Kabanata 19
Kabanata 19: Kung wala ka
Nagpalipas muna ako ng hiya sa loob ng comfort room. Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakatingin sa reflection ko sa salamin. Gustuhin ko mang huwag ng bumalik doon ay alam kong mali dahil malamang na naghihintay sila. Sana lang ay wala na roon si Ryde.
Huminga ako nang malalim bago hinila ang mga binti ko palabas do'n. Ramdam ko pa rin ang hiya sa mga akusasyon ko kay Ryde na hindi sya nag-reply pero ngayon ay nakahinga na ako nang maluwag. Nabasa nya ang message ko at nag-reply sya--- Hindi nga lang na-send pero ngayon, nabasa ko na--- Dapat ay hindi na lang sya nag-reply.
Pagkapasok ko sa cafeteria ay saktong palabas na rin sina Jean, Fairy at Quin. Tumingin ako sa likod nila at wala na silang ibang kasama. Malamang na pumasok na rin 'yon sa klase nila.
"Oh? Tapos ka na sa drama?" Tanong ni Jean. Nakangisi ito sa akin at malamang na may iniisip na naman sya. Malamang na iba na naman ang naiisip nya sa nangyari kanina!
"Hindi lang sya nag-reply, over ka na mag-react?" Quin rolled her eyes. Hinila ako ni Jean palabas. "Can I get his phone number?" She asked.
Sandali kong hinarap si Quin bago umiling. "My mom taught me to not give any personal information of someone without their consent. I'm sorry..." I said. That's true and I always keep that in my mind. Malay ko bang ayaw ibigay ng isang tao ang impormasyon na 'yon tapos ako ibibigay ko lang? Nope.
Pumanhik kami sa hagdan dahil sa third floor ang room namin for the next subject. Nakahawak pa rin si Jean sa aking braso kaya malamang na may kailangan na naman sya sa akin. Alam kong gusto nyang malaman ang buong detalye sa nangyari kanina.
"Nevermind... Kukunin ko na lang sa kanya. I won't beg for you to give his phone number."
Sandali kong ibinalin ang ulo ko sa direksyon ni Quin bago ngumiti. "Good," Sabi ko.
Pagkapasok namin sa room ay kakarating lang ng prof namin. Nag-umpisa ang klase at maayos naman ang lahat. Oh well, maliban sa babaeng nasa tabi ko na kanina pa pasulyap-sulyap sa akin. Sana lang ay matiis pa nyang itikom ang bibig nya dahil wala akong planong sagutin ang mga katanungan nya dito.
Matapos mag-discuss ng prof namin ay ipinasulat nya sa notes namin ang mga nakasulat sa white board. "Shut up, Jean. Hindi ka nya tunay na kaibigan para sabihan ng mga sikreto." Dinig kong bulong ni Jean. Hindi ko tuloy alam kung bulong ba talaga 'yon, malamang na gusto nyang marinig ko. Agh!
Nanatili akong tahimik na nagsusulat. "See... Don't push her to open up, Jean. Kung kaibigan ka talaga nya ay sasabihin nya sa'yo kahit hindi ka magtanong." Napapikit ako sa inis nang marinig na naman ang malakas na bulong nya.
I let a heavy sigh. "Let's talk about that later..." I whispered. Halos mapatalon ako sa gulat nang hampasin nya ako sa braso.
"You're really my bestfriend," mahina itong tumawa.
Matapos nga ng klase ay hindi na ako nilubayan ni Jean, kulang na lang ay sumabit na sya sa akin dahil sa kakakapit nya sa braso ko. Hindi ko naman sya tatakbuhan at isa pa ay gusto kong malaman nya ang nangyari.
Hindi na muna kami lumabas ng room. Hinintay naming makalabas ang lahat bago ko hinarap si Jean. Halos matawa sa mukha nyang excited na excited. Sharing secrets with your friends is not that bad at all. Si Jean lang ang nakakaalam ng mga sikreto ko at kahit na lumabas ang mga 'yon ay wala akong isisisi sa kanya. Secrets are meant to be revealed.
"Shall we start?" I teased her.
She groaned. "Please..."
Huminga ako nang malalim. "May nangyari kahapon..." Simula ko. Bigla ko na naman naalala ang mga nangyari kahapon.
"Malamang... Wala namang kahapon kung walang nangyari."
Tumawa ako sa inis na kakaumpisa ko pa lang ay tinatapos na nya agad. "Gusto mo bang marinig o ayaw?" Gusto kong matapos agad ang usapan na ito na malamang na hindi agad mangyayari dahil may mga side comments sya sa bawat salitang lalabas sa bibig ko.
She nodded her head.
"Remember nung tinanong kita kahapon kung gusto mong sumabay sa akin dahil susunduin ako ni Kuya Led?" Tanong ko sa kanya.
Namula ang mukha nito bago mahinang tumili. "Paano ko makakalimutan na inuna akong ihatid ng kuya mo kesa sa'yo?" Sabi nya na ikinabigla ko. Bigla akong nakaramdam ng galit kay Kuya Led.
Kaya pala! Kaya pala hindi sya agad dumating! Kaya pala hindi nya agad ako nasundo ay mas inuna nya ang babaeng ito kesa sa tunay nyang kapatid. Hinayaan nya muna akong mabasa at may mangyaring ganon bago sinundo.
"Hayaan mo na 'yon. Syempre mas uunahin nya ang asawa nya," Hinawakan ni Jean ang braso ko para pakalmahin ako pero ang labas no'n ay parang mas naasar ako. "Anong nangyari pagkatapos?"
Napabuga na lang ako ng hangin. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito. Kahit na nawalan na ako ng ganang magkwento ay sinabi ko pa rin sa kanya. Nakangiwi lang ito habang nakikinig sa akin.
"Whoo! Iba ka, Chels!" Ang tanging lumabas sa bibig nya pagkatapos kong magkwento.
"It was unfair, I know but I just can't leave Blaze there! Malakas ang ulan!"
"I don't want to blame you but gosh... Ang sarap mong sampalin. Hindi mo na sana inalok si Ryde kung kay Blaze din naman ang bagsak mo. O kaya ibinigay mo na lang sa kanila 'yong payong mo tapos ikaw na lang ang tumawid sa ulan. Mas maganda pa 'yon."
Ngumuso ako dahil sa mga sinasabi nya.
"Nagiging tanga ka na dahil sa tinatawag mo na pagmamahal na 'yan--- Wait. I don't consider it as love anymore. It's not love... Obsess ka na kay Blaze na nagiging makasarili ka. I told you to be yourself but I never told you to hurt anybody while being yourself."
Lumunok ako bag nagsalita. "Ganon naman talaga 'yon, 'di ba? Kahit na anong gawin natin ay may masasaktan tayo. Hindi natin 'yon maiiwasan." 'Yon ang totoo. May nasasaktan tayo nang hindi natin namamalayan.
"Siguro nga tama ka... Pero paano kung paulit-ulit? Hindi sinasadyang makapanakit nang ulit-ulit? Oh come on!"
"W-Wait... Bakit ba napunta rito ang usapan? Ang sabi mo ay ikwento ko lang sa'yo."
Gusto ko nang putulin ang usapan na ito dahil hindi ko gusto kung saan pa ito patutungo. Naging unfair lang ako kay Ryde dahil mas pinili ko si Blaze at kung may pagsisisi man ako do'n ay wala. Hindi ko gusto ang nangyari pero hindi ko kailanman pagsisisihan na si Blaze ang inalukan ko ng silong.
Tumawa si Jean. "Damn, Chels. Why are you afraid?" May halong panunuyang tanong nya.
Tumingin ako sa labas. Dumidilim na rin pala. Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa sobrang seryoso ng pag-uusap namin. Muli kong binalingan ng tingin si Jean. Nakangisi pa rin ito.
"Afraid of what?"
"Afraid of the truth..."
"I am not!" Matigas kong sinabi.
"Really? Paano kung malaman mo ang katotohanan sa nangyayaring ito?"
Naguguluhan na talaga ako sa sinasabi nya. Gustuhin ko mang intindihin ay parang masyadong magulo ang aking isipan. Masyado na kaming lumalayo sa napag-usapan.
Huminga ako nang malalim bago kinuha ang bag ko. "Tama na. Gabi na. Uwi na tayo." Kahit na konti lang ang ginawa namin ngayong araw ay parang pagod na pagod ako. Gusto ko nang humilata sa kama at matulog.
Bumuntong hininga si Jean bago nya isinaayos ang kanyang mga gamit. Nauna na akong naglakad papunta sa pinto. May mangilan-ngilang estudyante na lang ang napapadaan.
"Let's go?" Jean asked. Nagsimula na kaming maglakad palabas. Tahimik lang kami. Dinig na dinig ko pa rin sa aking isipan ang mga sagutan namin kanina. Bakit ba humantong sa ganon?
"Tapusin na natin bukas ang interview," Sabi ni Jean. Pagkarating namin sa waiting shed ay umupo kami sa bakanteng upuan.
"Matatapos din natin agad 'yon kahit na hindi tayo gumawa bukas." Pagpapaliwanag ko dahil medyo matagal pa ang submission.
Nakatingin lang ako sa mga dumadaan na sasakyan. Hindi ko alam kung sino ang susundo sa amin. Baka si Tito Raul since hindi naman sinabi ni Kuya na sya.
"Hmmm..." Napatingin ako kay Jean na diretsong nakatingin lang sa kalsada. May gusto syang sabihin na hindi nya alam kung paano uumpisahan.
"Spill it out," Alam kong hindi naman sya titigil hangga't hindi 'yon nasasabi.
"What if... What if may gusto pala sa'yo si Ryde?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi ko isinasara ang posibilidad na magseryoso si Ryde sa isang babae. Darating pa rin sya sa puntong titigil ang lahat ng sa kanya at matutuon ang buong atensyon nya sa isang tao.
Pero... Ba't ako? Lahat ng ipinapakita ni Ryde sa akin ay ipinagkikibit-balikat ko lang. Ayokong isipin ang mga ganon na posibilidad. Sana lang ay hindi... Hindi ko kaya.
"Paano kung nong mga panahong inaasar ka nya ay gusto nya lang makuha ang atensyon mo?"
"Jean. Ganon naman talaga si Ryde. Mapang-asar sya."
Jean shook her head. Bumuga ito ng hangin bago tumingin sa akin. "Alam kong hindi ka manhid para hindi 'yon maramdaman," Napayuko ako matapos nyang sabihin 'yon. "Pero ba't hindi mo tanggapin ang posibilidad na 'yon? Try him, Chels. What if he could set you free from being trapped?"
Hindi makapaniwalang sinabayan ko ang titig nya. Naging malabo ang mga 'yon.
"I will never use someone just get rid of this shitty feelings!"
Tumawa si Jean sa naging reaksyon ko. Mali ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya?
"Hindi mo sya gagamitin... Dahil hahayaan mo ang sarili mong mahulog sa kanya."
"W-What?"
"I know you're still into Blaze but why not give Ryde a chance? Give him attention... His efforts."
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Naging malinaw sa akin ang gusto nyang mangyari at naiinis ako sa sarili kong hindi ko man lang 'yon magawang ayawan. Damn!
"Just a friendly reminder... Buksan mo ang sarili mo sa ibang tao."
Napatingin ako sa sasakyan na tumigil sa harap namin. Sumilip si Tito Raul sa bintana. Lumapit kami sa kanya ni Jean at nagmano.
"Sabay ka na," alok nya kay Jean.
Tumango si Jean at naunang pumasok sa akin. Napailing na lang ako bago sumunod. Buong byahe ay tahimik lang ako.
Hindi ko inakalang guguluhin din ng lalaking 'yon ang mga desisyon ko. I've been hating him since the day I knew his existence. I've witnessed how cruel he was with his past girls. Ryde Leibniz... Damn. How dare you for making me this confused.
Naunang bumaba si Jean. Kumaway ito sa amin hanggang sa makapasok sya. Pagkarating namin sa bahay ay halos mapatalon ako sa gulat nang tumambad sa akin si Ryde. Naglalaro sila ni Jude ng xbox.
"Hey! Please come in!" Nakangising aya nya sa akin.
I rolled my eyes.
"Chels... Don't be shy. Please feel at home." Tumawa sila ni Jude matapos sabihin 'yon.
Biglang lumabas si Kuya Led mula sa kanyang kwarto. "Oh... Buti naman nakauwi ka na." Nakangising sinabi nya.
Napatingin ako sa hawak nyang gitara. Umupo sya sa tabi ko.
"Bumili ka ng gitara?" Tanong ko sa kanya dahil sa pagkakaalam ko ay hindi mahilig sa mga ganitong instrumento si Kuya.
Hindi nya ako pinansin. "Ryde! Dito na!" Tawag nya kay Ryde. Binitawan ni Ryde ang joystick bago lumapit kay Kuya.
"Chels... Laro tayo?" Aya sa akin ni Jude. Tumango ako bago lumapit sa kanya.
"Buti hindi mo sinama si Irene?"
"Nope." Maikling sagot nya.
Kakaumpisa pa lang ng laro namin nang marinig ko ang pagpitik ng gitara sa likod namin. Nanindig ang balahibo ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin. Hawak ni Ryde ang gitara at seryosong pinaglalaruan ang mga strings no'n.
"Eyes on the screen. Damn. Chels. Pinaghirapan kong maabot ang level na ito." Biglang bulong ni Jude.
Napatingin ako sa screen bago ipinagpatuloy ang paglalaro.
"Ano bang kanta ang gusto mong matutunan?" Dinig kong tanong ni Ryde. Mukhang gusto na talagang matuto ni Kuya ang maggitara.
"Ikaw ang bahala..."
Nanginig ang kamay ko nang marinig ang tinutugtog ngayon ni Ryde.
"Natapos na ang lahat... Andito pa rin ako."
"Fuck!" Napamura ako hindi dahil namatay ang character ko kundi dahil sa narinig kong kumanta si Ryde.
Nanatili akong nakatingin sa screen. Tanging si Jude na lang ang kumikilos.
"Hindi mo maiisip... Hindi mo makikita." Naramdaman kong hinawakan ni Jude ang aking mukha at iniharap 'yon kay Ryde. "Mga pangarap ko para sa'yo... Para sa'yo."
Napalunok ako nang makita si Ryde. Nakapikit ito habang patuloy ang pagpitik sa gitara. Nakatingin lang si Kuya Led sa gitara na parang kinkabisado ang bawat galaw ng kamay ni Ryde.
"Ohh... Hindi ko maisip kung wala ka, Ohh... sa buhay ko, Ohh.."
Napaiwas ako ng tingin nang imulat nya ang mata nya. Halos mapaatras ako nang bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Jude.
"You want more?" Jude asked me. Ngumisi ito nang makitang namula ang mukha ko.
I shook my head. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko sa tabi ni Ryde. Tumakbo ako papasok sa loob ng kwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro