Chapter 30
Chapter 30
Prison
Natapos ang klase na halos wala na akong naintindihan. Hindi na nasundan pa ang banggaan sa pagitan namin ng kabit ni Evan at nanatiling tahimik ang prinsipe hanggang matapos ang klase.
Sa kabila nang paninitig nito at ilang beses na pagbulong sa aking pangalan, sinikap kong huwag itong pansinin.
Nang sandaling tumunog ng kampana, hudyat na tapos na ang isang buong gabi para sa mga mag-aaral ng unibersidad. Isa ako sa mga nakipag-unahang bampira, para agad na makalabas sa aming silid-aralan.
Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng silid, sinugurado kong nakataas ang aking noo nang sandaling nagtama ang mga mata namin ni Circa.
"Naha!"
Muli kong narinig ang tawag ni Evan, pero pinili kong ipagpatuloy ang aking paghakbang.
Agad nagpakita ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Pearl na hindi na kalayuan mula sa akin.
"Pearl!"
Lakad takbo ako para makarating sa kanya, ramdam kong nakasunod pa rin sa akin si Evan.
Nakangiti rin sa akin si Pearl, pero nang sandaling lumampas ang tingin nito sa akin, agad niyang nakumpirma kung bakit ganito na lamang ang aking pagmamadali.
Inangkla ko ang aking braso sa kanya at halos hilahin ko na ang kapatid ko para magpatuloy kami sa paglalakad.
"Let's go,"
"Naha!"
"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" umiling ako kay Pearl.
Lumingon ulit ito sa likuran bago muling nagsalita. "You should talk to him. atleast."
"Gago siya, walk faster Pearl."
"Alam kong gago siya, Naha. Simula pa lang, because he seduced you. But you are aware that he'll never stop chasing you." Dumiin ang pagkakahawak ko sa braso ni Pearl.
"Tumutula siya," I whispered.
"W-What?"
"Tumutula nga siya.."
"W-What? What do you mean Naha?" nalilitong tanong nito.
"Tinutulaan niya nga ako! The asshole is not explaining! Dinadaan niya ako sa patula-tula niya. Hayop siya!"
"Oh.."
Muling lumingon ang kapatid ko kay Evan habang lakad pa rin kami nang lakad.
"Typical wise Gazellian, the fangs and his wicked mind."
Buong akala ko ay isang malutong na mura muli ang maibibigay ko kay Evan, pero ito ako at lumuluha na naman.
"He's too wise Pearl, na sa sobrang talino niya. Nais kong paniwalaan lahat ng sinasabi niya. His words and actions are contradicting with one another." Nanatiling tahimik ang kapatid ko.
"His actions are giving me doubts, but his words are making me fall for him more. He chose a complicated way of explaining."
Sa huli nakarating kami sa aming silid at hindi ko na naramdaman ang presensiya ni Evan na nakasunod sa amin.
Pearl's now busy combing my hair, as I watched our reflection in front of a large mirror.
"I had a dream," panimula ko.
"Again?"
"No, it's different now."
"How different?"
"It's mom and dad." Natigil sa pagsusuklay si Pearl.
"What dream? Our past? Memories?"
"They talked to me Pearl, they explained to me everything." Magkadaop na ang aking mga kamay habang nilalaro ang aking mga daliri.
"Everything about?"
"The vampire history—your connection with the past. Ang lahat ng hindi ko nalalaman, and of course about the King and his first—" natigil ako sa pagpapaliwanag nang yumakap sa likuran ko si Pearl.
"You don't need to tell me, we had witnessed different point of view from the past. Hindi ko na nais magtalo tayong muli." Tumango ako sa sinabi niya.
King Thaddeus, his first love and the queen is a sensitive topic for both of us. Lalo na at may magkasalungat kaming pinaniniwalaan ni Pearl.
"So you're a daughter of a goddess."
"Yes,"
"And you have a twin," I said bitterly.
Pearl groaned as she rolled her eyes. "Come on, don't be jealous. You're still my baby sister."
"But is she aware?" umiling ito sa akin. "Ikaw lang ang nakakaalam?" tumango ito.
"Pero bakit kayo pinaghiwalay ni Haring Thaddeus at Danna?"
"To keep us safe, katulad ko ay hindi rin dito sa mundong ito hinayaan manatili ang kapatid ko. They sent her in different world."
"But do mean different?"
"Far from Nemetio Spiran." Hindi kasama sa pitong emperyo?
"Pero bakit ikaw lang ang may nalalaman? Bakit hindi nalalaman ng 'yong kapatid?"
"Because human world is quite safer than her world. Kaya kahit may nalalaman ako, hindi nito maipapahamak ang buhay ko." I did expect for a longer explanation, but Pearl remained silent.
"How did you acquire all of this Pearl? Buong akala ko ay limitado lamang ang nalalaman mo sa mundo ng mga bampira."
"My mother did try to explain me everything through dreams, isang paraan na madalas ginagamit sa mundong ito." Sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumango sa kanya.
Sa mundo ng mga bampira, buhay ang bawat panaginip. At lahat ng mga ito ay may nais ipahiwatig sa bawat nilalang na pinagpapakitaan nito.
Nabalot kami nang saglit na katahimikan. Marami akong nais itanong kay Pearl, matapos magpakita ang aming mga magulang, pero ngayong may pagkakataon na ako, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
They told me that I was part of the neglected history, Pearl was a part of known history. Posible kaya na may alam ang kapatid ko sa kwentong ako daw ang nag-iisang may kakayahang magbigay sa lahat?
"Pearl, our parents did tell me something.."
"Something?"
"That the king and Danna, sent you in human world to be my sister. I don't understand, why should a daughter of a goddess was in need to grew up with a simple daughter of Middelei?"
Lalong natahimik si Pearl dahil sa katanungan ko.
"Bakit kailangang madamay ng isang simpleng Middelei? Sa aking pagkakaalala ay walang kahit isang Middelei ang naisulat sa kasaysayan ng mga bampira. They were always apart from the feud between the different creatures of the vampire world. Ang tanging tungkulin ng mga ito ay ang koneksyon ng mundo ng mga bampira sa mundo ng mga tao. Hindi ko mahanap ang koneksyon Pearl." Hindi ko gustong magtungo sa isang hinala.
"Hanggang dito lang ba ang ibinigay nila sa'yo, Naha?" mahinang tanong nito. Tumango ako. "Or you already have your conclusion."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ilang beses ko na itong pilit inaalis sa aking isipan, dahil hindi ko kayang tanggapin na ang dalawang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ay hindi ang tunay kong mga magulang.
They sacrificed their own lives to the two vampires, who were not truly their daughters.
Nang marinig ko ang paliwanag ng mga magulang ko at nang makapag-isip ako nang mabigyan ako ng pagkakataon, nabigyan ako ng ideya na hindi lamang si Pearl ang posibleng hinahabol ng mga bampira. Lalo na nang malaman kong may kwento akong, tanging ako lamang ang may kakayahang maglabas.
They maybe running for us, because Pearl is a goddess' daughter or because I have something that they needed to acquire.
So something right now is looking for that neglected story? Who?
"I hate the conclusion, Pearl." Tumulong muli ang aking luha.
"But you need to accept it, sister. We were not born to be a human or to live in their world." Kumirot ang dibdib ko.
Our memories in human world started to play inside my mind. When our only problem was just the school requirements, endless parties from different bars, crazy shopping, movies, make-ups, travels, human foods, flirting with different boys without fangs and last but not the least no vampire fucking language!
At walang bote ng langis! Bote ng alak! Alak!
Lahat ng gago sa mundo ng mga tao, walang utak. But here! Damn, gago nga si Evan, but he's damn wicked as fuck!
And another, walang pangil ang lahat ng gago sa mundo ng mga tao! But here! Evan got fangs!
Ilang beses kong tinapik ang aking pisngi, I shouldn't have think about Evan right now.
"We were both adopted, Naha." Pearl confirmed everything.
Ito man ang tumatakbo na sa isip ko, matapos kong makausap ang mga magulang namin ni Pearl, mahirap pa rin tanggapin.
I did hope that I was really born as Middelei, dahil walang komplikasyon, hindi kami madadamay sa magulong mundo ng mga bampira, pero ito at mukhang nagsisimula na ang lahat.
Tinanggal ko ang yakap ni Pearl sa akin, sa pagkakataong ito ay humarap ako sa kanya.
We're now crying.
"We made them suffer," I said shakily.
Pearl shook her head and gave me her tight embrace. Kaming dalawa ang dahilan kung bakit nasira ang tahimik na pamumuhay ng dalawang taong sinubukan kaming ilayo sa karahasan ng mundo ng mga bampira.
"Don't think like that Naha, habang nasa mundo tayo ng mga tao. Tumawa at naging masaya tayo kasama sila, until now they're still here protecting and guiding us. Yes, we were the reason that--" humagulhol nang pag-iyak si Pearl.
"B-But we made them happy, hindi nila gugustuhin isipin natin Naha na tanging paghihirap lang ang dinala natin sa kanila. They wouldn't sacrificed their lives if—" ako na ang nagpatuloy sa anumang sasabihin niya.
"They loved us—mahal na mahal, Pearl. That they did risk everything for us." My sister carefully brushed my tears.
"S-Sino ang totoo kong mga magulang Pearl? Who are they? What are they? Papaano ako napapunta sa pangangalaga ng mga magulang natin?" huminga nang malalim ang kapatid ko.
And when she was about to give me her words, the door flung open. Kapwa kami napatalon nang makilala ang lalaking pumasok.
"James!" Pearl uttered.
Pansin ko na hindi lang ito mag-isa. Some of them were vampires from the underworld!
Why are they here?
Hinanap agad ng aking mga kamay ang maliit na bote sa ibabaw ng lamesa at isinilid ito sa aking bulsa.
Tulad nang inaasahan, nagpakita sa aming harapan si Evan dala ang kanyang mga tauhan.
"A-Anong ginagawa n'yo dito?!" bumaba na sa aming kama si Pearl.
"Get them," malamig na sabi ni Evan.
"What the hell? Are you out of your mind, Gazellian?!" singhal ng kapatid ko.
"Magsusumbong kami sa nakatataas." Matigas na sabi ko.
"Who? Sinong nakatataas Naha? Ako ang nakatataas."
Sinubukan namin manlaban ng kapatid ko, pero higit na malakas ang apat na bampirang pinagtulung-tulungan kami.
Evan and James didn't look into our eyes as we struggled to fight against their pet vampires. Sa huli narinig kong nag-utos si Evan na kapwa kami patulungin para hindi na makapanlaban pa.
**
I expected the underworld when I woke up, and I was right. Dinala na kami dito ni Evan.
"Where's Pearl?" tanong ko sa lalaking naupo sa dulo ng kama.
Bumangon ako sa pamilyar na kama na madalas naming pagsaluhan ni Evan. Halos masuka ako nang biglang nagpakita sa aking isipan ang mukha ni Circa.
Nanatiling nakatalikod sa akin si Evan at hindi ito nagsasalita.
"I said, where is my sister?!"
Hindi ito sumagot sa akin, sa halip ay inangat nito ang kanyang kamay. At halos manlamig ang buo kong katawan nang makita ang hawak nito.
"I told you to drink this."
Parang biglang gustong humaba ng lahat ng kuko ko at kalmutin ang lahat ng balat ni Evan hanggang sa dumugo ang kanyang buong katawan.
"A-And what?! Para maitago mo ang panloloko mo sa akin!? P-Para hindi ako sumuka ng dugo sa tuwing ikakama mo ang kabit mong si Circa?!"
"So you knew.." napasinghap ako sa sinabi niya kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko.
Nangangatal akong bumaba sa kama habang kagat ang aking labi. No, ito na ang kinatatakutan ko.
He'll give me reason, pero hindi nito maitatanggi na—siya at si Circa ay kailangang—that they need to do it just like what happened years ago with the Queen Talisha, King Thaddeus and Danna!
"P-Pakawalan mo na ako Evan—if in the history of vampires, no mates had part ways because of their will—I think we could be the first. Hindi ako martyr Evan, kung anuman ang dahilan mo o ng kabit mong si Circa! Wala na akong pakialam! You can fuck with her forever! But you will never keep me again! Nasasaktan na ako Evan, ang sakit sakit na."
Ilang beses akong nadapa at halos hindi makatayo sa pagmamadaling umalis sa silid na inakala kong mapupuno lamang ng kasiyahan.
"N-Naha.."
"No! Huwag ka lalapit sa akin Evan! Please.." nanatili akong nakalugmok sa sahig.
Natigil ang yabag ng kanyang mga paa habang walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha.
"N-Naha, please stay—I could--" ramdam ko ang paghihirap niya sa pagsasalita.
Nang sandaling hawakan niya ang balikat ko, marahas akong napapitlag, pilit na gumapang hanggang sa makarating sa pintuan. Kusa akong sumandal dito at hinarap si Evan sa aking mga matang punong-puno ng luha.
"H-Huwag—huwag mo na akong hawakan pa. Y-Yes, I maybe an inborn vampire—but I grew up as a human—kung anuman ang rason mo kung bakit kailangan mo si Circa, I am already giving you the blessing. Leave me alone, Evan—isinusumpa kong sa sandaling naglapat ang inyong mga labi ni Circa, malaya ka na. I am not drinking that fucking liquid!"
Nanatiling nakatitig sa akin si Evan at hindi ko na mabasa ang kanyang ekspresyon.
Basta ako nito tinalikuran at narinig ko ang ilang beses niyang pagtawag sa kanyang mga tauhan.
"Prison her," nakatalikod na sabi nito.
"W-What?! You selfish bastard!" sigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas sa kanyang mga tauhan.
"No, I am just your selfish mate, Naha."
The vampires dragged me into the deepest part of the underworld. Sa pagbaba namin, sa pagliit ng liwanag ng maaari kong makita.
Wala na akong tigil sa pag-iyak habang tinatawag ang pangalan ng kapatid ko. She was right all along, siya lang dapat ang pinaniwalaan ko simula pa lamang.
"Y-You asshole! Ikukulong mo ako habang nagpapakasarap ka sa babae mo?! And then what? You will bed me? Because mate's fangs are better? Dahil mas masarap pa rin sa kama ang babaeng itinakda sa'yo?!"
Hindi na nagsasalita si Evan habang pilit akong nagwawala.
Ito mismo ang nagbukas ng aking kulungan, ipinasok ako dito ng mga tauhan niya at itinulak.
Nang sandaling masarado ng mga ito ang rehas, agad akong tumakbo dito at akma kong kakalmutin ang mukha ni Evan pero hindi ko ito naabot.
The Prince remained emotionless while looking at me. Inangat nito ang bote sa kanyang tagiliran.
"Shove it to her mouth."
Pinagtulungan ako ng tatlong bampira at pilit nilang ipinainom sa akin ang likido, pero agad ko itong ibinubuga sa kanilang harapan.
"WHAT the fuck are you doing with my sister?!" umalingawngaw ang malakas na boses ni Pearl.
Agad itong dumamba sa katawan ni Evan at pinaulanan ito nang sunod-sunod na suntok ng kapatid ko.
"Pearl!"
Naalarma ang mga bampirang nasa akin ang atensyon at nagmadali ang mga itong nagtungo kay Evan para tulungan ito mula sa aking kapatid. Sa huli, dumating rin si James at nailayo nila ang kapatid ko kay Evan na nagdurugo na ang labi.
Hindi ito lumaban sa kapatid ko.
"Fuck you! Huwag mo nang pahirapan si Naha!" Pearl shouted.
"But you broke your promise, Pearl. You fucking broke your promise." Matigas na sabi ni Evan.
What promise? Hindi makasulyap sa akin si Pearl.
"James, hindi mo siya binabantayan nang maayos. You three—prison her." Utos ni Evan sa mga bampirang pilit nagpainom sa akin.
"W-What?! No! Pakawalan nyo si Naha! You shouldn't let her suffer! You fucking selfish Gazellian!"
Tumaas ang kilay ni Evan.
"Gazellians are always selfish, hindi ko ba nasasabi? Leave us all."
Inilahad ni Evan ang kanyang kamay, agad itong nakuha ng kanyang tauhan at ibinigay sa kanya ang bote.
They dragged Pearl away from me as she continued shouting my name. Nanatili na akong nakatayo sa loob ng kulungan habang nagsisimulang pumasok si Evan.
He lighted the small torch inside the cell, threw the match on the ground and started open the bottle.
Ilang beses akong napaatras habanag nagsisimulang uminom sa bote si Evan. The atmosphere before was full of intense anger, pain and betrayal. That I wished I could hurt him the way he could hurt me as hell.
Pero habang nakukulong kami ni Evan, na tanging kami lamang, sa maliit at madilim na lugar, nagsisimula nang magtaksil ang buong sistema ko.
The vampire bond is the only thing that a vampire couldn't resist, even with our intense hatred. Unti-unti itong malulusaw na parang hindi ka man lang nakaramdam ng matinding galit.
Evan threw the bottle.
Within a swift second, I found myself pinned against the wall and his heated body. My ravaged mouth with his, as the liquid moved slowly inside my throat with the tears flowing from my eyes.
With his whisper inside my mind.
I'm sorry hon..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro