday sa Biyernes?" Humagalpak ng tawa si Kuya Light. "Pft. Mas matanda ka sa akin, Kuya Led." Natatawang sabi ni kuya Light.

Umupo ako sa tabi nya. Napatingin ako kay Ryde na nakatingin sa binti ko. Dahil nakaupo ako sa sofa at sya ay nakahiga sa sahig ay inayos ko ang mini skirt kong suot. Pinandilatan ko sya ng mata.

Nag-asaran na naman sila habang ako ay nakikinig lang. Si Kuya Light ang kasabayan ni Kuya Led. Nangibang bansa si Kuya Light pagkatapos nyang magcollege dito at malamang na umuwi lang sya para makadalo sa kaarawan ni Kuya.

"Chelsea. 'Yong mga invitation card?" biglang tanong ni Kuya Led.

Napatingin naman ako kay Ryde na nakadapa sa sahig at naglalaro ng bubble saga sa phone. Hindi ko alam kung narinig nya ba ang sinabi ni kuya dahil sa kanya ko ibinigay ang karamihan sa mga invitation card.

"Meron na ako." Sabi ni Jude. Pinitik nito ang gitara. "Nabigyan na ako ni Chelsea." Dugtong pa nito.

Tumango naman si kuya Led bago ako tinaasan ng kilay. "Nabigyan ko na rin si Jean." Sabi ko. "And..." napatingin ako kay Ryde na ngayo'y naglalaro ng boxing sa kanyang cellphone.

"Oh fuck! Damn noob!" Malutong na mura nito habang halos madurog na ang screen ng kanyang cellphone sa kakapindot. "Boom! Gotcha." Sumuntok pa ito sa hangin nang maibagsak nya ang kanyang kalaban.

"Still childish, Ryde. Malamang na matalo mo ang kalaban dahil easy mode ang nakita kong nilaro mo." Humalakhak si Kuya Light.

Umismid si Ryde. "Nabigyan na rin ako ng love letter ni Chelsea." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Tumaasa ang kilay ni Kuya Led habang nakatingin sa akin. Lumobo naman ang pisngi ni Jude na halatang nagpipigil ng tawa. "Love letter?" tanong ni Kuya Led.

Iwinasiwas ko ang aking kamay. "Love letter your ass. It's an invitation card!" Gigil na sabi ko.

Umiling ito. "Naibigay ko na lahat ng ibinilin mo." Sabi nito sa akin bago ngumisi. "Kaso nawala ko 'yong isa." Ngumuso ito . Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa lalaking 'to.

Tumango na lang ako.

"Kanino?" I asked,

"'Yong invitation card na para kay Nagliliyab?" Humalakhak ito.

Saglit na kumunot ang noo ko bago tuluyang maintindihan ang ibig nyang sabihin. Umusok ang ilong ko sag alit dahil sa mga sinabi nya. Tumayo ito at tumakbo sa likod nina Kuya Led at Jude.

"Blaze?" Jude asked.

"I'm sorry, Chelsea. I was about to give his invitation card--- I accidentally--- I'm sorry. Nasunog ko."

Natawa ako sa explanation nya at halatang hindi kapani-paniwala. "Hayaan mo na, Chels. Ako na ang bahala." Sabi ni Kuya Led.

Humalukipkip si Ryde dahil sa sinabi ni kuya. "I told you, Love. Hindi ko sinadya... Hindi ko sinadyang masunog 'yon kahit na hawak ko lang. It's just because of my hotness." Ngumuso pa ito.

Inis na kinuha ko ang bag ko at nagmartsa papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa ang tawa ni Ryde at ang mga mura na natanggap nya sa mga kaibigan nya.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Nag-aalab pa rin ang galit ko dahil sa ginawa ni Ryde. Alam kong kasinungalingan lang lahat ng sinabi nya. Kung alam ko lang sana ay hindi ko na ipinaubaya sa kanya ang mga 'yon.

Hindi na talaga ako magtitiwala sa lalaking 'yon.

Nagpalit ako ng damit bago bumaba. Naabutan kong tutok na tutok sila kuya sa t.v dahil sa pinapanuod nilang NBA. Dumiretso na lang ako sa kusina kung saan naabutan ko si Manang na naghahain na.

"Ako na po." Kinuha ko sa kanya ang mga plato at kubyertos at ako na ang nag-ayos ng mga iyon.

"Salamat." Sabi niya.

Tinulungan ko sya sa paghahain. Tinikman ko ang mga putaheng niluto nya at parang gusto ko na tuloy na mauna ng kumain ngunit alam kong bawal. Mapapagalitan ako kay Manang dahil gusto nya ay sama-sama.

"Oo nga pala." Napatingin ako kay Manang nang magsalita ito. "Dahil maraming gagawin sa biyernes ay pinapaluwas ko ang anak ko para may makatulong ako." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman na po kailangan. Baka maghire din po si mommy ng tutulong." Sabi ko.

Tumawa ito. "Gusto rin naman kasi makapunta ni Trisha dito. Matagal-tagal na matapos syang makapunta dito sa Manila kaya excited na sya. Nakapagpaalam na rin ako sa mommy mo." Sagot ni Manang.

Hindi naman lingid sa kaalaman naming na may anak si Manang sa probinsya. Nakwento na nya 'yon sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay matanda lang sa akin ng tatlong taon ang anak nya at baka nga kasing edad lang nina Kuya Led at Light 'yon eh.

"Tawagin mo na sila." Sabi ni Manang.

Tumayo ako at hinila ang paa ko palabas ng kusina. Naabutan kong pinagbabatukan nila si Ryde.

"Bulok naman pala ang pinagmamalaki mong team!" sigaw ni Kuya Light bago muling binatukan si Ryde.

Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. "Kain na." sabi ko at agad na tumalikod.

'Pagkaupo ko ay mabilis na umupo rin sa tabi ko si Ryde. Sumunod sa kanya si Jude na umupo sa harap namin. Tumabi sa kanya si Kuya Light at umupo naman sa gilid ko si Kuya Led.

Nag-umpisa na kaming kumain. Nagpaalam si Manang na may bibilhin lang.

Tahimik lang akong kumakain habang sina Kuya Led, Light at Jude lang ang nag-uusap tungkol sa mangyayari sa Friday. Pinag-uusapan nila kung anong alak ang iinumin nila at kung pwede ba raw magdala ng babae.

"Malilintikan ako kay mommy." Sabi ni Kuya Led.

"Sa roof deck naman tayo."

"Bawal Jude. Magagalit si mommy." Sabi ko.

Pwedeng uminom ngunit bawal magdala ng babae. 'Yon ang patakaran na iniwan sa amin nila mommy bago sila mangibang bansa ni daddy for business meeting.

Napatingin ako kay Ryde na tahimik na kumakain. Anong problema ng mokong na ito? Kanina lang ay ang sigla-sigla nya tapos ngayon ay biglang tatahimik. Maganda na rin ito. Baka pagnakisali pa sya sa usapan nila kuya ay mas lumala ang kalokohan na gagawin nila sa biyernes.

Hanggang matapos kaming kumain ay hindi umimik si Ryde. Inasar na sya nila kuya ngunit wala lang 'yon sa kanya. Pumunta sila sa salas para ipagpatuloy ang panunuod habang ako ay naiwan sa pagliligpit.

Hahawakan ko na sana ang basahan para magpunas ng lamesa nang may mauna ng humawak dito. Napatingin ako kay Ryde na nagpupunas ng lamesa. Hindi ito kumikibo at dahil wala na rin akong gagawin ay iniwan ko na sya doon at umakyat na akong muli sa kwarto.

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang mga notifications. Nagtext si Jean na sasamahan ko raw sya bukas pagkatapos ng klase. Bibili raw sya ng gown na isusuot nya sa birthday ng kanyang asawa.

"Magdadala ng babae sina kuya." I replied.

Ilang Segundo lang ay nagreply sya agad. "What?! Magtataksil sa akin ang asawa ko? Hindi ako magpaapatalo. Magpapanty at bra lang ako sa Friday." Humalakhak ako sa reply nya.

Humiga ako sa kama at ipinatong ang cellphone ko sa gilid ko nang biglang magvibrate ito kaya muli ko itong kinuha.

One text message from unknown number?

"You mad? I'm sorry. Ibinigay ko nga pala ang invitation card kay Blaze. Nagbibiro lang ako. Kindly save my number, Love. :* "

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped