Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28


Claw


After that dream, I never tried confronting Pearl. Magdamag kaming hindi nag-usap at nirespeto niya ako.

It is really the words coming from the parents that someone would accept without any kind of doubt. Hindi man nila sinabi sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman, ang mga salitang iniwan nila ay sapat na para paniwalaan ko.

I would not run this time. 

Hindi ko man alam kung saan magsisimula tungkol sa kwentong sinasabi nilang may malaking parte ako, siguradong unti-unti ay magkakaroon ako ng ideya kung mananatili ako dito.

Who was the woman who gave me the glimpse of past?

What was the neglected history?

What was my part in that neglected history?

Why do I need to be linked with the goddess daughter?

Why did I turn into vampire? Was a Middelei part of the history?

This university started it all, and I think this is the only place that a word end should lies.

Inihilig ko ang katawan ko sa gawing kanan. I saw the familiar bottle on the bed side table. My heart quivered.

Hindi ko akalaing dalawang klase ng bote ang iikot sa pagmamahalan namin ni Evan. Bote ng langis at bote ng kanyang kataksilan. Hayop siya. Laklakin niya nang sabay, hayop talaga siya.

Huwag niya akong tatawaging hon bukas.

Uminit muli ang ulo ko, pero masasabi kong medyo kalmado na ako kumpara nang una kong makita ang bote ng kataksilan.

Hindi man lang ito dumalaw sa akin, dalawang uri na ng panaginip ang aking naranasan, ngunit ang lalaking inaasahan kong nasa tabi ko sa bawat pagmulat ng aking mga mata ay mukhang kinalimutan na ako.

I turned my back again, hugged my sister sleeping beside me, and whispered. "I'm sorry, I'll stay with you." She cried.

Wala man si Evan, alam kong hindi ako iiwan ng kapatid ko. I was with her when I entered this place, I promise to leave this place with her.

Until we both fell asleep with tears in our eyes.

**

Nakaangkla ang braso sa akin ni Pearl at nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ko habang naglalakad patungo sa aming klase. Sinabi nito na nais niya akong ihatid sa aking silid-aralan. Our usual sweet bonding and gestures to each other had returned.

Hindi kami sanay ni Pearl na nag-aaway o nagkakasakitan. Our few days ago broke our hearts. Hindi yata namin kaya ni Pearl patagalin ang galit sa isa't-isa.

We might have questions left to be answered, but I think we want it that way for a while. Hindi biglaan, hindi sabay-sabay.

We could always find a better timing to find the truth. Isa pa, masakit palang sumampal ang kapatid ko.

Alam kong nagtataka siya kung bakit bigla akong nagbago ng kilos, pero hindi na ito nagtangka pa magtanong.

She's already satisfied with the idea that I would stay inside the university, safe and unscratched. She's also careful with her words, hindi nito minsan binaggit ang pangalan ni Evan habang magkausap kami sa kwarto.

"Nasa kabilang silid lamang ako, Naha." Yumakap sa akin ang kapatid ko nang mahigpit. "I'm sorry."

"Sorry din," nang naghiwalay kami ng yakap eksaktong nasa pintuan si James.

Agad nagpaalam si Pearl at hindi man lang ito pinansin. Nagkibit-balikat ako.

Inaasahan ko nang mas mauuna sa akin si Evan, huminga ako nang malalim nang saglit na nagtama ang aming mga mata.

Sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Evan, gusto kong isaboy sa kanya ang laman ng boteng ibinigay niya sa akin.

It was not just him he who could turn our mindlink off. Hindi ko na binuksan pa ang komunikasyon namin simula nang magising ako at isalubong niya sa akin ang sinasabi niyang gamot.

I sat next to him, and it's very unusual for him not to be greeted by his own sweet and cheerful mate.

Alam kong pinakikiramdaman niya ako, hanggang sa hindi nakatiis ang gago.

"Still not feeling well?"

"Hindi mo ako makikita dito kung hanggang ngayon ay hindi pa rin maganda ang aking nararamdaman, mahal na prinsipe." Sagot ko na hindi man lang lumilingon sa kanya.

Sa ilang beses kong pagsubok ng pagiging malamig kay Evan noon, ni minsan ay hindi ako nagtagumpay. Pero ngayon, mukhang hindi man lang ako mahihirapan.

Walang marupok sa lalaking nangangabit.

"A-Are you still mad? I told you, I'll--" he was cut off when someone entered the room.

Most of the male vampire gasped with amazement when they witnessed the most talked professor. I felt like the barrier that been restraining everyone to feel any intense emotion was suddenly dispelled by her presence.

She's a beauty.

A beauty with eyes of an eagle, roaming around, searching for someone.

A beauty with eyes of possessiveness, stopped with my mate's position.

A beauty carrying the eyes of an enemy, she's looking at me.

Hindi ako nagpatinag, nakipagtitigan ako sa kanya.

If I was in my usual state, I probably measured the difference of our boobs.

"Hmm," I changed my mind.

Pumangalumbaba ako gamit ang likuran ng aking kanang kamay. My eyes moved slowly from her eyes, to her whole face and down to her controversial thing. My eyebrows arched.

"Hindi naman masyado," I whispered.

Buong akala ko ay mas malaki pa sa ulo ni Evan sa itaas ang dibdib niya, Pearl, you are a fake news.

Kaunti lang ang diperensiya sa akin. Nagsisi akong gumawa nang isang magandang pag-arte kasama ang aking kapatid nang matanggap ang balitang wala naman pa lang katotohanan.

I tore my eyes away from her. Uninterested.

"Do we have a problem, miss?" Shit!

Hindi ako kumibo, bigla akong kinabahan. Ako ba? Sinong miss ang kinakausap ng impaktang kabit nitong si Evan?

Magsisimula na ba?

I didn't move my head, like I was busy staring at the window. But in my peripheral view, most of the vampires were looking at me!

So she really wanted a show? Sa tingin niya ba ay hahayaan ko ang sarili kong matahimik sa kanya?

I am not the famous Shalani Nahara Carvajal for nothing.

I'm not dumb, I knew that she's already aware of my connection with Evan, kaya alam kong hindi man ako gumawa ng bagay na aagaw ng kanyang atensyon ay siguradong mapapansin niya pa rin ako.

Insecure.

I rolled my eyes.

I turned my gaze in the front. I crossed my arms and made a slow movement of my legs, making the every single vampire seated below witnessed how I seductively positioned myself.

"Yes Ma'am?" I answered her confidently.

"Naha," I heard Evan's voice with full of warning.

Pero hindi ako nagpapigil sa kanya, kung pag-iinitan ako ng kabit niya, magkainitan na kami.

Huwag niya akong asahan na magkukunwaring walang alam. I would definitely fight, maybe I cried but it was just once.

Kabit lang siya, legal ako. Si Evan? Gago siya. Gago!

Bago pa man ako lumabas ng kwarto namin ni Pearl, kinumbinsi ko na ang sarili kong huwag magpapaapi, iiyak o kung anuman na magmumukha akong natalo ng kabit.

Dibdib lang ang lamang niya sa akin.

"You looked like you want to claw my face. If you don't want to attend my class you are free to go." Lalong tumaas ang kilay ko.

Buti alam mo?

"Oh! Claw? I only clawed the back of my mate, Ma'am. Hindi ko pa nasusubukan o naiisip sa mukha. Kayo po? Baka sanay na kayong kumalmot sa likuran ng iba." Maanghang na sabi ko.

"Naha," mas madiing tawag sa akin ni Evan.

Kahit ilang beses akong tawagin n Evan, hinding-hindi ako magpapatalo sa babae niya.

The professor crossed her arms and gave me her wicked smile. Natulala na ang mga bampirang nagpapabalik-balik ang tingin sa amin ng professor.

"Too skilled that I clawed him thrice, but you've only clawed him once." Lahat naman ngayon ay nasa kanya ang tingin.

Ramdam ko ang lalong pagtindi ng pagkulo ng dugo ko.

"Yes, too skilled that you've been clawing numbers of back. What a dirty claw." Malutong na sabi ko.

Tipid akong ngumiti nang mapansin ko ang saglit na pagtalim ng mukha niya. She was insulted. Surely, I was right.

Hindi lang likuran ni Evan ang paulit-ulit niyang kinakalmot. Maraming lalaki, masyado na siyang maraming nabibilog sa dibdib niyang kaunti lamang ang diperensya sa akin.

"Too skilled that he couldn't resist my claws, forgetting someone with no sense at all." Fuck.

Gusto nang magningas ang mga mata ko at maglabasan ng mga pangil ko. Sugurin at pugutan ng ulo ang babae sa mismong harapan ni Evan.

Halos nakanganga na ang lahat ng mga bampira sa aming dalawa ng propesor, dahil sa walang tigil naming pagbabatuhan ng salita. Wala kahit isa sa amin ang gustong magpatalo.

Malaki lang ang dibdib niya.

"Too skilled that your claws turned damn rusty. Remember ma'am, overused and widened claws aren't good at all."

Her face turned crimson. I won.

Magsasalita pa sana ang professor, pero hindi na nakapagpigil si Evan sa batuhan ng aming mga salita at tumayo na ito sa harap ng klase, dahilan kung bakit sa kanya nalipat ang atensyon ng lahat.

And just like what he used to do to slap his greatness and intelligence. His voice with formality and confidence hovered in the four corners of the room.

"Ladies and gentlemen, Professor Circa and Miss Nahara, with our today's topic. The poem entitled, The Claw."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro