Chapter 46
Chapter 46
Truth behind the painting
She's my mother.
Seeing her right now doesn't require any explanations at all. Our physical appearance was screaming of similar genes, the way she smiled, her small gestures and even her voice.
I veered my eyes from my mother to King Thaddeus, what the hell was this?
Buong akala ko ay mas mapupuno ng luha ang aking mga mata sa sandaling makita ko ang isa sa mga magulang ko, pero mas nangibabaw ang katanungan at pagtataka sa mga oras na ito.
"A Le'Vamuievos?" King Dastan blurted out with his eyes filled with confusion.
Hindi na kami ngayon mabigyan ni Haring Thaddeus ng atensyon, dahil kasalukuyan na itong nasa loob sa pangyayari ng nakaraan.
While King Dastan and I remained unmovable.
"What's going on?" tanong ko kay Haring Dastan.
"I don't know." Mabilis na sagot nito.
Ito na ba ang matagal ko nang hinahanap na kasagutan? But I was not expecting a revelation on a silver platter! Hindi ganito kabilis at kadali.
Tama ba na mag-isip na may mali sa nangyayari? Tama ba na pangunahan ng pagdududa?
"Am I really a Le'Vamuievos?" halos hindi ako makapaniwala sa aking katanungan.
Pilit kong inalala ang paraan nang pagtanggap sa akin ng mga Le'Vemuievos sa unang paglabas ko ng unibersidad. Ito ba ang dahilan kung bakit kaiba ang pakikitungo nila sa akin tulad nang napansin ni Rosh?
May alam ba si Rosh tungkol dito? Ito ba ang matinding dahilan kung bakit nais niyang tumulong sa akin?
Unti-unti nang nagtutugma ang ilang mga katanungan ko. One of the paintings was left inside the castle of Le'Vamuievos. Hindi dahil sa inaakala ni Rosh na ibinigay ito ni Haring Thaddeus sa kanyang ama, kundi isa sa miyembro ng kanilang pamilya ang mismong pintor!
I tried to plot everything from the very beginning. Kung totoong Le'Vamuievos ako, papaano ako napahiwalay sa kanila? Where was my mother? What really happened?
Muli akong tumitig sa grupo ni Haring Thaddeus, Reyna Talisha, Danna at ang aking ina. They were having a formal introduction.
Ibinalik ko ang pag-iisip kung saan nagsimula ang lahat.
It was first started when a group of vampires chased us and ruined my whole human life. Ngayon mas lumalim ang posibilidad na hindi lang si Pearl ang mismong hinahabol sa mga oras na 'yon. Kung posibleng ako? Ano ang maaaring dahilan? Was it because of my tarnish blood from my father or was it because of my mother? But why my mother?
Napasinghap ako sa sarili kong naiisip at pumasok sa isip ko ang dahilang iniwan sa amin ng aming mga magulang na Middelei. Was it possible that they were telling the us truth? That they just manipulated it?
It was not Pearl! Hindi siya ang maharlikang sinasabi ng mga magulang namin na hinahabol ng mga bampira! It was me...
Sa umpisa pa lamang ay hindi ako tuluyang inilayo sa aking totoong pagkatao. They leave traces, na unti-unti ko nang nagbibigyang koneksyon. My adoptive parents probably encountered my mother...
But who was really Soleilana Hara Le'Vamuievos?
Sinabi ni Rosh na may isa pa silang kapatid. Na sinasabi nilang may matinding pagkakahawig kay Kalla, pero bakit sa pagkakataong ito ay ako ang nagkakaroon ng koneksyon sa kanila?
The past was really confusing.
"I'm familiar with her, Talisha. She's my friend's beautiful sister. How's Prince Raheem, still wooing his mate?" saglit ngumiti si Haring Thaddeus sa aking ina.
And just like his sons, King Thaddeus bent to held my mother's hand. He gave her a light kiss for a royal greeting.
"King Raheem is Rosh's father. You and Rosh are cousins." Mahinang sabi ni Haring Dastan na parang naririnig ang mga katanungan ko sa aking isipan.
Kung ganoon, tama ang iniisip ko. It was impossible for my mother to be Rosh's sister, because of the timeline.
So... their eldest sister will remain a mystery...
Nagpatuloy kami ni Haring Dastan sa panunuod ng nakaraan. Tulad nang inaasahan, ang aking ina ang siyang magiging pintor.
The first painting was King Thaddeus and Queen Talisha. Nasa likuran ng mga ito ang punong sumisimbolo kay Evan.
"K-Kay Evan ba—" hindi pa man ako natatapos ay agad umiling si Haring Dastan sa akin.
"That is a similar tree, Naha. Ang mismong mga kamay lamang namin ang maaaring magtanim ng punong sisimbolo sa amin. Si Evan ang nakapili ng mga buto ng punong ito." Tumango ako sa sinabi ni Haring Dastan.
Saglit kong sinulyapan si Danna na tahimik nakatitig sa Hari at Reyna na kapwa nakangiti, nakapulupot ang isang braso ng hari sa bewang ng reyna habang nakahilig ito sa kanya.
Ramdam kong kumirot ang dibdib ko at iniwas ang aking mga mata sa kanya. I always wanted a mate relationship, dahil ito ang tama sa mundong ito, ito ang nararapat. I want the King and the Queen... but... ipinilig ko ang sarili ko. Iba pa rin talaga ang puso ng isang babae...
You couldn't stand to witness someone... someone's ripping their heart silently.
Nang matapos ng aking ina ang unang larawan, sumunod ang eksaktong larawan ni Haring Thaddeus na tahimik na nakatalikod. Nakaharap ito sa puno at nagmamasid. Nasa kanyang likuran ang tatlong babae.
"Bakit nais mong maging buhay ang larawang ito, Thaddeus?" tanong ni Reyna Talisha.
"For you?" saglit na ngumiti ang reyna sa sagot ng hari sa kanya.
Pansin ko na saglit sumulyap si ina kay Danna ngunit inilihis ni Danna ang kanyang mga mata rito.
"Ngunit alam mong masaya na ako at kuntento, dahil mas buhay ang Haring aking nakakasama. Hindi ko na kakailanganin pa ng mga larawan, Thaddeus." Hindi sumagot ang hari.
"O maaaring sa ibang dahilan?" tanong ng aking ina. Kumunot ang noo ni Danna rito.
Sa pagkakataong ito ay lumingon na sa tatlong babae si Haring Thaddeus.
"Ang Hari ng Sartorias ay kilala ng lahat na gumagawa ng hakbang na may kaakibat na dahilan. Lalo na kung nagpatawag ito ng isang magaling na pintor na katulad ko, kung hindi lingid sa'yong kaalaman mahal na hari, ang aking talento ay sumisingil nang malaki."
Pansin kong tumango si Haring Dastan. "She's really a Le'Vamuievos."
"Kapatid ka nga ni Raheem." Tipid na sagot ni Haring Thaddeus.
"Tapos na ito mahal na hari, kung bibigyan mo ito ng buhay at may nakatakdang oras, maaari mong hilingin ang tulong ng aking kaibigan. Magkakilala kayo, hindi ba?" tanong ng aking ina.
"Your mother is aware with my father and Danna's past." Kumento ni Haring Dastan.
Queen Talisha requested for another painting, sa pagkakataong ito nagtungo sila ng aking ina sa likurang bahagi nang napakalaking puno at naiwan mag-isa si Haring Thaddeus at Danna.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyon, nagsisimula na akong masiraan ng bait sa iba't-ibang nararamdaman ko, sa pagkakataong ito gusto kong sumigaw at saktan si Haring Thaddeus.
Dapat sinamahan niya si Reyna Talisha! Dapat hindi na siya lumapit pa kay Danna!
Nang sulyapan ko si Haring Dastan ay nakakuyom na ang mga kamao nito at nag-iigting na ang mga bagang nito.
"W-Why the hell did you do, Danna?" mahinang ngunit matigas na sabi nito. Hindi napigilan ni Haring Thaddeus ang kanyang sarili at hinawakan niya ang braso ni Danna.
"Mahal na hari, mas nakakabuting mas bigyan mo ng atensyon ang larawan. Bitiwan mo ako."
"Sa tingin mo ba ay hindi ko nalalaman ang ginawa mo?"
"Ginawa ko?"
"Don't act innocent. What did you do? Fuck! Why? He could have saved you." King Thaddeus said with full of frustration.
"Save me? But what about him? Thaddeus, I was chosen. Malalaman ng konseho ang lalaking itinakda sa akin, he possessed that blood. Ito ang ang maaari kong gawin sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. After breaking the vampire rules, after loving someone else's mate... after.... his best is to be someone else, Thaddeus. His best place is to be with other woman... not me... not me..." tuluyan nang lumuha si Danna na agad niyang pinunasan.
"I'm sorry..." mahinang sabi ng hari. He tried to reach Danna, pero ito na mismo ang humakbang papalayo sa kanya.
"Soleilana is mateless... that's why I manipulated her mate bond with my supposed mate..."
"And she's aware of it?" umiling si Danna sa tanong ni Haring Thaddeus.
Hindi na muli nasundan ang pag-uusap ni Haring Thaddeus at Danna, dahil mas binigyan na nila ng atensyon ang painting. Danna gave her instruction and the King just nodded.
Nang bumalik na ang aking ina at si Reyna Talisha, pansin ko ang pamumutla sa mukha ng aking ina habang malapad ang ngiti ni Reyna Talisha. Nanatili akong tahimik at walang sinabi sa kakaibang reaksyon ng dalawang babae.
Nang sumulyap ako kay Haring Dastan, pansin ko ang pagkalito nito. Hindi nito nasaksihan ang nakaraang nakita ng aking mga mata noon. Malaki ang posibilidad na sinabi ni Reyna Talisha kay ina ang kanyang nalalaman.
She knew everything!
Kung inaakala ni Haring Thaddeus na naitatago niya ang lahat, dito siya malaking nagkakamali.
Hindi natapos ang pangyayari, dahil tinangay kami sa panibagong nakaraan. Pero sa pagkakataong ito, it was my mother with her very pregnant state.
Kung hindi ako nagkakamali, napakaraming taon na ang lumipas mula sa unang nakaraan. Dahil pansin ko ang kaunting pagbago ng anyo ng aking, ibig sabihin lamang nito ay maraming taon na ang lumipas sa mundo ng mga bampira.
She was crying in front of a man... the figure was a shadow, hindi ito tuluyang ipakita sa amin.
"You used me! Ginamit mo ako at ang batang ito para makawala ka sa kamatayan! That this damn world will refuse to hunger on your blood but to this child! The vampire world... my world will kill the life of my innocent child... how could you!" umawang ang bibig ko sa sinabi ng aking ina.
Was it really my father's intention? Naguguluhan na ako sa nangyayari!
"Sa tingin mo ba bibigyan kita nang pagkakataon mahawakan kahit ang dulo ng daliri ng anak ko?! I will bring her somewhere unreachable! You will never see her! At kung sandaling may pangahas na posibleng umagaw sa kanyang katahimikan! My paintings will secure her existence! My painting will swallow her! And will protect her! Na kahit sinong kamay ay hindi makakapasok!"
Suminghap ako sa sinabi ng aking ina. Until I remembered Evan's reaction...kilala ni Evan kung sino ang pintor! Alam ni Evan ang nakaraang ito!
He was afraid when the painting swallowed me! Because they were instructed by its creator to not let me go... at ang dahilan kung bakit hinayaan nila akong makalabas ay hindi dahil natakot sila kay Rosh! Because they knew that Rosh was a Le'Vamuievos! Nananalaytay dito ang dugo ng babaeng lumikha sa kanila!
Tumulo na ang luha ko.
Nakukuha ko na ang koneksyon ng mga Le'Vamuievos sa akin.
Ngunit papaanong...
Muling kaming tinangay sa panibagong parte ng nakaraan, sa pagkakataong ito ay nasa harapan ng aking ina si Haring Thaddeus, buntis pa rin ang aking ina.
Nasa akma na itong babati sa aking ina nang salubungin niya nang mabigat na sampal si Haring Thaddeus.
"Ikaw ang may dahilan nang lahat! If... if..." halos hindi na matuloy ng aking ina ang kanyang sasahin.
"You will help me, dahil alam kong wala sa mga kadugo ko ang tutulong sa akin. At mas lalong walang matutuwa kung malaman nila kung sino ang ama nang dinadala ko. They will kill him..." nangatal ang tuhod ko sa sinabi ng aking ina.
She's still afraid for him, sa kabila nang galit niya...she cared for him.
"I'm afraid, I can't—"
"After all you did?! This is a chain of events! Kung hindi pinutol ni Danna ang koneksyon niya kay—" pumiyok na ang boses ng aking ina.
"Hindi mangyayari ito... soon, my family will notice... hindi na tatalab ang kapangyarihan ng babaylan. Malalaman nilang buntis ako... natatakot ako sa pwedeng mangyari sa anak ko Thaddeus. I want to save her."
"Tell me." Madiing sagot ng hari.
"Katulad mo, alam ko ang totoong nangyari sa nakaraan sa pagitan ng mga pinakamatataas na pinuno. Kung may pangahas na kumuha sa aking anak sa mundo ng mga tao at matagumpay siyang madala sa unibersidad kung saan nila itinatago ang dyosa, na humihingi ng susing luha ng kamatayan mula sa dugong nagpahirap sa kanya, nais kong magkaroon ng proteksyon sa lugar na ito ang anak ko. Do everything to deliver my paintings inside that forbidden university. They will swallow my daughter and they will hide her existence. Walang kahit sinong makapagpapalabas sa kanya kundi ako, ang sarili niya kung malalaman niya ang kanyang abilidad... at ang aking pamilya. She will live long... my daughter will survive Thaddeus..."
Huminga nang malalim si Haring Thaddeus at sinalubong nito ang mga mata ng aking ina.
"I could give you another way for your daughter to survive..."
"Please... give me ways... Thaddeus..."
Marahang sumulyap si Haring Thaddeus sa labas ng bintana tanaw ang maliit at murang puno. Hindi pa man ito tuluyang malaki, nakikilala ko kung kanino ang punong ito.
Tuluyan nang lumuhod ang hari sa harapan ng aking ina, marahan nitong hinawakan ang tiyan ng aking nagulat na ina sa kanyang nagniningas na mga mata.
"Mate her with a Gazellian... my son's love will make her survive."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro