Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

A/N I don't know what to say anymore as I read your comments. Nakaka-overwhelm, dahil halos lahat affected, with your different opinions and theories. Thank you! During HHV era (Gazellian Series 1) sa isang update mga 20 comments lang ang nababasa ko at masaya na ako dito. But now, halos hindi ko na mabasa. And! most of your comments have sense at may pinaglalaban. So much joy!

I've been receiving request about the story of King Thaddeus, Talisha and Danna. Yes, just like you I am also eager to reveal their story. But I still have my series to fulfill (the sons and daughter). So until the very last GS, you'll only have the beliefs of the other characters about their story. Not the whole story.

Happy reading!

Btw, the whole vampire story. Setting, beliefs, traditions, curses and of course the history were all based from my imagination. Thank you!


Chapter 27

Another story

Nanghina ako sa narinig mula kay Pearl. Nangatal ang mga tuhod, hanggang sa tuluyan na itong bumigay at mapasalampak sa sahig.

But this time, no tears had fell.

Hindi ako nagsalita, nagtanong at nagpatuloy sa pakikipagtalo sa kanya. I suddenly felt numb. I don't know what to react anymore.

Hindi ko na alam.

Ngunit hindi rin nagtagal ay narinig ko ang singhap niya dahil sa pagkagulat.

"Oh! N-Naha, I'm sorry." She said with her trembling voice.

Mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng kapatid ko. Hindi ako gumanti ng yakap pero tahimik kong dinama ang init ng paghingi niya ng tawad.

We stayed like that for almost an hour, because I finally said my few words.

"I need to be alone, please. I won't run." Pearl nodded while wiping her tears. She gave me a kiss on my forehead, before leaving me alone.

I lied down on the floor and let myself stared at the ceiling with my blank mind, thinking nothing.

Sleep. I need to sleep.

Silently wishing to not open my eyes again.

**

I wasn't surprised to find myself in a different dream. But I was hoping-- that this one was not part of the past.

Or anything about the Gazellian or my sister.

Barefooted, I continued walking my trail on endless sands of path. I suddenly wished to stay in this place forever, dahil sumagi man ang pangalang Gazellian sa aking isipan ay hindi bumigat ang dibdib ko gaya ng nararamdaman ko sa labas ng panaginip na ito.

I wonder where was this place?

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad kahit alam kong wala itong patutunguhan. There's always an end in every rode, no matter how long the journey, no matter how tough the hindrance.

Unti-unting nagliwanag ang aking mukha at nakaramdam nang matinding pangungulila nang makita ang dalawang taong hinihiling kung muling makasama.

"Papa! Ma!"

They were both seated near the huge rock and dressed with usual human clothes.

Nang lumingon ang aking mga magulang ay mainit na ngiti ang isinalubong nila sa akin. I ran as fast as I could to reach them. Kapwa nila ibinuka ang kanilang mga braso para sa akin.

Until I threw myself into my mother's embraces. Ramdam kong yumakap rin sa amin si Papa.

"M-Mama.. Papa.."

"Shalani.." they called my name.

My name in their voice, oh god, please don't make this beautiful dream stop. Let me live with this dream forever.

Hindi ako kumakalas ng yakap sa takot na baka bigla na lamang mawala ang mga magulang ko.

"Shalani.." mariing akong umiling at mas humigpit ang yakap ko kay mama.

"Please, isama nyo na po. Let me be with you. Dito na lang po ako."

"Shalani.."

Hinawakan ni Mama ang balikat ko at ito mismo ang nagkalas ng yakap ko sa kanya. Both of them smiled at me, as they wipe the tears on my cheeks.

"Kamusta ang maganda kong anak?" I bit my lower lip when my father asked me.

"I—" sinubukan kong magsalita at sabihin sa kanila ang lahat pero ito at tumikom ang bibig ko.

Hindi ko na alam kung paano ako magsisimulang magkwento sa kanila. Should I start it when I turned into vampire?

Or—should I ask them first?

Ang mga salita ng magulang, panaginip man o hindi ang bagay na walang kasinungalingan.

"I'm confused, Mama, Papa. I thought I was a Middelei? Kayo mismo ang nagsabi sa akin na ang katulad kong anak ng mga Middelei, ay kailanman ay hindi magiging bampira, kahit sinong bampira pa ang kumagat sa akin."

"But the very moment we entered the vampire world, being chased by those vampires who killed you—everything seemed uneven. Contradicting and unbelievable."

Nanatiling nakatitig sa akin ang mga magulang ko. "I had a fight with Pearl, at nagkasakitan kami."

I thought the place was peaceful enough that could ease my pain, but I was wrong. Dahil ngayong nagsisimula na akong maglabas ng lahat ng sama ng loob, katanungan at pagkalito sa harap ng mga magulang ko, nararamdaman ko na naman ang kirot sa puso ko.

"May hindi siya sinasabi sa akin, may hindi kayo sinabi sa akin Mama, Papa."

Why everyone wanted to keep secrets? Bakit halos lahat sila ay nais ipagkait sa akin ang dapat kong malaman?

"But do you want to hear—the vampire history?"

"I am a human, bakit kailangan kong malaman ang nakaraan ng mga bampira?"

Marahang hinaplos ni Papa ang aking pisngi.

"Dahil dito nagsimula ang lahat Shalani.." bumuntong hininga ako bago ako sumandal sa aking ina.

Hinayaan ko na lamang damhin ang mainit na katawan ng aking mga magulang, kasabay nang pakikinig sa nakaraang hindi ko na nais pang malaman.

Sinimulan ng aking ina ang kwento ng nakaraan.

"Nagsimula ang lahat sa isang tahimik at payapang mundo, na tinatawag nila sa pangalang Nemitio Spiran, na kasalukuyang panahon ay tinatawag na lamang na mundo ng mga bampira, sa kabila ng kaalamang, hindi lamang mga bampira ang naninirahan dito."

This world should be called as Nemitio Spiran.

"Nemetio Spiran was once united, the empires were all living in fair. Walang mas nakakaangat at walang mas nakakababa. Walang digmaan at kompetisyon. The vampire world was once a paradise, ruled by a very powerful goddess with a great heart and beauty."

A goddess?

"To justify the fairness, the goddess made the symbolic seven high thrones. Para sa bawat nilalang na nabubuhay sa Spiran, nagtalaga ng pinakamalalakas na nilalang na siyang uupo sa katungkulan para mamuno sa sarili nitong mga kauri. The goddess selected the most powerful vampire, werewolves, mermaid, fairies, demons, angels and a priestess."

I've read few information about this story, but not as detailed as my mother's story.

"The unity and peace lingered in Nemitio Spiran for long years. The goddess was an effective ruler, and she's been adored by different creatures. But not until she fell in love."

"Love?" I said bitterly.

"The goddess fell in love with the demon. The demon who was seated on one of the seven thrones. And yes, the complication of Nemitio Spiran ignited because of love."

"Why always love, mother? Bakit kailangang laging may kasamang komplikasyon ang pagmamahal sa mundong ito?" hinaplos lamang ni Mama ang pisngi ko.

"Hindi lingid sa kaalaman ng mga nakaupo sa trono ang maaaring mangyari sa sandaling tuluyan nang magsama ang dyosa at ang demonyo. Dahil ang kung sinumang lalaki ang makakuha ng pagkabirhen ng isang diyosa ay mabibigyan ng angking lakas na higit pa sa lahat ng nilalang na naninirahan sa Spiran."

Huminga ako nang malalim, alam ko ang parteng ito.

"Unti-unti nang umusbong ang mga katangiang matagal nang kinikimkim ng mga nakaupo sa trono, partikular na ang inggit at kasakiman."

"The vampire.." matabang na sabi ko.

"The evil vampire in the history made his plan even if it caused him to hurt his own mate."

"The female wolf.." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"The evil vampire deceived all the remaining thrones to be on his path. Pinaulanan niya ng kasinungalingan ang mga ito, sa tulong ng babaeng lobo na handang gawin ang lahat para sa kanya. They convinced them to ambush the place—" kumuyom ang aking mga kamay.

"Ang mismong nilalang na nakaupo sa anim na trono ang nagtulong-tulong para gumawa ng masama laban sa dyosa at sa demonyong nagmamahalan. Tragically, the evil vampire fulfilled his plan—he forced himself to the goddess, get the demon killed and brushed his own mate away for power." I cried.

"Ngunit sa kabila nang pag-aagaw buhay ng lobo, ginawa niya ang lahat ng alam niyang tama para lamang maitama ang kanyang pagkakamali. Itinakas niya ang dyosa mula sa bampira. She ran, walang katapusang pagtakbo habang buhat ang nanghihinang dyosa, sa kanyang katawan at pusong nagdurugo." Halos hindi na ako makahinga sa mga naririnig ko.

"Pero alam ng lobo na hindi na rin siya magtatagal dahil sa pinaghalong sakit mula sa pisikal hanggang sa kanyang emosyon. But before she died, the goddess gave her a chance to wish—at ang nag-iisang hiniling ng babaeng lobo—ay ang kahilingang kailanman ay wala nang lobo ang magmamahal sa isang bampira para wala nang lobo ang makaranas ng sakit na naranasan niya. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng matinding lamat sa pagitan ng dalawang lahi." Hindi na ako makapagsalita.

"Ngunit sa paglipas ng panahon, may mga lobo at bampira pa rin nahuhulog sa isa't-isa at dalawang pares ang hindi napigilan ng dalawang lahi. Dahilan kung bakit dalawang imperyo ang naglaho. Dahil sa tuwing may lobo at bampirang nagsama—isang malaking imperyo ang kusang maglalaho na parang isang bula, na siyang kaakibat ng basbas na ibinigay ng dyosa."

"Ibig sabihin, hindi lang Parsua, Halla, Loddoss, Interalias at Mudelior ang mga imperyo sa mundong ito?" sabay tumango ang mga magulang ko.

"Ngunit naputol ang basbas ng dyosa dahil sa isang babaeng Gazellian at ang minahal nitong lobo, na pilit ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan."

"Gazellian.." tipid na sabi ko. "Ngunit ano ang nangyari sa dyosa?"

"Nakatakas ngunit nagbunga ang pananamantala ng bampira sa kanya." Sa pagkakataong ito ay si Papa naman ang nagtuloy ng kwento.

"Buong akala nito ay nakahanap na siya ng makakatulong sa kanya, isang pamilya na kanyang pinakatiwalaan. Pero nalaman nitong handa na ang pamilyang itong ibigay siya sa masamang bampirang naghahanap sa kanya, para lamang sa malaking halaga. Dahilan kung bakit siya tumakbo sa kabila ng kanyang kalagayan." Nangatal ang buo kong katawan at pumasok sa isip ko ang kapatid kong si Pearl.

"She was pregnant, at malapit na siyang manganak. But there were vampires chasing her, buong akala ng dyosa ay katapusan niya na at ang nasa sinapupunan niya. But the young King and his first love that had been travelling in time saved them."

The fury, tears and hatred coming from Pearl's eyes flickered inside my mind.

"The king fought for them and his first love saved the goddess and her twin. Yes, one of them is your sister Naha. She is not a royalty like what we've told you, but a goddess' daughter who was thread with tragedy."

Now I could understand Pearl's pain when I burst my hatred towards King Thaddeus and Danna.

"They sent your sister in the human world for another purpose, Naha."

"What purpose?" naguguluhang tanong ko.

"To be your sister—"

"W-What?" kunot noong tanong ko.

Bakit ako kailangang maging kapatid ni Pearl? Bakit kailangan magkaroon kami ng koneksyon?

Muli akong niyakap ni Mama at ramdam ko ang halik nito sa ibabaw ng aking ulo. Nagsisimula na akong matakot sa mga susunod ko pang maririnig.

Why I have this feeling na hindi ko na kakayanin pa ang maririnig ko?

"I told you this story Naha, not because I want you to sympathize the late king and his first love. Pero ipinapaalala ko sa'yo anak na lahat tayo ay may kanya-kanyang narinig, nabasa o nasaksihan—ngunit iba pa rin ang kwento at katotohanan mula sa labi ng mga nilalang na siyang mismong nasa loob ng kwento." Marahang hinawi ni Mama ang aking buhok.

"Your ears heard the story of the history—the perception of all, the one written in the book, the one that gathered witness, the one that told clues and remains as the years passed by--"

Ngayon naman ay kamay ni Papa ang humaplos sa aking pisngi.

"Ngunit may pa isa pang kwento na hanggang ngayon ay nanatiling nakatago. Kwentong hindi na nais malaman ng lahat."

"Untold story.." bulong ko.

Sabay umiling ang mga magulang ko.

"The neglected story.." mahinang sabi ni Mama.

"At tanging ikaw lamang ang Naha ang may kakayahang ilabas ang kwentong ito."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kasabay nang pagtataas ng balahibo ko sa aking katawan.

"P-Paanong ako ang maglalabas ng kwentong ito? H-Hindi ako bampira—wala akong nalalaman sa lahat ng ito, isa lamang akong hamak na tao na napadpad sa magulong mundong ito na maging sa kasalukuyan ay hinahabol ng komplikasyon ng nakaraan."

Sabay ngumiti sa akin ang aking mga magulang. Agad akong naalarma nang tumayo na ang mga ito.

Sinubukan kong tumayo pero hindi na ako makagalaw!

"No! Please, don't leave me here."

"You are part of the neglected history, and let them hear your story."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro