Chapter 44
Chapter 44
Statue's whisper
"A dying tear from the last surviving reason of her tragedy."
Silence hovered inside the four corners of the room. But after few seconds of absorption, Prince Zen, Finn and Caleb stood to their feet with balled fist, prodding veins on forehead and eyes filled with fire.
King Dastan remain composed, Prince Casper flinched on his seat, Princess Harper bit her lower lip, Prince Lily let out a deep sigh while Queen Talisha shredded her few tears.
"Of course! He's a Gazellian, he is my brother! Maging ako ay gagawin din ang desisyon niya sa sandaling madiskubre ko ang paraang sinasabi ni Rosh. Ipadadala rin kita sa emperyong ito. Kung hindi ikinukulong ng sumpa noon si Kalla, matagal ko na siyang dinala rito." Madiing sabi ni Finn.
Lily waved her hand. "No, you're not. Hindi ka katulad ni Evan, hindi mo madidiskubre ang paraan para magising ang dyosa. Hindi ka nagbabasa ng libro, Finn. Ipinapaalala ko lamang sa'yo, aking minamahal na kapatid."
Umawang ang bibig ni Finn sa sinabi ni Lily. "Seriously Lily!?"
"I am serious, Finn. Maupo ka na lamang." Prince Finn cursed under his breath before returning to his seat.
"Sino pa ang nakakaalam nito, Rosh? Dastan, we should alert the different empires of Parsua!" Prince Zen said in his determined voice.
Lily waved her hand again. "And do what? We should settle everything first inside this close room, are you suggesting an immediate war? Hindi mo ba alam na si Dastan ang haharap sa natitira tatlong hari ng Parsua? We can't just inform them like this Hey, we're raising a war tomorrow. Pack up. Kailangan pa nang masusing pagpupulong."
"You may sit down, brother. Your suggestion is highly appreciated." Katulad ni Finn ay iritado rin naupo ang prinsipe ng mga nyebe.
"That way? I'm afraid my brother will bite it. He will immediately pack up with our greatest knights." Muling bumuntong hininga si Lily.
"Well, King Tobias is an exception."
Sumulyap si Lily sa huling kapatid niya na nakatyo. "Caleb? May sasabihin ka ba?"
Caleb shook his head, he silently returned to his seat. Finn and Zen smirked at him.
Nagpatuloy si Rosh. "Sa ngayon, kaunti pa lamang ang nakakaalam ng paraan kung paano gisingin ang dyosa. But we can't always assure that it will always stay that way."
"T-Then if the information did spill... we are not going to face a single side of enemy, right?" mahinang tanong ni Harper.
Tumango si Casper. "The council and of course the other empires. We're going to face two enemies at a time." He said while tapping his fingers on the table.
Nagsimula na akong maguluhan sa pinag-uusapan ng mga Gazellian. Kaunti pa lamang ang nasasabi ni Rosh sa kanila pero parang napakarami na ng mga itong nalalaman. I could even wager that they had already surpassed my idea about my mates' situation right now.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para humanga, pero hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nasasaksihan ko.
"The council, because they wanted to keep the goddess under their possession and produce more councils that will take their side. Ngayon ay nabigyang linaw na sa atin ang lahat kung bakit walang lumalabas na matinong konseho, dahil sa unibersidad pa lamang ay hinuhulma na sila ng sarili nilang intensyon. Using the goddess' possessed power." Sabay-sabay tumango ang mga Gazellina sa sinabi ni Lily.
"And of course, the different empires because their every King is righteous. Para mapanatili ang pilit na ipinapaniwala ng mga bampirang magandang nakaraan, gagawa ng paraan ang bawat mga emperyong bigyang laya ang dyosa. Another thing is the title and honor, once that a certain empire freed the goddess it will definitely give their empire the name that will make them climb on top." Patuloy ni Lily.
"And us Gazellian? The ever-amazing family of vampire will stand in between. Dahil wala tayong papanigan sa dalawang nagbabanggaang mga kalaban. Because they might have different principles, but their end way is to kill someone very precious to us." Pagtatapos ni Caleb na saglit na sumulyap sa akin.
Pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko sa sinabi niya sa akin.
"The council will definitely wish for Naha's death to avoid the awakening of the goddess, while of course the empire will use Naha's death with tears to make their good name. Gagamitin ng dalawang panig ng mga kalaban si Naha para sa sarili nilang mga intensyon." Muling tumango ang mga Gazellian sa sinabi ni Lily.
"So... it is another war again?" tanong ni Harper.
"Indeed." Sabay na sagot ng lahat ng mga bampirang lalaki sa loob ng silid.
"But are we going to join the first wave of the war, Dastan? Maaari ba na hayaan na lamang nating magpatayan ang mga konseho ang mga natitirang mga emperyo? At kung kaninong panig man ang may matira, saka tayo susugod."
Finn and Caleb agreed with Zen in unison. Pansin ko rin na tumango si Casper at Rosh sa unang pagkakataon.
They're all eager for the war!
"They're weaker by that time, hindi na mahihirapan ang ating emperyo para ubusin sila." Caleb confidently seconded.
Lily's fist landed on the long table. "Are they idiots, Dastan?" bahagyang tumaas ang boses ni Lily na saglit na nagpakurap sa mga lalaking bampira.
"It's a good idea, Lily." Tipid na sagot ng hari.
Ngiting tagumpay ang prinsipe ng mga nyebe na parang sa unang pagkakataon ay nanalo sa kanyang kapatid na prinsesa.
"But of course, your idea is quite better. Present it." Unti-unting nawala ang ngisi ng prinsipe ng mga nyebe at kunot noo itong humarap sa hari dahil sa sinabi nito.
"What?" tanong ng prinsipe ng mga nyebe.
"Zen, nasa atin si Naha. The councils and the different empires might have the different principles or reason for Naha. Pero hindi nila ipaglalaban ang mga pinaniniwalan nila, sa tingin mo anong hakbang ang una nilang gagawin? It is not to fight for their principles! They will first hunt for the key! They should possess something, something that will ignite their war! And that is Naha! Sabay tayong pupunteryahin ng dalawang kupunan ng kalaban sa sandaling malaman nilang nasa atin si Naha! How the hell are we going to wait for them to finish their war? Idiots! We are their first prey." Mahabang paliwanag ni Lily.
I saw how Rosh, Caleb, Finn, Casper looked at Zen with pity on their eyes. Harper giggled, the Queen slightly smiled, and King Dastan made a simple cough.
Pero hindi nagpatalo ang prinsipe ng mga nyebe at taas noo nitong sinalubong ang mata ng kanyang kapatid.
"But I am not yet done with my proposition, my dearest beloved beautiful sister." Tumaas ang kilay ni Lily.
Umiiling na si Caleb, Finn, Casper at Rosh. Kulang na lang ay sabihin ng mga itong, Sumuko ka na, Zen. Hindi ka mananalo kay Lily.
Mukhang wala sa mga Gazellian ay may kakayahang makipagtalo kay Lily, even Rosh, the wicked Prince who chose to remain silent.
"And your unfinished proposition is?"
"We will not let them know that Naha's here." Muling umiling ang natitirang lalaking Gazellian, nadismaya sa sagot ng prinsipe ng mga nyebe.
"But that's impossible, Zen. Alam mo 'yon." Tumango ang natitirang mga bampira sa sinabi ni Lily.
"Of course, Naha's existence will be revealed. But we can always play with her existence. We let the both sides believe that each of them already has Naha's grace. Manipulate and corrupt their information. Magpapatayan sila sa kaalamang hawak ng isa't-isa ang babaeng nais nilang kitilin ang buhay sa magkaibang paraan. Let's trick them, while we're having our cup of tea."
Unti-unting umawang ang mga labi ng lahat ng mga lalaking bampira, maliban kay Haring Dastan nang marinig ang sinabi ni Zen. Parang hindi ang mga ito makapaniwala na may kakayahan itong mag-isip ng ganitong bagay.
Lily tried to open her mouth, but she chose to close it again. Lalong nanlaki ang mga mata ng mga lalaking bampira nang makita ng mga itong walang naisagot si Lily.
Muling ngumiti nang tagumpay ang prinsipe ng mga nyebe. "Aking minamahal na kapatid, may nais ka pa bang sabihin?"
Lily rolled his eyes. Sabay-sabay ngumisi ang mga lalaking bampira, pero hindi na rin napigilan ni Caleb at Finn ang kanilang sarili dahil natawa na ang mga ito.
"After hundred years of banters! May nanalo na rin kay Lily bukod kay kamahalan!" Caleb blurted out.
"Ah, the feeling is overwhelming." Finn said with his satisfied look.
May hawak ng upuan si Lily pero agad siyang pinigilan ni Harper nang akma niya itong paliliparin sa kanyang mga kapatid.
"Defeated. Indeed." Tipid na sabi ni Rosh.
"Dastan, look at them!" gigil na sabi ni Lily.
Isang tikhim lang ni kamahalan ay tumigil ang mga Gazellian sa pakikipagtalo. "And how are you going to manipulate their information, Zen?"
Natigilan ang prinsipe ng mga nyebe sa tanong ni kamahalan. Pero sa pagkakataong ito ay si Rosh na naman ang nagbigay ng mga salita.
"We can inform Evan about this plan and we can ask help with the Viardellons. The thirteen Viardellon Princes are all good travelers from empires to empires, we can ask them to spread the false news about an empire possessing the last vampire in the bloodline of the cruel king."
"How accurate is that, Rosh?" tanong ni Haring Dastan.
"Not too accurate, I'm afraid. But for assurance, we could-" he's quite hesitant, but he continued. "We can use an imposter."
Agad akong umiling sa sinabi ni Rosh. "No! May babaeng isasalang ang buhay para sa akin?"
"That's why I never liked that idea." Rosh answered with a shrug.
"So... the Viardellons should make their lies believable." His final statement.
"We are really going to have the war?" tanong ni Lily.
"They will choose the war, Lily. Not us." Sagot ni Zen.
"Can we just avoid it?" tanong ulit ni Lily.
"We can't. Alam mo 'yon, Lily." Caleb answered her.
"Yes, all of us experienced a war. Pero naramdaman n'yo na ba na kayo mismo ang ipinaglaban sa loob ng digmaan? The pain... the hatred to yourself... the endless tears... the life and death during that time, the clash of swords, the spilling blood...hanggang ngayon dala ko pa rin ito. Evan knew us better, ipinadala niya rito si Naha dahil alam niyang maiintindihan natin ang kanyang sitwasyon. Hindi niya gustong iparanas kay Naha ang naranasan ko, ni Kalla o Claret if we can avoid it." Tumitig ito sa kanyang kapatid na si Dastan.
"Please... think of another way. Huwag laging digmaan...Dastan."
Lahat kami ay nanatiling nakatitig sa hari hanggang sa marahan itong tumango.
"Hindi ito ang huli nating pagpupulong, mga kapatid. Asahan n'yong magbibigay ako ng aking desisyon matapos ang dalawang araw." Tumango ang mga Gazellian sa sinabi ng Hari.
Hindi nagtagal ay dumating na si Kalla at Claret, kasama ang isang babae na kahawig ni Pearl. At hindi man sabihin nila, agad ko siyang nakilala. Pearl's twin sister.
"Kalla, Claret... please guide Naha to her chamber." Gusto ko pa man manatili kasama sa pagpupulong ng mga Gazellian ay wala na akong nagawa, nagbigay na ng utos ang hari.
Tahimik akong inalalayan ni Claret at Kalla hanggang sa makalabas kami ng silid ng pagpupulong.
"He sent me away, why?" I asked the two ladies, Claret and Kalla.
"Wala akong ideya, Naha. Paumanhin." Tipid na sagot ni Claret.
Tinangka ko rin kuhanin ang atensyon ni Cora na pinaniniwalaan kong maaaring magbigay sa akin ng atensyon, pero mas binigyang pansin nito ang utos ng hari. Hindi man lang nagawang sumulyap sa akin ng kapatid ni Pearl.
"May mga bagay na hanggang ngayon nais naming ibigay ni Claret sa mga Gazellian. Binibigyan namin silang magkakapatid ng sarili nilang oras para makapag-usap na tanging sila lamang, katulad ng kanilang nakasanayan." Mahinang sabi ni Kalla.
"Hindi man nila hinihiling, pero may mga bagay talaga na hindi namin nanaiising mabago sa mga Gazellian sa kabila nang pagdating namin sa buhay ng kanilang mga kapatid." Tipid akong tumango sa sinabi ni Claret.
Nakarating kami sa aking silid at hindi ako ng mga ito iniwan. Isa si Kalla sa dahilan kung bakit nagkaroon ako ng rason para lumabas ng unibersidad, malaki ang paniniwala ko na maaari niya akong matulungan sa aking mga katanungan.
Nakatanaw ako sa bintana, nasa tabi ko si Claret habang nakaupo si Kalla at may hawak ng libro.
"How did you answer his puzzle?" mahinang tanong ko.
Saglit na sumulyap sa akin si Claret pero alam kong nakuha ng babaeng nagbabasa ng libro ang katanungan ko.
Narinig ko itong tumayo, tumabi rin ito sa akin. Kapwa na kami ngayon nakatanaw mula sa bintana ng aking silid.
"Kailanman ay hindi siya nagbibigay ng kasagutan. He's just giving clues, Naha." Marahas akong lumingon sa kanya.
"Scattered clues! Hindi ko mapagtagpi-tagpi!"
"Oh, the King..." tipid na sabat ni Claret.
Agad kong hinawakan ang mga kamay ni Kalla. "Tell me...please... how? Paano mo nasunod ang mga bagay na iniwan niya? Gulong-gulo na ako. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin tungkol sa bagay na ito. You were the first one who answered his puzzle!"
"The King never offered the same puzzle, Naha." Siya mismo ang nagtanggal ng mga kamay ko sa kanya.
"I want to help you, but the puzzle... it is yours... wala akong karapatang magbigay ng higit na kaalaman."
"So...you-" marahas siyang umiling sa akin.
"No, ang lahat ng sinabi sa'yo ni Rosh ang hangganan ng nalalaman ko, Naha. Wala na akong maaaring sabihin sa'yo." Lumaglag ang mga balikat ko sa sinabi ni Kalla.
Buong akala ko ay marami itong nalalaman na makakatulong sa akin. "Then, how did you do it? J-Just tell me..." halos magmakaawang sabi ko.
"I love Finn..."
"But I love Evan! Mahal na mahal! Pero bakit pakiramdam ko ay hindi ako umuusad sa mga nalalaman ko?"
"Makakarating ka rin, Naha... yes it's a tough journey, but a Gazellian is worth it. Higit sa kayamanang maaari mong matagpuan sa mundong ating pinanggalingan." Ngiting sabi ni Claret.
Sa huli iniwan ako ng dalawang babae na punong-puno pa rin ng katanungan sa aking sarili.
Kalla is my last card! Buong akala ko ay mabibigyang linaw ang lahat sa sandaling makapag-usap kami.
Lumuluha akong humiga sa kama, marahang tinanggal ang kwintas sa aking leeg, inangat sa ere para sinagan ng liwanag mula sa magarang ilaw mula sa kisame ng palasyo.
"Evan..."
Mas nabigyan ako ng pagkakataong pagmasdan ang kwintas na may hulma na katulad ng isang luha. May laman itong buhangin at napakabagal ng pagpabagsak nito para makalusot sa ibabang bahagi ng luha.
I should have felt relieved and satisfied. Nandito na ako sa emperyo ni Evan kung saan makakatulong nang malaki ang kanyang mga kapatid. They got clean plans, susuporta ang ibang emperyo ng Parsua, pero bakit may parte sa sarili kong sumisigaw ng kakulangan?
It was not just my whole safety from the very first time. But the root of everything!
May laban akong kasama ang mga Gazellian, pero alam kong may sarili akong laban na tanging sarili ko lamang ang aking aasahan.
The King wanted me to decipher his message, pero wala akong kakayahan para pagtugma-tugmain ito.
"What is this necklace, King Thaddeus?" pinahid ko ang aking mga luha bago ako bumangon sa aking kama.
Kaysa hayaan ang sarili kong manghina sa loob ng aking silid sa pag-iisip ng mga misteryong ibinigay sa akin ng hari, pinili kong lumabas at simulang saksihan ang kagandahan ng palasyo ng Sartorias.
The hallways were filled with different white statues, metal knights, heads of different animals, antique swords and even carved stones with messages. Wala akong mabasa sa mga nakasulat dito.
Habang pilit kong binabasa ang nakasulat, muntik na akong matumba nang may magkasunod na bagay na sumagi sa akin. Little wolves!
"Dawn! Dusk! Wait for me! Ang daya n'yo! I will tell this to King Dastan!" humihingal na sabi ng anak ni Claret at prinsipe ng mga nyebe.
Hirap na hirap ito sa pagpupunas ng kanyang pawis at sa paghawi ng kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.
"Hi Divine..." I awkwardly greeted her.
"Oh, milady! Tapos na ang pagpupulong ni Papa at Prince Rosh?" umiling ako.
She pouted. "Do you think he will sleep here?" she suddenly blushed.
"I don't think so... Rosh is a busy person."
"Prince Rosh... it should be Prince Rosh...don't address him like that milady. Nagagalit siya." She almost whispered.
"Yes... yes... I'm sorry."
"Bakit hindi ka pa natutulog? Hindi ka hinahanap ni Claret?"
"She's busy talking with Aunt Kalla." Saglit akong napangisi sa sinabi niya.
Vampires never used family honorifics, if you are in a royalty you should address them with their social status title, like Prince and Princess. Probably because of Claret's existence?
"Prince Rosh told me that you love paintings! Let me show you our palace collections!" Divina held my hand.
We're both half running and we passed series of closed doors. Divina started to shower me her little laughter and smiles as she pulled me near to another hallway. Until we faced another closed door, it was huge and intimidating.
"I think we are not allowed—"
"No! Come here... he wanted to see you." Biglang tumaas ang mga balahibo ko sa batok nang sandaling magbukas nang kusa ang pintuan.
My whole body froze in an instant when I saw numbers of painting hanging all over the huge room. But what made me stunned with my fast beating heart was the huge white statue that resembles the greatest vampire of the history.
King Thaddeus...
"Grandfather King! She's here! She's here!" natulala na lamang ako nang yumakap si Divina sa estatwa ng hari.
She's giggling while staring upward with the King's statue with her arms hugging the king's legs.
"Am I a smart girl?"
Nangangatal ang katawan ko habang kinakausap ni Divina ang estatwa. I want to run...bakit pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang hari?
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, buong lakas loob akong humakbang at pinagmasdan ang mga obra maestra ng hari.
Everything was exquisite!
Hindi ko pinapansin si Divina na parang may sariling mundo at kausap ang estatwa.
"I told him too! He will join us, maybe after the meeting."
"Who?" nagtatakang tanong ko.
Ngumisi lamang sa akin si Divina. Humarap ulit ito sa estatwa at pilit niyang inilalahad ang kanyang braso na parang gustong magpabuhat sa estatwa.
"Don't be shy, grandfather king. You always carry me, she will not spill our secret."
Huminga ako nang malalim. Divina is a like the normal children, yes. They have their own broad imagination.
Pinagpatuloy ko ang pagtitig sa mga painting at hindi ko mapigilang hindi humanga.
"He is really a king in different aspects."
"Milady! Grandfather King told me that you should sharpen your eyes... and look for strange things."
"W-What?"
Ngumisi muli sa akin si Divina at malambing itong yumakap sa binti ng hari. Wala na itong balak makipag-usap sa akin.
"Strange things..." kumunot ang noo ko at ipinagpatuloy ang pagtitig sa mga painting.
Hanggang sa kusang napahakbang paatras ang mga paa ko. My knees started to shake, my breathing turned hard and heavy, the whole room dropped its temperature and my eyes started to blur with my tears.
Why would King Gazellian paint himself standing in front of a green tree? Why would he paint his own back while looking at his son's symbolism? Most of his paintings were part of different empires according to its descriptions, with his initials... but this one...
Nangangatal ang mga kamay kong napasapo sa aking bibig. This painting, hindi ito gawa ni Haring Gazellian!
Nanghihina akong sumulyap kay Divina na hanggang ngayon ay masayang nakikipaglaro sa estatwa.
Strange... the different...
Ibinalik ko ang aking mga mata sa painting. "Oh my god! Oh my god!" nangangatal ang boses ko habang pilit inaaninaw ang biyak na ukit sa itaas na parte ng painting.
A teardrop!
"Divina..." I heard King Dastan's voice.
Nakukuha ko na! Nakukuha ko na ang nais ni Haring Gazellian!
Sa aking natitirang lakas ay pilit kong sinalubong ang kasalukuyang hari ng Sartorias na may mga matang punong-puno ng mga luha.
Hindi na ako nag-alinlangang hawakan ang kamay ng haring naguguluhan. Lumuhod ako sa harapan nito, sa mga kamay kong nangangatal na nakahawak sa kanya, sa mga tuhod ko na anumang oras ay maaaring bumigay, sa pagkabog ng puso kong halos wawasak sa aking dibdib.
"M-Mahal na hari...kung hindi n'yo mamarapatin... nais kong hawakan ang 'yong kamay at dalhin kayo sa mundong walang kasiguraduhan...ipinapangako kong iingatan ka sa gaya nang walang katapusang pagpapahalaga at paggalang ng lalaking pinakamamahal ko..." sa pagkakataong ito ay ako ang nagdala ng mga kamay ng hari sa aking mga labi.
Malaki ang respeto ni Evan sa haring hawak ko sa mga oras na ito, at isang napakalaking kasalanan kung dadalhin ko siya sa lugar na wala akong kasiguraduhan. Maaari kong ipahamak ang buhay ng hari...
Halos malusaw ang puso ko nang punasan ng hari ang aking mga luha.
"Mas lalong hindi mapapalagay ang haring katulad ko kung hahayaan kitang magtungo sa mundong walang kasiguraduhan na mag-isa lamang." Ito mismo ang nag-alalay sa akin para tumayo.
Nang sulyapan ko si Divina ay wala na ito sa estatwa.
Huminga ako nang malalim, hindi ko pinakawalan ang kamay ng hari at unti-unti akong humakbang patungo sa larawan.
Binitiwan ko lamang ang kamay ng Hari nang hubadin ko ang kwintas at dahan-dahan ko itong inilagay sa itaas na bahagi ng larawan.
"That painting is not my fathers—" tumango ako sa sinabi ng hari.
Nang sandaling ilagay ko ang kwintas dito, nagsimula na ang mabagal na pagbuhos ng buhangin. Nakuha ko na ang ibig sabihin ng buhangin, ang oras na maaari naming makausap ang hari.
Inilad ko ang kamay ko kay Haring Dastan.
"Mahal na hari..."
Nanatili itong nakatitig sa larawan habang unti-unti niyang inaabot ang kanyang kamay sa akin. At nang sandaling nagdaop ang aming mga kamay, humugot ako nang malalim na paghinga kasabay nang pagpikit ng aking mga mata.
Ilang hakbang ang lamang ang nagawa nang aming mga paa, bago yumakap ang matinding init sa aming buong katawan. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Haring Dastan hanggang sa mabura ang init at mapalitan nang malamig na simoy ng hangin.
At nang sandaling nagmulat ang aming mga mata ang likuran nang nakatindig na hari ang sumalubong sa amin, kasabay nang pagsayaw ng berdeng punong nagpapaulan nang maliliit na dahoon kasayaw ng hangin at ng sarili nitong musika.
Unang humakbang si Haring Dastan.
At sa unang pagkakataon, nakita kong pumatak ang luha nang tinitingalang hari ng Sartorias.
"Ama..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro