Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Kabanata 11: Hate

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko kayang sabayan ang titig ni Blaze. Nanatili akong nakatayo at nakatungo sa sahig. Ramdam ko ang titig sa amin ng mga tao rito. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya, ang mismong prof namin ang nakahuli sa amin o si Blaze.

"This is cheating..." Blaze whispered. Ramdam ko ang pagkadismaya sa kanyang pananalita.

I want to defend myself but I don't know how. Wala akong kasalanan. Biktima lang din ako.

"I didn't cheat," I heard Ryde answered. Halos pabulong lang ang lahat ng lumalabas sa kanilang bibig habang ako ay hindi man lang kayang ibuka ang bibig.

Naramdaman kong kumilos si Blaze palapit kay Ryde. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya. Nakangisi si Blaze habang mahigpit ang hawak sa notebook ko na halos malukot na.

"Then , what is this?"

Hindi nakasagot si Ryde na naka-poker face lang. Galit ako kay Ryde at hindi ko alam kung paanong galit ang nararamdaman ko. Kung sa tingin nya ay laruan ako, nagkakamali. I am not one of those bitch begging for his attention.

"Let's talk about this later. Please go back to your seats." May diing sinabi ni Blaze bago pumunta sa table nya sa harap. Naiwan kaming dalawa ni Ryde na nakatayo.

Lumapit sa akin si Ryde. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa mga sandaling ito. Naiiyak ako sa galit. Naiiyak ako sa ginawa ni Ryde.

"Chels?" Mabilis na hinawi ko ang kamay ni Ryde. Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Iniwasan ko ang mga tingin ng lahat. Alam kong wala silang alam sa nangyayari at mas magiging kahihiyan kung malalaman nila.

Nagtanong si Jean ngunit wala syang nakuhang sagot sa akin. Buong klase ay nakatitig ako sa aking notebook, wala akong magawa kundi ang makinig na lang dahil ayokong magtagpo ang tingin namin ni Blaze. Hiyang-hiya ako sa nangyari.

Matapos ang klase ay naunang lumabas si Blaze. Ang susunod na subject namin ay sa computer laboratory gagawin kaya unti-unti na rin naglabasan ang aming mga kaklase. Hindi ako kumilos dahil hinintay kong lumabas din sina Ryde at Jude. Nanatili ang tingin ko sa pinto, ayokong tumingin sa likod.

"Chels? Wala kang balak magligpit?" Biglang tanong ni Jean nang mapansin na hawak ko pa rin ang notebook ko. Kinuha ko ang bag ko at dahan-dahang nilagay ang mga gamit ko do'n.

Kami na lang ni Jean ang andito ngunit hindi pa rin lumalabas sina Ryde. "You okay? May nangyari ba?" Jean asked again. Pilit kong umiling.

Naghintay ako ng ilang minuto bago narinig ang paggalaw ng upuan sa likod. Akala ko ay aalis na sila ngunit si Jude lang pala. "Una na ako," paalam nya sa amin. Hindi ako tumango. Nanatili akong nakaupo at pinapakiramdaman kung susunod ba agad si Ryde.

"Chels? Mauna na ba ako?" nag-aalalang tanong ni Jean.

Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya. "Tara?" aya ko sa kanya.

Inayos ko na ang bag ko. Nauna lang si Jean na pumunta sa pinto. Hahakbang na sana ako nang may humawak sa braso ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko napigilan ang sarili ko, sinampal ko si Ryde. Nag-init ang mukha ko sa galit. Nanatili ang pagkakalmado ng kanyang mukha. Namula ang kanang bahagi ng pisngi nya dahil sa ginawa ko.

"Hey, easy." Awat sa akin ni Jean.

Sobrang bigat ng paghinga ko. Masama ang titig ko kay Ryde na kalmado pa ring nakatingin sa akin.

"Just... Just leave me alone, Ryde."

Hindi ito kumilos. "Should I say sorry?" he asked. Natawa ako sa sinabi nya, wala akong pakialam kung naiinsulto ko na sya.

"Ryde Leibniz doesn't know sorry. All you know is to fuck up every girls," nakita ko ang konting pagbali ng leeg nya dahil sa sinabi ko. "But I am sorry, I will never let my self to be one of those girls. " matapang na sinabi ko.

Naramdaman ko ang bahagyang paghila sa akin ni Jean ngunit hindi ako nagpatinag. Gusto kong isigaw lahat ng sama ng loob ko sa kanya na kanina ko pa kinimkim.

"You know what? Chelsea Vellarde doesn't know any single truth idea about Ryde Leibniz. You just know what you see and that's what you just believe."

"I am sorry but I don't give a damn for who you are."

Nakita ko ang pagkislap ng ngisi sa kanyang labi. Hindi ko alam kung nasasaktan ba sya sa sinabi ko o sanay na syang masabihan ng ganito. I've had enough. Pinaglalaruan nya ako at ako ang nabibiktima.

"You're being selfish, Chelsea."

"Whoa. Coming from you? Such a big word." I clapped my hand.

Hinawakan ko sa braso si Jean. "Kung ayaw mong makarinig ng mga masakit na salita, pakiusap, layuan mo na lang ako." Nagsimula na kaming maglakad palayo. Mabigat na ang loob ko kanina pero mas bumigat ngayon.

"Please know me well, Chelsea. You wouldn't regret it, just saying."

Hinila ko si Jean papunta sa cr. Magpapa-late na lang kami kesa sa pumasok akong ganito. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, para akong lalagnatin. Binitawan ko na si Jean. Tinukod ko ang braso ko sa lababo at tumitig sa salamin. Ang pula ng mukha ko.

"Hindi ba't parang sobra naman ata ang mga sinabi mo kay Ryde?"

"No, Jean. Hindi mo alam ang nangyari." Kalmado kong sinabi.

Pumikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko. Dinig na dinig ko pa rin ang mga sagutan namin ni Ryde sa utak ko, ang pagbali nya ng leeg nya na halatang naapektuhan sya.

"Ba't ba ganon ka kay Ryde?"

Inis na binalingan ko ng tingin si Jean. "Anong gusto mo? Matuwa ako na kinuha nya sa akin ang notebook ko at ginawa nyang kodigo? Gusto mo bang matuwa ako na nahuli kami ni Blaze?" sunud-sunod na tanog ko.

Tumango si Jean na animo'y alam na nya lahat ng nangyari. "Okay. I get it now." Mahina itong tumawa. Lumapit ito sa salamin at inayos ang kanyang buhok. Nanatiling nakasunod ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya at naghihintay akong linawin nya 'yon.

"What?"

Tumingin ito sa akin sa salamin. "Kaya pala ganon na lang ang galit mo kay Ryde kasi si Blaze na naman," sabi nya ngunit hindi sapat para malinaw ako nang tuluyan.

"Kasalanan nya!" Pilit ko.

Tumawa ito at naiirita ako. "Paano kung hindi si Blaze ang nakahuli sa inyo? Would you get mad too?" tanong nyang muli. Bakas sa kanyang tono at mukha ang panunuya.

Naintindihan ko kung ano ang mga sinasabi nya.

"Of course! Idinamay nya ako sa kagaguhan nya! Sino bang matinong tao ang hindi magagalit?"

"Kung sa ibang babae nya ginawa 'yon ay baka natuwa pa sila."

"Well, hindi sila matino kung ganon!"

Humalakhak si Jean at ako naman ay naguluhang muli. Hindi katulad ng kanina ay mas malala ang tawa nya ngayon. Para syang nang-aasar at ako naman ay asar na asar na. Why can't she just straight to the point?

"What is so funny, Jean? You okay?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa pagpalo nya sa aking braso. "Oo naman, Chels. Ikaw ata ang may problema dito." Sabi pa niya.

Humarap ako sa kanya at humalukipkip. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng balikat nya habang tumatawa sa dahilan na sya lang ang nakakaalam. We're thirty minutes late at kaya ko pa 'yong dagdagan hanggat hindi sinasabi sa akin ni Jean kung bakit siya tumatawa.

"Alam mo, Chels? Dalawang bagay lang ang dahilan kung bakit ka galit na galit." Lumapit ito sa akin. "Una, dahil si Blaze ang nakahuli sa'yo at pangalawa ay dahil si Ryde ang gumawa no'n sa'yon." Ngumisi pa ito. Nangunot ang noo ko sa pangalawa nyang sinabi.

"At dalawang dahilan lang din kung bakit nakakunot ang noo mo ngayon," mahina syang tumawa. Inayos nya ang buhok ko. "Una ay dahil hindi mo maintindihan at pangalawa ay dahil ayaw mong intindihin." Sabi pa niya.

"What the hell is wrong with you?!"

"There's nothing wrong with me. I am just your concern bestfriend and I just want to enlighten my confused bestfriend."

Pilit akong tumawa bago naunang lumabas sa cr na 'yon. Mabilis naman syang sumunod. Mas dumagdag pa tuloy si Jean sa inis ko. Ang bruhang 'yon ay balak pa akong guluhin!

Pagkarating namin sa com lab ay kakarating lang din ng prof namin. Kami ni Jean ay fourth year Mass communication student, Blaze is also a fourth year Secondary Education major in Math, Jude and Ryde are both HRM students with same level like us. Mas matanda lang sa amin ng isang taon sina Ryde at Blaze habang mag kakasing-edad lang kami nila Jude at Jean.

"Hi, Chelsea." Bati sa akin ni Jean. Nakangisi ito, hindi ko alam kung para saan. Malamang na para lang asarin ako.

Hindi ko ito kinibo. In-open ko na ang PC ko. Nakatingin lang ako sa screen na naglo-loading. Gusto kong magmura dahil natutulala ako at hindi 'yon maganda. Bigla kong naiiisip ang sinabi ni Jean. Nagpaka-busy ako sa ginagawa ko para mawala lahat ng iniisip ko.

"Chelsea..."

"Fuck off, Jean."

"Chelsea..."

Hindi ko na ito kinibo.

"You are paying so much hate on Ryde. Why, Chelsea?"

"Shut up."

Hindi na ito nagsalita kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Kahit papaano ay naibsan lahat ng gumugulo sa isip ko at mabilis kong natapos ang lahat. Pagkatapos ng klase ay hindi na sumabay si Jean dahil may pupuntahan pa sya, pabor naman sa akin 'yon.

Umupo ako sa mga bleachers at pinanuod ang mga estudyante na naglalaro ng volleyball. Sumandal ako at inalala lahat ng nangyari kanina. Mayamaya ay nagvibrate ang phone ko. Isang text message galing kay Blaze ang natanggap ko. Tumayo na ako para pumunta sa cafeteria na sinabi ni Blaze.

Mahina lang ang paghakbang ko dahil nag-iipon pa ako ng lakas ng loob para harapin si Blaze. Wala akong ideya sa kung ano ang pag-uusapan namin pero malamang na tungkol lang ito sa nangyari kanina.

Pagkarating ko sa cafeteria ay agad na bumungad sa akin ang isang table kung saan nakaupo sina Blaze, Ryde at Jude. Sinenyasan ako ni Blaze na umupo nang makita nya ako. Lumunok ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Hindi ka ba oorder, Blaze?" tanong ni Jude. "Ikaw ang nag-imbita sa amin." Sabi pa nito.

Hindi sumagot si Blaze na presente lang na nakaupo. Napatingin ako kay Ryde na nakasandal, nakapikit ito. Tumingin ako kay Blaze nang magsalita ito. "Paano kung ang prof nyo na talaga ang nakahuli sa inyo?" tanong nya sa amin.

"Blaze, you're also a student like us, hindi mo ba pinagdaanan ang ganito?" natatawang sinabi ni Jude.

Umiling si Blaze. "Gusto nyo bang isumbong ko kayo sa prof nyo?" pananakot niya. Mabilis na umiling ako. Masyadong terror pa naman ang prof namin na 'yon at baka ibagsak nya pa kami.

"Hinablot sa akin ni Ryde 'yong notebook ko! Wala akong kasalanan at kung meron man ay si Ryde 'yon!"

Tumawa si Jude. Narinig ko ang pagpatunog ng dila ni Ryde, paulit-ulit 'yon.

"Papansin si Ryde," biglang sinabi ni Jude. "Pero hindi nya kailangan ng kodigo." Tumawa si Jude nang sipain ni Ryde ang upuan nya.

Tumayo si Ryde bitbit ang kanyang bag, tumayo na rin si Jude. "Isisi nyo na lang sa akin lahat. Wala akong pakialam," bigla syang tumingin sa akin at parang mahuhulog ata ako sa upuan ko. "katulad mo... sa akin." Ngumisi ito bago naglakad palayo

"Ryde! Hindi mo ba ibibigay?" tanong ni Jude. Wala syang nakuhang sagot kaya binalingan nya ako ng tingin. "Sayang... Ang sarap pa naman no'n. Akin na lang, ah?" tanong ni Jude bago tumakbo at sumunod kay Ryde.

Sinundan ko sila ng tingin. Nakita kong inilayo ni Ryde ang bag nya kay Jude nang tangkain nyang kunin ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped