Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Kabanata 15: Stay

Nagpalipas ako ng ilang minuto sa loob ng cr. Iniyak ko ang lahat ng dapat ay iiyak. Naghilamos ako at inayos ang aking sarili sa harapan ng salamin. Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili bago lumabas.

Halos mapaatras ako nang makita si Jean na nakasandal sa gilid. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Done?" She mocked. Umayos ito ng tayo bago mahinang tumawa. "Not yet?" Ngumisi ito bago ako hinilang muli papasok sa loob ng cr.

Kinabahan ako. Sa sobrang lakas ng pagtulak nya sa akin ay napasandal ako sa lababo at nasaktan ako sa impact no'n.

"What?" Kunwari ay iritang tanong ko kahit na parang isang kalbit lang ay muli na namang tutulo ang luha ko.

She shook her head. Kinagat nito ang kanyang labi at nakita ko ang panginginig ng kamay nya. "I want to slap you hard." Natatawa nyang sinabi.

Suminghap ako ng hangin. "Jean. I'm okay."

Tumawa ito bago lumapit sa akin. Kitang-kita ko ang nagbabaga nyang mata sa galit. Alam kong gustong-gusto nya na akong sampalin ngayon.

"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling? Nakakainsulto, Chels. Sa harapan ko pa mismo?"

"Lilipas din ito."

"You can make anyone believe in your lies but not in front of someone who has been with you in your darkest moments."

I bit my lower lip. I want to hug her right now. Kilalang-kilala nya ako at tama sya. Naroon sya nung nahuhulog pa lang ako hanggang sa tuluyan na akong nahulog. Nasaksihan nya kung paano ko minahal si Blaze at kung paano ako nasaktan dahil sa pagmamahal nya. She's been a witness to my sufferings.

"I still love Blaze,"

Natahimik kami matapos kong sabihin 'yon at mas lalo akong natatakot sa kung anong maaaring gawin sa akin ni Jean.

"It's okay," Napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at hinaplos ang aking mukha. "It's okay, Chels."

Tumulo ang luha sa aking pisngi na agad naman nyang pinunasan. Pigil ang pag-iyak ko sa harap nya.

"H-Hindi ko alam kung kaya ko syang kalimutan. God knows I tried." I shook my head. Bahagya kong iniyuko ang ulo ko dahil nahihiya ako.

Narinig ko ang pagtawa nya. Hinawakan nya ang baba ko at inangat nya ang ulo ko. "I said it's okay, Chels. Hindi mo kasalanan." Hinaplos nya ang mukha ko.

Pumikit ako sa inis. "Kasalanan ko, Jean. Kasalanan ko kaya ako nasasaktan." Humahagulgol kong sinagot.

"Damn. I like how you handle this hard feelings. You never blamed anyone. You never blamed Blaze for what he did." Binitawan nya ang pagkakahawak sa mukha ko at ngayo'y ang balikat ko na naman.

"Ako naman talaga."

"Don't blame other people when you get hurt, blame yourself by thinking no one will hurt you."

Tumango ako. "What should I do, Jean? Hindi ako napapagod. Hindi kayang mapagod ng puso ko." Pagsasabi ko ng totoo.

Gusto kong mapagod pero hindi ko kaya. Ayokong dumating sa punto na dahil sa sobrang gusto kong makalimot ay makagawa ako ng hindi magandang bagay.

"One last chance..."

Natulala ako sa sinabi ni Jean. Niyakap nya ako nang mahigpit. "Piliin mo ang magpapasaya sa'yo. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Chels... Be true to yourself and for one last chance, stop pretending." She whispered.

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nyang sabihin.

"Oh, Chels. Ito na ang huli. Nasasaktan ka pa rin, 'di ba? Mas masasaktan ka lang kung patuloy mo pa ring dadayain ang sarili mo."

"Hindi ko gusto ang nais mong mangyari."

Narinig ko na may kumatok sa pinto. "Hindi pa ba kayo tapos?" Dinig kong tanong ni Jude sa labas. "Puputok na ang pantog ko."

Huminga ako nang malalim bago muling hinarap si Jean.

"Ito na ang huling pagkakataon mo na magpakatotoo ka sa nararamdaman mo sa kanya. Kung wala pa ring nangyari. That will be the time to let go all of these shitty feelings and I will help you."

Binuksan nya bigla ang pinto kaya nabigla ako. Hindi ako nakapaghanda kaya masyado akong sabog na humarap kay Jude. Nagtataka ang mata nito.

"Papanuorin nyo ako?" Tanong nya sa amin nang hindi pa kami lumabas.

Hinila na ako ni Jean palayo do'n at mabilis namang isinara ni Jude ang pinto. Tumambad sa amin si Irene na nakaupo.

Magtatanong pa sana ito ngunit hindi na nya itinuloy. Nakita ko ang alanganin sa kanyang mata.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jean kay Irene. Naguluhan naman si Irene. "Come on. Migle with the boys!" Tumatawang hinila nya kami palabas.

Naabutan namin silang nanunuod ng NBA. Busy ang kanilang mata do'n at tanging si Blaze lang ang nakapansin sa pagdating naman.

Hinila kami ni Jean papunta sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong sinadya nyang itabi ako kay Blaze. Hindi naman ako makalingon sa kanya.

"Anong team nyo?" Biglang tanong ni Jean. "Kami. Team sawi!" Humalakhak ito sa sarili nyang biro.

"SShhh..." Pigil sa kanya ng isa sa kanila.

Natawa ako nang ikutan nya ito ng mata. Tumingin ako kay Irene na nakatingin kay Jude na tumabi sa kanya.

"Do you watch basketball?" Biglang tanong ni Blaze.

Napalunok ako nang humarap ako sa kanya. "Y-Yes." sagot ko.

Muli kong inalis ang tingin ko sa kanya. Napangiwi ako nang ipagsiksikan pa ako ni Jean palapit sa kanya. Mas nagiging malinaw ngayon ang gusto nyang mangyari.

Hindi ko alam kung kaya ko pang magpakatotoo sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang tanggapin ang sakit na mararamdaman ko pag pinilit ko pa rin ang sarili ko sa isang taong matagal na akong binitawan.

Nagulat ako nang iabot sa akin ni Blaze ang remote control ng tv. Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Ngumisi ito.

"Ilipat mo pag bored ka na." Natatawa nyang sinabi. Bahagyang napatango na lang ako.

Napatingin ako sa hawak kong remote control. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko 'yon binitawan. Wala akong balak ilipat ang pinapanuod nila pero ayaw bitawan ng kamay ko ang inabot ni Blaze.

"Breathe..." Nagulat ako sa pagbulong ni Jean. "Be yourself. Pagbigyan mo ang sarili mo."

Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Sumisikip ang paghinga ko. Naramdaman ko ang pagtama ng balikat namin ni Blaze. Halos manlambot ako dahil do'n.

Nilakasan ko ang loob ko para tumingin sa kanya. Halos mahulog ang puso ko nang mahuli ko syang nakatingin din sa akin. Umawang ang bibig nito bago ngumiti.

"I like you now, Chelsea." He whispered.

Napatingin kami sa pinto nang biglang may pumasok. Pumasok si Kuya Led at halos malamog na naman ang balikat ko dahil sa pasimpleng pagtapik sa akin ni Jean.

"May natira pa bang ulam?" Tanong nya kay Irene.

Tumingin sa akin si Kuya Led. Akala ko ay sasama ang tingin nya sa akin dahil magkatabi kami ni Blaze ngunit nilagpasan nya lang ako ng tingin. Nakipag-fist bro ito sa kanila.

"What's with that smile?" Panunukso ni Kuya kay Blaze.

Umiling si Blaze. Muling may pumasok kaya napatingin kami sa kanya. Napasigaw kami nang bigla nyang sugurin si Blaze. Mabilis na dumapo ang kamao ni Ryde sa mukha ni Blaze.

Napaatras ako kaya nasagi ko ang vase. Mabilis na dumalo naman sina Kuya Led para awatin sila. Kapansin-pansin na hindi lumaban si Blaze. Nanatili itong nakangiti sa kabila ng putok nyang labi.

"You! Don't you dare! Not again!" Namamaos na sigaw ni Ryde kay Blaze.

"Easy, Ryde." Pagpapatahan ni Jude sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Blaze pero wala syang karapatang pagbuhatan ito ng kamay. Dinaluhan ko rin si Blaze at inabot sa kanya ang dala kong panyo.

I glared at Ryde. "Ang hilig mo talagang manira ng moments, 'no?" Natatawa kong sinabi sa kanya. "You bored? Naubusan ka na ba ng babae?"

Hinawakan ako ni Blaze sa braso.

Bumali ang ulo ni Ryde dahil sa mga sinabi ko. "Hindi ko alam kung masasaktan pa ba ako sa mga sinabi mo." Nagulat ako sa sagot nya. Tumawa ito bago kumawala sa pagkakahawak nila Kuya.

"Masakit ba ang katotohanan?"

"Hindi." Ngumisi ito. "Kasi mas masakit na sa'yo pa mismo nanggaling ang mga salitang 'yon." Inayos nito ang kanyang kulay puting tshirt. "How dare you hurt me this fucking hard."

Hindi na ako nakapagsalita. Napaawang ang bibig ko nang maramdaman kong may masakit sa braso ko. Saka ko lang napansin na dumudugo na pala ito. Malamang na dahil sa pagkabangga ko sa vase.

"Hey!" Lumapit sa akin si Kuya Led. "Close your eyes." bulong nya.

Hindi ko naalis ang tingin ko sa braso ko. Naramdaman ko na lang na nanginginig na ako. Hinarap ako ni Kuya Led sa kanya.

Naramdaman ko ang muling pagtulo ng luha sa aking mata. "Sshhh... Calm down, Chels." Napaupo ako.

Fuck... I hate blood.

Dumalo sa akin si Jean. Tumakbo naman si Irene sa likod ng tv at pagbalik nya ay may dala na syang first aid kit.

"It's okay," Blaze whispered. Siya ang gumamot sa sugat ko. Hinayaan ko syang gawin 'yon. Maingat na halos hindi ko maramdaman ang pagdapo ng bulak sa balat ko.

Wala akong magawa kundi ang tumahimik. Hindi ko na muling binalikan ng tingin ang dumudugo kong braso.

"C-Chels..." Napatingin ako kay Ryde. Gusto nitong lumapit pero hindi nya kaya. "S-Sorry..." Nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mata.

I shook my head.

Shit. Ano na naman ang nasabi ko sa kanya. Tama si Jean. Masyado akong nagiging ganito kay Ryde. Konting pagkakamali nya lang ay sobra na akong mag-react.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Blaze at kahit na galit ako sa ginawa nya ay hindi ko pa rin dapat sinabi 'yon.

"Just leave us alone first, Ryde." Madiing sinabi ni Kuya Led.

Nakita ko ang pag-aalanganin sa kanyang mata na umalis. Ilang sandalin bago sya tumango at yumuko.

"Hey," Napahinto ito sa paglalakad palabas dahil sa sinabi ko. Napatingin sya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "It's okay. Stay here."

Umawang ang bibig nya dahil sa sinabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped