Chapter 22
THIS WAS nice. Being this near Vilma was nice. More than nice, actually. Hindi siya magsasawa sa bango ng maikling buhok nito, sa mga kuwento nitong nakakatuwa, at sa mga pagkakataong manglalaki ang mga mata nito kapag may nasabi siyang tila nakakamangha para rito.
Napakabilis kasi nitong mapasaya. Napakasimple nito, isang kasimplehang hinahanap-hanap niya. Si Vilma ang representasyon ng lahat ng bagay na hindi niya inakalang magugustuhan niya, o makakapalagayang-loob niya. Hindi niya noon naisip na matutuwa siya kakulitan nito, sa mga kuwento nito, sa mga simpleng bagay na gusto nito. Kahit ang maikling tabas ng buhok nito, hindi niya inasahang katutuwaan niya nang husto.
Ibig sana niyang makatulong dito sa paraang hindi nito inaasahan kaya niya ito binigyan ng bonus, isang bagay na hindi naman nito tinanggap. Lalo siyang humanga rito dahil doon. At dahil parati niya itong naiisip, parating hinahanap-hanap ito para makausap ay naisip niyang bakit hindi niya subukan na palalimin ang relasyon nila? sa isang banda ay may kabang dulot iyon sa kanya sapagkat parang hindi pa siya handang sumabak na naman sa ganoon, ngunit sa isang banda ay parang nasasabik siya sa kakaibang relasyong magkakaroon sila.
Ah, hindi pa rin niya alam. Hindi pa rin niya sigurado. Hindi niya kailanman naisip na maaaring maging ganito kahirap pagdesisyunan ang isang bagay na kung tutuusin ay napakasimple lang naman.
Noong nakaraang linggo pa niya iniisip ang mga bagay-bagay at naalala niyang muli si Blessilda. With Blessilda it did not seem to be so hard. With Blessilda it was not this hard to make a decision. At parating sa mga desisyon niya patungkol sa babae ay sigurado siya, hindi na kailangang pag-isipan pa. Laban kung laban, walang pagdududa. Ganoon parati. At naniniwala siyang dapat ganoon ang lahat ng relasyon. Hindi na pinag-iisipan nang husto.
Naitanong niya sa sarili niya kung darating pa ba ang panahon kung kailan muli niyang madarama para sa ibang babae ang nadama niya para kay Blessilda. Dapat ba niyang hintayin ang babaeng makakapagpadama sa kanya ng ganoon o tuklasin kung saan sila maaaring dalhin ni Vilma.
Again, he thought making a decision should not be this hard.
"Tara, ahitan mo ako. Ikaw na ngayon ang gagawa noon dapat, ha?" bulong niya kay Vilma. He had to admit being sweet to her came naturally to him.
Nakangiting inalalayan niya ito tungo sa kanyang silid. He loved watching her do her magic. Sa totoo ay mas mahusay itong humawak ng razor kaysa sa kanya. Nang matapos ay ibig sana niya itong yayaing mahiga, kuwentuhan siya—kahit pa parang tutuksuhin niyang maigi ang kanyang sarili sa ganoon, ngunit tumunog ang cellphone niya. Isang tunog na itinalaga niya para lamang sa mga numero ni Blessilda.
Para siyang naparalisa, hindi malaman kung totoo ang naririnig niya o dinadaya lang siya ng isip niya. Sa nakalipas na limang taon ay pinangarap niyang marinig muli ang tunog na iyon.
"I have to take the call," halos wala sa sariling sabi niya kay Vilma, saka sinagot ang tawag. "Yes?"
God, he was tense. Ilang ulit na niyang nailarawang-diwa ang ganitong tagpo, na tutunog ang cellphone niya at sasagutin niya iyon sa malamig na paraan, katulad ng ginawang pag-alis ni Blessilda noon sa bahay nila, ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pag-iisip tungkol sa pangyayaring iyon ay heto siya, ibig agad malaman kung ano ang pakay nito. Ni hindi niya tiyak na alam pa nito ang numero niyang iyon.
"H-hello? Pio? Si Blessilda ito. Kumusta ka na?"
"Okay lang. Napatawag ka?" Pinilit niyang gawing kontrolado ang tinig niya. Aminado siya, mayroon pa ring hatid na emosyon ang tinig nito sa kanya.
"I'm outside your apartment. I'm here in New York. It's quite chilly out here. Would you let me in?"
Nabigla siya, iyon ang huli niyang inasahan. "I'm not there. I'm here, in the Philippines. Sa Quezon... Sa farm." Sa farm mo, sa farm na para sa 'yo. Sa farm na pinag-usapan nating pareho nating gusto. Sa farm na sinabi nating tatanda tayo kasama ang mga bata. Sa farm na dito ang lokasyon sa Quezon dahil dito tayo nagkakilala...
"Oh. Can I come?"
"Why?"
Umiyak ito. "Just say yes, please."
"Of course, you can come."
"Then I will see you soon. I've missed you so much."
Nawala na ito sa linya at nanatili siyang nakatingin sa cellphone, hindi maipaliwanag kung ano ang nangyaring iyon. Bahagya pa siyang nabigla nang marinig ang tinig ni Vilma.
"Sino 'yon?"
"No one. It's... it's late. Mas mabuting magpahinga na tayo."
Tumango ang babae, bakas ang pagtataka sa mukha. Lumabas na ito sa silid. There was a yearning in his heart to call her, to tell her to come back. He was very confused. Sa huli ay nagpasya siyang pabayaan na lamang muna ang babae.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro