Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32


NAPAPASULYAP si Vilma kay Pio habang isinasalansan ang mustasa sa basket. Inutusan siya ni Nanay Socorro na mamitas noon para gawing buro. Darating si Aling Marissa sa isang araw at paborito nito ang burong burong mustasa. Hindi siya binabati ni Pio, may tatlong araw na. Kahit na makita siya nito sa bahay ay ni hindi siya nito nililingon at kapag nakasalubong niya ito ay parang wala itong nakikita.

Magkagalit sila, malinaw iyon. Ang kaso, kahit iyon sana ang gusto niya, ang hindi na sila magpansinan, ngayong ganoon na ang nangyayari ay nanghihina naman siya. Para siyang timang na inaabangan ito sa pag-alis nito sa umaga para masilayan ito. Ang taas-taas na ng pader ngayon sa pagitan nila at alam niyang hindi na iyon bababa at marahil wala na rin siyang gagawing hakbang para pababain pa iyon.

Ngayon ay nakukuntento na lamang siya sa pagsulyap dito, sa mga nakaw na tinging hindi nito ibinabalik. Hayun ito, nililinisan ang kabayo nito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad siyang nagkunwang abala at binitbit na rin ang basket. Dumaan siya sa tabi nito at muli ay napasulyap dito. Hindi na ito nakatingin sa kanya, inaayos na ang siya ng kabayo.

May lungkot na humaplos sa puso niya, ipinaalala sa sarili na iyon ang tamang mangyari. Umuwi na siya at nang makarating doon ay nakahanda na ang isa pang basket para sa kanya, pagkain daw ni Pio, ayon kay Nanay Socorro.

"Si Elizardo po ang nagdadala ng pagkain kay Pio, 'di ba?" aniya.

"Kuu, anoman ang naging problema ninyong dalawa ay sa inyo na lang. Nahihirapan na akong hatiin ang trabaho rito dahil lang doon. Hala, dalhin mo na ito at mayroon din ditong para sa 'yo nang hindi ka na bumalik pagkatapos. Dumiretso ka sa kamalig at ubos na ang bigas, wala na ring suka. Dalhin mo ang kariton. Si Elizardo ay kanina pa masakit ang ngipin."

Napilitan siyang tumango at lumarga na rin. Sa kubong pahingahan niya dinala ang pagkain at naroon na si Pio, nakikipagkuwentuhan sa mga tauhan ngunit nang dumating siya ay nagpaalam na rin ang mga kausap nito. Pilit niyang pinakaswal ang kanyang sarili kahit naiilang siya. Naghain na siya at nang mapasulyap dito ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya.

Hindi siya nag-iwas ng tingin at hindi rin ito nagbaba noon. Napalunok siya, damang-dama ang labis niyang pangungulila rito. Sa huli ay siya rin ang hindi nakatiis at nag-iwas na siya ng tingin at tumalikod. Wala siyang balak kumain doon sa harap nito kaya nagtuloy na siya sa kamalig. Doon niya kinain ang tanghalian niya. Nagpahinga lang siya saglit at sinasalinan na niya ang dala niyang bote ng suka, matapos ay itinumba niya sa kariton ang sako ng bigas dahil hindi niya iyon kayang buhatin.

Bumukas ang pinto ng kamalig, at sa paglingon niya ay nakita niyang pumasok si Pio. Walang salita itong lumapit at ito ang nag-ayos ng isang sakong bigas sa kariton. Nang umunat ito ay napahakbang siya paatras dahil isang talampakan lang ang naging pagitan nila.

"S-salamat," mahinang sambit niya.

Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan nito ang kanyang braso. Napatingin siya sa mga mata nito, bumilis ang tibok ng puso. Bago pa siya makapagtamuli ay bumaba na ang mga labi nito sa kanya para sa isang mainit na halik at natagpuan niya ang kanyang sariling tumutugon. Natuklasan niyang labis-labis pala ang pag-asam niyang magiba ang pader sa pagitan nila na walang pag-aalinlangan ang naging balik niya sa init ng mga labi nito.

Naging mapaglaro ang halik nito, nanunubok saliksikin ang kanyang bibig, at hindi nawawala ang init ng mga iyon at para siyang kandilang natunaw. Tila ba uhaw na uhaw ang mga labi nito nang bumaba sa kanyang leeg. Impit siyang napatili nang madamang babagsak silang dalawa. Labis na ba silang nalango sa halik at hindi niya namalayan iyon? Ngunit hindi sa matigas na lupa lumapat ang kanyang likod kundi sa maliit na bundok ng mga sako. Nakaalalay sa kanyang likod ang bisig ni Pio.

Hindi nakaligtas sa kanya ang munting ngiting kumabit sa mga labi nito at para lang doon ay parang natunaw na ang lahat ng galit niya rito. Gustong-gusto niyang makitang muli ang ngiti nito, kahit tipid, kahit kaunti lang. At hayun ang maliit na ngiti, parang gustong iduyan ang puso niya. Bakit nga ba mahal na mahal niya ang lalaking ito sa kabila ng mga taon? Ah, hindi niya alam.

Muling bumaba sa mga labi niya ang mga labi nito para sa isang mainit na halik na naglakbay sa kanyang katawan. Bahagya siyang nabigla nang lumapat ang balat nito sa balat niya, nabuksan na pala nito ang kanyang blusa at lumalapat sa dibdib niya ang katawan nito.

May init na dulot iyon sa kanya, bumalot sa kanyang katawan. Nang bumaba ang mga labi nito sa kanyang dibdib ay wala siyang nagawa kundi ang mapasinghap. Nagpatuloy sa paglalakbay pababa ng kanyang katawan ang maiinit nitong labi, bawat bahaging madaanan ay nagiging sensitibo sa kanyang pandama.

Naparalisa siya nang makitang ibinaba nito ang saplot at may pananabik siyang makita ang kabuuan nito. Aminado siyang muli siyang humanga sa taglay nitong katikasan. Muling tinikman ng mga labi nito ang kanyang balat hanggang sa mapunta sa kanyang sikmura ang mga labing iyon, dinadampian ng munting mga halik ang bahaging iyon habang abala ang mga kamay nito sa pag-alis ng kanyang pang-ibaba.

"P-Pio—"

"Please, let me."

Ang nangungusap nitong mga mata ay naging sapat na upang mawala ang inhibisyon niya. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang tila matagpuan na ng mga labi nito ang hinahanap. Saglit siyang napuno ng pag-aalinlangan ngunit unti-unti iyong nawala at napalitan ng luwalhating noon lamang niya nadama.

Nang pakiramdam niya ay mababaliw na siya ay naiangat niya ang likod, hindi malaman kung paano iaanggulo ang katawan upang patigilin o payagang magpatuloy—hindi niya tiyak kung alin sa dalawa ang gusto niyang mangyari—ang kakaibang sensasyong nagpayanig sa kanyang sistema.

Tila mapupugto ang kanyang paghinga. Noon nagsanib ang kanilang mga katawan. Napikit niya ang mga mata sa hapding nadama. Naging maingat ang bawat paggalaw nito at ibig niya itong pasalamatan para roon. Mabilis na umayon ang kanyang katawan sa pagbilis ng galaw nito hanggang sa marinig niya ang anas nito na binalot siya ng panibagong luwalhati.

Niyakap siya nito at pumihit, sa gayon ay siya ang nakakubabaw dito, magkasanib pa rin ang kanilang mga katawan. Hindi siya makatingin dito at nanatili lamang na nakalapat ang pisngi sa dibdib nito. Hinaplos nito ang kanyang buhok, nadama niya ang paghalik nito sa kanyang ulo.

Bati na ba sila? Ano ba iyong nangyaring iyon? Maraming mga katanungan sa isip niya ngunit hindi na siya nag-abalang itanong kung bakit niya nagawa iyon sapagkat malinaw sa kanya ang dahilan—buong sistema niya ay isinisigaw ang pangalan ng lalaking ito. Isang maliit na bahagi lang ng isipan niya ang kumukontra doon at mahinang-mahina ang tinig niyon laban sa kabuuan niya—isip, emosyon, katawan, at marahil pati kaluluwa.

Gayunman ay tila may kusang isip ang bibig niya at natagpuan niya ang sariling tinatanong ito, "B-bati na ba tayo?"

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Ikaw yata ang dapat kong tanungin kung bati na tayo, kung okay na ba tayo. Sa akin kasi, wala namang problema..." Itinaas nito ang kanyang mukha upang magtama ang kanilang mga mata. "Okay na ba tayo? Wala na bang problema?"

Tumango siya, ngumiti nang bahagya kahit hindi niya alam kung totoong ganoon nga. Ngunit nagdesisyon siya sa mga sandaling iyon na mag-obserba muna, tingnan kung saan sila dalhin ng lahat ng iyon.

"Boyfriend kita, t-tama?" nag-aalanganing tanong niya.

Umalog ang balikat nito at hinagkan ang kanyang noo. "Tama."

"Wala kang ibang girlfriend, tama?"

Kumunot ang noo nito. "'Yan ba ang naiisip mo noon? Bakit naitanong mo 'yan? Siyempre, wala. Iniisip mo ba si Blessilda? Hindi ba nag-usap na tayo tungkol sa kanya noon? Ganoon pa rin naman, hindi ko siya girlfriend, hindi ko siya asawa, wala kaming relasyon na kahit ano."

"S-sigurado ka?"

"Of course."

Tumahimik na siya, iniisip kung sasabihin dito ang narinig niya sa Batis ng Champaca, ang katotohanang alam niyang may pisikal na namagitan dito at kay Blessilda, ngunit bago pa siya makapagsalita ay inalalayan na siya nitong makapuwesto sa tabi nito, saka ito tumayo at inalalayan din siyang makatayo. Tinulungan siya nitong magbihis at alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha dahil wala pa itong saplot at sa tuwing mapapatingin siya sa bird nito. Mukhang naaaliw ito sa reaksiyon niya dahil ngiting-ngiti ito.

Nagpatong ito ng isa pang sakong bigas sa kariton saka siya binuhat nito paupo sa magkapatong na mga sako ng bigas. "Ready?"

"Para kang sira." Napaingos siya.

"Baka hindi ka maging komportable sa kabayo. Hula ko, masakit ang..." Lalo nang lumapad ang pagkakangiti nito at tila umiisip ng magandang termino.

"'Wag mo nang ituloy!" Biglang nag-init ang kanyang mukha sa pag-alala.

"No. I can do this. I am a writer, after all. Hmmm..."

"Pio, sinasabi ko sa 'yo!"

Tumawa ito at hindi na nagsalita. Tulak-tulak nito ang kariton habang nakaupo siya sa pinagpuwestuhan nito sa kanya. Para siyang nahihiya sa mga nakakasalubong nilang tauhan na ngumingiti sa kanila. Marahil ubos na ang dugo niya nang makarating sila sa bahay dahil ang init-init ng buong mukha, leeg at dibdib niya at hindi iyon dahil sa sikat ng araw.

"Ay, ano 'to?" komento ni Elizardo, nakangiti sa kanila.

Pinandilatan niya ito, pinayagan si Pio na alalayan siya pababa. Totoo rin ang sinabi nito, may bahagi sa kanyang katawan ay mahapdi pa rin. Ihinatid siya nito hanggang sa silong niya at hanggang sa paghiga ay kasama niya ito.

"N-nakakahiya kay Nanay Socorro."

"Matanda na si Nanay, alam na niya ang mga ganitong bagay. Mahiyain ka pala, Vilma."

Hay, hayun na ang pangalan niya, sinambit na nito tulad noon. Buo na ang araw niya. Pinayagan niya itong manatili roon, yakapin siya, hagkan. Nakatulog siya sa mga bisig nito ay nagising sa mga halik nito. Nabigla na lang siya nang madama ang bahaging katawan nitong makulit na tumutundo sa kanyang tagiliran. Mahirap hindi iyon madama dahil boxer shorts na lang ang suot nito. Pinandilatan niya ito.

Tumawa ito. "Kanina pa kita pinagpapantasyahan, pasensiya ka na. Alam ko, pagod ka pa."

"Oo kaya... Pero o-okay lang naman."

Ngumiti ito, ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito saka siya hinagkan sa labi. At muli ay pinagsaluhan nila ang init ng mga sandali. Natuklasan niya, may isa pang bahagi ng pagkatao niya ang walang-hirap na napasakamay ni Pio, ang pisikal na bahagi. Mababaliw yata siya sa mga sensasyong dulot ng mga labi nito.

Ngunit higit sa lahat, ang pisikal nilang paglalapit—balat sa balat habang yakap siya nito, ang siyang may hatid na pinakamainit na haplos sa puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro