Kabanata 18
Kabanata 18: Reply
Nanatili akong nakatingin sa panyong nakalahad sa harapan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang inaalala nya gayong sya ang basa ng ulan? Ano bang pakialam nya sa akin?
"Stupid, Ryde." Nakangising umalis si Blaze.
Ibinaba rin ni Ryde ang panyo nya nang mapansin na wala akong balak na tanggapin 'yon. Tumila na rin ang ulan ngunit malakas pa rin ang ihip ng hangin.
"Pati ba naman panyo mula sa akin ay ayaw mong tanggapin? Paano kaya kung yakap na. Baka sapakin mo na ako." Tumatawa nyang sinabi.
Hindi sa ayaw kong tanggapin pero alam kong mas kailangan nya 'yon. Basang-basa ang uniform nya at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nya.
"Bakit ka sumuong sa ulan?" 'Yon ang tanging tanong na lumabas sa bibig ko.
Mahina itong tumawa bago tumingin sa umaaliwalas na kalangitan. Sumisilip na rin ang mga bituin do'n.
Bumuntong hininga ito. "Babalikan ma ba ako kung sakali? Kahit na 'yon lang dahil alam kong sya ang uunahin mo?" Tumingin ito sa akin. "Matapos nya, babalikan mo ba ako?"
Napalunok ako at parang may bumara sa lalamunan ko para hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa tuwing nagsasalita sya. Pakiramdam ko ay may sasabihin syang ayokong marinig. Mga salitang hindi ko inaasahang lalabas sa bibig nya.
"Hindi, 'di ba?" Tinignan nya ang panyong hawak nya bago ito ipinunas sa basa nyang mukha. "Ang daya... Talo na agad ako." Dinig kong bulong nya.
"Bakit, Ryde?"
Naguguluhang tumingin sa akin si Ryde. "Anong bakit?" Tanong nya.
"May itinatago ka ba sa akin?" Tanong ko.
Tumawa ito bago inayos ang polo nyang basa. Pinanuod ko lang syang ilabas ang susi ng kanyang sasakyan. Ipinaikot nya 'yon sa kanyang daliri.
"Wala. Ipinaparamdam ko na sa'yo eh. Ang daya mo kasi hindi mo man lang maramdaman."
Umawang ang bibig ko sa gulat nang may bumusina sa harapan namin. Bumaba ang bintana ng sasakyan at sumilip si Kuya Led na nakataas ang dalawang kilay.
"Sige na. Sakay na. Aalis na rin ako." Pagpapaalam ni Ryde na bahagya nang tumalikod sa amin. Kumaway itong sandali kay Kuya. "Naiinis akong ginaganyan ka ng ibang lalaki pero mas nakakainis na hindi man lang kita kayang tulungan."
Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. "Gabi na at magkasama pa rin kayo ng lalaking 'to." Sabi ni Kuya Led bago ako hinila papasok sa loob ng kotse.
Tumingin ako sa labas. Nag-umpisa na ring maglakad si Ryde palayo. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa pinaandar na ni Kuya Led ang sasakyan.
"Ba't magkasama kayo ni Ryde?"
"Ikaw, Kuya? Ba't ngayon ka lang?" Tanong ko pabalik sa kanya. Kumunot ako nang mapansin ang ngiti sa kanyang labi. "Saan ka galing?"
Hindi ito sumagot. Buong byahe ay tahimik lang sya at paminsan-minsan ay kumakanta. Hindi ko alam kung ano na naman ang nangyari sa kanya.
Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong ako ni mommy na nakakunot ang noo. "Ba't ngayon lang kayo? Ba't basa ka?" Sunud-sunod na tanong ni Mommy.
Itinuro ko si Kuya Led. "Ngayon lang kasi dumating si Kuya kaya naabutan tuloy ako ng ulan." Sumbong ko sa kanya.
"Pumasok ka na at magpalit," sabi sa akin ni Mommy bago binalingan ng tingin si Kuya Led. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Napatingin din ako kay Kuya.
Ang weird.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay mabilis na kumuha ako ng damit at sandali na naligo dahil baka lagnatin pa ako 'pag nagtagal doon. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay hindi ko maiwasang balikan ang mga pangyayari kanina.
Nauna kong inalukan ng payong si Ryde bago dumating si Blaze ngunit si Blaze pa rin ang nilapitan ko. That was unfair, I know. Pag kasama sa pagpipilian si Blaze ay sya ang lagi kong pinipili.
Pumikit ako nang maalala ang pagsuong ni Ryde sa ulan. Damn!
Kinuha ko ang phone ko. Tumambad sa akin ang sunud-sunod na text messages mula kay Jean. May mga missed calls din sya. Ano na naman ang problema nito?
Binasa ko ang mga messages nya.
"Hindi ako natiis ng asawa ko. Hays."
"Tinanggap ko na ang sorry nya baka kasi hindi na sya makatulog tuwing gabi eh."
"Bati na kami. Nagbabalik na ang tambalang Lean. Led and Jean."
Napangisi na lang ako nang maalala ang ngiti ni Kuya Led kanina. Mukhang alam ko na kung bakit at mukhang maraming ikukwento sa akin bukas si Jean. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko dahil malamang na mabubugbog na naman nya ako dahil sa kilig.
Pabagsak na humiga na lang ako sa kama. Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko. Nagulat ako dahil nakatingin na pala ako sa mga messages ni Ryde.
Should I say sorry? May kasalanan ako kaya malamang na kailangan pero nahihiya ako. Ano bang magagawa ng sorry ko kung sakali?
Bahala na. Nagsimula na akong mag-type nang biglang magrefresh ang screen at pumasok ang isang message mula kay Ryde.
"I am yours but you're not mine. How unfair, Earth?"
Nakagat ko ang labi ko matapos mabasa 'yon. Damn! Hindi sya galit! Nagbalik na ang pag-text nya sa Earth. Natigilan ako nang may maalala.
What if Jean was right? Paano kung ako nga ang Earth na tinutukoy nya?
Mariin akong pumikit dahil ayoko na munang alalahanin 'yon. Ang mahalaga ay malaman nyang alam kong mali ang ginawa ko kanina.
"I am not Earth but I want you to know that I am sorry... I'm sorry, Ryde."
Napatili ako nang ma-send. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Nahihiya ako! Shit! Nahihiya ako sa sinabi ko at malaman na iba na naman ang iisipin ni Ryde tungkol do'n!
Kinalma ko ang sarili ko at naghintay ng reply mula sa kanya. Lumipas ang sampong minuto at sumakit na ang mata ko kakatitig sa screen ng phone ko. Lumobo ang pisngi ko sa inis.
Ang kapal ng mukha nyang hindi mag-reply!
Inis na ibinato ko ang phone ko sa tabi ko. Okay. Ang mahalaga ay nag-sorry na ako at kung hindi nya kayang tanggapin 'yon ay wala na akong magagawa. Agh!
Bumaba muna ako para uminom ng tubig. Naabutan ko si Manang Lory na may kausap sa phone. Sinenyasan nya akong lumapit sa akin.
"Gusto ka raw makausap ni Trisha?" Inabot nya sa akin ang phone.
"Hello? Trisha."
"Chels!" Mabilis na inilayo ko sa tainga ko ang phone nang tumili sya. Natawa si Manang dahil narinig nya 'yon. "Kamusta na si Jean?" Sunod na tanong nya at hindi ko alam kung maiinis ako o ano.
"Trisha... Ako ito, Si Chelsea."
"Alam ko. Kamusta na nga si Jean? Gumanda ba lalo?"
Ngumiwi ako. "Ayos lang ako, Trisha. At oo, mas lalo akong gumanda." Pabalang na sagot ko.
Tumawa sya sa kabilang linya. "Biro lang. Miss ko na kayo. Sayang at hindi ko kayo gaanong nakasama." Ramdam ko na naman ang lungkot sa kanyang boses.
"Hindi ka ba ulit papasyal dito?" Tanong ko.
"Hindi ko alam. Alam mo bang nakita ko na naman kanina si Gion? Kasama ang dalawa nyang guard. Takot ata siyang mahawakan ng mga tao."
Ngumiwi ako dahil hindi ko gaanong maintindihan ang kwento nya.
"Alam mo bang binili nila ang school kung saan ako nagtuturo? Baka nga isang araw ay paalisin na lang nila ako bigla." Tumawa ito sa sinabi nya. "Sige na. Paki bigay kay Mama." aniya at inabot ko naman agad ang phone kay Manang.
Pumunta ako sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Narinig ko pa ang ibang usapan nila Manang bago sila nagpaalam sa isa't-isa.
Mukhang nagmula sa isang mayamang angkan ang Gion na 'yon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang galit sila kay Trisha. Dahil ba isa siya sa naging girlfriend ni Gion?
Umakyat akong muli sa kwarto ko. Naabutan kong umiilaw ang screen ng phone ko. Mabilis na kinuha ko ito at inasahan ang isang reply mula kay Ryde.
"Hi, Chels. I want to introduce myself. I am Jean D. Remez - Vellarde."
Bumagsak ang balikat ko. Ibinalik ko na lang sa table ang phone ko. Inantok ako kakahintay sa isang reply. Agh! Damn it!
Kinabukasan. Umaga pa lang ay parang sira na agad ang buong araw ko.
"Oh? Ba't nakanguso ka?" Salubong sa akin ni Jean pagkapasok ko sa loob ng room namin. "May ikukwento pala ako sa'yo."
Itinaas ko ang kamay ko para pigilan sya. "Alam ko na. Nagkabati na kayo ng asawa mo. Tama na." Inunahan ko na sya.
Namilog ang mata nya bago mahinang tumango. Natapos ang morning class namin ay break time pero heto kami at nag-iinterview.
"Naging kami. Nagpalitan kami ng mga I love you. Ganon ba 'yon? Na-in love na ba ako no'n?"
Uminit ang ulo ko matapos marinig ang sagot ng isang lalaking may suot na makapal na salamin.
"Oh? Ba't di na lang namin ininterview ang sarili namin kung kami rin naman ang sasagot?" Inis na sagot ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Quin. "Easy. Kaya natatakot sila sa atin eh." Pagbabawal nito.
Hindi na lang ako umimik. Matapos naming makailang interview ay nagbreak muna kami.
"Ba't ang init ng ulo mo?"
"I waited for nothing! Hindi ko alam kung tinanggap nya ba ang sorry ko o hindi! Walang reply!"
Namilog ang mata ni Jean. Sumimsim na lang ako sa juice ko. Pasalamat sya at nagreply pa ako.
Napatingin ako sa lalaking tumatakbo papunta sa amin. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang pangalan ko sa kanyang bibig.
"Chels!" Humahangos na nakarating sa amin si Ryde. "Nakatulog ka ba kagabi?" Tanong nya sa akin.
Natawa ako sa tanong nya. "Bakit naman hindi?" Pabalang na sagot ko.
Anong akala nya? Hindi ako makakatulog dahil hindi sya nag-reply? Ano namang pakialam ko kung hindi sya nag-reply? Hindi naman big deal sa akin 'yon! Duh!
"Aww... Akala ko hindi."
"Akala mo lang hindi pero naghintay ako! Hindi ka man lang nag-reply! Oo. Alam kong kasalanan ko kaya nga humingi ako ng sorry, 'di ba? Pero ba't di ka nag-reply? Akala mo naman big deal sa akin 'yon? Edi wag kang mag-reply! Pakialam ko!"
Napanganga ito sa sinabi ko. Kinapa nya ang bulsa nya at inilabas do'n ang kanyang phone. Kumunot ang noo nya habang nakatingin do'n.
Napatingin ako sa straw ng juice ko na halos malukot na. Binitawan ko na lang 'yon dahil baka mahagis ko pa sa kanya.
"Shit!" Napatingin ako kay Ryde. Nakangiwi ang basa nitong labi. "H-Hindi ko pala na-send." Kumamot ito sa kanyang batok.
Tumunog ang phone ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko 'yon kinuha. Oh ghad! Hindi nya na-send! Nag-reply sya pero hindi na-send!
Namula ang mukha ko sa hiya.
Kinuha ko ang bag ko at iniwan sila. Sobrang init ng mukha ko dahil sa nangyari. Nahihiya ako sa kaartehan ko.
Kinuha ko ang phone ko nang makapasok na ako sa loob ng cr. Binasa ko ang text ni Ryde.
"Shit!" He replied.
Bumagsak ang balikat ko. Hindi ko alam kung ano ang mas maganda. Ang hindi na lang sya nag-reply o nag-reply nga pero ganito naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro