Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10


Halos pumutok ang ugat ni Evan sa kanyang noo simula nang mag-umpisa na ang aming mga klase dahil sa akin.

It's our third period, may natitira pa kaming dalawang klase.

But the bigger problem here is, I wasn't informed that we're having a lot of quizzes! Alam kong meron sa unang klase dahil sinabi niya ito, pero sunod-sunod?

Sino ba ang may kasalanan at hindi ako nakapag-aral? It's because of him.

Kaya ito at humihingi na naman ako sa kanya ng sagot sa pangatlong pagkakataon. Kahit hindi ako tuluyang nakatitig kay Evan, sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong may nakaguhit ng ugat sa kanyang sentido.

Ayaw magpagaya ng mahal na prinsipe, pero wala siyang magagawa sa akin.

Typical genius kid, sa mundo ng mga tao magkamatayan na, hindi talaga magpapagaya ang mga matatalino.

But well, he's different. Hon ko siya, hon niya ako. We copy each other, I mean he should let me copy.

Kapag nakatalikod na ang aming propesor, mabilis kong kinukulbit si Evan na halatang sasabog na sa sobrang inis sa akin.

"Hon.." I whispered.

Sumulyap ito sa nakatalikod naming propesor at mabilis nitong inilagay ang maliit na papel sa lamesa ko.

Tumaas ang kilay ko habang pinapasadahan ng tingin ang lahat ng mga bampirang katulad ni Evan na dibdiban nang nakayuko sa kanilang mga papel.

They're all busy.

Mahigpit akong humawak sa armrest ko para kumuha ng suporta at mabilis kong itinulak ang sarili ko para mapalapit kay Evan.

Until I successfully kissed his cheeks.

Pilit kong pinigilan ang sarili kong hindi tumawa. Nabitawan lang naman ni Evan ang kanyang panulat habang nanlalaki ang mata sa akin at nakahawak sa kanyang pisgi.

"WHAT THE FUCK NAHA? WHAT THE FUCK?!" he uttered without any sound from his voice.

Ngumisi ako sa kanya. Hindi ko akalaing masaya pa lang lumandi ng lalaki sa patagong paraan.

And the excitement is on fire, ayaw na ayaw ni Evan na mahuhuli. Samantalang ako, oh well hindi naman siguro kami mahuhuli kung mag-iingat si Evan.

"Thanks hon.."

Guguluhin sana ni Evan ang sarili niyang buhok dahil sa tindi ng pagkainis sa akin, pero natigil ito sa ere. Mukhang naalala niyang mahal na mahal niya ang kanyang hairstyle.

Nang makarating na sa unahan ang propesor namin, yumuko na rin ako at nagkunwaring nagsasagot.

May nakasulat si Evan sa huli, STUDY.

Natapos na ang quiz namin, halos maningkit ang mata sa akin ni Evan nang makalabas ang propesor namin. He didn't even utter a single word, but the kind of his stare can mention everything. He's totally pissed off.

Gigil na sa akin ang mahal na prinsipe.

We have our thirty minutes break, nanatili akong nakaupo sa pwesto ko. Habang ang katabi ko namang prinsipe ay nakakrus ang mga binti at nagbubuklat ng aklat.

"Naha, come down here. Let's have a minute drink, mamaya pa ang darating ang sunod nating propesor." One of my friends asked me.

Nakahinga ako nang maluwag, gusto ko munang lumayo dito kay Evan, masyadong pikon.

"S—" I was about to answer when I heard the noise of turning pages coming from Evan's book.

Palakas na nang palakas ang pagbuklat nito ng libro na parang mapupunit na ito sa ginagawa niya.

"S-Sorry, I can't. M-Masakit ang paa ko." Ayaw ng mahal na prinsipe.

"I can carry you, Naha." Pagbibiro ng isa ko pang kaibigan na naghihintay sa akin sa baba.

Kaiba ang disenyo ng aming aralan, magsisimula ang upuan sa unahan at unti-unti itong tumataas sa bawat baitang. Luckily, kami lang ni Evan ang nasa huli.

Napapikit ako nang padabog ibinaba ni Evan ang kanyang libro.

Mas lalo akong umiling sa mga kaibigan ko.

"Sorry, I really can't. Nakainom na ako kanina."

"Oh, okay!" tumango na lamang ako sa mga ito.

Nanatili akong nakaharap sa unahan at nagbibilang ng mga bampirang unti-unting lumalabas.

Bakit sila lumalabas? Hindi ba at ilang minuto lang naman ang bakante namin?

Naging mahinahon na ulit ang bawat buklat ni Evan ng kanyang libro pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang tindi ng galit niya.

I just kissed him on his cheeks!

Huminga ako nang malalim habang nakakuyom ang mga kamao ko at pinagmamasdan ang huling bampirang nasa unahan.

Don't stand up. Lumingon na siya sa may pintuan.

Bigla akong kinabahan lalo nang sinipat nito ang orasan sa gawing kanan.

No, no please. Stay here.

Nagsimula na itong mag-ayos ng gamit. Please don't freaking stand up!

Inilagay na niya ang gamit niya sa ilalim ng kanyang lamesa. I said don't fucking stand up! Don't go!

Tulala na ako sa may pintuan nang tuluyan nang lumabas ang huling bampira sa loob ng classroom bukod sa amin ni Evan.

Halos mapatalon ako sa aking upuan nang marinig ko ang pagsarado ng libro ni Evan.

Finish ka na Naha, angry bird. I mean, angry prince. Angry seatmate!

Inaamin ko na! Inaamin ko na! Malakas lang ang loob kong asarin si Evan kapag maraming bampira! Dahil alam kong hindi niya ako kayang patulan, because he's damn scared to be caught.

Pero kapag kaming dalawa na lamang?

Para akong robot na dahan-dahang lumingon sa mahal na prinsipe, kahit hindi ko siya lingunin alam kong nasa akin ang kanyang mga mata.

Mas lalo akong kinilabutan nang ngumiti sa akin ang mahal na prinsipe. Yung ngiti na hindi naman totoo, dahil kita naman ng aking mga mata ang pagtibok ng ugat niya sa noo.

"A-Ano..mahal na prinsipe.."

Napasandal ako sa gawing kaliwa ng aking upuan nang umangat ang kamay ni Evan at pumatong ito sa armrest ko.

"What will I do to you?" tanong nito sa akin o sa kanyang sarili.

His fingers were tickling on the wooden armrest because of his losing patience. Sa lahat ng lalaking hinalikan ko sa pisngi si Evan lang ang nagkaganito.

"A-Are you mad, my prince?" gusto kong sampalin ang sarili ko sa tanong ko.

"Why would I?" he answered sarcastically.

Hindi ako sumagot. I won't say sorry, sinadya ko naman ang ginawa ko. Bahala na siyang mainis sa akin.

"After class, proceed to attic Shalani." Matigas na sabi nito.

Tumango na lamang ako sa kanya.

Hindi ko na kinulit si Evan sa sunod na klase, pero siya ang nagkusang bigyan ako ng sagot. Kaya sa huling klase namin, nawala na ulit ang takot ko sa kanya.

Of course, kinilig ako. Nagkusa ang hon ko na magpagaya. Hindi naman pala ako kayang tiisin.

Tapos na akong manggaya habang si Evan binabasa pa rin ang papel niya kung may mali siyang nasagutan.

Siguradong pauulanan niya ako ng mura mamaya sa attic, bakit hindi ko na sulitin ngayon?

I grinned with my silly thoughts. Muli akong sumulyap sa paligid, clean.

Masama na ba ito? Mukhang masyado akong nasisiyahan sa patagong paghalik sa kanya, patagong pang-aasar, patagong pang-iinis habang wala siyang magawa.

Tulad nang una kong ginawa, kumuha ako ng suporta sa aking armrest. Hahalik na sana ako sa pisngi ni Evan nang mabilis itong humarap sa akin dahilan kung bakit saglit na naglapat ang aming mga labi.

"Isa pa, kakagatin na kita." He whispered huskily.

Oh shit. Mamamatay na yata ako, kakagatin na daw ako ni hon! Oh my gosh!

Akala niya matatakot ako, hindi ako umalis sa aking pwesto. Sa pagkakataong ito ay mabilis akong humalik sa kanyang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang inilabas ni Evan sa aking harapan ang kanyang mga pangil.

Agad akong lumingon sa unahan. Nakatalikod na naglalakad ang aming propesor pero natigilan ako sa isang pares ng mga matang nakatitig sa amin ni Evan.

One of our classmates saw us!

"Evan.." agad nakuha ni Evan ang ibig sabihin ng mga titig ko.

Nawala ang kanyang mga pangil at lumingon ito sa isang bampirang lalaki, nang makita nitong lumingon si Evan sa kanyang direksyon ay agad itong yumuko.

Shit, halos mapapadyak ako sa sobrang inis. Minsan na nga lang gumanti ng paglandi sa akin si Evan, nahuli pa kami?

Eksaktong pagtunog ng orasang hudyat na tapos na ang klase, mabilis na tumayo si Evan.

"Follow me hon, we're up to hunting." Hindi na ako nilingon ni Evan at nagmadali na itong bumaba dala ang gamit niya.

I packed my things up at sumunod ako kay Evan.

Lakas takbo ako habang nakasunod sa likuran ni Evan, sinusundan namin ang bampirang nakakita sa amin.

Gusto kong murahin ang bampira, kung gusto niyang tumakbo mula kay Evan hindi siya dapat nagtungo sa lugar na kaunti lamang ang bampira.

He looked weak and unlucky, dapat ay hindi na lang siya lumingon at hinayaan niya na lamang kami ni Evan kanina.

"Evan wait," hindi ako pinapansin ni Evan dahil nakasunod pa rin ito sa kawawang bampira.

The vampire looked pale, nagmamadali itong lumiko sa isang daan. Of course, Evan will chase him.

Mabilis nawala sa mga mata ko si Evan at nang sandaling lumiko na rin ako sa daang pinuntahan niya sumalubong na sa akin ang eksena.

The weak and poor vampire is now captured by the bad vampire, si hon. Pansin ko na medyo may lamat na ang pader.

And one of Evan's fists is on the wall. Trapping the weak and unfortunate vampire.

"Wala kang nakita." Seryosong sabi ni Evan.

"T-That's against the rules, Gazellian." Nangangatal pa ang boses ni kuyang vampire.

"Silence or death?"

Humawak na ako sa braso ni Evan.

"Anong death?!" nanlalaking matang tanong ko.

"Cheating—intimate body contact, university's rules. And you even call yourself a model? A candidate for what— what again?" Tumaas ang kilay ni Evan.

"You wanted the position, right?" tanong ni Evan.

"Excuse me? Mas matalino si hon sa'yo." Sumabat na ako.

Ngumiwi sa akin si Evan.

"Naha, shut up for a while." Bumaling ulit ito sa bampira.

"Kailangan mo sigurong makatikim." Tikim?

"What do you mean?" tanong ng bampira.

Marahas na hinablot ni Evan ang braso ng bampira. Hinila niya ito patungo sa mas madilim na daan, kaya sumunod na lang ako.

"This is bullying, my gosh."

Evan's the bully, I am the accomplice and the poor vampire is the victim.

We stopped walking in the middle of nowhere. But I am pretty sure that we're now facing a wall. Evan just raised one of his hands, may itinulak lamang ito. Pilit nagwawala ang bampirang hawak niya pero wala itong magawa.

Habang unti-unting nabubuksan ang pader nagkakaroon na ito ng malamlam ng liwanag. At tuluyan na akong namangha nang makita ang napakaraming bilang ng mga nakaunipormeng mga bampira.

Mga alak, pagkain, pasugalan at mga bampirang naghahalikan at halos gumawa na ng milagro sa gitna nang napakaraming bampira.

What the fucking hell is this place?

The whole crowd went on silence when they saw Evan Lancelot Gazellian.

"My lord,"

Basta na lamang itinulak ni Evan ang kawawang bampira kasabay nang pagluhod ng napakaraming bampira simbolo ng pagsamba sa kanya.

Agad akong ginapangan ng kaba. Ilang beses akong napahakbang paatras papalayo kay Evan.

I thought he's a prince? What is this? I don't understand. From the paintings, these vampires and this whole place.

"W-Who are you?"

Evan Lancelot Gazellian, standing in all his might with both hands on his waist and his head held up high with power and intimidating authority.

"They say I'm the kindest Gazellian. But I really doubt that. Welcome to my underworld, hon."


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro