Kabanata 12
Kabanata 12: Deductions
Naiwan kaming dalawa ni Blaze. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung saan ko ibabalin ang tingin ko. Gusto ko nang umalis pero alam kong hindi 'yon maganda lalo na't hindi ako nagsabi. Ano namang sasabihin ko?
"Nag-lunch ka na?"
Nagulat ako sa tanong nya ngunit hindi ko ipinahalata. I looked straight to his eyes. I don't want to be awkward in front of him as much as possible. "Hindi pa. Hindi pa ako gutom." Sagot ko bago ngumiti.
"Hindi gutom o ayaw mo lang akong kasama?"
"No. Hindi pa ako gutom."
"So, ayaw mo nga akong makasama."
Nagpigil akong masigawan sya dahil hindi nya ako maintindihan. Alam naman pala nyang ayaw ko syang makasama ba't kailangan nya pang ipamukha sa akin? Ngumiti ako para pagtakpan ang inis na nararamdaman ko.
"Wait me here," then he stood up. Inayos pa nito ang polo shirt nya bago pumunta sa counter. Nakatingin lang ako sa kanya na matikas na pumila.
Iniliko ko ang tingin ko nang bumaling ito sa akin ng tingin. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Siguro tama si Jean. Masyado akong nag-react kanina hindi dahil sa ginawa ni Ryde, kung hindi dahil si Blaze ang nakahuli sa amin. Kahit naman na estudyante pa rin sya katulad namin ay mataas ang tingin ko sa kanya. 'Yon lang ang dahilan at ayaw ko nang mag-isip pa ng iba.
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng shoulder bag ko. I opened some notifications and messages. Ibabalik ko na sana 'yon sa bag ko nang biglang may nag-message. Mabilis na naagaw ng pangalan ni Ryde ang atensyon ko.
"I hate you, Earth."
Now, you hate Earth? Ibinalik ko na lang muli sa bag ko ang cellphone ko. Hindi ko pa rin maintidahan ang sinabi ni Jude kanina. May ibibigay ba dapat sa akin si Ryde ngunit hindi nya tinuloy dahil nagalit ako? Maybe some kind of peace offering?
I shook my head. Wala sa bokabularyo ng lalaking 'yon ang mag-effort para lang humingi ng sorry at mas malabong sa akin nya pa 'yon gawin.
Umayos ako ng upo nang dumating na si Blaze. May bitbit itong isang tray at dahan-dahang inilagay sa table ang mga laman no'n. Nakatingin lang ako sa kamay nya. Ayokong itaas ang tingin ko. Matapos nyang ilipat sa table ang mga laman ng tray ay bumalik itong muli sa counter. Pagkabalik nya ay isang tray na naman ang dala nya at sa tapat na naman nya nilagay ang mga laman no'n.
"Kumain ka lang na parang wala ako sa harap mo, Chels." Pinangunahan na nya ako dahil nahihiya akong galawin ang mga pagkain sa table. Hindi ako gutom at kahit ma gutom ako ay hindi pa rin ako magkakaganang kumain lalo na't nasa harap ko sya.
Gaya ng sinabi nya ay kumain lang ako. Nakatungo ako at tanging sa mga pagkain lang nakatingin. Hindi rin naman nagsasalita si Blaze kaya walang dahilan para lingunin ko sya.
"May hindi ka ba naintindihan sa mga tinuro ko kanina?"
Umangat ang tingin ko. "Hindi mo ba alam na nakakainsulto ang tanong mo?" Tumaas ang kilay ko dahil iba ang dating sa akin ng tanong nya.
Mahina itong tumawa bago uminom ng tubig. "Just let me know, Chels."
"Naiintindihan ko lahat, Blaze."
Hindi na sya nagsalita matapos no'n at pabor naman 'yon sa akin. Hindi ko naman naubos lahat ng in-order nya at hindi naman sya nagreklamo na ubusin ko ang mga 'yon. Kunwari ay inabala ko ang sarili ko sa cellphone. Gusto ko ng umalis pero hindi ko alam kung paano magpapaalam.
Napatingin ako sa notebook na inilagay nya sa table. "Here," inilagay nya sa harap ko 'yon. Nahihiyang kinuha ko ang notebook ko na kinuha kanina ni Ryde. "Alam ko naman na hindi mo ginusto ang nangyari."
"T-Thanks..."
"How's life, Chels?"
"Good." Tipid na sagot ko habang ibinabalik sa bag ko ang notebook. Hanggat maari ay iniiwasan kong magtama ang mga tingin namin.
"Ah, Blaze? I have to go. Male-late na ako sa next subject ko." Nahihiyang sabi ko.
"Sure, hatid na kita." Gusto ko pa sanang tumanggi na lang ngunit nauna na syang tumayo sa akin. Wala akong nagawa kundi ang maglakad kasama sya.
Tahimik lang na tinatahak namin ang daan papunta sa next subject ko. "Okay na ako dito." Huminto kami ilang metro mula sa room na papasukan ko. Sinulyapan ni Blaze ang room ko bago tumingin sa akin.
"Ayaw mo bang makita nila na magkasama tayo?"
"Oo." Diretsong sagot ko. "Ayokong isipin na naman nilang nagpapakatanga ako sa'yo." Ngumiti ako bago sya nilagpasan. Dumiretso ako papasok sa room namin.
Naabutan ko si Jean na nakikipagkwentuhan sa katabi nya. Mabilis na humarap sya sa akin pagkaupo ko sa tabi nya. Hindi maalis sa aking isipan ang mga huling sinabi ko kay Blaze. Kahit na 'yon ang totoo ay parang nagsisisi akong sinabi ko sa kanya 'yon.
"Okay ka na?" Tanong ni Jean. "Nakahingi ka na ng sorry kay Ryde?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
Tumaas ang kilay ko. "Why would I say sorry to him?
"Because you've said something you should haven't said?" Patanong na sagot nya. "Say sorry but never beg for forgiveness."
"Ha! You wished! Kasalanan nya kaya ko 'yon nasabi sa kanya! Dapat ay sya ang humingi ng sorry."
Wala akong kasalanan sa nangyari. He deserved what I've done. He deserved my slap and those painful words.
"If I were Ryde? I would slap you back but unfortunately, I was not him. Like, duh? Mas masakit kaya ang masampal kesa sa mahuling nangongopya."
"Non-sense."
Kinuha ko na lang ulit ang cellphone ko sa bag ko at inabala ang sarili ko do'n. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni Jean dahil sobra-sobrang panlalait na ang lumalabas sa bibig ko. Parang ako na ang pinakamasamang babae ang nakita nya sa buong mundo dahil sa pagsampal ko kay Ryde.
"Nobody deserves to be slapped that hard."
"He's not nobody so definitely, he deserved it."
"Should I laugh now, Chels? Is that supposed to be funny? Just tell me so I can prepare myself to laugh."
Inis na hinampas ko sya sa braso dahil namatay ang character ko sa nilalaro ko. Maglalaro pa sana ako nang biglang may lumitaw na message. Nanlaki ang mata ko nang magsunod-sunod na 'yon.
"I hate you, Earth."
"Damn!" Hindi ko mapindot nang maayos ang phone ko dahil sa patuloy na pagpasok ng mga messages galing kay Ryde at iisa lang ang laman no'n.
"What's happening?" tanong ni Jean na sumilip pa sa akin. "Is that a virus?"
"Yes! These messages are from Ryde Fucking Leibniz." Nanginig ang kamay ko bago pinindot ang power off button. Pinanuod kong mamatay ang ilaw sa phone ko kasabay ng pagkawala ng vibration mula rito.
Pinagpawisan ako dahil do'n.
"What was that?"
"Now, tell me. How would I say sorry to Ryde? Nakita mo naman ang nangyari hindi ba?"
Naramdaman ko na naman ang inis. Kung hindi nya lang ginawa ito ay baka mapatawad ko pa sya pero nga dahil malandi sya at ginawa nya 'yon, mas dinagdagan nya lang ang galit ko sa kanya.
"I hate you, Earth? Kailan pa naging Earth ang pangalan mo?" tanong ni Jean na nagpagulo sa akin. Ngayon ko lang na-realized na tugma ang mga messages nya kay Earth sa nararamdaman nyang galit ngayon sa akin.
"I don't know."
Dumating na ang prof namin kaya tumahimik na kami. Bumabagabag pa rin sa akin ang mga messages ni Ryde. Sa akin sya galit pero bakit galit din sya kay Earth? At kung galit nga sya sa Earth na 'yon, ba't ako ang binaha nya ng mga messages?
"Oh my god!" Napatingin ako kay Jean nang mag-react na naman ito. Nakatakip ang dalawa nyang kamay sa kanyang bibig habang nakatingin sa akin. "I am not a detective but I have a deduction in my head. I think I have an idea why did he do that."
Humarap ako sa kanya at pasimpleng bumulong. "Just straight to the point." Andami nya pa kasing sinasabi eh.
Tumaas ang kilay nito. "I am not really a detective but as I've observed and based on your reaction. You're now starting to get curious about Ryde. Am I right, Ms. Chelsea Vellarde?"
Kinakabahan ako sa sinabi nya. "Am I?"
She nodded her head. Hinila nya ang upuan nya palapit sa akin. Mabuti na lang at busy sa pagsusulat sa white board ang prof namin kaya hindi kami napapansin ni Jean.
"What's your deduction?"
"I just can't tell you now. But I think, I can help you." Ngumisi ito. Inilahad nya ang kamay nya sa aking harapan. Wala sa sariling tinanggap ko ang kanyang kamay. Nakipag-kamay ako sa kanya at ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak nya sa akin.
"Para saan ito?"
Hindi ito sumagot bagkus ay ngumiti lang ito. Hindi ko alam kung ano na naman ang tumatakbo sa kanyang isipan at kung bakit ako kinakabahan sa ngiti nya.
"Ihanda moa ng sarili mo dahil parang hindi maganda ang kalalabasan nito."
"You're creeping me out."
Inilapit nya ang bibig nya sa aking tainga. "Just prepare yourself, Earth." She whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro