Kabanata 13
Kabanata 13: Strange
Matapos sabihin ng prof namin ang requirements para sa finals ay umalis na ito. Naiwan kaming lahat sa loob. Maingay ang lahat dahil may kanya-kanya silang idea kung paano gagawin 'yon. Tamad na tumingin ako sa phone ko.
Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang naging sagutan namin ni Ryde. Wala na rin syang text maliban nong binaha nya ako. It's not like I was expecting him to text me again, nasanay lang siguro ako sa pang-aasar nya.
Napatingin ako kay Jean. Nahuli ko syang nakatingin sa akin, malawak ang ngisi sa kanyang labi habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa akin at sa cellphone ko. Isa pa itong babaeng ito. Naging weird sya at laging nakatingin sa akin. Parang inoobserhan nya ang bawat kilos ko.
"What?"
Umiling lang ito bago tumikhim. Sinenyasan nya sina Fairy at Quin na lumapit sa amin. Kami kasi ang magkakagrupo pagdating sa requirements na ito. Mahinhin na lumapit sa amin si Fairy. Napatingin ako kay Quin na naglalakad habang hawak ang kanyang compact mirror.
"What's survey are we going to do?" Jean asked. Ang final requirements namin kasi is survey. Kami ang mag-iisip ng topic para doon. Sumandal ako sa upuan at pinagmasdan ang iba naming kaklase.
"About politics?" Suggest ni Fairy. Napatingin akong muli sa kanya. "How 'bout books?" Napatango na lang kami dahil nagkaroon na rin kami ng idea na isa-suggest nya 'yon since buong araw naman ay kaharap nya ang makakapal na libro. But I don't think about books is a good idea, I mean, not everyone is into books. Mas maganda kung mas marami ang makakarelate.
"Politics?" Quin asked with a glimpse of disgust written on her face. "That's old."
"Maybe you have a nice suggestion, Quin. Come on." Nakita ko ang pasimpleng pag-irap ni Fairy.
"Politics is not bad, Quin." Sabi ko. Pero malawak ang politics. Kung pipiliin namin 'yon ay kailangan pa naming mag-isip ng specific idea about politics at do'n pa lang ay baka kapusin na kami sa oras. Halos dalawang linggo lang ang ibinigay sa amin na palugit. Kung wala kaming maipapakita ay baka maging dahilan pa 'yon para bumagsak kami sa subject na ito.
"I didn't say it's bad." Napatingin ako kay Quin.
"Then, what?"
"I have a suggestion. About sex!" Nakangiting sabi nya na ikinagulat namin. She seems so proud with her suggestion. Kami na naman ngayon ang nandiri sa kanya. "Oh, come on, girls. Let's be open-minded here. About virginity? If it's still a big deal nowadays."
Sumandal ako sa upuan ko dahil sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nya. Hindi na rin nagsalita si Fairy na nagbabasa na ng libro. Napatingin sa akin si Jean at bigla itong ngumiti. Here we go again. Mukhang may naisip na naman syang kalokohan.
"Instead of Sex," she rolled her eyes. "Why not about Love?"
"Ew. Love." Humalukipkip ito sa sinabi ni Jean. About love? Masyado na 'yong gamit at baka nga hindi lang kami ang gumamit no'n. Gusto kong umalma ngunit kailangan ko ng pang-suggestion. Hindi kasi magandang umayaw sa isang suggestion dahil sa ayaw mo lang, mas maganda kung may better suggestion ka para hindi nakakabastos.
Tumingin sa akin si Fairy. "What about you?" she asked. Napaisip naman ako.
"About foods?"
"Good," Napangiti ako sa sinabi ni Quin dahil mukhang nagustuhan nya ang suggestion ko. "I'll go for love." Napanganga ako nang tumingin sya kay Jean. Tinaasan ako ng kilay ni Jean.
"What about love? If what's their perspective about love? Oh come on. There's no specific meaning for that word and I don't think it should be described. It's a feeling that should be felt." Humalukipkip ako. Wala akong nakikitang specific survey for love. We have our own definition for that.
"Whoa. That's deep, babe." Humalakhak si Quin sa sinabi ko.
"No. What the fuck, Chels? Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Humarap sa amin si Jean. Isa-isa nya kaming tinignan sa mga mata hanggang sa huminto sa akin ang kanyang tingin kasabay ng pagsilip ng ngiti sa kanyang labi. "Have you ever been in love?"
Natigilan ako.
Pumalakpak si Quin sa sinabi ni Jean. Maging si Fairy ay nagustuhan 'yon. Okay. It's a good suggestion anyway. "And there's only two possible answers for that... It's either yes or no." then she grinned.
Hindi na lang ako nagsalita dahil lahat sila ay sang-ayon na do'n. Alam kong may ibang pinaplano ang babae ito. Matapos nyang sabihin na tutulungan nya ako ay naging weird na sya. Parang lagi nyang binabantayan ang mga kilos ko. Hindi raw sya detective pero parang gusto nya.
"It's not that bad, Chels. I mean, mas maraming makakarelate do'n." Pagpapaliwanag ni Jean. Naglalakad na kami ngayon papunta sa kabilang daan kung nasan nakatambay ang mga nagtitinda ng street foods. Malimit namin itong gawin after class.
Tumingin ako sa kanya. "I didn't say it's bad." Tumango ito at alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ko.
"I'll just send you a personal message kung kailan tayo mag-start."
"Chelsea?"
Napatingin ako sa babaeng nasa likod namin. "Irene? Anong ginagawa mo dito?" Tumingin ako sa suot nya. Nakasimpleng jeans lang ito na tinernohan ng kulay yellow na blouse. Maayos ang wavy at itim na buhok niya. Hindi maitatago ang simpleng ganda nya kahit na ganyan lang ang suot nya.
Tumingin ito sa paligid. "D-Dadalhan ko sana ng pagkain si Jude." Ipinakita nya ang dala nyang lunch box. "Mahilig kasi akong magluto kaya naisipan kong pumunta rito para ipatikim sa kanya. Kaso hindi ko naman sya makita." Ngumuso ito.
"Baka naman talaga hindi para sa kanya ang pagkain na 'yan." Napatingin ako kay Jean na nakatingin sa lunch box na hawak ni Irene. "I mean, kung para sa kanya 'yan ay kanina mo pa sya nakita."
Kinurot ko sa tagiliran si Jean dahil sa sinabi nya. Naguguluhang nakatingin naman sa amin si Irene. "I'd also love to cook for you." Masaya nyang sinabi. "O kaya punta na lang kayo sa bahay para makita nyo kung paano."
"Sure. By the way, gusto mong sumama? Kakain lang kami dyan." Nginuso ko ang labas.
"Sige." Sumabay sya sa aming maglakad.
"Tinignan mo na ba sya sa building nila?" Tanong ko.
Tumingin kami sa kaliwa at kanan bago tumawid. Halos takbuhin na namin ang pagtawid dahil sa mga paparating ng sasakyan. Pagkatawid namin ay agad na bumungad sa amin ang mga sari-saring street foods. Marami-rami din ang mga estudyanteng nakatambay dito.
"Yeah. Lumabas na ata sila." Sagot niya.
Sumingit si Jean sa mga nagkukumpulang tao. "Kumakain ka ng street foods?" Tanong ko kay Irene na nakatingin sa maraming estudyante. Marami ring napapatingin sa kanya.
"Hindi pa,"
Natawa ako nang makitang tinulak ni Jean 'yong lalaking nakatabi sa kanya bago nya kami sinenyasan na lumapit. Hinila ko si Irene papunta kay Jean. Inabot ko ang isang cup at stick at ibinigay 'yon sa kanya.
"Kuha ka ng kahit na ano," turo ko sa mga nasa harap. "Then, lagyan mo ng sauce."
Napatingin ako kay Jean nang siksikin nya ako. "Bestfriend na kayo?" tanong nya sa akin.
"Jean. Ano ba?" Sinamaan ko sya ng tingin dahil nagseselos na naman sya. Tumawa lang ito bago nag-peace sign.
Pinanuod kong kumuha si Irene ng fishball pero mas maraming kwek-kwek ang kinuha nya. Nahihiyang sumiksik ito sa mga lalaking nasa harapan ng mga sauce. Kumunot ang noo ko nang mas siniksikan pa nila si Irene.
"Hoy... Lumayo kayo sa kanya, pwede ba?" Iritang sinabi ko.
Hindi nila ako pinansin hanggang sa may isang lalaki pa ang sumiksik. Hinawi nya ang mga lalaking nakatabi kay Irene. Hindi 'yon napansin ni Irene na busy sa paglalagay ng sauce sa kanyang cup. Hindi ba nya napansin si Jude na ngayon ay hinaharangan ang mga lalaking sumiksik sa kanya?
"Hindi mo sinabing mahilig ka pala sa ganyan."
Napatingin si Irene kay Jude. Nanlaki ang mata nito at halatang nataranta. "J-Jude." Kinakabahang sinabi ni Irene.
Kinalabit ako ni Jean. Ibinigay nya sa akin ang isang cup na may laman na. "Kahit na wala kang pakialam sa akin, sige lang. Sa'yo na 'yan. Bayad na rin." Natawa ako sa sinabi nya. Tumusok ito ng panibagong sa kanya.
"What are you doing here? Sinabi ko sa'yong huwag kang lalabas ng bahay hanggat hindi ko sinasabi, 'di ba?" ramdam ko ang inis sa tono ni Jude.
Nahihiyang napayuko na lang si Irene. Hindi ko namang magawang sumawsaw sa usapan nila pero hindi ba alam ni Jude na pinapahiya nya na si Irene? Parang ginagawa nya itong bata na hindi pa makapaglakad.
"I-I'm sorry..."
Napatingin ako sa lalaking tumabi kay Jude. Kumuha ito ng large cup at tumusok ng fishball. Naka-corporate attire itong kulay maroon. Nakataas hanggang siko ang kanyang long sleeve. Naka-fixed din ang kanyang buhok. Umatras ako para bigyan ng space si Ryde.
Tumikhim ako bago sumubo. Kunwari ay tumingin na lang ako kina Jude at Irene na mahinang nag-uusap. Hinila ni Jude palayo do'n si Irene. Bale nagka-space na sa gilid ni Ryde ngunit nakasiksik pa rin sya sa amin. Namula ako nang muntik ko nang mabitawan ang cup ko.
"You okay?" Tanong ni Jean.
Umiling ako bago umatras. Umalis ako sa nagtitinda ng fishball at tumayo malayo do'n. Sumunod naman sa akin si Jean. Hindi ko na nagawang sumubo pa. Tumingin lang ako kay Ryde na kasalukuyang naglalagay ng sauce. Matapos no'n ay pumunta ito sa grupo ng mga babae. Binigay nya 'yon sa isang babaeng may maiksing buhok.
Napangiti ang babae bago kinuha 'yon. May sinabi pa sya kay Ryde dahilan para matawa ito. Tumingin ako sa cup ko na hindi ko na nagalaw. Pumunta ako sa trashcan para itapon 'yon.
"Tapos ka na?" Tanong ko kay Jean na natulala dahil sa ginawa ko.
Magsasalita pa sana sya nang dumatin si Irene. Nakangiti ito sa amin pero alam kong pilit 'yon. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mata. "M-Mauna na ako. Bisita na lang kayo sa bahay, ah?" Humalik ito sa pisngi namin bago sumakay sa kotseng nakaparada. Mabilis na pinaandar ni Jude ang sasakyan pagkapasok ni Irene.
Hindi ko alam kung bakit ganon kahigpit si Jude sa kanyang kapatid pero wala kaming karapatang manghimasok.
Itinapon na ni Jean ang cup nya nang maubos na ito. Hinila nya ako sa nagtitinda ng samalamig. Bumili ito ng tig-sampong piso. Hindi na sya ang nagbayad dahil ako na. Akala ko pa naman ay libre na ang kanina, may bayad pala.
"Dalawa nga pong tig-sampo."
Halos masamid ako nang marinig ang boses ni Ryde. Nagtama ang mga braso namin at hindi ko alam kung sindya nya 'yon dahil malakas. Muntik ko nang maitapon sa mukha ni Jean ang hawak kong samalamig.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ko kay Ryde. Tumingin lang ito sandali sa akin bago kinuha ang binili nyang samalamig. Matapos nyang magbayad ay mabilis din syang umalis.
"You really hate Earth now, huh?" Bulong ni Jean.
Kumunot ang noo ko. "Kilala mo na si Earth?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito bago tumango. "Tinignan ko kasi lahat ng messages ni Ryde sa'yo." Namula ang mukha ko dahil sa sinabi nya. "Sorry..."
"Anong kinalaman no'n kay Earth?"
Tumawa ito bago ako hinila papunta sa walang tao. Parang takot itong malaman ng iba ang kanyang sasabihin. "Hindi ko masasabing manhid ka, pero tanga, oo." Kinuha nya ang samalamig na hawak ko at itinapon sa basurahan. "Mahirap na at baka maitapon mo pa sa akin ang samalamig na 'yon.
"Hindi naman group message 'yon, eh. Those messages are all for you. It was all sent just for only one person. Yes, Chels. You and Earth are the same person."
Natahimik ako sa sinabi nya.
"B-Bakit ako?"
Bigla kong naalala lahat ng messages nya para kay Earth. Pumikit ako bago tumingin kay Ryde na nakatingin lang sa mga babaeng kasama nya. Nakaakbay sya sa babaeng maiksi ang buhok at namamahinga ang kanyang kamay sa hita nito.
"Mali naman ang tanong mo, bes." Tumawa si Jean bago ako iniharap sa kanya. "Ang tanong mo dapat ay... Bakit ang tanga ko para hindi 'yon maisip?"
"Gaga!"
"Ni minsan, hindi mo ba naisip ang posibilidad na 'yon?" Tanong nya na ikinatahimik ko. "Hindi? You were probably busy hating him."
Nag-vibrate ang phone ko. Nanginig ang katawan ko habang nakaharap kay Ryde na hawak ang kanyang phone. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinabahan ako nang makita ang pangalan ni Ryde do'n. Kinagat ko ang labi ko habang binabasa ang text nya.
"I'm sorry for that, Chelsea."
Napatingin ako kay Ryde. Nahuli ko syang nakatingin sa akin. Akala ko ay iiwas ito ng tingin ngunit pumangay pa ang mata nya habang nakatitig sa akin. Kinabahan ako. Parang hindi ako makakilos habang nakatingin sa kanyang mata. What's this strange feeling? Damn. Nakokonsensya ba ako dahil sa mga nasabi ko? Agh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro