Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Kabanata 1: Love Letter

"Tama 'yan, Chelsea!"

Patuloy ako sa pagpunit ng mga pahina ng notebook ko kung saan may pangalan ang lalaking kakalimutan ko na magsimula ngayon. Habang ako ay nagpupunit, si Jean naman ay pinagche-cheer ako.

"Move on na! 2017 na kaya at ang feelings mo ay nung 2016 pa. Dapat taon-taon ay iba-iba!" Humalakhak ito sa kanyang sinabi.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Huwag mo ako igaya sa'yo na araw-araw ay nagpapalit ng crush, Jean." Nakangiwing sabi ko.

Kinuha ko lahat ng pahina na pinunit ko at itinapon lahat sa basurahan. "Goodbye, Blaze." I whispered.

Napatingin ako kay Jean nang pumunit din sya ng pahina sa aking notebook. "May naiwan ka pa, Chels. Dear Blaze, mahal pa rin kita kahit na hindi--- Kadiri. Ang corny." Ibinato nya 'yon sa akin kaya tinapon ko rin trashcan.

Nanlaki ang mata ko nang itapon nya rin sa basurahan ang bag ko. "What the hell? Baliw ka ba?" kinuha ko 'yon at pinagpag.

Humalukipkip ito sa aking harapan. "'Yong keychain mo ay nakapangalan kay Blaze. Ang bag mo ay may nakasulat na Blaze. Lahat ng nasa loob ng bag mo ay may nakapangalan na Blaze. Konti na lang at maging ikaw ay itatapon ko na. Mukha kang Blaze!" natawa ako sa sinabi nya.

Inayos ko ang mga gamit kong nagulo nang mahagip ng mata ko ang mga invitation cards na ibinilin sa akin ni Kuya Led. Ibinilin nya sa akin kahapon na ibigay ito sa mga kaibigan nya. Hindi ko ito naibigan kahapon dahil nakalimutan ko.

Si Kuya Led ay ang nakakatanda kong kapatid. Kasabayan lang naming sya pero mas nauna syang nagraduate sa amin. Ngayon ay nagtatrabaho na sya at magbibirthday sa Friday.

Inilabas ko ang mga invitation card. Mabilis na lumapit sa akin si Jean. Napatili ito nang makita ang kanyang pangalan sa pinakauna at mabilis 'yong kinuha.

"God! Hindi talaga ako nakalimutan ng asawa ko."

"Asawa na ikaw lang ang nakakaalam."

Ngumuso ako nang makita ang mga pangalan ni Ryde at Blaze sa mga ito. Mukhang wala akong choice kung hindi ang ibigay ito dahil malalagot ako kay kuya 'pag hindi ko sya sinunod.

Natulala ako sa pangalan ni Blaze. Hindi ako dapat mailing sa kanya. Tama. Haharap ako sa kanya na parang walang nangyari.

Nagulat ako nang hablutin ni Jean ang invitation card ni Blaze sa akin. "May natitira pa palang Blaze dito eh." Itinapon nya 'yon sa basurahan na ikinalaglag ng panga ko. "Ayan! Wala na." humalakhak ito at hinalikan ang hawak nyang invitation card.

Napailing na lang ako at muling kinuha sa basurahan ang pangalan ni Blaze. "Ayokong magpaka-bitter, Jean." Sabi ko.

Huminga ako nang malalim. "Let's go." Nauna na akong maglakad palabas ng classroom.

Saktong break time kaya wala pa kaming klase. Ang ipinagtataka ko ay bakit kokonti lang ang mga estudyanteng naglalakad.

"Ang alam ko ay may laro ngayong basketball." Natigilan ako sa sinabi ni Jean.

Kaya naman pala. Lumiko ako at naglakad papunta sa gym. Nakasunod sa akin si Jean. Mahigpit ang hawak ko sa mga invitation card na hawak ko at habang palapit kami nang palapit sa gym ay palakas nang palakas ang mga hiyawang naririnig ko.

Hinawi ko ang mga estudyanteng nakakalat sa paligid. Masama na ang tingin sa amin ng iba ngunit nagpatuloy kami. Naabutan kong nagdidribble ng bola si Blaze habang pinipigilan syang makalapit sa basketball ring ng kanyang kalaban.

"Doon tayo!" Hinila ako ni Jean papunta sa mga bleacher sa gilid ng scoreboard.

"Chelsea!" Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko.

Lumapit sa akin si Jude na pawis na pawis. Naka jearsey din itong itim. Saktong pagkalapit nya ay inabot ko sa kanya ang invitation card. "Pinabibigay ni kuya." Sabi ko.

Tumawa ito. "Magbibirthday pa ba 'yon? Gurang na talaga." Humalakhak ito.

Napatingin ako kay Jean nang tumili ito. Nakatingin sya kay Ryde na may hawak na bola. Habang nagddribble ito ay nagi-stretch pa ng kanyang ulo. May wristband itong itim kanan nyang kamay. Gaya ng iba nyang kasama ay naliligo na rin ito sa sariling pawis.

"Come on, Ryde!" sigaw ni Blaze na halatang nairita na dahil sa tagal nito.

Humalakhak ito at humakbang ng isang beses pasulong kaya nabigla ang lalaking nasa harap nya. Bigla rin itong humakbang paurong kasabay ng pagtalon nito nang malakas at pagtapon sa bola sa ere.

Nabingi ako sa lakas ng hiyawan nang lumusot ang bola sa loob ng ring. Napatakip din ako sa tainga nang magsisisigaw si Jean na halos pumasok na sa loob at icongrats si Ryde na ngayon ay sumasayaw habang humahalakhak.

Napakurap ako nang tumingin ito sa akin. Nginisian niya ako bago lumapit sa mga kagrupo nya. Pinagsasapak nila si Ryde at nilait-lait dahil sa pagmamayabang nito.

"Oh God! Magtataksil ata ako sa asawa ko!" tumitiling sabi ni Jean.

Napailing na lang ako. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Blaze na umiinom ng mineral water. Hindi ito nakatingin sa akin dahil kausap nya ang kanilang coach.

"Chels!" Napatingin ako kay Ryde nang tawagin nya ang pangalan ko. "Paki abot naman ang tubig ko." Nginuso nya ang mineral water na nasa likod ko.

Napalunok ako dahil nasa harap ko sya at halos marinig ko na ang paghahabol nya sa kanyang hininga. Tumalikod ako at inabot ang tubig na tinutukoy nya. Inabot ko 'yon sa kanya. Nanginig ang kamay ko nang magtama ang mga kamay naming.

"Thanks."

Hindi ko alam kung nanandya ba sya at nanatili sya sa aking harapan. Ni hindi ko magawang makakilos ng maayos dahil sa kanya. Bigla kong naalala ang invitation card na ibibigay ko pala.

Kinuha ko 'yon sa bag ko. Hindi ko alam pero natataranta ako. Halos hindi ko mahawakan nang maayos 'yon. Inilahad ko 'yon sa harap nya.

"Hindi ako tumatanggap ng love letter ngunit kung galing sa'yo... Sure."

Kinuha nya 'yon nang hindi man lang binabasa pero alam kong alam nyang hindi 'yon love letter. Itinaas nya ang kanyang jearsey shirt at inipit ang invitation card sa kanyang short. Napaiwas akong muli nang dumapo sa kanyang katawan ang aking mata.

"Pwede ka ng umalis, Ryde." Sabi ko.

Humalakhak ito. Napatingin ako kay Jean na nakatulala sa katawan ni Ryde. Itinikom ko ang kanyang bibig dahil nakaawang ito.

"Si Blaze, meron ba?" tanong nya sa akin.

Napatango na lang ako nang hindi tumitingin sa kanya. Medyo dumikit ako kay Jean para makalayo ng konti kay Ryde. Ang init ng pakiramdam ko.

"Ako na ang magbibigay dahil alam kong nahihiya ka."

Napatingin ako sa kanya at napangiti. Sa lahat ng sinabi nya ay doon lang ako natuwa. Mabilis na kinuha ko lahat ng invitation card sa bag ko at ibingay 'yon sa kanya. Kumunot ang noo nito.

"Ikaw na lang ang magbigay sa lahat."

"W-What?"

"Thank you, Ryde. Ang bait mo talaga. Sana kunin ka na ni Lord."

Nagpaalam ako kay Jean na magc-cr lang. Napatakbo ako palabas dahil ang init ng mukha. Marami akong nabunggo dahil sa pagmamadali kong makaalis do'n.

'Pagkarating ko sa comfort room ay agad na naghilamos ako ng mukha. Ibinabad ko sa tubig ang aking mukha dahil sobrang init nito. Tumingin ako sa salamin at pinunasan ang mukha ko gamit ang tissue.

Hindi maalis sa aking isipan ang pagtaas nya sa kanyang jersey shirt. Damn that jerk! Nilalandi nya ako. Tama si Blaze, malandi talaga ang Ryde na 'yon at maging ako ay nagawa nyang landiin. Oh God! Bakit ba ako nagrereact nang ganito kung hindi ako apektado?

Kinalma ko ang sarili ko bago muling bumalik sa gym. Umupo akong muli sa tabi ni Jean na namumula pa rin. "Chelsea... Makasalanan akong tao. Nagtaksil ako sa kuya mo. Asawa ko..." Ngumuso ito.

Natawa ako sa sinabi nya. Pinanindigan nya talaga ang pagtawag ng asawa sa kuya ko.

Napatingin ako kay Ryde na nakakandong sa isang babaeng nakaupo. Nakamaikling short ito at doon ay namamahinga ang kamay ni Ryde na may wristband.

"Damn flirt." I mumbled.

Mabuti na lang at pumito na ang referee kaya tumayo na si Ryde mula sa pagkakandong. Akala ko ay aalis na ito ngunit nagulat ako nang hinalikan nya ang kanyang isang daliri bago ito idinikit sa lips ng babae.

"Patawarin ka ng Diyos." Ang tanging lumabas sa aking bibig.

Habang tumatagal ay mas nagiging malala ang lalaking 'to. Teka... Ano namang pakialam ko? Duh. Kahit na magrakrakan sila sa harap namin ay dapat wala akong pakialam.

Napatingin ako sa lalaking dumaan sa harap ko. Kumalabog ang dibdib ko nang samaan ako ng tingin ni Blaze. Sandali lang 'yon dahil pumasok na rin sya sa loob ng court. Pinigilan ko ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano dahil sa ginawa nya.

Nag-umpisa na ang last quarter at naging mas mainit ang laban. Gaya ng kanina ay cool lang na naglalaro si Ryde habang si Blaze ay seryoso. Pumasok na rin sa laro si Jude kaya lumaki ang lamang nila.

"Chelsea, time na. Baka malate tayo." Paalala ni Jean na tumayo na.

Tumango na lang ako bago tumayo rin. Nauna syang lumabas ng gym habang ako ay tumingin muna kay Blaze na seryoso pa ring naglalaro. Huminga ako nang malalim bago sumunod kay Jean.

Lumipas din ang ilang subjects at hindi ko namalayan na tapos na. Masyado akong natulala. Paano ko sya makakalimutan? Siguro, hindi pa sa ngayon. Pero darating din ako sa puntong isang araw ay wala na at tuluyan na akong nakawala.

"Chelsea. Mauuna na ako ah?"

Tumango ako kay Jean. Wala na ang mga kaklase ko at ako na lang ang natira sa loob ng classroom. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago napagpasyahang lumabas na rin. Since ako ang huling lumabas ay ako na ang naglock sa pinto.

Napangiwi ako dahil ang hirap nitong ikandado. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang ito dahil kapag may nawala ay sa akin ang sisi. Ibinaba ko ang bag ko at sinubukan muling ikandado.

Bakit ba kasi hindi nalang nila palitan ang kandado?

Natigilan ako nang may isang kamay ang tumulong sa akin. Hindi ako kumibo hanggang sa makandado na ni Blaze ang pinto nang walang kahirap-hirap. Okay. Ako na ang mahina.

Akala ko ay aalis na ito ngunit nagulat ako nang kinuha nya ang bag ko at ibinigay 'yon sa akin. Parang puppet na tinanggap ko 'yon. Nakajersey shirt pa rin ito.

"T-Thanks."

"Ano ang nakasulat sa letter na ibinigay mo kay Ryde?"

Namilog ang mata ko sa tanong nya. "Huh?" naguguluhan kong tugon.

Wala akong maalalang nagbigay ako ng letter kay--- Oh damn. Mukhang naniwala sya sa sinabi ng malanding 'yon.

"Love letter huh?" may halong panunuyang sabi niya bago umalis.

Naiwan akong tulala at nakatingin sa kawalan. Akala nya ay love letter nga ang ibinigay ko kay Ryde. Teka... Ibig sabihin ay hindi pa ibinigay ni Ryde ang invitation card!


Ang malanding 'yon!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped