
Chapter 19
Chapter 19
I can't help but to laugh when I heard his words. Evan Lancelot Gazellian, the fifth Prince of Parsua Sartias was afraid of his brother. Well, he was the king afterall.
Nakakatakot ba talaga si Haring Dastan?
"What's funny? Dastan will kill me." Lumapit sa akin si Evan habang wala akong tigil sa pagtawa.
"Let me check," mabilis akong nabuhat ni Evan at natagpuan ko ang sarili ko sa ibabaw ng lamesa.
Evan sat on my chair and he positioned his right ear on my tummy.
"Evan, hindi pa naman sisipa ang bata. I just have my morning sickness." I lied. Ilang beses pa akong nagkunwaring masusuka.
"Hon—wait, nasusuka ako." Hinawakan muli ni Evan ang bewang ko at inalalayan niya akong makababa sa lamesa.
Hindi ito nagsasalita, sinamahan pa ako nitong magtungo sa banyo dahil sa pag-arte ko sa pagsuka.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng banyo ay nawala ang pag-alalay nito sa akin.
"Seriously? Naha, stop fooling me around. Walang morning sickness ang mga bampira. Even bitten vampire girls." Tumigil ako sa pag-arte.
I turned to him and I gave him an awkward smile. Kunot na kunot na ang noo ni Evan sa akin.
"I just missed you, hindi ba pwedeng maglambing?" yumakap na ako sa kanya.
Hindi gumanti ng yakap sa akin si Evan at hinayaan niya lamang akong sumabit sa leeg niya. He even rolled his eyes!
"Human girls and their lies." Bulong nito.
"Bakit hindi ba nagsisinungaling ang mga babae dito sa mundo ng mga bampira?" nagkibit balikat ito.
I pouted while looking at him.
"Hon.." tawag ko sa kanya.
"Hon, ayoko nang pumasok. Kahit doon na lang ako sa underworld, hihintayin na lang kita doon. I don't need deep knowledge about vampires, basic is enough for me."
"No,"
"Hon.."
"Naha, no. Kahit ang 'yong paraan ng pagsasalita ay hindi nagbabago. I told you to talk like a vampire."
"Hon, sige na. Do something, I don't want to study. Paliligayahin naman kita sa pagtatapos ng 'yong klase, just do something about my dramatic exit in this hell of classes."
"No,"
"Please Evan, mababaliw na ako sa nakaraan nyong mga bampira! Yes, there were wars and all just like in human world, pero ang hirap pa rin intindihin Evan."
"Because you're not listening! Saan ba naglalakbay ang isip mo sa tuwing may klase?"
"Your fangs?" marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Wanna bite some, my lord?" marahan kong hinawi ang damit ko.
"No, maraming dugo ang nakuha ko sa'yo kagabi." Nagsimula nang maglakad si Evan.
Sa pagkakataong ito hindi niya ako hinawakan pero ako mismo ang sumabit sa katawan niya hanggang sa makabalik kami sa lamesang pinaggalingan namin.
Sa halip na sa akin siya uminom ay ginamit nito ang kopita na siyang hawak ko kanina at dito siya kumuha ng dugo.
"I'm good in applying the oil, right?" ngising tanong ko kay Evan.
"Yes,"
Kanina pa akong naiinis sa paraan ng pagsagot niya.
"In human world, couples use rubber. Isinusuot 'yon pero may posibilidad na mabutas."
"Condom," sagot ni Evan.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"You're aware of that?"
"Of course, I've been in human world. Ako si Caleb, Finn at Evan, madalas kaming magkakasama. We've been in bars too." Bigla akong natahimik sa sinabi ni Evan.
He's aware! He's aware of condoms and it means that I wasn't the first human girl on his fangs.
"I see," sa pagkakataong ito ay si Evan naman ang napatitig sa akin nang matagal. Probably he noticed my short answer.
Ilang minuto lang siyang nakatitig sa akin hanggang sa maalala na niya kung anong mga sinabi niya.
"I didn't use condoms!"
"Why are you so defensive, Evan? Tinanong ko ba?"
"Because you're looking at me that way."
"Hindi nga ba? I'm all aware of the bar, Evan. Plus—god, you're fucking hot. Girls would probably offer their legs wide open, then—" ilang beses kong tinapik ang pisngi ko sa dahil sa iniisip ko.
I can't imagine my hon, Evan kissing another human girl.
"Evan, bukas na lang tayo mag-usap. I'm sorry for the fake letter. Hindi ko na uulitin." Nagmadali akong gumawa ng distansya sa kanya.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko, nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. I knew that it was just from the past, but thinking that someone had him first? Isang tao? May unang pinaligaya si Evan sa kama! And it was a human girl! Girls!
"Oh shit, that was just from the past Naha." Sinundan ako ni Evan habang nagbubukas na ako ng pintuan.
Pinigilan ako ni Evan at hinawakan niya ang kamay ko.
"Hon, that was from the past."
"Alam ko! Alam ko! Pero nagseselos ako! Anong magagawa ko!? Nagseselos ako!" Buong akala ko ay masaya na kami.
Nagsisisi akong isinama ang salitang condom sa usapan!
"Nag-rocking chair din ba kayo ng mga babaeng tao?! Hon rin ba ang tawag mo sa kanila?! Were you sweet with them?" umawang ang bibig ni Evan sa tanong ko.
"Naha, it was just casual sex. Nothing more. But yours were making love. Please don't compare yours from my pasts." Yayakap sana sa akin si Evan pero umilag ako at umirap sa kanya.
"Hindi ka man lang naghintay? Hindi talaga marunong maghintay? Bakit hindi mo na lang ako hinanap?! Bakit tumikim ka nang ibang putahe Evan! Gosh!" ngumiwi si Evan sa sinabi ko.
"Your language, Naha." Lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi nito.
"Fine, fine! Mahal na prinsipe, hindi ba maaaring ako ay 'yong hintayin? Bakit hinayaan mo ang 'yong kapusukang sumamba ng babaeng hindi nakatakda sa 'yong mga labi at pangil?" Evan bit his lower lip. Natatawa ito sa akin.
"Hayop ka Evan."
"I didn't worship them, it was just you. Let's stop fighting, that was just the past. Hindi rin kita maaaring hanapin ng mga panahong 'yon. You're probably younger or maybe still a kid back then?" Sinalag ko ang kamay niya na nagtakang humawak sa akin.
"Lumabas ka na, bukas na tayo mag-usap. Papasok na ako."
"Alright," tipid na sagot nito na parang wala na siyang balak aluin ako. Bumigat lalo ang dibdib ko, kaya hindi pa man siya tapos magsalita ay padabog ko nang isinarado ang pintuan.
I buried myself on my pillows and I waited for my sister to come. I was crying like crazy when I heard the door opened.
"Filing a divorce again?"
"Yes," bumango ako at sinalubong ko ang mata ni Pearl.
"Ano na naman ang pinagtalunan nyo ni Evan?"
"Nambababae pala siya sa mundo ng mga tao."
"Ngayon?"
"Dati,"
"So? What's wrong? Hindi pa naman kayo magkakilala noon. No cheating at all."
"No! There was a cheating! Vampires were all aware of mates why can't they wait? Tumikim ng ibang babaeng tao si Evan, Pearl. May mga babaeng tao na mas nauna sa akin kay Evan. I just can't accept it, kahit isipin na nakaraan na ito."
"He's still a man with needs, Naha. Of course, mas malakas ang uhaw nila habang wala pa ang babaeng nakatakda sa kanila. They're searching for the enough quench, hindi na bago sa mundo ng mga bampira ang mga lalaking tumitikim muna habang wala pa ang babaeng hinihintay nila." Mahabang paliwanag ni Pearl na hindi ko gustong tanggapin.
"Bakit parang kinakampihan mo na si Evan ngayon, Pearl?"
"Wala akong kinakampihan, sinasagot ko lamang ang tanong mo. Ang laki ng problema mo." Umirap ako sa sinabi ni Pearl.
"By the way, are you alright? Nakakapaglakad ka na ba nang maayos?"
"Yes,"
"Good, uminom ka na ng dugo?" tumango ako.
Habang nagbibihis si Pearl, biglang pumasok sa alaala ko ang tanong sa akin ni Evan.
"Pearl, may nalaman ka na ba tungkol sa mga bampirang humahabol sa atin noon?" natigil sa pagbibihis si Pearl at lumingon sa akin.
"Wala pa, why?"
"Evan asked me the same question." Ilang beses tumango sa akin si Pearl. "Why was he interested?"
"He told me that he wanted to know everything about me." Muling tumango sa akin si Pearl.
"Napaisip na rin ako Pearl, what was the reason why our parents were killed? Posible kaya na nagkaroon sila ng problema sa Middel?"
"Siguro? Hindi naman sila nagku-kwento sa atin noon." Tumabi na sa akin si Pearl.
"But are you still planning to find the reason, Pearl? Hindi ba at karapatan natin?"
"Of course, pero magkakaroon lamang tayo ng pagkakataong hanapin ang kasagutan kung makakalabas tayo sa unibersidad na ito. Kaya habang nandito tayo, mas mabuting mas bigyan natin ng pansin ang pag-aaral. Especially you, you need to build a good foundation of vampire knowledge. Mas mahirap mabuhay sa labas ng unibersidad na ito Naha."
"But Evan told me that he'll bring me to his empire. Of course, I won't leave you, isasama rin kita."
"And I'll be your baggage?"
"No! You are my sister, hindi kita iiwan dito Pearl. O hindi ako papayag na mahihiwalay sa'yo. Evan will understand, papayag siya. He knew the value of siblings." Hindi sumagot si Pearl sa akin ng ilang segundo.
"You should start using vampire language, Naha. Evan is a royalty, you should blend properly with Gazellians." Ngumuso ako sa sinabi ni Pearl.
"Ilang beses na rin 'yang sinabi sa akin ni Evan. Vampire words are too formal, pakiramdam ko ay bumabagal rin ako sa pagsasalita."
"Train yourself, Naha."
"Yes, okay!" iritadong sabi ko.
"Naha," malamig na banggit ni Pearl ng pangalan ko.
"I mean—oo, susubukan kong sanayin ang aking sariling magsalita bilang isang ganap na bampira." Ngumiwi ako.
Umirap sa akin si Pearl, umirap rin ako sa kanya hanggang sa magtawanan kami.
**
Hindi ako maagang pumasok, bukod sa tinatamad talaga ako. Gusto ko talagang panindigan ang hindi pagpansin kay Evan, kahit isang araw lang.
Matitiis ko naman siguro.
"Carvajal, you're late."
"Paumanhin propesor," bahagya kong ibinaba ang ulo ko bilang paggalang. Nagmadali na akong nagtungo sa aking upuan habang ramdam ko ang habol na titig sa akin ni Evan.
I sat near him without having an eye contact with him. Dalawang magkasunod na klase na hindi ako lumilingon sa kanya, gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil kaya ko naman pala.
Pero sa pangatlong klase namin, hindi na nakapagpigil si Evan. I got a small piece of paper with his note.
"Hon.."
Pinilit kong hindi gumawa ng reaksyon at tinabig ko lang ang papel.
"Naha.." rinig kong bumulong na siya. Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa matapos ang ikaapat na klase.
Ramdam kong hindi na mapakali si Evan, nakailang beses na siyang bumulong ng pangalan ko pero wala siyang nakukuhang sagot.
Nasundan pa ang mga klase namin at malalakas na ang pagbuklat ni Evan sa kanyang mga aklat. Mainit na ang ulo nito.
When the bell rang for the end of the class, I hurried myself to pack my things. Halos tumakbo na ako para iwan si Evan, pero nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagbaba sa hagdan ng aming silid aralan nang marinig ko ang malakas na boses ni Evan.
"Hon! Talk to me!"
Nanlaki ang mga mata ko nag marinig ko itong isinigaw ni Evan sa buong klase. Totoo ba ang naririnig?
Hindi lang ako ang nagulat dahil ang buong klase ay nakamata kay Evan. But it was not just the surprise coming from him. The whole university was hovered by two continuous thunder and lightning.
Halos mapapikit ako at mapayuko sa lakas, maging ang mga bampirang kasama ko ay nabigla sa lakas. Tanging si Evan lang ang nanatiling nakatindig nang maayos habang mas nadedepina ang kanyang tindig sa liwanag ng kidlat na nasasalamin sa aming malaking bintana.
Evan's hands were on his waist as his eyes slowly glances all the vampires inside the classroom.
"Wala kayong narinig."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro