Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Chapter 34


The painter, stranger, handsome prince and the lost lady

Kung bibigyan ako ng katanungan na hindi ako magkakaroon ng pag-aalinlangan sa kasagutan, ito ay ang katanungan tungkol sa kahinaan ng bawat normal na babaeng magmumula sa mundo ng mga tao.

Makikisig na mga binata.

Kislap ng kanilang mga matang nakasisilaw, ngiting nakahahalina, titig na nakakatunaw at mga bisig na nakakapukaw ng isipan, mga nilalang na mapanlinlang, hayok sa aming mga kahinaan.

Natauhan ako nang sumaging muli sa aking isipan ang kaakit-akit na mukha ni Evan, lalo na sa tuwing tinatawag ako nitong hon sa kanyang pinakamalambing na paraan.

Mas pinagmasdan ko ang prinsipeng kasalukuyang nakikipag-usap sa mga larawan at nanlaki ang aking mga mata nang makitang may pangil ito.

"Bampira!" marahas ko itong itinulak dahilan kung bakit ako ang nahulog mula sa kanyang puting kabayo.

Buong akala ko ay masasaktan ako pero naramdaman kong may kung anong sumambot sa akin at nang sandaling magmulat ako ng mga mata, isang uri ng hindi pamilyar na halaman ang gumabay sa akin.

The Prince on his white horse was now pointing his forefinger in front of my face.

"You're also a vampire, hindi niya pa ba alam?" he asked the paintings.

"She knew!" mabilis na sagot ng mga ito.

"What's with her reaction? Marahil ay nasanay siya sa mababang klase ng bampira sa loob ng unibersidad? What a pitiful creature." Muli itong bumaba sa kanyang puting kabayo.

Nawala lahat ng paghanga ko sa kanya, he's too—he's too mayabang!

"W-Who sent you here?" tanong ni Mrs. Madeline.

"The bird, the white beautiful bird. Did it ring a bell?" he faced the paintings while both of his hands were on his waist.

Nakapulupot na sa akin ang ilang ugat ng kanyang malaking bulaklak para hindi ako makagawa ng anumang kilos.

"Ah, the white bird—"

"That you scared, right? Sino sa inyo tumakot sa kanya? She told me everything."

"Wala sa amin, don't blame us. It was Circa."

"W-What?" sabat ko.

"Where is that painting?" tanong ng prinsipe.

"P-painting? She is not a painting! Kabit siya ni Evan!" nagulat ang prinsipe sa isinigaw ko.

"He got a lover?" ulit nito sa akin.

Nawala ang mga halaman na nakapalibot sa aking katawan at hinayaan ako nitong mas lumapit sa kanya.

"A lover? Circa is one of us and Prince Evan is using her to communicate with us." Paliwanag ng lalaking may mahabang binti. Tuluyan na akong natulala sa sinabi niya.

Habang nanatili nang nakakunot ang noo ng prinsipe na mukhang hindi na naiintindihan ang aming pinag-uusapan.

"She has the only ability to leave her frame, and her as the prince's lover is too impossible. Yes, she's a beauty for our painter made her so perfect with amazing body, but she is still a painting. Dahil kapag kinakagat siya ng kahit sinong bampira, isa lang ang magiging lasa ng dugo niya. Pintura." What the hell is going on?

Should I trust them? They tried to kill me if this prince beside me didn't help me.

"So the one who scared Kalla was a painting that could go out from her frame, what about her savior? The woman with fire?" pagsingit ng prinsipe.

"It could be my sister." Sagot ko sa prinsipe, hindi man magsabi sa akin si Pearl alam kong may nalalaman na siya sa mga nangyayari.

"You have a sister?" tanong muli ng prinsipe.

"Not by blood, she has a twin, they're the daughters of the goddess from the history."

"W-What? A twin!" buong akala ko ay patuloy pa itong magugulat, pero agad itong tumikhim na parang may naalala. "Oh, I remembered, Kalla informed me something about it." Ilang beses itong tumango sa kanyang sarili.

Hindi ko na muli binigyan ng pansin ang prinsipe at humarap ako sa mga larawan.

"How about sex? Is she capable of doing it with--" sabay-sabay umiling ang lahat ng mga ito sa akin.

I gasped in disbelief, thinking about those things I've done to make him suffer. My hands were both shaking as I tried to cover my mouth with my legs starting to step backward.

"B-But why did he let me believed that Circa and him was having an affair? P-Pinaniwala niya ako, hindi siya tumatanggi kapag sinusumbatan ko siya, he never explained, m-maraming pagkakataon!" muling bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata. What was the meaning of the liquid? I don't understand. Anong gustong mangyari ni Evan?

"It's easy, he's hiding something bigger. That he would be willing to taint his own image in front of his own mate just to hide it successfully." Mabilis na sabi ng prinsipe na parang hindi man lang nito pinag-isipan.

"Do you have any hall for your guests? Welcome me, dahil baka ipasunog ko kayong lahat sa sandaling makalabas ako sa lugar na ito." Inilahad nito ang kamay niya sa akin.

"Don't worry, I am here to help you."

"B-But why?"

"Sabi ni Kalla, her savior said that no Gazellian is allowed inside the university. And I am no Gazellian, but a beautiful, elegant and prideful Le'Vamuievos." Sa unang pagkakataon simula nang nabuhay ako hindi ako nakasagot sa nilalang na nagyayabang sa harapan ko.

There's something with him that you'll just choose to shut up and let him live with his prideful words.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at ilang saglit ay bumalik kaming muli sa mahabang hapagkainan na parang walang nangyari.

"So? Bakit nyo siya hinahabol?" he asked. May hawak na itong rosas at sa bawat pitas nito sa mga piraso nito ay pagtulak niya sa ere na tila maliliit na patalim na sa sandaling makatama ay tatagos sa kahit anong katawan.

Hindi makasagot ang mga nangangatal na larawan.

"Ngunit p-paano ka nakapasok sa mundong ito? Tatlo na nilalang lamang ang nakikilala kong may kakayang makapasok sa mga larawan." Nangangatal na sabi ni Mrs. Madeline.

The elegant prince crossed his legs, leaned his whole body of his chair and placed both of his hands on his lap. Sitting like a real royal blood vampire, they have the same gesture of Evan.

"Can someone show what happened? This prince has no interest of narrating long stories." Nagkaroon sila ng sunod-sunod na sikuhan na siyang nangyari kanina, pero nang tumikhim ang prinsipe ay agad tumayo si Mrs. Madeline at naglagay ito ng malaking plato sa aking harapan.

Humarap na rin sa kanilang mga plato ang bawat larawan, maliban sa prinsipe na alam na ang mangyayari.

"Habang nanunuod kayo, nais kong makita ang inyong mga hardin." Hindi na ito naghintay ng sagot dahil pansin ko na maraming bilang na ng paru-paro ang nakasunod sa kanya.

Who is he really?

Dumungaw ako sa malaking plato at agad kumunot ang noo ko nang ipakita nito ang parehong prinsipe na nakaupo sa kanyang trono, ngunit pinalilibutan ng napakaraming babae na abala para subuan siya ng prutas at paypay siya ng gintong pamaypay.

"Siya nga!" nagkakbulung-bulungan na ang mga larawan.

Until the prince who was sitting on his throne noticed a noise coming from a bird.

"Madali, maghanda ng mamahaling kasuotan sa aking panahon at puting kumot." Utos nito.

Nagmadali ang mga tagasunod nitong babae, hindi pa man nagtatagal sa kanyang pagdapo sa lupa ang magadang puting ibon ay sinalubong na ito ng makapal na puting kumot.

Saglit na nagliwanag ang ilalim ng puting kumot hanggang dahan-dahan itong naggagalaw at iniluwa nito ang isang napakagandang babae. Mariin nitong hawak ang kanyang kumot habang nagmamadaling maglakad patungo sa trono ng prinsipe.

Agad itong yumuko bilang paggalang sa prinsipe.

"Magandang gabi, mahal na prinsipe. Paumanhin sa aking biglaang pang-aabala, ngunit alam kong ikaw lamang ang aking maaaring malapitan."

"Kalla, ipinauubaya na kita kay Finn. Hanggang kaibigan lamang—"

"Rosh! Gagawin kitang bato! This is serious!" humalakhak ang prinsipe sa sinabi ng magandang babae.

"Get dressed milady, maganda pa ang samahan ng Sartorias at Deltora kahapon." Inabot nito ang kasuotan sa babaeng nagngangalang Kalla.

"I'll wait for you here. And don't threaten me with your stone turning power.Isa ka sa luluha kung magiging bato ako." Umiiling na sabi nito.

"I never wished to have that power back, Prince Rosh."

Naghintay ang prinsipe at sa pagbalik ni Kalla nakahanda na ang dalawang kopitang may dugo. Tumayo ang prinsipe at ito mismo ang naghila ng upuan para kay Kalla.

"It's been years when I last visited your empire, Prince Rosh."

"Napagtanto mo na higit na maganda sa Deltora?"

"Higit na maganda pa rin sa Sartorias, sapagkat naroon si Finn. Ngunit kailanman ay hindi gaganda sa paningin ko ang Deltora kung hindi kita unang nakilala. You even asked me to be your sister!"

"The invitation is still open, Kalla." Ngumiti lamang sa kanya ang babae. "So what brought you here?"

"Remember what happened during our journey? When I passed out? Napanaginipan kong muli, Rosh. May mga nadagdag at sinabi kong itong lahat kay Cora."

"Cora? Dastan's woman."

"No, she is not the king's woman."

"Then?"

"She discovered that she has a twin, she needs help, they need help."

"Why do you think I'll help them?"

"Because they forbid another Gazellian inside the university Rosh, isa pa, ikaw lang talaga ang makakapasok sa loob ng unibersidad." Kumunot ang noo ni Rosh.

"How? We didn't even try before."

"We tried Rosh, but the one who saved me reversed everything. W-wait, I have something for you."

Kalla removed her necklace and opened the small pendant. There's an ointment and she applied it on both of her thumb. Sabay niya itong ipinahid sa sentido ni Rosh.

It flashed a scene, na kasama ako at si Evan. His fangs were about to have some feast on my thighs when the door opened showing more vampires with familiar features.

Hindi rin nagtagal ay nakilala ko itong kanyang mga kapatid. I even saw a very familiar woman, kahawig ito ni Pearl!

"It happened, but my savior reversed it and turned everything back to avoid complication."

"Anong kailangan kong gawin? Why me Kalla? I'm on vacation, can't you see?"

"Rosh, you're always on vacation!"

"Bakit hindi ang mga Gazellian?"

"They will not work better, they missed Evan so much Rosh. That they would definitely forget to scold him, they will just hug him instead of giving him a punch to wake him up. I tell you, kilala ko ang mga Gazellian. Cora and her sister is now slowly having their connection, hindi maganda ang naririnig ko kay Evan. He prisoned his own mate! Nababaliw na rin siya katulad ni Finn noon."

"Please, help them Rosh." Halos maubo si Rosh nang makita nitong may bagong dating na babae. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng panliliit nang makita ko ang angking kagandahan nito.

Siya na yata ang pinaka magandang bampira na nasilayan ko.

"Claret!" gulat na sabi ni Cora.

"You should have informed me, para matulungan kitang makumbinsi si Rosh."

Ilang beses pinaypayan ni Rosh ang kanyang sarili. "Seriously, Tobias will kill me if the soldiers of Sartorias will come and haunt our empire. This is ambush, I did reject you girls once."

"Rosh!"

"My, what is this all about? My sisters in law with the most handsome prince in the history of vampires." Prince Rosh rolled his eyes. "Now it's Lily, alright! It's a damn yes! Go! Go away."

He grabbed the bell to call the attention of his ladies. "Get more foods and wine! Please, umuwi na kayong tatlo. I'm quite allergic with mated vampire girls." But the last vampire named Lily grabbed Claret and Kalla's hand.

Naupo ang mga ito sa mga libreng upuan at hinarap si Rosh. Bumuntong-hininga na lamang si Rosh, and he gave the three vampires different colors of roses.

"Now tell, how can I enter the university?"

"You need to enter through a painting."

"Painting?"

"Yes, sa loob ng unibersidad may dalawampu't tatlong painting at iisa ang pintor nito Rosh, pero hindi lamang ito dalawampu't tatlo, dahil dalawampu't apat talaga ito. The last painting is inside your castle, nasa pag-aari ng mga Le'Vamuievous."

"You're so knowledgeable Kalla," kumento ni Claret.

"I read a lot of books, lalo na 'yong mga iniisip ng lahat na hindi mahalaga."

"How could I enter? Wala akong kakayahang tumagos sa mga larawan."

"But you got the ace Rosh, the painting inside your castle has a flower! Anything that has a touch of flower can always fall into your manipulation. Your painting inside your castle will serve as your door to the university. Let's be thankful that the paintings are connected with each other, na sa sandaling magkasama-sama ito ay may imahe itong mabubuo. Ito ang dahilan kung bakit maaari kang makatawid sa pamamagitan nito." Mahabang paliwanag ni Kalla.

"Kalla, please tell Finn to read sometimes. Ang dami mo nang nalalaman, ano lang ba ang nalalaman ng kapatid kong 'yon?"

"Can I come out through another painting?" umiling si Kalla.

"You will come in and out with the same painting Rosh." Tumango ang prinsipe.

Nakaroon pa ito ng ilang katanungan bago niya sapilitang pinauwi ang mga ito. The last words were from Evan's sister, Lily.

"Rosh, kung sakaling makakalabas ka sa painting. Please ask Evan, 'Ano ang sinasabi niyang hindi mababaliw sa babae?' And please, pakimura siya, make it hard and harsh, tell him it was freshly from his sister." And she gave him a sweet smile.

**

"I guess you've watched enough, ladies and gentlemen?" tanong ni Rosh.

"I have a question," marahan kong itinaas ang kamay ko.

"I heard that there were only three that could enter in this world. Having Rosh's ability, then it's four. But who are those four? Ako at si Rosh, sino ang natitirang dalawa?"

"Our painter and the stranger who brought us here." Sagot ni Mrs. Madeline.

"You mean, you were not originally made inside this university?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Umiling ang mga larawan sa akin.

"Our painter is still a mystery, but we knew too well the stranger who brought us all here, kilala naming lahat kung sino ang nagdala sa atin sa unibersidad na ito at iniwan lamang tayo ng katanungan."

"Who?" sabay na tanong namin ni Rosh.

Tumayo si Mrs. Madeline at lumapit ito sa dalawang higanteng bata na tahimik na nakaupo sa likuran. She held her hand and one of the kids dropped something.

"The stranger who brought us here left us a necklace and he told us that we should give this to the only woman who could enter in this world. And it's you, Naha."

Mrs. Madeline gave me a necklace with a teardrop pendant.

"King Thaddeus Leighton Gazellian gave you this necklace, for his son's mate."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro