Kabanata 17
Kabanata 17: Umbrella
"Siguro?"
Napangiwi ako sa sagot nya. Bumagsak naman ang kamay ni Quin kung saan hawak nya ang voice recorder. Tumingin sa akin si Jean.
"The answer is either yes or no only." Paglilinaw ni Fairy na may hawak na papel kung saan nya isinusulat ang names ng mga na-interview namin.
Inayos ng babaeng in-enterview namin ang kanyang buhok. Hinarang namin sya habang papasok sya sa cafeteria kanina.
"E-Eh kasi crush ko sya. Kapag ba crush, love na rin?" Tanong nya.
"So it was only a crush?" Paglilinaw ko kasi lumalayo na kami sa topic. "You have never been in love yet?"
"Siguro?"
"Siguro? Siguro mas mabuting pumasok ka na sa cafeteria." Tinuro ni Jean ang likod ng babae. "Baka gutom lang yan."
Tumango ang babae at tumalikod. Diretso itong pumasok sa loob ng cafeteria. Hinarap ko ang mga kasama ko.
"Mukhang matatagalan pa tayo bago maabot ang target number." Sinasabi ni Fairy habang binibilang ang mga nasa notes nya.
"Tara. Hanap pa tayo," aya sa amin ni Jean.
Sumunod kami sa kanya. We're now conducting a survey for our final requirements. Ang target namin ay mga college students only. Hindi namin sinali ang mga lower years dahil alam naming bata pa sila sa ganon.
Hinarang ni Jean ang isang lalaking may hawak na pamaypay. Tumaas ang kilay nito at maarteng humalukipkip sa harapan namin.
"Pwede ka bang ma-istorbo?" Tanong sa kanya ni Quin. Hawak pa rin nya sa kanyang isang kamay ang voice recorder habang sa isang kamay naman ang paborito nyang compact mirrror.
"Nung hinarang nyo pa lang ako ay naistorbo na ako."
Namilog ang mata namin dahil sa arte ng kanyang boses. "We'll just ask one question." Paglilinaw ko dahil baka akala nya ay matagalan sya.
"Tinanong nyo na ako."
Lumapit sa kanya si Fairy. "Your name, please?" She asked politely.
He let a heavy sigh. "Trixie M. Aspiro." Kumunot ang noo namin sa sinabi nya.
"Sir?"
He frowned. "Fine! Trizor Mintev Aspiro." Ngumuso ang kulay pulang labi nito. Tumulo ang pawis mula sa kanyang noo. Halos pumikit na rin ang kanyang mata dahil sa sobrang singkit nito.
"You gay, sir?" Biglang tanong ni Quin.
Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagtawa. Paano nya nagawang itanong ang bagay na 'yon nang hindi nagdadalawang-isip? Kung sa ibang lalaki ay malamang na mao-offend agad sila, baka nga kahit babae sya ay patulan pa.
"Trizor, Miss. You deaf?"
Tumikhim si Quin bago pinindot ang start button ng voice recorder. I cleared my throat as I get near him. "Have you ever been in love?" I asked.
Natigilan ito. Nag-alinlangan ang kanyang mukha na sumagot. "A-Ang sabi nyo ay isang tanong lang. Nakaapat na kayo." Napatingin ako sa kamay nya kung saan may pamaypay. Halos hindi nya mahawakan 'yon ng maayos dahil sa panginginig.
"Mr. Aspiro. Please. Just answer our question." magalang na pakiusap ni Jean.
Tumingin ako sa phone ko para tignan ang oras. We still have 30 minutes left bago mag-start ang next subject namin. Halos dalawang oras na rin kaming naglalakad at hindi pa kami kumakain. Ngayon namin napagpasyahan na gawin ang survey since vacant naman at para matapos din kami agad.
"Y-Yes..." Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang adam's apple dahil sa paglunok.
Napangiti ako nang makitang hininto na ni Quin ang voice recorder. Mabilis na nagsulat naman si Fairy sa kanyang notes. There. We got another answer. Agh!
"To whom?" Nakita ko ang seryosong mukha ni Quin habang tinatanong nya. Hindi ko alam kung bakit nya pa itinanong 'yon since ang pakay lang naman namin ay ang itinanong ko. "You seem still in love with her," dugtong nito.
Trizor shook his head. "I don't love him anymore." He grinned then walked away.
Naiwan kaming gulat dahil sa sinabi nya. Umawang pa ang bibig nila Jean at Quin dahil do'n. Bahagya akong natawa since expected ko na medyo hindi sya straight pero nakakagulat pa rin ang pag-amin nya.
"Sir?!" Tawag ni Quin sa kanya. Inis tumingin itong muli sa amin. Namumula na ang pisngi nito dahil sa init. "Don't you have a plan to fall in love again?"
Hindi sumagot ang lalaki at tumalikod na lang muli. Tuluyan na itong nakalayo. Tumikhim ako. "Saang category natin sya isasali? Girls or boys?" Biro ko sa kanila. Tumawa si Jean habang iritang pinaypayan na lang ni Quin ang kanyang sarili gamit ang kamay nya.
"Can we add another category for them?" Fairy suggested.
"Good idea." Jean approved.
"No. That Trizor is still a boy. Doon pa rin sya sa mga lalaki." Pigil sa amin ni Quin. Ipinasok na nya ang kanyang voice recorder sa bag.
Tumingin sa amin si Fairy. Tumango na lang ako dahil ayoko ng pahabain pa ang usapan na ito.
"Lunch muna tayo bago pumasok." sabi ko dahil baka mamatay na kami sa gutom pag nagpalipas pa kami ng another three hours para tapusin ang last two subjects.
Naunang pumunta sa cafeteria sina Quin at Fairy dahil nagpasama pa sa comfort room si Jean. Naghugas ako ng kamay pag kalabas sa cubicle. Naabutan kong nag-aayos ng buhok si Jean. nagbuhos ako ng alchohol sa kamay.
Pinanuod kong magsuklay si Jean. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang mga sinabi ni Kuya Led at wala akong planong sabihin sa kanya. Why would I? Hindi ako ang may kasalanan para ako ang humingi ng tawad.
"Kailan tayo ulit magluluto?" Tanong ko sa kanya. Parang nahiligan ko tuloy ngayon ang pagluluto since maraming naka-appreciate sa ginawa namin ni Jean last time. Even the guy who's not into vegetable had loved it.
Sandali itong natigilan sa pagsuklay. "Hindi na muna. We'll be busy for finals. Makakapaghintay naman 'yan." There was a hint of sadness when she said that. Hindi ko sya masisisi dahil sa kabastusan na ginawa ni Kuya Led.
Tumango na lang ako. Gusto ko pa sanang magtanong pero pinangunahan na ako ng gutom. Hinila ko na si Jean palabas dahil masyado ng kumakalam ang sikmura ko.
Dumiretso kami ni Jean sa counter. Matapos naming mag-order ay kanya-kanya kaming dala no'n. Saglit kong iginala ang mata ko para hanapin sina Quin at Fairy. Natanaw ko sila sa bandang dulo.
Hindi nila kami pinansin dahil busy sila sa pagkain at hindi na rin naman kami umimik. Tahimik na kumain kami. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami. We still have 10 minutes left.
"Trizor what?" Napatingin kami kay Quin nang magtanong sya.
"Trizor Aspiro," sagot naman ni Fairy. "Why?"
"He's cute..."
"And gay," Masamang tingin ang ipinukol ni Quin kay Fairy.
"He still have the thing that can make you scream in pleasure," Napanganga kami sa sinabi nya at kung paano 'yon basta na lang lumabas sa bibig nya. "In short, he is still he and will never be she."
Hindi na lang kami nagsalita dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Mabilis na natapos ang mga sumunod na subjects. Halos makatulog nga ako dahil sa antok.
"May sundo ka?" Tanong ni Jean.
Tumayo na ako matapos kong maayos ang mga gamit ko. Halos nakalabas na lahat ng iba naming kaklase.
"Sabi ni Kuya Led susunduin nya ako." Natigilan ito sa sinabi ko. "Gusto mong sumabay?" Tanong ko.
Umawang ang bibig nya bago bahagyang umiling. "H-Hindi na. May pupuntahan din naman ako."
Kumunot ang noo ko dahil hindi sya mapatingin sa akin. "Hindi ka naman nagtatampo kay Kuya Led?" Napansin ko kasi ang pagiging mailap nya pagdating kay Kuya matapos na nangyari nung nakaraan.
Umiling ito bago itinuro ang pinto. "Mauna na ako." Kinuha nito ang bag nya at mabilis na tumakbo.
Napailing na lang ako. Hindi ko sya masisisi. Agh! Ba't ba kasi hindi kayang humingi ng sorry ni Kuya sa kanya? Bakit ba sa akin nya pa dapat idaan?
Pagkalabas ko ay madilim na kalangitan ang bumungad sa akin. Parang kahit na anong segundo ay bubuhos na ang malakas na ulan.
Umihip ang malakas na hangin kaya nagmadali na akong maglakad. Halos takbuhin ko na ang papuntang waiting shed nang maramdaman kong naiihi na ako. Kumanan ako para pumunta sa malapit na cr. 'Di bale. May payong naman akong dala.
Pagkapasok ko sa loob ng cr ay ako lang ang tao. Malamang na tapos na ang lahat ng klase at iilan na lang ang natitira sa loob ng university na ito.
Pumasok ako sa loob ng cubicle. Kinuha ko ang phone ko para i-text si Kuya Led na sunduin na nya ako. Matapos kong gawin 'yon ay mabilis na lumabas na rin ako. Humarap ako sa salamin habang naghuhugas ng kamay.
Tumingin ako sa labas nang bumuhos na ang malakas na ulan. Sinamahan pa 'yon ng kulog at kidlat. Napapikit ako nang biglang lumiwanag kasabay ng pagkulog.
Nanginginig na kinuha ko ang payong sa loob ng bag ko. Takot ako sa kulog at kidlat ngunit alam kong hindi ito agad titigil kaya mabuti ng lakasan ko na lang ang loob ko.
Pagkalabas ko ay halos mapasigaw ako nang makita ang isang tao na nakatayo sa pinto ng cr ng mga lalaki. Napatingin sya sa akin.
"R-Ryde! Ginulat mo ako!"
Tumawa ito bago lumapit sa akin. "Ba't parang kasalanan ko pa na nagulat ka?" Tanong nya.
"Ba't andito ka pa?" Tanong ko bago napagtanto na baka wala syang payong. "Sabay ka na sa akin?"
Ngumiti ito bago tumango. Aalis na sana kami nang may lumabas pang isang lalaki sa cr. Natigilan ako nang mapatingin sya sa aming dalawa ni Ryde.
"Let's go..." Bulong sa akin ni Ryde. Sinubukan nya pa akong hilain ngunit hindi ako kumilos.
Nanatili ang tingin ni Blaze sa amin. "Isa lang payong nyo?" Tanong nya sa amin.
Napatingin ako kay Ryde. "'Di ba may payong ka?" Tanong ko sa kanya. Natigilan ito bago kumunot ang noo.
Lumunok ako bago inilayo sa kanya ang payong ko. Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi bago tumango.
Lumapit ako kay Blaze. "Share tayo?" Alok ko sa kanya.
Napatingin sya kay Ryde na nakatingin sa malakas na ulan. Inilabas nya ang kamay nya at binasa ito ng ulan.
"Wala rin atang payong si Ryde." Ani Blaze.
Umiling ako. "Sabi nya meron sya."
Tumango lang si Blaze. Siya ang humawak sa payong. Inakbayan nya ako at inilapit sa kanya. Kinagat ko ang labi ko dahil sa ginawa nya.
Sinuong namin ang malakas na ulan. Mas lalo nya akong idinikit sa kanya. Mabilis na naamoy ko ang pabango nya.
"Closer..." bulong nya sa akin. Halos yumakap na ako sa kanya.
Pagkarating namin sa waiting shed ay ibinigay nya rin sa akin ang payong. "Thank you..." Then he smiled.
Napatingin kami sa isang lalaking mabagal na naglalakad sa malakas na ulan. Gamit ang dalawa nyang kamay ay 'yon ang ginamit nyang payong.
Basang-basa na nakarating ito sa amin. "R-Ryde. Ang sabi mo may payong ka..."
Tumingin sya sa akin na nakangiti. Ipinakita nya sa akin ang dalawa nyang kamay. "Oo nga. Dalawa pa." Tumawa ito matapos nyang sabihin 'yon.
Kinuha nya ang panyo sa kanyang bulsa at inabot 'yon sa akin. "Magpunas ka. Basa na ang blouse mo."
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Parang may mali... May mali sa pagtrato sa akin ni Ryde. Dati pa... Ramdam ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro