Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18


Chapter 18


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. All this time, I was suffering with the thought that Evan had his mate, that someone's was already waiting for him and it wasn't me.

Pero umpisa pa lamang ay kilala na pala ako ni Evan at wala man lang itong sinabi sa akin. Hinayaan niya lamang akong mahirapan mag-isa!

We're now lying on the floor, naked, comforting each other's body and feeling each other's presence as mates. I was expecting that we would make it through on bed, pero hindi na talaga kami inabot.

Hindi ko na rin matandaan kung kailan nakakuha nang kumot si Evan na siyang gamit namin ngayon.

"You're a cheater,"

"I didn't cheat, mabagal ka lang." He answered.

He pulled me closer as he kissed the top of my head.

"But how? Hindi ba at sinabi sa unibersidad na kahit mga bampirang magkapareha ay hindi makikilala ang isa't-isa habang nasa loob nito?"

"You're different Naha, you were a freshly bitten vampire. The spells inside this university were designed for vampires and for those old enough bitten vampires, hindi na nila naisip na maaaring magkaroon nang butas sa mga katulad mo." Tipid akong tumango sa sinabi niya.

"And they assumed that you're not being a threat for them, kaya hindi ka na nila masyadong binigyan ng atensyon." Kahit ako ang nasa posisyon ng mga namumuno sa unibesidad, hindi ko rin bibigyan ng pansin ang katulad ko.

"Should I be happy for that?"

"But I still hate you for not telling me." Nagkunwari akong hihiwalay sa kanya pero mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Really? You hate me? After all that had happened on that rocking chair?" nag-init ang pisngi ko nang tumamang muli ang mga mata ko sa rocking chair.

Sira na ang kanang parte nito. Idiot Evan! Why on a fucking rocking chair?! Ilang beses akong pumikit at kumurap habang pilit tinatanggal ang nakakahiyang bagay na nangyari sa ibabaw nang gumagalaw na upuan.

"Evan! Oh gosh, not there! May kama!"

This is the best place hon, it is moving automatically.

No!

Come on hon, let's sit on our soon to be favorite chair

"May rocking chair pa sa attic, Naha." He playfully whispered.

"Oh shut up, Evan!" hinampas ko ang kanyang dibdib."

"But if you were a full vampire, hindi kita makikilala. Hindi magniningas ang mga mata natin sa isa't-isa sa una nating pagkikita." Natigil ang biruan namin ni Evan at bumalik kami sa seryosong usapan.

"Ibig sabihin, nakilala mo na ako sa unang pagdating pa lamang namin ni Pearl sa unibersidad?"

"Yes," mabilis na sagot nito.

"P-Paano kung hindi ako ang mate mo? Tutulungan mo pa rin ba ako?"

"Yes, of course. But I won't bring you to my attic." Natatawang sagot nito.

"So it was all about the mate thing, paano kung hindi ako ang mate mo Evan?"

"You are my mate, Naha. I won't pursue you or even tried to introduce you to underworld if you're not my mate. Wala akong binalak na saktang babae, Naha. Hindi ako lalapit sa ibang babae o gagawa nang mas malalim pa relasyon kung hindi ikaw ang itinakda sa akin." Natahimik ako sa sinabi niya.

"I won't make the same mistakes again. Just like my father, hindi lang ang dalawang babae ang nasaktan. Lahat kami, maraming nadamay. I won't be recognized as the wisest if I won't use my brain." Madiing sabi nito.

Kung maayos lamang ang hairstyle ni Evan ngayon, siguradong iritado ko na itong ginulo. Halos maniwala na ako sa sinabi niya kanina—if my father can't, I can.

Evan Lancelot Gazellian was a very skilled artist.

Mas pinili kong manatiling tahimik. Evan got a point, if he didn't recognize me as his mate, hindi magkakaroon ng pagkakataong lapitan niya ako higit sa pagtulong. Hindi ako masasaktan at walang ibang ugnayan ang mangyayari sa amin.

"When you found out that you were mated to a human, Evan? Nagsisi ka ba?" Hindi ko nalilimutan ang unang pakikitungo niya sa akin.

Was that an act? Or he was still in the process of accepting that he was actually mated to a human?

"To tell you frankly, I preferred vampire girls." Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni Evan. But he assured that he was hugging me too tight when I ran away from him.

"You can't blame me, Naha. I've seen how my brother suffered when he found out that he was mated to a human. We even locked him below our castle for years because of his own thirst. Hindi lang 'yon, sobrang dami niyang napagdaanan na ilang beses namin hiniling magkakapatid na sana hindi naranasan ni Zen. It was really complicated to be mated with a human."

"Do you think being mated to me is complicated, Evan?"

"I don't know yet, maybe? Now tell me, Naha. Sino ang mga humahabol sa inyo ng kapatid mo?" napatitig ako kay Evan dahil sa katanungan niya.

Simula nang makarating kami dito ni Naha, hindi na muling sumagi sa aming magkapatid ang tungkol sa mga bampirang humabol sa amin noon.

"I don't know, Evan. But maybe, they were our parent's enemies. They were once a Middelei" Pansin ko na natigilan si Evan sa sinabi ko.

"Middelei? Anak ka nang mga Middel?" I nodded.

"How can that be possible?"

Middeleis were known as creatures with a mixture of human and vampire blood, pero kailanman ay hindi ang mga ito magiging bampira kahit ilang beses ang mga itong kagatin.

But Pearl told me before that Evan's fangs were venomous enough to dominate my blood because he's a royalty. Was that an enough reason?

"Because the one who bit me was a royalty?" nagtatakang tanong ko kay Evan.

"I never heard anything about that. I only knew that, once a Middelei always a Middelei. May dating naging babae si Dastan na isa rin Middelei, alam kong madalas siyang kagatin ni Dastan, I had a hint that she was Dastan's favorite, pero hindi ito kailanman naging bampira."

"Maybe I was an exception?" sagot ko kay Evan.

Ilang minuto lamang kaming tahimik at piniling damhin ang isa't-isa hanggang sa nauna na akong magsalita.

"Can we switch our place? Masakit na talaga ang likuran ko, Evan. Sa kama na tayo." Hindi na sumagot sa akin si Evan, mabilis niya akong binuhat at inihiga niya ako sa kama.

"Kumot," tumaas ang kilay sa akin ni Evan pero sumunod rin naman ito.

In the end, we're both facing each other while looking at each other's eyes.

"We already consummated the marriage, hon." Ngising sabi nito sa akin. "Ano pa ang gusto ni Naha?"

"Tell me everything, Evan. Share me everything aside from your body, tell me your secrets, allow me to conquer you not just your body, my lord." Mas sumiksik ako sa kanyang katawan at malugod niya akong tinanggap.

"I will, ibibigay ko ang lahat Naha." I smiled.

That was my last words before I finally went into my sleep.

Kinabukasan, sinabi ko kay Pearl na hindi muna ako papasok. Bukod sa masakit talaga ang katawan ko, tinatamad na rin ako pumasok.

"Pearl, pwede pakibigay na lang nang sulat ko kay James? Siya na ang bahalang magbigay kay Evan." Mariin akong tinitigan nang kapatid ko.

"Did you use oil or something? Paano kung mabuntis ka?" suminghap ako sa tanong ni Pearl.

"H-How did—"

"Come on, you are my flirty sister. Kilala na kita, Naha. Gumamit ba kayo ng langis? Bawal ang buntis sa unibersidad! Mabilis lalaki ang tiyan mo." Umirap ako kay Pearl.

Inabot ko sa kanya ang papel.

"Yes, of course. Matalino si Evan, hindi niya makakalimutan ang importanteng bagay. I applied it to him actually." Napamura si Pearl sa sinabi ko.

"Bahala ka na,"

"And we're mates Pearl." Naningkit ang mata nito sa akin.

"Paano mo nasabi? Dahil magaling siya sa kama? Of course, mate nga. Mate na mate." She rolled her eyes.

"Napaka-supportive mo talaga Pearl! Bitter ka masyado, why don't you try James? Ipahalay ko na sa'yo ang kanang kamay ni Evan. Halayin na natin ang mag-among hindi kumukurap kapag kaharap ang libro."

"Oh, shut up Naha. Papasok na ako, naghanda na ako ng ilang kopita ng dugo. Kapag nagutom ka, uminom ka na lang."

"Okay, thank you Pearl. Ibigay mo ang sulat, please?"

"Yes, yes."

Maghapon lamang akong natulog, ayokong burahin ang magandang alaala namin ni Evan ng mga nakakasawang nakaraan ng mga bampira. Ang pinagmulan ng kanilang mga kapangyarihan at kung anuman na hindi ko kailanman binalak malaman.

Makikita ko na lamang ang sarili kong ngumingiti mag-isa habang inaalala si Evan, kung sana ay pwedeng matulog ako sa kanyang totoong silid pero siguradong mahuhuli kami.

At lalong hindi papayag si Evan, knowing him? Laging halos himatayin ito sa tuwing magpapapansin ako sa kanya sa loob ng aming classroom.

Ano kaya ang magiging reaksyon nito sa sandaling mabasa niya ang aking sulat? I giggled with my thought.

Kasalukuyan akong umiinom ng dugo sa kopita nang halos mabitawan ko ito.

"Evan!"

Nakatayo lang naman ito sa may bintana nang aming kwarto.

"Why are you absent?"

"Resting?"

"What's with this?" itinaas ni Evan ang aking sulat.

"Nabasa mo na?"

"You're pregnant? Kahapon lang may nangyari sa atin Naha. Did you apply the oil properly? Patay ako kay Dastan." 


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro