Chapter 47
Chapter 47
Ambush
Fresh set of tears fell from my eyes. From pain, revelation, realization and even endless truth. Ang mga katanungang ilang taon ko nang pilit gustong masagot sa loob ng unibersidad ay matatagpuan lang pala sa labas nito, sa larawang konektado sa abilidad na ipinamana ng aking ina sa akin.
My mother did everything to save my life, but what made my heart arched more was the realization that I was not fated for Evan. Our bond was just manipulated to keep me safe...
Kung hindi lumapit si ina kay Haring Thaddeus? Sinong babae ang maghihintay kay Evan? Sinong bampira ang sasalubong sa akin sa mundong ito?
Nanghina ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan si Haring Thaddeus na nagniningas ang mga mata habang marahang hinahawakan ang tiyan ng aking ina, ngunit mabilis si Haring Dastan, agad ako nitong hinawakan sa aking balikat para hindi ako tuluyang matumba.
I admired my mother for all her sacrifices, nagawa niya akong itago, hindi dahil sa kahihiyan, kundi sa takot na habulin ako ng mga bampira at ang mga paniniwala nila.
I just realized that a sacrifice from a loving mother was not just from the goddess of the history, dahil patuloy na itong nasundan sa mundo ng mga bampira, from Queen Talisha's silent cries for the sake his son, Danna's sacrifices for his son and... the sacrifice made by my own mother.
Lahat kayang gawin ng ina para sa kanyang anak. Isa nang malaking patunay ang mga uri ng nakaraang nasasaksihan ko.
Lumipad ang mga mata ko kay Haring Thaddeus, I silently thank him for helping my mother. For helping me... sa kabila nang kaalamang natuklasan ko.
"I-I am not destined for him... King Dastan..." nangangatal ang boses ko habang pilit sinasalubong ang mata ni Haring Dastan na diretso pa rin nakatitig sa nakaraan.
Ramdam kong mariin niyang hinawakan ang balikat ko. "No."
"No?"
Nang muli akong lumingon sa pangyayari nang nakaraan, nakita kong dalawang beses pilit pinagningas ni Haring Thaddeus ang kanyang mga mata. Until his eyes widened a bit and then he purposely coughed.
"Something wrong, Thaddeus?" tanong ng aking ina.
What was that reaction?
Kung wala ako sa mabigat na sitwasyon ngayon, mas bibigyan ko ng atensyon ang pekeng pag-ubo ni Haring Thaddeus, na napakapamilyar hindi lang sa akin kundi pati na rin sa ibang mga Gazellian.
"It's done." Tumayo na si Haring Thaddeus at saglit itong sumulyap muli sa bintana. The King smiled a bit.
Naningkit ang mga mata ng aking ina at marahan niyang hinaplos ang kanyang nakaumbok na tiyan.
"It didn't work, right? You tried, but—" tumango si Haring Thaddeus at muling lumingon sa bintana.
"It's the fate, Princess Soleilana. Hindi na kailangan..."
Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na ng aking ina ang humawak sa sarili niyang tiyan, kasalukuyan na siyang naluluha.
"Oh...my... m-my daughter is really mated..." tuluyan nang tumalikod si Haring Thaddeus sa aking ina. Kinuha ang kopita sa kanyang lamesa at tipid muling ngumiti habang nakatanaw sa bintana na sumasalalim sa punong sumisimbolo sa ika-limang Prinsipe ng Sartorias.
Muling nagsalita ang magiting na hari na tuluyan nang nakapagpatindig ng mga balahibo ko.
"She will survive... ipinapangako ko at darating ang panahon na hindi ang 'yong mga kamay ang guguhit sa harap ng punong sumisimbolo sa kayamanan ng emperyong ito. A masterpiece will be created by your daughter's beautiful hands... a painting of my son... facing his own symbolism. Time will come... thousands of vampires will run after her, not to kill her but to admire her creations. She will be this world's greatest painter... mated to wisest Gazellian."
My heart melted as King Thaddeus' words lingered to my ears. Sa pagkakataong ito ay hindi na ito para sa kanyang anak o kung kahit kanino... his words were intended for me.
"K-King Thaddeus..." nangatal na ang boses ko nang sandaling banggitin ko ang pangalan ng hari.
Kahit ang aking sariling ina ay tuluyan nang natulala sa mga salitang binitiwan ng hari, nag-umapaw na ang mga luha nito hanggang sapuhin niya ang kanyang sariling mukha dahil sa hindi niya mapigil na emosyon.
Nang humarap na muli si Haring Thaddeus sa kanya, may ilang salita pa itong binitiwan na sa pagkakataong ito ay para sa kanyang anak na panganay.
"She will continue my bloodline and just like my son, she will bow her head to the righteous King."
Sa unang pagkakataon ay nasaksihan ko ang aking inang nagbigay nang paggalang kay Haring Thaddeus nang yumuko ito nang punong-puno ng sinseridad.
"My heart is beating together with hers, King Thaddeus. My daughter will recognize her King... she will."
"Father..." narinig ko ang mahinang bulong ni Haring Dastan.
My mother was right, dahil sa unang pagkikita pa lamang namin ni Haring Dastan ay ipinangako ko nang siya lamang ang haring nararapat yukuan ng aking paggalang at walang katapusang respeto.
And together with my mother, we surrendered our respect to the righteous Kings of Parsua Sartorias.
Natapos ang pag-uusap ni ina at Haring Thaddeus. Muli kaming tinangay sa panibagong nakaraan, pero sa pagkakataong ito ay si Haring Thaddeus lamang ang aming nakikita.
May dala itong malakihang karwahe habang nakasuot ito ng ordinaryong kasuotan na parang sa isang mangangalakal. Ang tanging nagtatakip lamang sa kanyang makisig na kaanyuan ay isang malaking salakot at itim na telang nakatabing sa magkabilang bahagi ng kanyang pisngi.
"He's going to the university." Tipid na sabi ni Haring Dastan.
Ibig sabihin ang laman ng karwahe ay ang mga painting ni ina. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa pagkakasunod-sunod na pangyayari na parang kalkulado lahat ni Haring Thaddeus.
"Thaddeus, can't you make it fast?" nanlaki ang mata ko nang dumungaw mula sa karwahe ang aking ina.
"I am a King, Princess Soleilana. Hindi ako sanay humawak ng karwahe."
"Oh, finally! Nakakita rin ako ng bagay na hindi magaling ang Hari ng Sartorias. Very interesting."
"I told you not to come. Hindi rin ako marunong magpaanak."
"Pwede akong manganak mag-isa, Thaddeus."
"Be my guest."
Nadiskubre namin ni Haring Dastan na kilala ang aking ina sa larangan ng sining, dahil pinaunlakan ng mga konseho ang pagbibigay nito ng mga larawan. Dito na ako nagsimulang magtaka, kung kilala si ina, papaano walang nakapansin sa pisikal kong kaanyuan sa loob ng unibersidad? Hindi ito agad napansin ng mga taga Sartorias? At bakit walang sinabi ang mga Le'Vamuievos?
Alam ba nilang anak ako ng kapatid ng kanilang ama? What happened to my mother after securing my safety? Nasaan siya sa mga oras na ito?
Buong akala ko ay masasagot pang muli ang katanungan ko, pero sa isang iglap ay tuluyan nang nabalot nang kadiliman ang buong lugar, nakaramdam ako nang matinding init na siyang unang naramdaman ko sa pagpasok sa larawan.
Hindi maaari, marami pa akong nais malaman.
"No! It's not yet enough, King Thaddeus! Please... no!" malakas na sigaw ko habang pilit tumatakbo pabalik sa nakaraan.
Sinubukang abutin ng mga kamay ko ang unti-unting lumiliit na karwahe sakay ang Hari ngunit mas lalo lamang itong lumalayo sa akin.
"No! Please... Haring Thaddeus! Marami pa akong katanungan! Nasaan si ina?! Bakit tila hindi siya nakikilala ng mga Le'Vamuievos?! Anong nangyari matapos niya akong ipinanganak?! What happened to my father?! Haring Thaddeus!"
Sa maliit na imahe ni Haring Thaddeus na tahimik nakaupo sa harapan ng karawahe, binigyan lamang ako nito nang tipid na tango kasabay nang marahang paghawak sa kanyang lumang salakot bilang pamamaalam.
Tuluyan na kaming inilabas sa larawan, nawalan na ng panimbang ang aking mga tuhod at napasalampak na ako sa malamig na sahig kasabay nang malakas na paghagulhol. Habang nanatiling tahimik si Haring Dastan at nakatitig sa larawan ng kanyang ama na nakaraharap sa pinakaberdeng puno ng Sartorias.
Nang muli ko itong sulyapan at ang kwintas na inilagay ko sa rito, kasalukuyan na itong walang buhangin. Unti-unting nagliwanag ang kwintas at kusa itong natanggal sa larawan at mabagal na lumutang patungo sa akin.
Nag-angat ang aking mga palad na parang may sariling mga pag-iisip at nang sandaling lumapat dito ang kwintas ay tumigil ang pagliliwanag nito.
Huminga nang malalim si Haring Dastan at marahan ako nitong pinagmasdan.
"Prepare yourself, Naha. Babalik tayo sa unibersidad. We will save my brother. At kung anumang katanungan pa ang nais mong sagutin, siguro mas mabibigyan natin ito ng atensyon sa sandaling masiguro nating buhay ang aking kapatid."
Marahan akong tumango sa sinabi ng Hari. Inilahad nito sa akin ang kanyang kamay at inalalayan niya akong tumayo.
Nang makatayo na ako ay muling inilahad sa akin ni Haring Dastan ang kanyang kamay. Nagtataka akong tumitig sa kanya.
"Allow me to put that necklace."
"You don't need—" hindi ako pinagbigyan ng hari dahil mabilis nitong naagaw ang kwintas at inilagay niya ito sa aking leeg.
"Maraming salamat, Mahal na Hari." Tumango lamang ito.
Nang makalabas na kami sa loob ng silid na punong-puno ng larawan, nakangiting batang babae ang sumalubong sa amin. Agad itong binuhat ni Haring Dastan.
"How was your journey, my King?"
Ngumiti si Haring Dastan kay Divina. "I saw the greatest King."
"Did he hug you like this?" halos masakal ni Divina si Haring Dastan sa paraan nang pagyakap nito.
"Yes."
"I am so happy for you, my King."
"I am also happy..." Divina giggled.
Saka lamang ako nito napansin nang matapos silang mag-usap ni Haring Dastan.
"How was your journey, milady?"
"You are a smart little Princess..." lumapad ang ngiti sa akin ni Prinsesa Divina.
"And she is not sutil..." namula ang pisngi ni Divina na parang kinilig sa sinabi ng hari. Hanggang sa nanggigil si Divina sa hari at paulanan niya ito ng halik sa tungki ng kanyang ilong.
"Don't bite my nose, Divina." Narinig kong saglit na tumawa si Haring Dastan, halos manlaki pa ang mga mata ko.
Siguradong marami akong bagay na masasabi kay Evan. But of course, my mate should survive first.
Dahil may bahid ng buhangin ni Danna ang nangyaring pagpasok namin sa painting, walang oras na nasayang sa pananatili namin sa loob. King Dastan told me to rest at ipagpapabukas na lamang namin ang pagpupulong.
Nagawa pa akong ihatid ni Haring Dastan at Divina sa harap ng aking silid bago magpaalam ang magtiyo sa akin na parang may sarili nang mundo.
***
Mabilis tumakbo ang oras, saglit pa akong nagtaka nang makitang wala si Rosh sa pagpupulong dahil bigla raw itong pinatawag ni Tobias dahil may suliraning biglang umusbong sa kanilang emperyo.
Sinabi na rin ni Haring Dastan na wala nang karatig emperyo ang makakatanggap ng sulat bilang paghingi ng tulong. Ito ay sa pagitan na lamang ng mga Gazellian.
"W-What?" halos hindi makapaniwalang tanong ng prinsipe ng mga nyebe.
"Yes." King Dastan nodded firmly.
"Magkakaroon ng pagdiriwang sa loob ng unibersidad para sa pagtatapos ng kanilang mga mag-aaral. Ang pinakamalinis nating paraan ay—" hindi ito pinatapos ng prinsipe ng mga nyebe.
"Magpapanggap tayong mga tagapagtanghal? No! Salamangkero! What the hell, Dastan! Can we enter there as guests?"
This time Caleb waved his hand. "Ang arte mo naman, Zen. It's fine, tayo ay makikisig na salamangkero."
"Sino ba ang nagpauso ng salamangkerong 'yan?!" agad inilihis ni Finn ang kanyang paningin mula kay Zen at prenteng sumipol.
Prince Zen pointed him. "You! Yes, him! Sa tingin n'yo ba ay hindi mapapansin ng mga taga-unibersidad ang mukha nito na tumakas mula sa kanila?!"
"We can always have Claret or Cora to help us." Mabilis na sagot ni Haring Dastan.
"We will bring them? Akala ko ba ay tayong magkakapatid lang?"
"It's an ambush, Zen." Sagot ni Lily.
"How about the kids?"
"I will stay with Queen Talisha." Sagot ni Kalla.
"My pack will guard the empire." Sumabat na rin si Adam.
"Ikaw lang ang hindi sang-ayon sa plano ni kamahalan, ang arte mo Zen kahit kailan." Kumento ni Lily.
"He's a killjoy." Natatawang sabi ni Finn.
"Kill joy? Naririnig n'yo ba ang mga sinasabi n'yo? We are the royal blooded Gazellians! We are not performers!"
"It is just a disguise, Zen. Kung ayaw mo, huwag kang sumama." Sagot ni Claret.
Hindi nakasagot ang Prinsipe ng mga nyebe at padabog itong naupo. Hindi nagtagal ay dumating si Harper at Casper na may dalang malalaking kahon.
"Casper acquired this within few hours. He's great, right?" ngising sabi ni Harper.
Ipinamigay ng kambal ang mga kasuotan na susuotin namin, tanging ang prinsipe ng mga nyebe lamang ang hindi nasisiyahan.
"We are up to ambush, just to inform you my dearest family."
Mabilis lumipas ang oras at dumating na ang pinakahihintay nang lahat.
Malalakas ang kabog sa dibdib ko nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng unibersidad. Napakalaki nang ipinagbago nito sa ilang buwan kong pagkawala o posibleng dahil lamang sa labis na mga dekorasyon dahil sa pagdiriwang?
Kasalukuyang nakasuot nang pinaka-eleganteng mga damit ang mga mag-aaral, ang itim na sutanang suot ng mga konseho, mga malakristal na kagamitan sa bawat lapatan ng aking mga mata, nagsabog na gintong buhangin, pulang kurtina, mga gintong upuan, bagong pitas na mga prutas at nakakahalinang musika.
Tulad nang inaasahan, naging mahina ang sekyuridad sa loob ng unibersidad isama pa ang kapangyarihan ni Claret at Cora para lamang maitago ang aming mga presensiya at gawin lamang na parang sa mga simpleng tagapagtanghal.
Nang sandaling mabilis na nakabisado ng mga mata ng Gazellian ang bawat sulok ng unibersidad ay agad ang mga itong nahiwa-hiwalay para maghanap na pwestong maaari nilang tigilan sa sandaling magbigay ng hudyat si Haring Dastan na simulan ang sarili naming bersyon ng pagtatanghal.
Sa malayo ay kita kong kasalukuyang abala si Evan sa harap ng mga konseho, bihis bilang isang makisig na prinsipe sa kanyang kasuotang asul.
Hon...
Saglit natigilan si Evan sa pakikipag-usap sa mga konseho nang subukan kong pasukin ang isipan niya. Agad siyang lumingon sa napakaraming bampira para mahanap ako, agad akong yumuko at humalo sa iba pang mga magtatanghal.
"Ang ikalimang Prinsipe mula sa Parsua Sartorias ang pagbubukas ng pagdiriwang." Rinig kong usapan ng ilang tagapagtanghal.
Nang sandaling namatay ang ilaw, natigil ang ingay mula sa iba't-ibang atensyon at mas nabigyang diin ang pinakamakisig na bampirang nasilayan ko.
He's there, standing elegantly in front of a red curtain.
"Magandang gabi, isang karangalan ang mabigyan nang pagkakataong makapagsalita sa harap ng respetadong unibersidad na nalikha sa mundong ito at lalong isang malaking pagkakataon ang makapagtapos dito dala ang walang katapusang kaalamang alam kong kailangan para mas mapagyaman pa ang ating kulturang bampira. Ako bilang isang maharlika, prinsipe at mga tungkulin at layunin, ay hindi pagsisisihang itinapak ang mga paa sa gusaling lilinang sa hinaharap ng ating pinakamamahal na mundo."
Gusto kong palakpakan si Evan sa lahat ng kasinungalingang sinasabi niya, dahil alam kong lahat ng ito ay kabaliktaran nang nais niyang sabihin.
May paghawak pa si Evan sa kanyang dibdib na parang damang-dama niya ang kanyang sinasabi. Ngayon ko hinangad na sana ay may katabi akong isang Gazellian para lamang makita ang reaksyon nilang...
Muntik na akong mapatalon nang mapansing nakahilera sa tabi ko ang mga Gazellian na kapwa nakangiwi habang pinagmamasdan ang sinasabi ni Evan.
"My eldest brother will be the proudest..." saglit pang umiling si Evan na parang hindi makapaniwala.
"Oh my gosh, Evan surpassed Zen's acting skills." Kumento ni Lily.
Sabay-sabay tumango ang magkakapatid.
"Valedictorian speech yata ang tawag diyan sa mundo ng mga tao. Nakaka-proud si Evan, naiiyak pa siya sa kalokohan niyang sinasabi." Humahangang sabi ni Caleb.
Bumulong sa akin Claret. "Mga tagapagtanghal talaga sila."
"Indeed."
Nagpatuloy si Evan sa madamdamin niyang pagsasalita.
"Nais kong ihandog at pormal na itaas ang kurtina bilang pasasasalamat sa ilang taong kaalamang aking ipinapangakong pagyayamanin katulad ng mga halamang sumisimbolo sa aking minamahal na emperyo..."
Kusang nalipat ang nakasisilaw na ilaw sa bawat hakbang ni Evan at sa dahan-dahan nitong paghila sa pulang tali.
Napakabagal nang pag-angat ng kurtina na tila para itong nagbibigay nang mabigat na tensyon sa bawat manunuod na ang mga mata ay pawang nakapako sa inilalahad nitong munting regalo.
Nagsinghapan ang napakaraming bampira. Umawang ang aking bibig, nanlaki ang mga mata ng mga konseho at namangha ang mga Gazellian.
At taas noong ngumiti sa buong unibersidad ang prinsipeng naglahad nang matinding pasasalamat.
Umalingawngaw ang malakas ngunit nakahahalinang trumpeta mula sa pamumuno nang pinakamakisig na musikerong nakasuot nang purong pula at ginto, sa kanyang mahabang sombrero... bilang maestro nang pagtatanghal. Ngunit ang natatanging mga nunal sa kanyang leeg na sumisimbolo sa kanyang pagkakakilanlan ay hindi nagawang itago ang kanyang katauhan.
Nasundan nang lambing na musika mula sa pinakamalaking piyano na pinamumunuan nang nakatungong musikerong may nunal sa tungki ng kanyang ilong at dalawang naglalakihang pares ng byolin ang tuluyang humalo dala nang dalawang pamilyar na mga bampirang may ngiti sa kanilang mga labi.
Hanggang sa umawit ang grupo ng mga mang-aawit sa kanilang tinig na punong-puno ng hipnotismo.
Nag-unahang pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko akalaing sa pagtapak ko sa mundong ito, dalawang pamilya ang yayakap sa akin.
The Le'Vamuievos are ruling their own orchestra!
--
note: You can hear the Le'Vamuievos orchestra (Inspired) I got it from youtube. ( Blackheart by Two Steps from Hell).
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro