Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Gabriella

Umupo lang kami ng tahimik sa sahig, nawalan narin ako ng mga naisip for topics. In this kind of situations, morale plays a huge role-- in which, they have obviously tossed it away due to the pressure.
Sa katagalan ng katahimikan ay hindi ko na napansin na nakatulog na pala yung iba. Even though the room was warm and comforting, it just feels weird that they are all gloomy...

Niyakap ko yung mga tuhod ko habang may ideyang dumating sa aking isipan. It's a pretty dumb decision, however, it's the only choice that I can only make...
Kailangan kong malagay ko yung token sa sealing site na ako lang isa, and it's pretty much of a risk since once malagay ko na yung token-- I will be vulnerable to any kinds of danger.
If I stole one of their tokens, one of them will be vulnerable but I will be safe. I still have a chance since they are all unconscious...

Tahimik akong tumayo at lumingon-lingon ako sa paligid. Agad naman akong napatingin sa natutulog kong mga bagong kasamahan, maraming mga damit silang nilagay sa sahig para lang maging mas komportable sila...
Hindi ko makita kung saan yung mga tokens nila pero feel kong alam ko kung saan yun.
Dahan-dahan kong inabot yung kamay ko patungo sa bulsa ni William-- saglit akong napatigil. Ano ba'ng iniisip mo Gab!
Binalewala ko nalang yung temptation na nasa isip ko at dahan-dahan akong lumabas sa library.

Nung nakalabas na ako ay bigla na naman akong sinalubong ng malakas at malamig na hangin, it's probably because humiwalay ako sa mga kagrupo ko.
Nakakakilabot talaga dito... I wonder how does the library even feels comforting in such a situation...

Ngayon, saan ako magsisimula? Wala akong narinig na mga tsismis tungkol sa mga sealing sites, medyo mahihirapan ako dito. Siguro kailangan kong maglakad-lakad dito kahit risky, at the very least I could get information...
Nagsimula akong maglakad pakaliwa, babalik lang ako sa nadaanan namin. Mas madaling magkuha ng mga detalye kung nasa nadaanang lugar ako magsisimula.

Nang lumiko ako papunta sa isang area na may malaking bintana ay may napansin akong kakaiba sa anino na nagawa dahil sa ilaw ng buwan. Dahan-dahan kong tumingin sa taas kung saan may napansin akong nakakakilabot-- may isang malaking bagay na binalutan ng itim na buhok na para bang isang cobweb na gawa sa itim na buhok. Dun naman sa sahig ay may dalawang pulang guhit, at sa dulo naman ay may kamay na putol yung tatlong daliri-- mukhang bago lang yun-- siguro yung tao ay si France.
Tinignan ko pa ito saglit bago ako lumingon sa dadaanan ko at magpatuloy.

Maraming mga bagay talagang hindi ko napansin nung papunta kami sa library nina Harold. Maraming mga dugong kumalat sa daanan, mukhang matagal rin naman ang mga ito at marami ring sira-sirang mga gamit sa gilid ng daanan.
Nang makarating ako sa corridor kung saan nandoon yung room ko at ng isa pang section, ay bigla ako nakarinig ng tawa, malakas at nakakakilabot. Tinakpan ko yung bunganga ko at dahan-dahang binuksan ang pinto ng ibang section, pagkapasok ko ay agad ko namang isinara ito.

Parang may naramdaman akong lamig habang yung tawa ay humina nang humina. Kasabay ng malamig na hangin maraming mga nakakalat na papel ay umangat na para bang may dumaan talagang hangin sa loob, at parang may bumukas na kung ano malapit sa bintana-- di ko masyadong makita dahil sa may kurtina na yung room nila.
Dahan-dahan kong nilapitan ito, isa itong maliit na notebook na may strange drawing. Tumaas yung balahibo ko kaya nilabas ko yung token at parang alam na alam nito ang gagawin ko ay nag-iba ang anyo, naging kadena ito. It then settled on my arm like it's a long glove.
Pinikit ko yung mata ko sabay luhod at kinuha yung notebook.

The strange drawing was actually shaped like a skull with gibberish or messy eliptical lines. Napunta ang atensyon ko kaagad sa isang salaysay na nakabold ang mga titik na para bang sinulat ng kamay-- yung kulay ay rusty maroon:

DIE WITH US!!!

Yun yung nakasulat...
Nararamdaman ko ang lahat ng malalakas na negatibong damdamin na sinulat ng sumulat nito. Para bang gustong gusto nilang mangyari sa akin ang nangyari sa kanila, hindi ko sila masisisi...
I flipped through several pages and there were lots of informations regarding the creatures.
May dalawang pahina na kumuha ng atensyon ko: Laughing Trickster, at ang isa pa ay Black Weaver.

Laughing Trickster, an urban legend in which I have taken documentations since I was brought here. As it was dubbed, the sign of its presence was the numerous laughing heard by people around it-- the louder it sound the farther it is, and the fader it sound the closer it is. It easily senses its victim with its sharp hearing, upon seeing its victim, it will gain an enormous adrenaline to catch to its victim.
Weakness:
- still undocumented
- seems to dislike strong irritated feelings

Documented by: Jerico Fuerta

Black Weaver, an urban legend still documented ever since I was brought here. It has a black rapunzel-long hair and only walks on all fours in a bizarre manner. Can climb walls and ceilings, and wraps itself and the victim with its hair. The hair also appears to be sharp and hard.
Weakness:
- still undocumented
- seems to have a frailer body than most women
- seems to dislike scissors

Documented by: Jerico Fuerta

Kung ganoon, yung dumaan sa hall ay ang Laughing Trickster. Nilayo ko yung notebook sa akin, binalik ko yung pahinang may nakakatakot na salita at pinunit ko ito-- it seems disturbing and for some reason, I feel that this will cause trouble anytime.
Gumaan naman yung nararamdaman kong negatibong damdamin sa aking katawan. Tumayo na ako.

"Hihihihahaha!"

May narinig akong mahinang tawa--

THUD!!!

It sounded like something is forcing itself inside the room. Tumingin ako sa paligid, wala akong matataguan... Pwede man akong lumabas however, things will riskier than it would be...
I don't care anymore, I'll just keep him from entering the room!
Kumuha ako ng mga upuan at nilagay ito sa gilid at sa gitna naman ako tumulak para hindi ito makapasok. Alam na alam ng Laughing Trickster na nandirito ako, kaya wala akong magagawa.

It took me ten seconds to stop him from forcing entry hanggang sa tumigil ang mga dabog. Ramdam na ramdam kong may isang taong nakahawak ng WATER token na nasa labas. Ang mahinang tawa ay biglang lumakas ng lumakas hanggang sa hindi ko na ito marinig.

"Martinez..." tawag niya sa akin sa kabilang banda ng pinto. Yung boses ay malalim pero halatang-halata parin ang pagkakaibahan nito sa isang boses lalaki.

Sa pag-alala ko sa sarili ko na baka hindi na ako pagkakatiwalaan ay agad-agad ko namang binuksan yun pintuan. Tama nga ako, nakakatakot parin tingnan si Melanie-- tsaka bakit siya iniwasan ng Laughing Trickster?

"A-ah, Melanie! Kasi--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang bigla niya akong sinampal sa pisngi ko. Hinila naman niya ako sa isang mahigpit na yakap. Aray...

"Nakakainis yung padalos-dalos mong pag-iisip! Kahit si William nga hindi niya to ginawa!" sambit niya. Hay, may pagka-tsundere din si ate noh?

"Eh, alam mo pala na lumabas ako?" patanong ko, sigurado naman akong tulog sila nung lumabas ako.

"Oh please, William had the WOOD token, kaya niyang malaman kung anong nangy.ari just by viewing the memories in wooden materials..." sagot naman ni Melanie.

Napatango nalang ako at lumakad na siya pabalik sa direksyon ng library, dali-dali ko naman siyang sinundan na hindi tumitingin sa likod ko.
Nung malapit na kami sa area kung saan yung Black Weaver, ay napahinto kami ng may narinig kaming musika sa music room. Tumingin ako sa kapaligiran para masigurado ko kung ligtas bang huminto, dali-dali ko namang kinuha yung maliit na notebook na ngayon ay hindi ko na kinakailangang gamitan ng token.
I flipped through several pages; The Three Entertainers, Faceless Clayman, Seeking Child.....
Hanggang sa mapunta ako sa isang blankong pahina.
Walang records na nabanggit itong si Fuerta tungkol dito, at halata namang hindi rin naka-encounter si Melanie nito.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at saglit ko itong hinawakan bago tumingin ulit sa pintuan.

Agad kaming nakarinig ng malakas na paghulog sa loob ng music room, kung kaya't napaatras kami. Nasanay man ang mga mata ko sa kadiliman ay parang napapansin kong dumidilim yung corridor, na para bang may lumalapit sa amin.
Hinawakan bigla ni ate yung kabilang braso ko na para bang poprotektahan niya ang isang bata sa paparating na panganib.
May narinig na naman kaming malakas ng pagbagsak pero yung tunog ngayon ay parang isang plastik na walang hangin ngunit may tubig na laman-- sounding fleshy. May narinig kaming mga yapak, maliliit na yapak sa loob, na palapit nang palapit sa direksyon namin, at nang huminto ito ay dahan-dahang bumukas ang pinto.

Isang batang may kayumangging buhok at may emeraldong mga mata. Nakasuot siya ng berdeng damit na parang pang-maharlika sa taong late 18th century at early 19th century.
Umiiyak siya at, hindi mo man ito agad mapapansin pero, yung kamay niya ay namamaga at may mga preskong sugat. Parang pamilyar siya... Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita...
Akmang magsasalita sana ako, ngunit naalala ko yung batang nag-aabang sa akin dun sa main entrance.
Pa'no kung patay na rin siya? Wait, 'patay'?
Inobserbahan ko ulit yung bata, ramdam ko ring gagamitin rin ni ate yung token sa bata, may nakahandusay na kung anong instrumento sa likuran niya.
I have a bad feeling about this...

"Mga ate, salamat sa pagbabantay sa akin!" ngumiti nang matamis yung bata bigla.
I poked Melanie's elbow and urged her to back away.

STEP!

Nang nakaatras kami ng isang hakbang ay nagflicker yung lampara, paandar. May babaeng matangkad na kulay blond yung buhok na sumulpot sa upuan malapit sa pintuan ng music room.
Naka-suot siya ng kulay pink na dress, yung parang nasa 18th century na pantulog ng mga babae. Nakayuko yung ulo niya sabay hinihimas niya ang kanyang paa.

STEP!
SK! SK!
STEP!
SK! SK!

Napalingon kami sa madilim na bahagi ng corridor nang nakarinig kami nang mga mahihinang yapak. May matandang nakasuot ng yukata, hindi ko mapansin yung mga mata niya, para bang naging bahagi ng kadiliman ang kanyang mga mata.
Naririnig ko ang boses niyang magaspang at para bang nahihirapan sa pagsasalita.

Biglang lumamig ang kapaligiran, bumubigat yung pakiramdam ko na para bang hindi talaga ako makakagalaw.

"Ibalik mo..." sabi ng bata habang hinawak niya yung bass para makita namin. Parang napansin kong may hiwa yung wrist niya at nagsimula nang dumurugo.

"Ibalik mo..." sabi ng babae habang lumalakad siya na parang nahihirapan, at sabay ng pagkatapos niyang pagsabi ay may hiwa rin ang kanyang paa.

"..ba...ik...m..." nahihirapang bigkas ng matanda at kagaya rin ng iba ay may hiwa, ngunit sa leeg niya.

Inulit nila ang pagbigkas at dahan-dahang bumubukas ang kanilang mga sugat. Biglang humawak sa braso ko si ate, namumutla, para bang nahihilo.
Dun ko na napansin, pumupula yung bahagi uniporme ko sa kanyang paghawak-- nasugatan siya sa kamay niya, pumupula yung medyas niya, at ang pulang t-shirt nya ay lalo pang pumula sa bahagi ng leeg.
Huwag mong sabihin--

Hindi pa ako naka-isip ng solusyon ay may naramdaman akong mainit na sensation sa leeg, kamay, at paa ko-- o kaya may nararamdaman akong papalapit na taong gumagamit ng FIRE token.

"El sen twa ghantia igrem..." kung anong lengwahe ang narinig ko sabay na pinalibutan kami ng mga apoy.
Nararamdaman ko ang init ng mga apoy. Napaupo ako sabay ng pagbagsak ni ate sa sahig. Ang tatlong nilalang ay patuloy paring tumingin sa amin na parang nalilito sa nangyari habang ginagalaw-galaw nila ang kanilang ulo 100°.

May nakikita akong matangkad na anino na biglang sinaksakan ng kung ano ang babaeng may hiwa sa paa. Ayaw ko man makita ang nangyari ay nakita ko, nahati ang katawan ng babae. Naglaho ang babae kasabay ng boses na parang sumuka.
Agad naman niyang nilapitan ang batang parang hindi napansin ang nangyari sa kasamahan nito, at hiniwa ang mga daliri niya at inisa-isa niyang pinutol yung mga braso niya. Naglaho ang bata kasabay ng lumalahong sigaw.
Tumakbo siya sa matandang hindi pa nakakapansin sa nangyayari at tinulak ito sa sahig, sabay ng pagsaksak sa kanya ng paulit-ulit.

Tumayo ang lalaki at doon ko na napansin, siya si kuya David. Nakikita kong tumingin siya sa kisame at ngumiti nang nakakatakot, hindi nagtagal ay humalakhak siya ng malakas, at binitiwan ang kutsilyong dala niya.
Nawala bigla ang apoy at tiningnan niya kami na may blankong paningin sa kanyang mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro