Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Nakahiga na kami't lahat pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Galit pa rin ako sa kaniya, bakit kailangan niya ako hawakan ng ganun eh kumaway lang naman yung lalaki.

“I'm sorry Iris, i didn't mean to hurt you.” pag hingi niya nang sorry habang mahigpit siyang nakayakap sa akin.

“Pwede bang bitawan mo ako? Tigilan mo ako Kierro inaantok na ako.” inis na saad ko sa kaniya. Agad naman siyang bumitaw sa akin pero nanatili pa rin siyang nasa may likuran ko.

Ilang minuto din kaming tahimik nang maramdaman kong tumayo siya at lumabas ng kwarto. Bigla tuloy akong nadismaya. Akala ko pa naman hindi siya aalis sa tabi ko hangga't hindi kami nagkaka ayos. Pero heto siya walang pakielam sa akin.

Agad ko na lang kinuha ang aking cellphone para libangin ang sarili ko hanggang sa maka tulog ako.

_

Nagising ako nang marinig kong nag ri-ring yung cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakita kong tumatawag pala si Tita Kamilla. Agad ko itong sinagot at nag salita.

“Hello po Tita?” bati ko dito habang kinukusot kusot ko ang aking mata.

“Hello ija? Nandyan ba si Kierro? Pasabi na umalis na kami at kayo na lang ang naiwan jan dahil may emergency meeting si Kendrix sa ibang bansa. Pasensya na talaga, akala namin walang magiging meeting si Kendrix pero meron pala. Babawi na lang kami sa inyo pag uwi and mag enjoy kayo ni Kierro jan sa resort. Pasabi din na gusto na namin ng apo at gumawa na kayo.” aniya ni Tita bago niya pinatay ang tawag. Ang bilis naman. Akala ko pa naman makakasama pa namin sila ng matagal. Pero teka, nasaan nga ba si Kierro? Hindi pa ba siya bumabalik simula kanina?

Agad kong binuksan ang messenger ko at nakita kong online siya. Ichachat ko na sana siya nang makita kong may story si Neil, isa sa mga kaibigan ni Kierro kaya agad ko itong tiningnan. Nabigla ako nang makita kong nag iinom sila sa bar ng resort at may mga kalapit silang babae. Kitang kita ko kung papaano naka upo sa hita ni Kierro yung babae habang nag iinom sila.

Nagalit lang ako naghanap na kaagad siya ng iba? Nag sawa na kaagad siya? Nainis lang naman ako kanina dahil sa nasaktan ako sa ginagawa niya kanina ah. Bakit parang ang bilis naman Kierro. Ayaw niyang may lalaking nakatingin sa akin pero siya itong nakikipag landian sa iba. Nasasaktan ako ng sobra sobra, nasanay kase ako na sa akin lang siya malambing tapos may naka upo nang ibang babae sa hita niya? Ayos yun ah!

Nag palit ako ng bra top at short bago ako lumabas sa kwarto namin para puntahan siya. Bagong gising pa lang ako pero lumabas na kaagad ako para kumprontahin siya.

Konting lakad lang naman ay makakarating na ako sa  bar kaya mabilis lang akong nakarating doon. Puro usok at amoy alak ang sumalubong sa akin nang maka pasok ako sa lugar na iyon. Agad kong iginala ang aking paningin para hanapin si Kierro at kagaya nga nung nasa story ni Neil, nandoon siya habang nakikipag halikan sa babaeng naka upo sa hita niya kanina. Biglang kumirot ang aking puso sa aking nakita. Akala ko pa naman maayos na kami, akala ko pa naman may pag asa nang mahalin niya ako. Pag papanggap lang ba lahat ng iyon? Niloko mo lang ba ako Kierro? Ang tanga ko naman dahil nag paloko nanaman ako sayo Kierro. Bakit nga ba ako nagulat? Noon pa lang naman babaero na siya eh. Hindi niya kayang makuntento sa isa.

Huli na nang mapagtanto kong tumutulo na pala ang aking luha. Sobrang sakit na parang kahapon lang ay masaya pa kayo tapos bigla mo na lang makikita na may kahalikan na siyang iba. Ang sakit mo naman mahalin Kierro.

Aalis na sana ako nang may humila sa akin pabalik. Nang mapatingin ako kung sino ito ay napagtanto kong ito yung lalaking kumaway sa akin kanina.

“Are you okay? Kanina ko pa siya nakikitang may kahalikan pero hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin sayo.” malungkot na ani nito bago niya ako hinigit papunta sa may bartender.

“Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon Ms. Don't worry nandito ako para samahan kang mag lasing.” aniya niya bago umorder ng alak sa may bartender. Agad akong napa isip, broken hearted din kaya siya?

“Nasaktan ka din ba?” nag aalalang tanong ko sa kaniya. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon.

“Oo kaka hiwalay lang namin ng girlfriend ko. Umuwi lang ako sa probinsya para bisitahin si Lola tapos pag balik ko nalaman ko na lang na may relasyon na pala sila ng kapatid ko. Ang masaklap pa ay nahuli ko silang may ginagawang kalokohan sa condo ko. Natatawa na lang ako dahil ang kapal ng muka nila dahil sa condo ko pa nila naisipan gumawa ng kalokohan.” mapait na tawa niya habang patuloy na umiinom ng alak. Nabigla ako dahil sinabi niya sa akin ang masakit na naramdaman niya. Kahit ako ay nasaktan dahil sa nangyari sa kaniya. Muka namang mabait siya at hindi niya deserve na saktan ng ganun ganun lang.

“Bakit ba kailangan nilang mag loko noh? Hindi pa ba tayo sapat sa kanila? May kulang pa ba sa atin?” pinipigilan kong lumuha habang nilalagok ko yung dalawang baso ng alak pag katapos kong sabihin ang mga salitang iyon.

“Wala naman tayong magagawa kung iyon ang desisyon nila, basta wala tayong ginawang mali at minahal natin sila. Hindi lang talaga sila nakuntento.” aniya niya bago uminom ng alak.

“I'm Harry, congrats parehas tayong broken.” pag papakilala niya sa sarili niya. Grabe naman yung congrats eh.

“Iris, yan ang pangalan ko.” pag papakilala ko sa kaniya.

“Boyfriend mo ba yung lalaking yun?” tanong niya habang naka turo kay Kierro.

“Actually asawa ko na siya, pero kasal lang kami sa papel. Hindi naman talaga ako ang babaeng minamahal niya eh. Yung Ate ko talaga ang gusto niya pero ako ang gusto ng pamilya niya. Kaya simula nung kinasal kami ay palagi niya akong pinaghihirapan. Pinipilit kong tiisin dahil mahal ko siya pero sobra na eh. Palagi siyang nag uuwi nang babae sa bahay at palagi akong umiiyak kapag naiisip ko kung ano ang ginagawa niya kapag may kasama siyang babae.” mapait akong napangiti habang nilalabas ko lahat ng hinanakit sa aking puso.

“Sinubukan kong mag loko pero nagalit siya ng sobra sobra kulang na lang patayin na niya yung lalaking kasama ko. Simula noon naging medyo maayos kami. Akala ko naman mamahalin na niya ako simula noon pero nag kakamali lang pala ako. Masasaktan lang pala ako ulit.”

“Ikalma mo yan Iris, uminom na lang tayo ng uminom para makalimutan mo siya kahit saglit.” aniya niya dahilan para matawa ako. Makakalimutan ko siya? Eh nanjan lang naman siya sa kabilang sulok nakikipag laplapan sa ibang babae. Natatawa na lang ako dahil kanina pa ako nandito pero hindi pa rin niya ako napapansin? Masyado ata siyang busy. Masyadong busy makipag landian sa babae niya.

Pinipigilan kong mapatingin ang sarili ko sa gawi niya pero hindi ko kaya. Kahit nasasaktan ako, pilit pa rin akong tumitingin sa kaniya. Baka sakaling namamalik mata lang ako at wala siyang kahalikan na iba pero hindi eh. Nandoon siya at totoo ang aking nakikita. Sarap na sarap siya habang may kahalikang iba habang ako eto umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Idadaan ko na lang ito sa inom at hahayaan ko na lang kung ano ang mangyari sa akin. Habang umiinom ako ay naisipan kong tawagan siya. Biglang nag ring ang cellphone niya at pinatahimik niya yung babaeng naka upo sa hita niya

“Hello love, bakit ka napatawag?” tanong niya habang hinahalikan siya nung babae sa leeg.

“Wala lang, ang ganda kase nitong pinapanood kong scene. Mahigpit na nakahawak yung lalaki sa bewang nung babae habang hinahalikan nung babae yung lalaki sa leeg. May kausap sa cellphone yung lalaki habang yung kausap naman niya ay nakatingin sa kaniya mula sa may mga upuan malapit sa may bartender.” aniya ko dahilan para luminga linga siya na para bang hinahanap niya ako. Mapait akong napangiti nang mag tama ang aming mga mata. Gulat na gulat siya nang makita niyang naka upo ako at naka tingin sa kanila.

“So? Yun lang ba ang sasabihin mo? Don't disturb me kung wala namang kwenta ang sasabihin mo.” malamig na aniya niya bago patayin yung tawag.

Mas lalo akong nasaktan dahil sa sinabi niya. Wala siyang pakielam na nahuli ko siya? Akala ko pa naman mag hahabol siya sa akin para humingi ng sorry pero wala. Heto siya ngayon madiin na nakikipag titigan sa akin habang hinahalikan niya yung babae. Para bang ipinapamuka niya sa akin na ginamit niya lang ako. Mag sisimula na sana akong umiyak nang biglang hinapit ni Harry yung bewang ko bago siya ngumisi.

“Grabe naman yung asawa mo Iris, harap harapan. Pero sigurado ba siyang wala siyang nararamdaman sayo?” nakangising tanong niya bago niya mabilis na hinalikan ang aking leeg. Nabigla ako pero sinabayan ko na lang siya at ngumiti ako na parang gustong gusto ko yung ginagawa niya.

“Act like you like it Iris. I'm sure he's boiling with rage now.” aniya niya. He's boiling with rage? Wala nga siyang pakielam sa akin tapos mag seselos? Mukang imposible ata yang sinasabi mo Harry. Dahil sa poot at inis na nararamdaman ko ay hinayaan ko na lang si Harry sa ginagawa niya. Nag lakbay ang kamay niya sa aking katawan pero sinigurado niyang hindi niya nahahawakan ang mga sensitibong parte nito.

Hindi inaasahang napa baling ang tingin ko sa gawi ni Kierro at ganoon na lang din kalaki ang pagka gulat ko nang makita ko siyang matalim na nakatingin sa akin habang mahigpit na naka hawak sa baso ng alak na hawak niya. Doon ko lang din napansin na wala na yung babae at mag isa na lang siya doon na walang kahalikang babae kasama ang mga tropa niya. Malamig ko lang siyang tiningnan bago ko ibinalik ang tingin ko kay Harry at matamis ko siyang nginitian.

“Hala ka sobrang sama na ng tingin niya sa atin. Feeling ko mayayari ka mamaya.” pang aasar ni Harry dahilan para matawa ako. Kagaya nga ng sinabi ko kanina walang pakielam sa akin si Kierro. Saka bakit ako mayayari? Hindi ko naman siya pinigilan nung may kahalikan siyang iba diba? Ang unfair naman kung siya lang ang mag loloko diba?

Napatigil ako sa pag iisip nang halikan ako ni Harry sa noo bago siya naupo sa isang upuan at tinapik niya ang kaniyang hita. Agad ko naman sinunod ang utos niya at naupo ako sa kaniyang hita.

“Tulungan mo akong mag tago mamaya Iris, baka hindi ako tigilan niyan hanggang sa hindi niya ako napapatay. Sa totoo lang ang gulo ng asawa mo. Wala siyang pakielam kung nasasaktan ka na ba pero grabe siya mag selos.” natatawang ani ni Harry.

“Ano ka ba hindi yan nag seselos. Wala siyang pakielam kahit maging bayaran pa ako. Wala naman talaga siyang pakielam kahit konti. Wala lang ako sa kaniya.” masakit pero ito ang katotohanan.

“Talaga ba? Eh bakit siya nag lalakad papalapit sa atin ngayon?” aniya ni Harry dahilan para mapatingin ako sa gawi ni Kierro at nag lalakad nga siya papalapit sa amin. Teka? Anong gagawin ko? Tatakbo na ba ako? Hindi pa ako nakakapag isip ng sasabihin ko nang makita kong nasa harapan na namin si Kierro habang masamang nakatitig sa akin.

“It looks like you're enjoying Iris.” malamig na saad niya. Natatakot ako pero peke akong ngumiti bago humarap sa kaniya.

“Yeah, it feels good while sitting here on his lap. I enjoy being with him than being with you.” nakangising aniya ko. Kita ko ang pag intig ng panga niya bago siya kumuha ng alak sa waiter na dumaan. Halos mapatalon ako sa gulat ng basagin niya ito gamit ang kamay niya at kumalat sa sahig ang mga bubog. Dumudugo ang kamay niya habang naka yukom ito.

“We're going home Iris Ainsley Mitsukhi” napa lunok ako ng sariling laway ng banggitin niya ang buo kong pangalan. Mukang mali na umupo ako sa hita ng iba. Susunod ba ako sa kaniya o tatakbo na ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro