Chapter 16
Chapter 16
It's been weeks when I last visited Evan's underworld. It's been weeks when we last cuddle and flirt. It's been weeks when we fucking had a proper conversation!
Ilang linggo na niya akong hindi pinapansin! At kung nagkakausap naman kami, lagi itong nagmamadali at hindi man lang ako inaalok sumama sa kanya. Ilang beses ko na rin siyang hinintay sa attic at nagbabakasakaling magkakasarili kami, pero hindi na rin ito nagtutungo dito.
Ano na naman ba ang pinaggagawa nitong si Evan? Yes, we're damn seat mates but hell! Kung dati ay halos hindi na siya kumukurap para lamang makinig sa klase ngayon naman ay napapatanong na ako sa aking sarili kung humihinga pa ba ito.
May problema si Evan? Bakit hindi man lang ito magsabi sa akin?
It is about the underworld? I am his wife afterall! He should inform me.
"I am filling a divorce, Pearl!" I cried while fixing my hair in front of the mirror.
"Araw-araw ko na lang ba maririnig 'yan Naha?"
Ngayon ay mas maaga akong gumising, kinausap ko na rin si James. He's the nerd vampire before, ang inakala kong mapapatay ni Evan noon. But look now, he's Evan's right hand.
Pinatikim lang ni Evan ng tatlong babae, naging tapat na niyang alagad. But James and I were friends. Kaya hindi na mahirap sa akin tanungin sa kanya kung anong oras papasok si Evan.
Sinabi nitong higit na maaga ang pagpasok ni Evan ngayong araw, kaya kailangan ko rin maging maaga.
Pagkatapos niya akong kagat-kagatin wala na? Baka guluhin ko ang hairstyle niya! Ayusin niya ang pagsagot sa akin mamaya.
"Pearl, if I were you I'll find a hot vampire inside this university. Pero syempre, dapat magaling kumagat sa hita." I winked at my sister.
Umirap lamang ito sa akin na may kasamang pag-iling.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Naha. Just remember what I have told you. Kapag nakilala niya ang babaeng totoong itinakda sa kanya, huwag ka nang umasang makukuha ka pa niyang tingnan."
Sa tuwing sinasabi ito sa akin ni Pearl, pinili ko na lamang hindi sumagot. Hindi pa man nangyayari, hindi ko maipagkakaila ang kirot na nararamdaman ko.
Mate, Evan's mate.
But he gave his stone. Wala sa sariling hinawakan ko ang berdeng bato sa aking noo, he told me that the Parsua Sartorias will recognize me because of this stone.
"A stone won't ever beat a mate's bond Naha. Dapat hindi ka pumayag na lagyan ka niya ng batong 'yan. When the time comes that he'll found his mate, that stone will just symbolize him—him that you can't have."
Huminga ako nang malalim at tipid akong ngumiti sa kapatid ko.
"Pearl please.." humakbang na ako papalapit sa kama niya at humalik ako sa kanyang noo.
"I was just telling you the real cruelty of this world, Naha."
"P-Pansamantala lang naman siguro ito—habang nasa loob pa tayo ng unibersidad. Don't worry, I won't take everything seriously."
"I hope so, Naha."
Mabigat ang pakiramdam ko nang lumabas ako ng aking silid. Nakailang hakbang akong nag-iisip nang lahat ng nangyari sa akin at kay Evan.
Inaamin kong hindi ko muna iniisip ang mga mangyayari sa hinaharap habang masaya pa naman ako sa kasalukuyan pero tama si Pearl.
This playing might hurt me in the future.
Muli akong humugot nang malalim na paghinga. I brushed away my thoughts and I looked straight at the long corridor.
I'll just enjoy this—I'll just enjoy everything about him. Bahala na.
I made a wide smile on my face as I enthusiastically ran towards our room. Agad sumalubong sa akin si James na kalalabas lamang sa pintuan.
"Is he here?" bulong ko.
"Yes, but he's busy. Ang dami niyang binabasa nitong nakaraang araw." Tumango ako sa sinabi ni James.
Nang pumasok na ako sa room, hindi man lang nag-abala si Evan na tingnan ako. He's really busy.
Nagdiretso ako sa aking upuan habang nasa kanya lamang ang aking mga mata. Agad kumunot ang aking noo nang mapansin na hindi maayos ang kanyang buhok, hindi na rin maayos ang pagkakabutones ng uniporme niya at mukhang hindi man lang ito nakatulog o nakainom ng dugo nang ilang araw.
He looked like a mess, but still hot!
Ibinaba ko ang aking bag at hantaran akong tumitig sa kanya. Pero mukhang wala pa rin itong balak pansinin ako kaya mas lumapit ako sa kanya para silipin ang aklat na binabasa niya.
"Hon..talk to me, why are you so busy?"
"Not now Naha,"
"J-Just tell me about your problem, baka makatulong ako—" hindi sumagot sa akin si Evan sa halip ay nagpatuloy ito sa pagbuklat ng aklat.
"Evan.." I leaned on his ear whispering his name.
This time I got his attention. Lumingon ito sa akin ng may ekspresyon na ..She's doing it again, ito na naman si Nahara..
I can read it, alam ko na ang mga ekspresyon sa akin ni Evan.
"I felt like an abandoned wife, Evan."
"I never abandoned you," isinarado na nito ang aklat na hawak niya.
Ilang linggo ko rin siyang pinagbigyan at hindi ko siya sobrang kinulit pero sobra na kung hahayaan ko pa rin siya ngayon.
"Pagkatapos mo akong kagat-kagatin sa bintana, ganon na lang Evan?"
"Pinakagat rin kita and you almost drained my blood--"
"Bakit pakiramdam ko inuuto mo lang ako, Evan?"
"W-What? Is this all about the honeymoon Naha?"
"It's not just the honeymoon, nakakainis ka na Evan!"
"B-Because you're a distraction, I can't concentrate when you're around. Hindi ako makakarating sa gusto kong malaman kung laging nasa tabi kita. That's why I never invited you in the underworld for a while, this thing I've trying to discover is all about my brother. Please understand Naha."
"Your brother?" tumango siya sa akin.
Yes, he's telling me some stories about his family but not very detailed. This triggered my curiosity, wala kaming komunikasyon sa labas papaanong nakakakuha itong si Evan?
"I won't distract you, my lord. I promise but please, allow me to be with you."
"Naha, I'll invite you again once that I've done this through."
"I am filling a divorce,"
Tumahimik si Evan at dumiin ang titig nito sa akin.
"Very well, after class.. hon," ngumisi ako sa sagot ni Evan bago ako lumapit sa kanya. I quickly gave him a smack on his lips.
Ilang beses akong humikab sa mahabang klase habang pinakikinggan ang mga salita ni Evan sa mga bampirang kaunti lamang ang nalalaman.
Just like the regular class, walang ibang mas tatalino kay Evan Lancelot Gazellian. Minsan hindi ko na naiintindihan ang mga pinaglalaban niya sa klase, kaya wala sa sariling tumatango na lamang ako habang nakapangalumbaba.
Sa bawat pagbaba ni Evan nang salita gusto ko rin sumabat.
"Well that's my hon for you, magaling rin siyang kumagat at humalik kung hindi nyo rin natatanong."
Para sa isang makisig na Gazellian, makinis na hita ang kailangan. I giggled with my own thoughts.
Natapos ang mahahabang klase na pangil ni Evan at hita ko ang tumatakbo sa aking isipan. Naunang lumabas si James, na sinundan namin ni Evan.
Nang mapansin ko na malayo na kami sa karamihan ng mga bampira, hindi ko na napigil ang sarili kong tumakbo sa aking unahan.
Naglalakad si Evan na ilang hakbang ang pagitan sa akin, I jumped on his back embracing my arms and legs on his.
"I missed you hon—binabawi ko na ang divorce." Bulong ko dito.
"Pasaway na tao," hinawakan niya ang magkabilang hita ko para alalayan ako sa pagsakay sa kanyang likuran.
We entered the underworld while he's carrying me on his back.
"What happened to your hairstyle hon?" I asked while fixing his hair.
Karamihan sa mga bampira ay nagugulat sa aming dalawa ni Evan, maybe they're not expecting Evan this sweet. Kahit ako ay hindi ko rin inaasahan na papayag siyang buhatin ako.
"Too busy for my hair,"
"I can fix it for you,"
"Then you'll ruin it again?" I grinned.
"Well some other time, aayusin ko lang muna. Saka na kita sasabunutan." I giggled.
"What are you thinking?" naiiling na tanong nito.
"Hindi ko rin alam," I lied with my laughter.
Ibinaba ako ni Evan sa marmol na lamesa, tumalikod sa akin habang tinatanggal ang ilang parte ng kanyang itim na uniforme hanggang sa maiwan na lamang ang putting pang-ilalim nito.
Nang mapansin ko na may nakahandang kopita at dugo sa lamesa ay nagsimula na akong magsalin para sa aming dalawa.
I saw numbers of papers scattered on the marbled desk.
"What is this my lord?"
"Letter for someone," sinubukan kong basahin ang isang papel. I read the name Claret. I heard this name before.
"Claret is—"
"My brother's mate,"
"What's with her?" nagtatakang tanong ko.
"She's also a human like you, Naha." Nagsimula lumapit sa akin si Evan at naupo ito sa harapan ko habang pinagmamasdan niya ang maraming papel na sinubukan niyang isulat.
Buong akala ko ay wala itong sasabihin sa akin. But Evan narrated everything to me. Until his brother's disappearance right before his mate's eyes.
Hindi ko mapigilan ang luha sa aking mga mata. Now I understand the whole story, Evan chose to stay inside this university to help his brothers. Not just for his brother Zen and his curse and also for his other brother, King Dastan for the whole empire of Parsua.
"Oh Evan.." kusa na akong bumaba sa lamesa at pinili kong umupo sa kanyang kandungan.
I held his face trying to comfort him from everything.
"You have experience hard enough, my lord."
"The only thing I can do for my empire is to stay inside here, with this. With this." Ilang beses itinuro ni Evan ang kanyang sentido.
"I need to know and discover the every secret in this world, I need to be the wisest for my beloved King, Naha. I need to be a Prince with value." Ilang beses akong tumango sa sinabi ni Evan.
"You are—you are a better Prince. Tutulong ako--" ngayon ko mas naintindihan si Evan.
He's sad, too sad na kailangan niyang lumayo sa kanyang buong pamilya para tumulong sa matatag na pundasyon ng kanilang imperyo.
"Don't cry for that, you idiot." Pinunasan ni Evan ang mga luha ko.
"I promise—habang nasa loob ka ng unibersidad na ito, kalilimutan mong maging malungkot. I'll always make you happy, your highness." Marahan akong humalik sa pisngi ni Evan.
I may not be your mate outside this university but I'll promise to make you happy until she finally came, until your eyes can't recognize me anymore.
I remained seated on his lap as he continued writing his new letter for Claret. Hinayaan ako ni Evan basahin ang kanyang mga isinusulat.
Para sa magandang dyosa mula sa salamin,
"Is she really that pretty?" agad kong kumento sa panimula niya.
"She's a literal goddess Naha, male vampires mated or not were fascinated by her beauty."
"Oh,"
"But your more beautiful," he whispered before writing another batch of letters. Ngumisi ako at pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng sulat.
Kamusta? Tama ba na itanong ko ito sa'yo? Wala akong kasiguraduhan kung matatanggap mo ang sulat na ito pero gusto kong sumubok, gusto kong makatulong kahit malayo ako.
Ito ang dahilan kung bakit naging abala si Evan, he's been reading about his brother's curse.
Sa ngayon kung hawak mo ang sulat na ito, nasisiguro kong nasa kalagitnaan ka na ng paglalakbay kasama ang ibang mga prinsipe. Unang una gusto kong humingi ng patawad, kaming mga Gazellian dapat ang kasama mo sa mga oras na ito, pero ito kami at kailangang magkahiwa-hiwalay.
Muling tumulo ang mga luha ko, ilang pangungusap pa lamang ang ginagawa ni Evan pero punong-puno na ito ng emosyon.
Sinikap naming walong magkakapatid na manatiling magkakasama, pero mukhang nakatakda aking magkahiwa hiwalay. Ito na siguro marahil ang kakabit ng kapangyarihan at mataas naming katayuan. Being a royalty was never been simple. Napakaraming buhay ang hawak naming magkakapatid Claret, at sa pagtagal ng panahon mas lalo kong naiintindihan ang bigat ng pangalang Gazellian na nakasunod sa pangalan ko.
Vampires are complicated right?
Tumango ako dio.
Hindi lang mga pangil ang tanging kumplikado sa amin.
How about Lily? How's my big sis? Is Lily bearing her little pups already? I can't wait to see my niece and nephews.
Napangiti ako sa tanong na ito ni Evan.
I want to go home, really bad. But I need to do this not just for Parsua but for my king, to my brother. Wala man ngayon si Zen, alam kong susuportahan niya rin ako sa desisyong ito. Kailangan ni kamahalan ng isang konseho na papanig sa kanya at higit niyang pagkakatiwalaan. Sa aming magkakapatid ako lang ang maaaring umako ng karapatang ito Claret.
Habang binabasa ko ang sulat, nararamdaman kong napakabuti ni Claret. Evan's very fond of her, base na rin sa mga nababasa ko, hindi lang si Evan kundi silang buong magkakapatid.
I missed to the travel with you, with my brothers. Damn that Finn, hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya ng unibersidad. I hope that dumb vampire is still safe hiding somewhere. Fuck him.
Saglit akong natawa, he told me that he's with his brother before. Pero tumakas ito dahil mamamatay daw ito kung mas tatagal sa mundong ito.
I want to protect you, the beloved deity of my brother. But at the same time I want to be the greatest council in Parsua. Dalawang importanteng bagay na gusto kong gawin sa iisang panahon, pero napaka imposible Claret. I am already locked inside this place, learning for vampire laws, histories and unfolding endless of mysteries. The only thing I can do right now is to read a lot of books about you and Zen's curse. Pero nabibigo lamang ako sa bawat buklat ko ng mga libro Claret, walang lunas kundi ang sarili mong kakayahang hindi kayo kayang isalba. But you're still part of the curse and there's no way that you can dispel it.
But, I've never stopped until I found this certain book. And this book confirmed everything. He's already dead Claret, but I hope you'll choose him over someone else.
I tried to ask Evan about the real cure for the curse but he refuse to answer. He just told me that it will be another sacrifice.
Ayokong idetalye ang buong kabuuan nito dahil natatakot akong hindi ang kapatid ko ang piliin mo. You can still bring him back to life, but please ask his life wholeheartedly Claret. Hindi na makakabalik si Zen kung hindi na buo ang puso at desisyon mo para sa kanya. The only vampire you can seek for this is your grandmother, siya ang may alam kung papaano siya muling bubuhayin.
Bring him back wholeheartedly Claret. Ibalik mo siyang buo ang puso para sa kanya.
Claret..please, choose my brother. Buhayin mo ang kapatid ko, buhayin mo si Zen. Buhayin mo si kuya, nakikiusap ako mahal na dyosa mula sa salamin. Piliin mo ang kapatid ko.
And please, don't fall for someone else.
Evan Lancelot Gazellian
Fifth Prince of Parsua Sartorias
Tuluyan nang bumuhos ang kanina ko pang pinipigil na luha hanggang sa mapansin ko na may ilang patak na pala ng luha sa papel ni Evan.
"I'm sorry, I just can't stop, sorry hon." Nagpupunas na ako ng luha nang mapansin kong nagpatuloy si Evan sa kanyang pagsusulat.
P.S
Will you laugh at me Claret? Fuck, I think I am damn in love. She's also a very beautiful bitten vampire girl.
Natigil ang mga luha ko at maging ang pagpupunas ko nito, nangangatal ang buo kong katawan kasabay nang pagbigat ng aking paghinga habang nagsisimula na akong lumingon kay Evan at salubungin ang kanyang mga mata.
His eyes met mine, with tenderness, warmth—and—I can't help but to bit my lower lip. He smiled at me while brushing his thumb on my lips. Until my heart bursts out with his words.
"I love you,"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro