Kabanata 14
Kabanata 14: Realization
Mabilis na bumaba ako sa kotse pag katapat nito sa gate namin. Hindi ko na hinayaang idiretso pa 'yon ni Tito Raul sa tapat mismo ng pinto.
"Oh, ba't ang aga mo?" Nagulat ako nang makita si Kuya Led sa salas. Nakaupo ito sa sofa habang hawak ang kanyang laptop.
Dumiretso ako sa tabi nya. "Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo? Pagod ako." Ngumuso ako bago isinandal ang likod ko sa kanya.
Bigla ko na naman naalala ang tingin kanina ni Ryde. Ang mga sinabi ni Jean na ako at si Earth ay iisa. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw 'yong tanggapin ng utak ko. I don't know but I can't accept that. I don't want to be his Earth.
"Miryenda," Napatingin ako kay Manang Lory. Ipinatong nya sa katapat naming table ang mga cookies. "Ang aga mo ata?"
"Wala po kasi kaming last subject---Aray!" Hinampas ko si Kuya Led nang bigla syang umatras at dahil nakasandal ako sa kanya ay natumba ako.
"Ba't nung akong nagtanong, hindi mo sinagot?"
Hindi ko sya pinansin. Kumuha lang ako ng cookies na binake ni Manang Lory na bumalik ng muli sa kusina. Tumingin ako sa laptop ni kuya nang bigla nya itong ilayo sa akin.
"Hindi mo maiintindihan ito. Pang matalino lang."
"Buti naiintindihan mo?"
Tumawa ito sa sinabi ko. Tumayo ito at dumiretso sa kanyang kwarto. Iniwan nya ang laptop nya kaya kinuha ko ito. Tinignan ko kung ano ang ginagawa nya---Hindi ko nga maintindihan.
I clicked the browser. Hindi ako nakapag-facebook kanina dahil na lowbat ako. Pagka-load nito ay facebook account agad ni kuya ang bumungad sa akin. Halos mandiri ako sa dami ng mga messages na hindi pa nabubukas.
I clicked the search bar and to my surprise, unang-unang lumitaw ang pangalan ni Jean sa history. Napatakip ako sa aking bibig.
"Hoy!" Biglang inagaw sa akin ni Kuya Led ang kanyang laptop. Tumingin sya sa screen at nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang expression. "Pinakialaman ata ng ka-office mate ko ang facebook ko."
Kumuha ako ng cookies bago tumango kay kuya. "Okay. Naniniwala ako." Hindi ko maiwasang matawa nang makitang kumunot ang kanyang noo.
"Hindi ko gusto ang iniisip mo."
Tumango akong muli bago ngumuya. "The feeling is mutual, said by my mind." Sumimsim ako sa juice na nilagay kanina ni Manang Lory.
"Okay, fine!" He let a heavy sigh as he sat beside me. Ipinatong nyang muli ang kanyang laptop sa table. "I accidentaly clicked her profile."
Tumingin ako sa kanya at nagpipigil na tumawa nang malakas. "Why are you even explaining to me?" I asked.
"Because you were thinking that I like her!"
Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi nya. Halos mabulunan pa ako dahil may cookies sa bibig ko. Hindi ko inakalang masasabi nya 'yon. Hindi ko naman naisip 'yon dahil normal lang sa atin na mag-search ng mga names sa fb.
"Then, you're laughing now?" Natawa sa inis si kuya. "I am your brother and you shouldn't make fun of me."
"May batas ba na bawal pagtawanan ang mga mas nakakatanda sa atin?" Sinubukan kong pigilan ang tawa ko dahil kilala ko si kuya. Magaling syang mang-asar pero pag sa kanya ginawa ay mabilis na mapikon.
Matapos ng nakakatawang pag-uusap namin ni kuya ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Lumapit ako sa socket para ma-charge ang phone ko.
Wala akong balak sabihin kay Jean ang nangyari kanina. Knowing that girl, she would probably over think about that. Baka nga isipin nyang pinaplano na ni Kuya Led na mag-propose ng kasal sa kanya eh.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Umaambon na. Medyo makulimlim din ang langit.
Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ang screen nito. Lumapit ako para tignan 'yon. One message from Jean.
"Gurl! Let's go to Irene's crib!"
Umupo ako bago nagtipa ng isasagot sa kanya. "Sinabi mo na ba sa kanya?" I replied. Baka kasi bigla na lang nyang naisipang pumunta do'n at ma-surprise na lang sila na nasa tapat na kami ng bahay.
I waited for a minute before she replied back. "Okay. Nagpaalam na ako. Andyan ka na sa inyo? I'll fetch you there! See yah!"
Napailing na lang ako. Kung hindi ko pala sinabi ay ganon na nga ang mangyayari. Nakakahiya namang bigla kaming pumunta kina Jude nang hindi nagpapasabi. Mukhang hindi 'yon naisip ni Jean o sadyang wala lang talaga siyang hiya?
Napatingin ako sa suot ko. Nakamaikling short lang ako at kulay puting damit. Kumuha na lang ako ng jean at pinanloob na lang ang short ko. Nag-spray din ako ng konting pabango.
Iniwan ko ang cellphone ko dahil lowbat naman ito. Bumaba ako at naabutan ko pa rin si Kuya Led. Natatawa pa rin ako pag naalala ko ang naging sagutan namin kanina.
"Have you ever been in love?" Sabi ni Kuya Led habang nakatingin sa kanyang laptop. "Mukhang may bago na namang crush ang kaibigan mo, ah?" Natatawa nyang sinabi.
Sumilip naman ako sa laptop nya. Nag-update pala ng status si Jean. Oh! Friends pala sila ni kuya sa fb. Ngayon ko lang nalaman.
I shook my head. "That's our topic. Survey?" Tamad na kinuha ko ang tsinelas ko sa gilid.
"Where are you going again? You just got home. May balak ka bang maging human version ni Dora?"
"May balak ka bang maging news anchor? Hilig mong magtanong eh."
"Chelsea." Ngayon ay naramdaman ko na ang pagbabanta sa tono nya. Okay. Umaandar na naman ang pagiging strict nyang kuya.
"Pupunta kami sa bahay nila Jude."
Nagsalubong ang kilay nya. "Nandon sina Blaze at ang iba nilang kaibigan." natigilan ako sa sinabi nya at parang gusto ko na lang umatras.
Napapikit ako nang marinig ang sunod-sunod na busina sa labas. Damn. Mukhang hindi na ako makakaatras.
"But that's good. Face your fear." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Led. "Hindi mo sya maiiwasan unless mag-volunteer ka na manirahan sa Mars." Tumawa sya sa biro nya.
Tama siya. Ba't ko ba iniiwasan si Blaze? Gustuhin ko man ay ay hindi pwede. Nasa iisang bansa lang kami at iisang paaralan. I can't avoid him.
Muling bumusina si Jean sa labas. I smiled at kuya. "Blaze is not a fear to me but yeah, I have to face him." Nagpaalam na ako kay kuya bago lumabas.
Medyo umaambon pa kaya tumakbo ako papasok sa kotse ni Jean. Actually, ay sa daddy nya ito. Malamang na tinakas na naman nya.
"Hindi sasama si Led?"
"Kuya, Jean. He is your kuya too."
She groaned. "Kuya your ass," she mumbled. Inumpisahan nya ng mag-drive. "Earth..." Napatingin ako sa kanya dahil sa ibinulong nya nang sobrang hina.
"Stop it, Jean."
"What?" Natatawa nyang tanong. Alam kong alam nya ang tinutukoy ko.
Humalukipkip ako. "That doesn't sound good." I said. That's true. Hindi ako kumportable sa tawag na 'yon lalo na dahil sa mga nalaman ko. Kahit na assumptions lang ni Jean 'yon ay ayoko pa ring marinig.
I don't want to be his Earth.
Bumusina si Jean nang nasa tapat na kami ng gate nila Jude. Mabilis na naagaw ng pansin ko ang ilang kotse na nakaparada. So, totoo nga ang sinabi ni Kuya Led. They are here.
Lumabas si Irene. Kumaway ito sa amin bago binuksan ang gate. Pinasok ni Jean ang sasakyan bago kami sabay na lumabas. Excited na tumambad sa amin si Irene.
"Thank you for coming here!" Then she giggled. "Let's go in."
Hindi ko gaanong maihakbang ang paa ko. He's inside and I am still not comfortable when he's arround.
"Kailan ka pa naging pagong?" Tanong ni Jean na nasa pinto. Weird na nakatingin naman sa akin si Irene.
"You okay, Chels?" Irene asked. Her eyes were confused. I shook my head as I let a heavy sigh.
Calm down, Chelsea.
Pagkapasok namin sa loob ay naabutan naming nagtatawanan sina Jude, Blaze at ang iba pa nilang kasama. Natahimik sila nang makita kami.
"Should we start our survey here, Chels?" Bulong ni Jean sa aking tainga kaya bahagya akong lumayo sa kanya.
Bumati sa amin ang ilan nilang kasamahan na nakikita ko rin sa loob ng campus pero hindi ko alam ang pangalan.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Blaze. Fuck! Why can't I control this damn eyes. He smiled at me and waved his hands.
"Hi" He greeted us.
My heart skipped a beat.
"Huwag kayong magsunog, ah? Lagot tayo kay mommy." Natatawang sinabi ni Jude.
Awkward na tumango si Irene bago kami sinenyasan na sumunod sa kanya. Tulalang sumunod ako sa kanila. Did he really just waved his hand and smiled at me? Kahit na alam kong para sa aming lahat 'yon ay parang gustong akuhin ng puso ko na akin lang 'yon.
Napakapit ako kay Jean kaya napatingin sya sa akin. "Hindi kita tatanungin kung ayos ka lang dahil halatang hindi." Naiiling na sinabi ni Jean bago sumunod kay Irene na kumukuha ng ingredients sa refrigerator.
Umupo ako at kinalma ang sarili ko. Shit! That feels so damn good! The way he smiled and greeted us. I hate to admit but I loved it.
"Kumakain kayo ng gulay?" Irene asked. Inilagay nya ang iba't-ibang klase ng gulay sa lamesa.
"Basta ba hindi lasang gulay." Sagot ni Jean.
Tumayo ako at tumulong sa kanila. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi at alam kong napansin na 'yon nila Jean. Masayang tumulong ako. Si Irene ang nagbibigay ng instruction, kami ni Jean ang gumagawa.
"Ganyan dapat! Haluan ng pagmamahal ang pagluluto!" Natatawang sinabi ni Jean. "Pagdadalhan ko rin 'yong asawa ko." sabi pa niya habang nakatingin sa akin.
Mabilis na tumango ako. "Sure. Walang pasok si kuya ngayon." natatawa kong sinabi.
Mas natuwa sya sa sinabi ko at alam kong mamamatay na sya sa tuwa pag nalaman nya pa ang nangyari kanina.
Kabadong nakatingin kami kay Irene na tumitikim sa niluto namin ni Jean. "Nice!" Puri nya. Nagyakapan kami ni Jean dahil sa sinabi ni Irene. Irene is good at cooking kaya magaling din syang magturo.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo, ah?" Nagulat kami sa pagsulpot ni Jude. Mabilis na umatras si Irene nang lumapit sa amin si Jude. Hindi ko maiwasang punahin ang pagkailang niya kay Jude. Siguro ay dahil hindi pa sya gaanong komportable.
Tinignan nito ang niluto namin. Kumuha sya ng bowl at naglagay do'n. Mukhang nasarapan ito sa luto namin.
"Tinuruan mo sila?" Tanong ni Jude kay Irene. Nahihiyang tumango naman ito. "Baka gusto mong magtayo ng business about cooking. I can help you."
Nanlaki ang mata ni Irene. "R-Really? Yes. Please." Tumawa si Jude sa naging reaksyon ni Irene.
Napaatras kami nang magdatingan din dito sa kusina ang iba pa nilang kaibihan. Tumikim silang lahat sa luto namin at lahat sila ay nasarapan.
Hindi mapagsiglan ang tuwa namin ni Jean. It really feels good when someone can appreciate our efforts.
Napatingin si Jude kay Blaze. "Why don't you try---Oo nga pala. Hindi ka nga pala mahilig sa gulay." Nakangiwing sinabi nya.
Nawala ang ngiti sa aking labi.
"Hindi ako mahilig pero hindi ibig sabihin no'n na ayaw ko." Napanganga ako nang lumapit sya sa table. "Smells good, huh?" Ngumisi siya.
Humigpit ang hawak ko kay Jean. Kumuha ng gulay si Blaze sa kutsara at isinubo 'yon. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Kumalabog ang dibdib ko nang kunin nya ang bowl at dinala sa salas.
"Gago! Hati kayong lahat dyan! Konti na lang ang natira rito!"
"Go and cook yours!"
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Napatingin ako kay Jean na nakangiti sa akin.
"I shouldn't say this but... Damn! Kinikilig ako kay Blaze!" Pigil na tiling sinabi ni Jean.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Tumango ako sa kanya bago hinarap si Irene na tulala rin. "Saan cr nyo?" tanong ko sa kanya. I bit my lower lip as realizations hit me so damn hard.
Tinuro nya ang isang pinto sa dulong bahagi ng kusina. Ngumiti ako sa kanila bago naglakad papunta do'n. Nakita ko pa ang pag-aalala sa mata ni Jean.
"C-Chels..."
"I'm okay, Jean."
Pumasok ako sa loob ng cr kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Hindi ko pala kayang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Sumandal ako at inis na pinunasan ko ang luhang lumandas pababa ng mata ko.
I hate to admit this but... I am still into him. After all those pain and suffering I've felt because of loving him... I'm still trapped in love with him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro