Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Gabriella

Sa kalagitnaan ng klase, marami akong naririnig na mga bulong sa mga kaklase ko. Magaling kasi sila masyado na ayaw na nilang makinig sa teacher.
Pagkatapos na tumingin yung teacher sa mga index card na nasa kamay nya ay bigla niya akong tinawag:

"Sino si Grabriella Martinez?"

"Ako po, sir." simple kong sagot, habang tinaas ko yung kamay ko sabay tayo.

Pinabasa naman niya ako ng history content sa page 14 at bumalik sa discussion niya.

Ako si Gabriella Martinez, 14 years old at nasa 9th Grade, nag-aaral sa Capella Academy that had elementary, middle school, and high school departments.
Like any other schools, merong mga rumors about ghastly encounters dito. It spreaded orally, meaning, tsismis...
There was one of the rumors that concerns about a group of cultist students that performed a ritual, causing numerous incidents that leads near-death. In order to solve these incidents, the school called for exorcists and since then, staffs were replaced to prevent any uproar since it was already solved.
THEN, there was this common problem... May mga nawawalang malay and then mag-aact na walang nangyari, and they share something common everytime na mangyari yun-- they lack emotions.
Nakakakilabot nga rin everytime makikipagsalita sa kanila because it felt like their talking to an empty vessel or dolls.

Tumunog na ang bell na nagsesenyales na tapos na ang mahabang oras sa paaralan.
Nagpaalam na ang aming history teacher habang yung mga maiingay kong mga kaklase ay dali-daling kinuha yung kanilang mga bag at iniwan ang mga upuan na hindi naman maayos. Kawawa naman yung ibang cleaners ngayon, pero hindi ko naman yun problema...

"Uhy Gabriella!" bigla akong tinawag ng aming Class Representative, si Cherryline Lopez. "Huwag mong kalimutan yung mga kurtina bukas ah!"
Yung tinutukoy niyang mga kurtina is about the class contribution kung sino yung willing, marami naman kaming mga kurtina kaya nagpaalam ako.

Tumango naman ako sa kanya, "Sure thing! Hindi ko yan makakalimutan Rep! Ako pa!!" pagmamayabang ko.

Meron kaming narinig na sigawan sa labas, marami ring mga taong pumunta para makita yung nangyari kaya lumabas kami. Sa corridor, may nakahandusay na lalaki sa sahig habang dahan-dahan siyang idinala papuntang infirmary ng dalawang teachers na dumaan.

"Nangyari na naman..." may narinig akong pag-uusap sa likuran ko. Totoo rin naman yung sinabi niya, ilang beses kaming may makitang hinimatay na estudyante sa isang buwan...

"Ano kaya ang nangyayari dito? I mean, normal naman ata yung may mahihimatay pero ang lulusog naman ng mga taong yun..." sabi pa ng kausap sa likod ko.

"Sabi nga ng mga seniors ay baka may nangyayaring kababalaghan dito sa school. Although sabi-sabi naman yun, alam mo naman na maraming usap-usapan tungkol sa mga rumors na yun..." sambit naman ng una. "Nakakawala ng gana ng pag-aaral ang mga kuwentong yun!"
Yun na yung huling sinabi bago pa sila umalis patungong kung saan nila plano...

Umalis nalang ako kasabay ng iba.
Chineck ko muna yung locker ko at inilagay ko yung mga books na dala ko. Pagkatapos kong malagay yung English book ko, ay may napansin akong kakaibang bagay na nasa locker ko.
Ito ay isang kahoy na pentagon ang shape, it has gibberish from what seemed to be a baybayin writing on its side as if framing it, and ang nasa gitna ay parang symbol na parang nag-portray ng element.
Na-curious ako kaya itinanggal ko yung mala-token sa pagkakadikit sa loob ng locker ko. Medyo nahilo ako ng dahilan kung bakit kumapit ako sa door ng locker ko, nung nawala na yung pagkahilo ko, agad ko namang isinara yung locker ko.

May bigla akong naramdamang lamig at nakakakilabot na presensya kasabay ng mga boses na parang tumatawa ng malakas. Lalo akong nagtaka, lumingon ako sa likod ko then doon ko nakita-- ba't madilim? Parang gumabi bigla, yung uri ng gabi na walang buwan...
Nahihilo ako, bago ko pa nalaman--
Nawalan na ako ng malay...

Nagkaroon na ako ng malay, kaso ba't ang bigat ng pakiramdam ko? Para bang may nilagay na mabigat na bagay sa ulo ko!

Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko. Nasa loob pala ako ng classroom... Umuwi na ba sila? Tumingin ako sa orasan na nasa itaas ng board, 5 o'clock na pala... Papagalitan talaga ako nito ni Mama...

Lumingon ako sa bintana, color red and vermillion ang kalangitan-- papalubog na ang araw...
Makauwi na nga!
Kinuha ko na yung bag ko, aalis na sana ako ng classroom pero parang may mali... Hindi ko alam kung ano yun pero sigurado akong may mali sa paligid ko!
Umatras ako sa pinto, sabay lingon sa kapaligiran ko.
Normal naman pero bakit kinikilabutan ako dito.

Napalingon ako sa divan namin, bakit pakiramdam kong nasa infirmary dapat ako? Bakit masakit yong buong katawan lalong-lalo na yung kaliwa kong balikat?
Hinawakan ko yung balikat ko, nakaramdam ako ng sakit para makangiwi ako sabay ng pagsakit ng ulo ko.
Dun ko na naalala... Nawalan ako ng malay nung inilagay ko yung books ko sa locker!
Mas lalo akong kinilabutan sa naalala ko kaya inayos ko uli yung bag ko at tumungo na sa pintuan para makaalis na sa nakakatakot na lugar na 'to.

When I twist the doorknob, may boses akong narinig na para bang bulong: "Mag-iingat ka... Gabi na..."
Sabay ng pagkatapos ng bulong ang may malakas at malamig na hanging na sumalubong sa harapan ko. Bigla namang dumilim at nakikita ko yung anino ko sa pintuan na para bang ang ilaw ay galing sa isang mabilog na buwan.

Binilisan ko ang pagbukas ng pinto, sa paglabas ko ay natamaan ko yung pader sa harapan ko. Saglit akong huminto bago lumingon sa bintana ng classroom-- ang ulap ay kulay madilim na asul at ang buwan ay kulay ginto at bilog na bilog...

"Anong nangyayari?" bulong ko sa sarili ko. Nababaliw na siguro ako! I am getting strange and realistic hallucinations!

Ibabalewala ko nalang to pansamantala... Lumakad na ako patungo sa direksyon papuntang labas, hinila ko yung smartphone ko at nagsimula ng maghanap sa contacts. Nang makita ko na yung phone ni mama ay hindi akong nagdalawang-isip na tawagin siya.
Nang napindot ko yung call button, biglang may lumabas na notification na walang signal.

Bumuntong ako ng hinga. Okay naman siguro yun, isa pa, malapit na ako sa labasan. Nang makarating ako sa crossing area patungo sa labasan, lumingon ako sa kanan ako, nagulat naman ako sa nakita ko-- umatras ako at nakaramdam ako ng napakabigat na kilabot sa buong buhay ko.
Ba't walang pinto? Ba't pader lang yung nadun?

"Nalilito ka siguro..." may narinig akong boses, nagulat naman ako kaya dali-dali akong umikot paharap sa pinanggalingan.

"S-sino ka?" Nanginginig kong tanong.

Ang nagsalita pala ay isang batang babae, siguro nasa 12 or 11 years old sya. Nakasuot sya ng elementary uniform sa school namin.
Parang may kakaiba lang sa batang ito... I can't pinpoint it but I am sure she is somehow strange.

"Since wala pa naman siya, pwede pa kitang mabigyan ng explanation to this dimension..." yun yung sinabi ng bata, "Hindi po ito yung school. Oo, nandito tayo pero wala tayo sa tamang lugar."

Nagtaka ako sa mga sinabi niya pero pinili ko nalang na tumahimik at nakinig sa mga sinasabi niya.

"Narinig mo naman siguro yung mga rumors tungkol sa school na'to diba? Tungkol sa isang grupo ng cultist at nang kailangan ng staff na tumawag ng mga exorcists para ma-solusyonan ang problema. Totoo ang lahat na yon..."

Dahil sa narinig ko, hindi ko nagawang magsalita. Nanumbalik yung kakayahan kong magsalita pagkatapos ng malalim na katahimikan.

"M-meron bang paraan para makabalik pauwi?" tanong ko sa kanya habang tumulo yung pawis papunta sa leeg ko.

"Wala akong nagawa para makahanap ng solusyon nung isang taong nakaraan..." she apologized. Of course, what would I expect for a child to think right in a situation na hindi naman normal!
"However, as a soul, I was able to find intel..." sabi niya habang lumapit sakin, "...to get out of this hellscape..." imagination ko ata pero parang umiba yung tono niya-- "...dapat walang maiiwang buhay dito..."
Tumalon yung bata papalapit sa akin at sinubukan niya akong sakalin.

Napapikit ako sa takot, naghihintay na may sakit akong mararamdaman pero hindi yon dumating.
I decided to open my eyes, at sa harapan ko ay ang batang babae na nakaposas na ngayon, nasa sahig siya at pinipilit niyang gumalaw. Nakita ko na may kadenang nakakabit sa posas na para bang nakabaon sa sahig.
Umatras ako ng kakaunti, at may narinig akong nahulog sa gilid ko, lumingon ako at nakita ko yung wooden token na nasa locker ko except it's metallic at may parang kadena on the top of the pentagon, dahan-dahang nawawala.

Nawala yung takot na naramdaman ko, tempting me to hold the token as I try to reach out to it, may narinig akong sumigaw kaya lumingon ako-- dun ko na naalala ang bata. I then quickly gripped the token and for a moment, I saw the child getting handcuffed again and the chains from the ground seemed to crawl all over her body and she slowly disintegrate before me... Ang huli kong nakita ay ang nangingiyak na mukha ng bata.

Ano bang nangyayari dito? Bakit nakakapanibago yung nangyayari kahit common naman nating makakakita ng mga horror movies? Ganito siguro ang mararamdaman kung naging totoo yun lahat...
Hindi na ako umimik, tumayo ako at nagtungo ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi man sa nawalan ako ng maayos na pag-iisip, sadyang nagbabasakali lang na may makita akong kagaya ko na na-trap sa loob ng kakaibang lugar na'to...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro