Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34


Pumalag si Vilma. "Ano ba?!" singhal niya, hinawakan ang mga kamay ni Blessilda at hinigit iyon. Ang pakay niya ay mahulog sa tubig ang babae ngunit mahusay ang balanse nito. At ang mga daliri nito ay animo kuko ng lawin sa kanyang buhok. "Bitiwan mo ako, Blessilda! Talagang masasaktan ka sa akin, binabalaan kita!"

"I do pilates and boxing, you bitch!"

Sinuntok niya ito sa sikmura at naging epektibo iyon, pinakawalan nito ang kanyang buhok. Parang tumitibok ang anit niya. Agad siyang tumayo, humakbang paatras para makabuwelo. Kapwa sila nakatayo sa duyan na tumbang puno.

"Ano ba'ng problema mong babae ka?! Nananahimik ako dito—"

"Nananahimik? Kailan ka natutong manahimik? Pakialamera ka! Buhay ng may buhay, gusto mong sirain. At hindi ko na mapapalampas 'yon. Kung iniisip mong pababayaan kitang mag-stay dito para agawin ang asawa ko, nagkakamali ka!"

Muli ay dumiretso ang kamay nito sa ulo niya, sa pagkakataong iyon ay ang magkabilang kamay nito kaya gumaya siya rito. Malakas din ang babae pero lamang siya rito sa puntong iyon dahil na rin mahaba ang buhok nito, ang sa kanya ay maiksi lang.

"Tama na 'yan! Tama na 'yan!" sigaw ni Pio. Agad itong nakalapit sa kanila at ipinaikot ang bisig sa baywang ni Blessilda. Pinakawalan ng babae ang buhok niya ngunit hindi siya tumigil sabunutan ito sa gigil niya. "Vilma, enough! Enough!"

Pinakawalan niya ang buhok ng babae, biglang nanghina sa galit na nakita sa mga mata ni Pio nang tumingin ito sa kanya. Nahulaan na niyang mangyayari ang ganito pero masakit pa rin.

Nagsalita si Vilma. "Pio, please, that woman is ruining out lives!"

"What life?" mahinang wika nito, tila pinipigilan ang emosyong sumambulat.

"Our life—together! Mula noon hanggang ngayon, wala siyang ginawa kundi makialam! She's nothing! Nothing! At hindi ako papayag na hindi mo pa rin siya paalisin dahil naaawa ka sa kanya! I've had it with your good intentions, Pio! Lalo na kung sa mga taong tulad ng babaeng 'yan! Kahit ang nanay mo, hindi matutuwa kapag nalaman niya ang tungkol sa babaeng 'yan. We're married and she's a home wrecker!"

"Was married."

"Tulad ng sinabi ng nanay mo, nandito na tayo, ituloy na natin. I know you love me and I love you too." Lumapit ang babae rito at yumakap. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang makita iyon.

Ngunit napalingon siyang muli sa mga ito nang magsalita si Pio. "Get your hands off me, Blessilda."

Itinaas ng babae ang mukha nito. "Stop with this nonsense, Pio, please. Nag-sorry na ako. Panahon na para matuto kang magpatawad."

"Para sa lahat ng ginawa mo sa akin, napatawad na kita. Para sa lahat ng ginawa mo para kay Vilma, hindi kita mapapatawad."

Napanganga siya.

"Sinubukan kong makipag-usap sa 'yo nang maayos. Noong nakaraan sinabi ko na sa 'yo na wala nang pupuntahan ang relasyon natin, pero bumalik ka ulit ngayon."

"Do you deny your happiness when you saw me again? Your eyes sparkled."

"I know. For a while I was happy because I have yearned to be with you again. But that happiness lasted for a few hours only. Ilang oras lang ang kinailangan ko para maisip kong iba na ang mahal ko."

Kumalampag na ang dibdib niya sa puntong iyon.

Parang nainis si Blessilda. "Please, Pio, stop this! This person means nothing to you. Ni hindi mo siya nabanggit sa nanay mo. I should know, I talked to her."

"Maraming bagay ang hindi alam ni Nanay—tulad ng lahat ng ginawa mo sa akin dahil ayaw kong masira ka sa kanya. Pero ang tungkol kay Vilma ay malalaman na niya ngayon at siguro malalaman na rin niya ang lahat ng nangyari sa atin."

"'Wag mong sabihin sa 'king dahil sa babaeng 'yan kaya ka nagkakaganyan?"

"Oo, dahil sa kanya!" Tumaas ang tinig ni Pio.

"You're a fool then!"

"No..." Umiling si Pio. "No, Blessilda. You are. Ni hindi ako makapaniwalang minahal kita minsan."

"Shut up! You told me she's nothing!"

"No, I did not. I told you she's a simple person. And she is. I am too. Ito kami, Blessilda, mga simpleng taong simple lang ang gusto sa buhay."

"You told me she means nothing to you!"

"I never told you that. I never disagreed with you when you said it but I never told you that. Alam mo kung bakit hindi kita kinontra? Dahil sinabi mong pahihirapan mo ang buhay niya at naniwala ako sa 'yo. Napag-isip-isip ko na kaya ako naniwala sa 'yo ay dahil alam kong kaya mong gawin 'yon. Kung nagawa mong iwan ang mga anak mo sa asawa mo para mas lumaki ang makukuha mong settlement at gamitin ang sarili mong anak para parusahan ang asawa mo, bakit hindi mo makakayang gawin ang mga banta mong panggugulo kay Vilma? Totoo, hindi ba? Kaya mo dinala ang mga anak mo sa akin dahil kailangan mo sila para sa settlement mo... At ang totoong dahilan kaya ka nag-suggest ng prenup bago tayo nagpakasal ay dahil natatakot kang mahati ang lahat ng makukuha mo sa asawa mo... The moment you thought that the court's decision is tipping towards your husband, you left me and got back together with him.

"Sa tinagal-tagal ng panahon pinilit kong isiping ginawa mo talaga para sa mga anak mo 'yon, ang bumalik sa asawa mo... pero ngayon nandito ka, hiwalay ka na sa kanya sa kung anong dahilan pero hindi mo kasama ang mga anak mo at gusto mong makipagbalikan sa akin. Bakit? Masyado bang maliit ang nakuha mong settlement?"

"You dare to speak to me like that—"

"Yes, I dare! And I have every right to! For the longest time I was waiting for you to come back. Dahil mahal kita. Pero dumating si Vilma at naisip ko agad na matagal na pala akong walang tiwala sa 'yo, sa pagkatao mo. Maraming nagbago at nakita ko kung ano ka talaga. You're a terrible person. And it pains me a little to tell you that because once in our lives when we were young you and I were great together. 'Wag mong isiping hindi ko na-appreciate na minsan sa buhay mo naging handa kang maghirap para makasama ako. Pero hindi ko na panghahawakan 'yon dahil heto na tayo ngayon. Tingnan mo kung ano na tayo ngayon. Wala na akong respeto sa 'yo at sa kabila ng mga banta mong idadamay mo si Vilma sa lahat ng galit mo sa akin, hindi na ako mag-aalala. Dahil nandito ako para sa kanya. Can you believe that? I actually failed to realize I can protect her simply because in my heart of hearts I knew of how low you're willing to get to have what you want.

"Pagdating mo pa lang dito noong nakaraan inoobserbahan na kita, ginusto kong marinig lahat ng sasabihin mo, lahat ng plano mo... hindi dahil gusto kong ibalik ang lahat kundi dahil gusto kong kompirmahin ang matagal ko nang hinala tungkol sa 'yo na ayaw tanggapin ng ego ko—dahil ibig-sabihin nagpaloko ako sa sarili ko dahil minahal kita sa kabila ng lahat. Hindi mahirap makita kung ano ka talaga—"

"Shut the fuck up, Pio," agaw ni Blessilda. Nanlilisik ang mga mata nito. "Yes, you're right in most aspects but you don't know what I've been through. Wala rin akong obligasyong magpaliwanag sa 'yo tungkol sa mga nagawa ko. Pero hindi ako papayag na isipin mong minsan sa buhay ko naging handa akong magsakripisyo para sa 'yo.

"Did you honestly believe that I would've left the comforts of my home to be with you at seveneteen? You're a bigger fool than what I assumed. Pinatapon ako dito ni Daddy dahil may ginawa akong kasalanan sa Manila. In this godforsaken place I had to be a better person. I met you, a poor guy head over heels in love with me and would do anything for me. Naisip ko, kailangan kita para maipakita ko kay Daddy na kailangan kong bumalik sa Manila. Inisip mo bang kung sakaling sumama ako sa 'yo noon magtatagal ako sa bahay ninyong mag-inang dukha? I would have stayed only long enough for Daddy to pick me up."

"That certainly clears up a few things," maaskad na sabi ni Pio.

"Really, Pio, you didn't notice how you were and still are so clearly below my station? Kahit kailan hindi ko matatanggap ang pinagmulan mo, at lalong hindi ko matatanggap na ang biyenan ko ay isang dating labandera. Ngayon, magsama kayong dalawa. Bagay na bagay kayo—isang anak ng labandera, at isang labanderang anak ng baklang magpeperya," anang babae, tumalikod na.

"Sira-ulo kang babae ka!" bulyaw niya, tinabig si Pio upang makaraan siya. Nahulog ang lalaki sa ilog at nang matiyak na maayos ang lagay nito ay nagpatuloy siya sa pagsugod sa babae. Bago ito makasakay sa kabayo ay hinigit niya ang buhok nito at tinuhod ang likod ng tuhod nito para ito ay mawalan ng balanse. Kinubabawan niya ito. Halos manginig siya sa galit. "Ang sama ng ugali mo! Kakalbuhin kita! Wala kang respeto sa kapwa-tao mo, pati matatandang nananahimik hindi mo pinatawad! Ang kapal ng mukha mo!"

Isang basang bisig ang umawat sa kanya sa baywang. Umangat siya sa ere ngunit nakatatlong sipa pa siya kay Blessilda bago siya ganap na nailayo ni Pio. Wala nang salitang lumabas sa bibig ni Blessilda at sumakay agad ito sa kabayo na agad nitong pinatakbo.

"Nanginginig ka," wika ni Pio. Humarap siya rito. Ikinulong nito sa dalawang palad ang isa niyang kamay. Akmang susunod siya sa babae nang higitin nito ang kanyang kamay. "Tama na, Leon Guerrera."

Bumukas-sara ang mga labi niya ngunit walang salitang lumabas doon at nang makita niyang may ngiti sa labi ni Pio ay bigla siyang napangiti na rin, saka niya ito mahigpit na niyakap.

"Mahal na mahal kita, Pio."

"Talaga?"

Tumango siya, nakalapat ang pisngi sa balikat nito. "Oo. Dati tinanong mo ako kung bakit ako biglang umalis at hindi ko nasabi sa 'yo dahil nangliliit ako. Narinig ko kasi kayong nag-uusap noong bruhang 'yon dito. N-nakakita rin ako ng T-back niya sa labahan mo. Nasaktan ako... akala ko siya pa rin ang mahal mo at nagdesisyon akong kalimutan ka na lang."

"A T-back?" Kumunot ang noo nito. "Paano mangyayari 'yon? Walang nangyari sa amin, maniwala ka. I never touched her since she came here. I swear to you—"

Inilapat niya ang daliri sa labi nito. "Naniniwala ako. Siguro, siya rin ang naglagay noon doon dahil alam niyang ako ang nangongolekta ng mga damit mo. Bruha nga talaga, 'di ba?"

Bumuntong-hininga ako. "Everything's my mistake to begin with. Hindi ko na siya dapat tinaggap dito. Aftershock siguro ng mga nangyari noon sa amin. Ang dami kong naging hangup, mga bagahe sa mundo. Aminado akong noong una siyang dumating, naisip kong baka siya pa rin... pero ilang oras lang, ikaw na ang hinahanap ko. At nagkasundo tayo at akala ko okay na. Sorry."

"Sorry din. Ako talaga ang may kasalanan—"

"No, it's my fault. Nagkulang ako. Pasensiya na rin na hindi ko naisip na hindi kita iiwan, na poprotektahan kita. Sinabi niya noon na guguluhin ka niya, na gagawa siya ng paraan para umalis ka rito. Inilayo ko sa ganoong mga bagay ang takbo ng isip niya. Sa likod ng isip ko, alam ko kung paano siya gumawa ng paraan. Pero hindi na 'yon mahalaga ngayon. Mahal mo ako, mahal din kita, 'yon ang mas mahalaga."

"Ayokong sabihin sa 'yong tama ako mula simula, pero sasabihin ko na rin."

Tumawa ito. "I know. And I'm sorry for everything. Naiinis ako sa sarili kong hindi ko ipinaramdam sa 'yong hindi kita iiwan. Ilang gabi mo akong hindi pinatulog. Hindi ko maubos-maisip kung paanong nangyaring mas nagtiwala kay doon sa Iwa na 'yon kaysa sa akin. At na-realize kong kasalanan ko rin sa isang banda. I never gave you enough reason to believe in me. And I'm sorry."

"Hmp. Ako nga ang hindi mo pinansin pagkatapos nating mag-usap."

"Nagtatampo ako noon, pasensiya ka na."

"At kapag natapos ka nang magtampo, bigla ka na lang papasok sa kamalig nang walang T-shirt, ganoon?"

Tumawa itong muli, itinaas ang kanyang mukha. "Ayaw mo, no'n? Natapos sa ligaya ang pagtatampo ko?"

Nakagat niya ang ibabang labi, nag-init ang mukha. "Ikaw talaga."

"Still so shy, my beautiful." Bumaba ang mga labi nito sa kanya para sa isang napakatamis na halik. Batid niya, simula na ng magagandang araw sa buhay nila. Naghiwalay lang sila nang makarinig na isang impit na tili at sa kanyang paglingon ay nakita niya si Elizardo, kasama ang mga magulang ni Pio.

Nakangiti si Pio sa mga ito, tumutulo-tulo pa ang tubig sa katawan nito. "Nanay, Itay, si Vilma po—ang babaeng pakakasalan ko."

Pumalakpak si Elizardo, panay impit na tili ang kumawala sa labi. Siya ay kabado sa reaksiyon ng mag-asawa ngunit agad ngumiti ang mga ito.

"Ito na pala ang paliwanag kung bakit bigla na lang umalis si Blessilda matapos kaming pagsisigawan. Hala, maiwan na muna namin kayo pero bumalik kayo agad sa bahay nang makapamanhikan na tayo mamayang gabi kay Vangie."

Napatingin siya kay Pio. Ngumiti ito. "What? Nagtataka ka pa ba?"

"K-kasal?"

"O, bakit parang natuturete ka? Parang gusto ko na namang magtampo, ah? Ayaw mo ba?"

Napairap siyang bigla. "Loko! Siyempre gusto!" Niyakap niya ito.

"Alam mo naman ako kapag nagtampo, 'di ba? Tara na sa kamalig."

Bigla siyang napahagikgik habang nakayap pa rin dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro