Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10


Kabanata 10: Caught

Napagpasyahan namin na hindi na muna pumasok. Nakahiga ako ngayon sa sofa habang nakatingin sa tv. Nasa lapag naman sina Trisha at Jean na nagsasalo sa iisang bowl na may popcorrn. Napatingin ako sa bowl na nasa tabi ko. Halos hindi ko magalaw ang pagkain do'n habang halos maubos na ang sa dalawa.

"Ah, so grade 6 students ang tinuturuan mo?" Napatingin ako sa kanilang dalawa. Tumayo si Jean at kinuha ang remote. Hininaan nya ang tv bago bumalik sa tabi ni Trisha. Matapos naming mag-lunch ay nag-movie marathon muna kami---sila lang pala. Parang wala ako sa tabi nila.

"Oo, okay naman sila. Hindi naman sila gano'n kapasaway pero syempre hindi maiiwasan 'yong minsan na pasaway talaga sila." Pagpapaliwanag ni Trisha. "One week lang ang vacation ko rito at baka umuwi na rin ako sa Saturday." Sabi pa nito.

Masamang tao na ba ako kung hihilingin ko na sana sabado na bukas? Argh!

Umupo na lang ako at sumandal sa sofa. Pasimple kong sinipa ang likod ni Jean ngunit bale wala lang 'yon sa kanya.

"Ay, ganon? Sayang naman. Mukhang malulungkot si Ryde 'pag umalis ka na."

"Oo nga, Trisha." Napatingin sila sa akin nang magsalita ako. "Pwede ka namang mag-extend ng vacation mo rito para may kasama pa kami ni Kuya Led." Sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Jean sa sinabi ko. Lihim akong napangisi sa naging reaksyon nya. Kung gusto mo ng pambatang larong ito ay pagbibigyan kita. Alam ko naman na napipilitan ka lang pakisamahan si Trisha dahil gusto mong lumayo sa akin at ilayo ang loob ni Trisha kay Kuya Led.

"Really?" ngumiti si Trisha.

"N-No, hindi pwede." Pasimple akong natawa sa sinabi ni Jean. Tumalim ang titig nya sa akin kaya nginisian ko sya. "Baka hanapin ka na ng mga estudyante mo." Sabi pa nito.

Napatango naman si Trisha. "Kahit naman gustuhin ko ay hindi na pwede." Tumawa ito.

Humalukipkip si Jean at hindi ako tinigilan ng tingin gamit ang nanlilisik nyang mata.

Napatingin kami sa pinto ng kwarto ni Kuya Led. Lumabas si kuya na basa pa ang buhok. Naka office attire na ito at naka-unbuttoned pa ang ibang bahagi ng butones ng suot nya. Busy ito sa pagsuot ng wrist watch nya na hindi man lang nya napansin na nakatitig na sa kanya sina Trisha at Jean.

"Holy mo---" Biglang tinakpan ni Jean ang mata ni Trisha gamit ang kanyang dalawang kamay. "Ssshhh. Huwag mong aalisin ang kamay ko, mamamatay ka." Bulong nito.

Lumobo ang pisngi ko dahil sa pagpipigil na tumawa.

"Chels? Maiwan ko na muna kayo, ah?" sabi ni Kuya Led habang nagsusuot ng sapatos.

Napatingin ako kay Jean na nakatulala kay Kuya Led. "Sure, kuya. Ingat." Sabi ko.

Tumango ito bago lumapit sa akin. Pinaningkitan nya ako ng mata na animo'y may masama na naman akong ginawa. "Bawal kang lumabas." Sabi nito.

Namilog ang mata ko bago tumango. "O-okay, sabi mo eh." Hinawakan nya ang balikat ko bago tumingin kina Jean. May siwang na sa kamay ni Jean na nakatakip sa mata ni Trisha kaya nakakakita na rin ito. "Ayos lang kayo rito?" tanong pa nito.

"O-Oo. Mag-iingat ka, asawa ko."

Kumunot ang noo ni Kuya Led bago umalis. Naiwan ang amoy ng pabango nya na kulang na lang ay singutin lahat ni Jean. Inalis na rin nya ang pagkakatakip ng kamay nya sa mata ni Trisha.

"Bakit mo tinakpan ang mata ko?"

Hindi sumagot si Jean ngunit mayamaya ay bigla itong tumili. Halos dumugo ang tainga namin ni Trisha dahil sa lakas ng kanyang tili. Tumayo ito at kumuha ng throw pillow. Hinampas nya sa mukha ko 'yon.

"Freaking hot! Argh! My hubby lovey."

Umupo ito sa tabi ko at niyakap ako. Napatingin na lang ako kay Trisha na nakatingin lang din kay Jean. Halatang nawe-weirduhan ito sa kaibigan ko habang ako ay sanay na sa kanya. May malala pa sa ganito at saksi ako kung paano nangyari 'yon.

"I'm sorry na, Chelsea." Umaktong maiiyak pa ito. "Hindi ko kayang magalit sa kapatid ng asawa ko." Sabi pa nito.

"May gusto ka kay Led?" biglang tanong ni Trisha.

"Oo, bakit? May gusto ka rin sa kanya? May balak kang agawin sya? Back off, bitch. Alled Freaking Hot Vellarde is mine."

Natawa kami ni Trisha dahil sa ka-o-oa-an nya. Sa ganon kaikling oras ay nagkabati na kami ni Jean na parang wala lang nangyari. Nagpatuloy kami sa panunuod nang pumasok si Manang Lory. Halata ang gulat sa kanyang mata. Lumapit si Trisha sa kanya.

"Ma, ayos ka lang?" tanong nya.

Nakita kong nangilid ang luha sa mata ni Manang Lory at naapektuhan din ako. Kasama ko sya sa pagtanda at nasasaktan akong nakikita syang nagkakaganito. Ano bang nangyari? Ba't parang kagagaling nya lang sa pag-iyak?

"T-Trisha... Iuuwi na kita ngayon."

Napatayo kami ni Jean sa sinabi ni Manang Lory. Lumapit kami ni Jean sa kanilang dalawa.

"Ano po bang nangyari, Manang?" tanong ko.

Umiling si Manang Lory. "Magbibihis lang ako sandali." Sabi pa nito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Naiwan kaming tatlo na naguguluhan. "O-Okay ka lang ba?" tanong ko kay Trisha.

Napatingin ito sa akin at halatang naguguluhan din. Bahagya itong tumango. "H-Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero kailangan kong sumunod kay mama." Lumungkot ang mukha nito.

Niyakap ni Jean si Trisha at sa pagkakataon ito ay wala akong naramdamang inggit. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung bakit naging ganito ngunit nalulungkot akong aalis na agad si Trisha.

Kumawala si Jean sa pagkakayakap. Ngumuso si Trisha. "Babalik na naman ako do'n," bulong nito. "Makikita ko na naman sila." Sabi pa niya.

Magtatanong pa sana ako kung hindi lang dumating si Manang Lory. Bitbit na nito ang bagahe ni Trisha. "Pakisabi na lang sa mommy mo na umalis lang ako saglit, babalik din ako." Sabi pa nito bago sila tuluyang lumabas.

Sumunod kami ni Jean. Akala ko ay sasakay sila sasakyan ni Tito Raul ngunit lumabas sila ng gate. Ngayon ko lang napansin na wala pala ang sasakayan ni Tito Raul. Pagkalabas nila sa gate ay pumara agad sila ng taxi at agad na sumakay do'n. Naguguluhan ako ngunit nangingibabaw ang lungkot sa akin.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Baka naman---Oh Ghad!" Napatingin ako kay Jean. "Chelsea. Hindi kaya... buntis si Manang Lory?" tanong nya.

Gusto kong isipin ang posibilidad na 'yon ngunit parang walang koneksyon. Bakit si Trisha ang papaalisin nya kung si Manang Lory ang buntis? Teka. Wala namang love life si Manang Lory. Okay. Mali ang conclusion ni Jean at malayong mangyari. Baliw talaga ang isang 'to.

Babalik na sana kami sa loob nang biglang dumating naman ang sasakayan ni Tito Raul. Lumabas siya sa sasakyan at halos tumakbo na papasok. "Nasa loob pa ba sina Lory?" tanong nya.

Nagkatinginan kami ni Jean bago umiling. "W-Wala na. Nagmamadali silang umalis kanina." Sagot ni Jean.

Tumakbong muli si Tito Raul papunta sa sasakyan at mabilis'yong pinaharurot. Ano ba talagang nangyayari sa kanila? 'Di bale, tatanungin ko na lang si manang pagkabalik nya.

Naunang bumalik sa loob si Jean. Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa nang magvibrate ito. Pagka-unlocked ko sa screen ay agad na bumungad sa akin ang pangalan ni Ryde.

"I'll make my move now. Watch me, Earth."

Heto na naman tayo sa Earth na 'yan. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kahihiyan na ginawa nya sa akin kagabi. Umiling ako dahil ayoko nang maalala 'yon.

Kinabukasan ay may pumasok na kami. May mga lectures kaming dapat habulin ni Jean kaya imbes na mag-break ay hindi na kami lumabas. Baka mapalabas kami mamaya pag walang lecture. Halos pagka-ring ng bell ay tapos na rin kami.

"Hays. Gutom na ako." Reklamo ni Jean.

Tiniklop ko ang notebook ko at sumandal sa upuan. Hindi naman ako gaanong nagugutom dahil kumain ako kanina. Dalawang subject lang naman ay may vacant na kami. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang eksena kahapon. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Manang Lory, nag-aalala na kami sa kanila. Bumalik na si Tito Raul at gaya namin ay naghahanap din sya kay Manang Lory.

"Nakakaawa si Trisha, 'no?" biglang sinabi ni Jean.

"What?"

Nilapit nya ang upuan nya sa akin. "In-stalk ko sya sa fb kagabi at dahil curious ako ay nalaman kong may boyfriend pala sya dati kaso nag-break na ata. In-stalk ko rin 'yong boyfriend nya at nakita kong may ibang babaeng kasama sa profile picture." Sabi nito.

"Stalker."

"Curiosity."

"Stalker ka pa rin." Inaantok na ako. Late na ang prof namin. Kung alam ko lang na male-late sya ay kumain na muna kami ni Jean.

"Pero infairness, ah? Gwapo si Gion."

Napatingin ako kay Jean dahil sa sinabi nya. "Gion?" tanong ko.

"Gion Levadra. Ex-boyfriend ni Trisha."

Napatango na lang ako. Narinig ko ngang nabanggit ni Trisha ang pangalang Gio na 'yon. Sinabihan nya ring gago ito nung lasing sya and I think naiintindihan ko na. Baka niloko sya ng lalaking 'yon.

Mayamaya ay may biglang pumasok. Nanlaki ang mata ko at nagising ata ang natutulog kong diwa nang makita ko kung sino ito. "Good morning class." Sabi nito bago tumungo sa table nya. Matikas ang tindig nito at malakas ang dating.

Napalunok ako. Anong ginagawa nya rito?

"May ginagawa si Mr. Florez kaya ako ang pinagbilinan nya munang humawak sa inyo for a week." Ngumiti ito at halos mahulog ang puso ko.

Yeah, alam kong education ang course nya ngunit hindi ko inakalang siya pa ngayon ang magtuturo sa amin. Nag-ayos ito ng mga gamit sa table. Narinig ko ang mga bulong sa paligid. Umuulan ng papuri galing sa mga babae at alam kong walang pakialam si Blaze do'n.

"Chelsea. Anong gusto mong topic natin?" tanong ni Jean na nakangisi sa akin. "Love?" pinalo ko sya sa braso dahil sa sinabi nya.

Hindi pa man kami nakakapag-umpisa nang biglang may pumasok na prof. Napatingin ako sa dalawang lalaking kasama nya. Kumaway sa akin si Ryde at Jude. Okay. Anong meron?

Kinausap ng prof si Blaze at narinig kong hindi pa nakapag-exam sina Ryde at Jude sa subject na ito kaya malamang na bibigyan sila ng special exam. Mas lalong umingay nang naglakad na sina Jude at Blaze papunta sa likod bitbit ang mga test paper. Iniwasan kong tumingin sa likod.

Sumitsit si Ryde kaya hindi ko naiwasang mapalingon "Peram ng lecture mo sa subject na ito." Bulong nya. Nakasandal ito sa upuan at inaayos nya ang pagkakabutones ng kanyang puting polo shirt.

Humigpit ang hawak ko sa notebook na nasa kamay ko. Hindi ko ito maaaring ibigay sa kanya dahil malamang na gagamitin nya ito para masagot ang mga tanong. Shit. No way! Baka mahuli sya at ako pa ang masisi.

"Come on, Love. Give it to me. It's for our better future."

"No."

Nag-umpisa ng magsulat sa black board si Blaze habang ako ay hindi pa rin nakakapagsimula. Naiirita ako dahil sa pagsitsit ni Ryde. Tinatawanan lang sya ni Jude na mukhang naghihintay din ng sagot. Agh!

"Thanks." Nanlaki ang mata ko nung hinablot ni Ryde ang notebook na hawak ko. Hindi na ako nakapalag lalo na biglang humarap si Blaze sa amin. Nagkunwari na lang akong nagsusulat.

Damn you, Ryde. 'Pag ako nadamay sa ginagawa mo. Humanda kang malandi ka.

Pagkatapos naming mag-lecture ay nag-discuss na si Blaze. Halos mahilo ako sa mga numbers na nakasulat sa board. Halatang alam na ni Blaze ang mga pasikot-sikot ng mga formula. Sabagay, major naman nya ang subject na ito.

"Any question?" matikas na tanong nya sa aming lahat.

"Sir!" Napatingin kami kay Ryde. Nagtaka kami dahil hindi naman namin sya kaklse pero mukhang magtatanong pa sya. "May I go out?" Nagtawanan ang mga kaklase namin.

"No. You have to finish your exam first."

"Argh!" Nanlaki ang mata namin nang biglang tumalikod si Ryde at humarap sa wall. "Naiihi na talaga ako. Pwede na siguro dito." Sabi pa niya.

Nagtilian ang mga kaklase naming babae. Hinagisan ni Jude ng bote na walang laman si Ryde. "Gamitin mo 'yan." Humalakhak si Jude. Patuloy pa rin sila sa pagtili sa pangunguna ni Jean.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Mas lalong umingay sa loob ng klase namin. "Humarap ka sa akin, Ryde!" sigaw ng isa sa mga haliparot naming kaklase.

Napatingin ako kay Blaze. Halatang naiinis na ito sa ginawa ni Ryde. Pumikit ito bago nagsalita. "You may now go out, Mr. Ryde Leibniz!" pagsuko nito.

Humalakhak si Ryde bago itinapon ang bote sa mga kaklase naming babae. Wala pa rin 'yong laman at halatang nagloloko lang ang malanding lalaking 'yon. 'Pagkalabas ni Ryde ay tumahimik ng muli. Nagpatuloy ang klase.

Napatingin ako sa upuan ni Ryde. Napamura ako nang makita ang notebook ko sa itaas. Hindi ba nya alam na pagnakita ni Blaze na nasa kanya ang notebook na 'yon ay maaaring isumbong nya kami? Ginawa nyang kodigo ang lecture ko.

Pasimple akong tumayo habang nakaharap sa black board si Blaze. "Chelsea?" sinenyasan kong manahimik si Jean. Tumango naman ito kahit na nalilito.

Pumunta ako sa upuan ni Ryde para kunin ang notebook ko. Kukunin ko na sana 'yon nang maunahan na ako. Napapikit ako nang makitang hawak ni Blaze ang notebook ko. Nakakakunot ang noo nito. Ngayon ay nakatingin sa amin ang lahat ng kaklase ko.

"Done! Hindi ako kasali dyan, ah?" pinakita pa ni Jude ang kanyang test paper.

Saktong kakapasok lang ni Ryde na umiinom pa ng juice. Nakita nyang hawak ni Blaze ang notebook ko. Kumamot ito sa sa kanyang ulo. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko dahil baka mahampas ko ang malanding lalaking ito sa pader.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped