Chapter 25
Chapter 25
Pretense & rebellion
I grabbed the bottle with my raging eyes of fire, and when I was about to throw it, my hand stopped in the mid-way shaking helplessly as my tears started to flow like a river.
And for the nth time, I cried with so much pain. Nabitawan ko ang bote at bumagsak ito sa kama.
Both of my hands were covering my face as I sobbed endlessly. Hindi pa man ginagawa sa akin, higit ko nang nararamdaman ang pagdurusa ng reyna na nagbabadyang gawin sa akin ng kanyang anak.
I've been good to him, tinanggap ko si Evan sa kabila ng mga bagay na hindi niya nais sabihin sa akin pero bakit ganito ang igaganti niya sa akin?
Who's the woman? Sino ang babaeng kasalo niya sa kanyang magiging kataksilan? Ang propesor ba? Kailangang-kailan na ba talaga na nais pa ako nitong paniwalain na isa itong klase ng gamot?
A-Anong dahilan? M-May kulang ba sa akin? Is it because I was once a human? H-Hindi pa ba sapat Evan?
Nangangatal kong niyakap ang sarili ko.
"N-Naha, what's wrong?" I heard my sister's trembling voice.
Ang kapatid ko, higit kanino o higit man kay Evan ang unang makakakilala kung gaano kasakit ang nararamdaman ko sa paraan ng aking pag-iyak.
My tears were true, product of pain and breaking heart.
"B-Bakit siya naghahanap ng iba? H-He's like his father—Pearl, katulad siya ng ama niya." Maging ang sarili kong boses ay hindi ko na makilala.
Muling yumakap sa akin si Pearl at agad akong gumanti sa kanya. My shoulders continued shaking as my cries turned louder and heavier.
"I had a dream, Pearl. I saw Evan's mother, the king and his first love." Nalilitong humiwalay sa akin ang kapatid ko.
"Why would you dream about them?" I saw uneasiness from her eyes.
"I don't know, but I've witnessed the Queen's pain Pearl. She knew from the very beginning! At hinayaan niyang tumalikod sa kanya ang hari habang itinatago ang kanyang mga luha."
Hindi ko alam kung bakit ipinakita sa akin ang nakaraan ng hari at reyna, pero isa lamang ang natitiyak ko. Nais akong balaan sa posibleng mangyari.
And the woman? Ang babaeng nakita ko na siyang pumipigil sa aking paniwalaan si Evan, ano ang malaking koneksyon niya sa lahat ng ito?
Who was she? She warned me, siya ang posibleng nagpakita sa akin sa nakaraan.
"I don't understand you, Naha. What are you talking about?" marahas kong hinawakan ang mga kamay ng kapatid ko sa kabila nang pangangatal ng aking buong katawan.
"The King offered a fucking farce champagne to the Queen, ngunit hindi niya nainom dahil nabasag ito. Ang likidong dapat iinumin ng reyna ay may kakayahang pigilan ang kahit anong klase ng reaksyong maaari mong maranasan kung ang bampirang itinakda sa'yo ay—" pumiyok na ang aking boses.
I couldn't imagine myself spilling my own blood from my mouth while Evan is—"Fucking stop! Stop! Stop!" ilang beses kong hinampas ang noo ko para patigilin ang sarili ko sa pag-iisip.
But I couldn't stop my damn mind! The picture of the Queen with her own blood on mouth looking helplessly, as the king and his woman fucked and sucked each other's blood naked on bed.
May parte sa sarili kong humihiling na sana ay hindi ko na lamang nakita ang nakaraan, pero may parte rin akong nagpapasalamat dahil binigyan ako ng kaalamang ang lalaking minamahal ko ay handa akong linlangin.
"Ahh!" I shouted because of frustration.
"Stop! Please, make this stop! Stop this Pearl!" I tried hitting my head hard like it would do better to erase the painful past that keeps playing inside my mind.
"Naha! You're hurting yourself! Ano ba ang nangyayari sa'yo? Calm down!" pilit akong pinigilan ni Pearl na saktan ang sarili ko.
"T-The Queen suffered a whole night bleeding with her heart, with the idea of her own mate was quenching his hunger with another woman." Suminghap si Pearl sa sinabi ko. "He's like his father— " I bit my lower lip.
Nang sandaling nagtamang muli ang aking mga mata sa maliit na bote, lalong nagwala ang sistema ko.
"No! Ilayo mo sa akin 'yan Pearl!" I jumped off my bed.
At nagtagpuan ko na lamang ang sarili kong nakaupo na sa sulok ng aming silid habang nakayakap sa aking mga binti at pilit itinatago ang aking mukha sa aking tuhod.
"G-Gagawin rin niya sa akin, Pearl--"
"Gagawin rin sa akin ni Evan— he's trying to fool me like his father."
"Gagawin niya rin sa akin. N-Nakita ko, I've been there, I saw her pain, I experienced her pain, iniisip ko pa lamang na sa akin mismo mangyayari. Mababaliw ako. How c-could he? Sobrang sakit na ngayong nagsisimula siya, p-paano kung--"
"Naha.."
Nanatiling nakatayo sa aking harapan ang kapatid ko. "Ayoko na, nasasaktan na talaga ako Pearl. Mas sasaktan niya ako dito—umuwi na tayo sa mundo ng mga tao. Ayoko na dito—this place is fool of lies."
Marahas akong yumakap sa binti ng kapatid ko at nag-angat ako ng tingin sa kanya na may mga matang nagmamakaawa.
"Umuwi na tayo, Pearl. Tayo na—umuwi na tayo. B-Baka kung sakaling nasa mundo tayo ng mga tao, wala akong maramdaman, baka makalimutan ko siya, baka mawala na sa alaala ko ang mundong ito." I said with desperation.
Nanatiling nakatitig sa akin ang kapatid ko. Her eyes were full of different emotions, from confusion, pain, pity, hesitation and sadness.
"Ibalik mo na ako sa mundo ng mga tao, Pearl. Vampires can still live there, right? I was once a human. I want to come back, sa mundong hindi ako kayang saktan ng ganito. Sa mundong mas nararapat ako. Please, please Pearl." I buried myself on her thin white gown.
I was just an ordinary human girl before, hindi ko kaya ang ganito kabigat na sitwasyon. Hindi ako marunong magdala ng emosyon.
"Please, please Pearl. Ate..ayoko na dito. Ayoko na ate, you should have let me die from the very beginning. S-Sana, hindi ako nakakaranas ng ganito. I regret being a vampire, hindi ako para sa mundong ito. I can't take this pain." Pakinig ko ang pagpipilit ni Pearl na hindi lumuha kasabay ko.
That bottle and the past I've seen was enough. I don't need to ask his damn explanation! Why? Evan knew that he's damn wiser than everyone else that he even thought that could easily deceive his own mate!
He will definitely feed me with lies like his damn father!
"Ate, ayoko na—" tuluyan nang pumiyok ang boses ko.
"We can't Naha, I'm sorry. Why not try to talk with him?" mahinang sabi nito. Pakiramdam ko ay binuhusan ako nang tubig na punong-puno ng yelo sa narinig ko.
"S-Sa'yo pa nanggaling ang salitang 'yan! You from all the people told me to move away from Evan! Hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi ko? I've seen everything Pearl!" nag-iwas ang mga mata ng kapatid ko mula sa akin.
"Hindi tayo aalis ng unibersidad. Yes, I warned you about Evan. Nakinig ka ba sa akin Naha? Minsan ba nakinig ka sa akin?"
"Yes! It was my fault! Oo, inaamin ko naman! Dapat nakinig ako sa'yo! Dapat hindi na lang ako lumapit sa kanya. But the damage has been done, Pearl. I want to go, samahan mo ako. Bumalik na tayo. Human world is our peace, hindi tayo nakakaranas ng ganito sa mundo ng mga tao."
"Mas mapapahamak ang buhay mo kapag bumalik ka sa mundo ng mga tao. We're still being hunted." Naupo na si Pearl para magtama ang aming mga mata.
"By whom? Sino ang mga bampirang ito? A-ano ba talaga ang kailangan nila sa atin? We can't forever hide inside inside this university!"
"H-Hindi ko kilala Naha, wala akong ideya. I'm sorry, we can't go outside. This is the safest place for us." Marahas akong umiling sa kanya.
"Safest place! This place was never been safe for me! Nahulog ako sa bampirang kayang pumutol ng matinding tradisyon para sa ambisyon! Evan Lancelot Gazellian is hiding a damn battalion underground to crash this university!" umawang ang bibig ng kapatid ko.
Now, I realized everything. Masyado akong nagpabulag sa pagmamahal ko kay Evan na hindi ko na naisip ang katwiran niya sa lahat ng kanyang pinaglalaban.
"Behind his wise, perfect and prince image is a dark lord sitting on his throne-- Nagmahal ako sa maling lalaki, he could do everything for his goal even if it means to sacrifice our love— kailangan niya ang propesor sa kanyang ambisyon, na handa niya akong iisantabi at linlangin. I am nothing but a fucking instrument."
"H-How did you know everything about this—surely, he wouldn't give you anything about this—" hindi ko na pinatapos pa ang kapatid ko.
"Ha! I am not dumb, Pearl! Do you think I don't really read? I've been pretending! I knew everything!"
"Pretending?"
"Para kay Evan! Tang-ina! Para kay Evan lahat Pearl, I am his mate and I am willing to do everything for him. I was trying to act fool about his dark business—when he's away I read—I damn read everything. My mate is going to raise rebellion in the whole vampire world! Para lamang mailuklok sa trono ang kanyang kapatid. He's desperate."
"W-What are you talking about—he's a Gazellian. The King wouldn't approve that kind of—"
"I thought I was an exception, na hindi niya ako kayang isakripisyo para sa misyon niyang ito. Pero hindi, kaya niya akong isakripisyo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro