Chapter 2
Nagising ako sa isang hindi pamilyar at puting kwarto. Naabutan kong naka upo si Ate Karina sa sofa kasama si Kuya Khalil. Tatayo na sana ako ng bigla akong makaramdam ng hilo kaya agad akong natumba.
“Iris!” sigaw ni Ate Karina ng bigla akong tumumba kaya agad silang lumapit sa akin para matulungan nila akong makatayo.
“Ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Kuya Khalil sa alin. Tumango nalang ako bilang pag responde dahil hindi ako makapag salita. Ngayon ko nararamdaman ang hapdi at sakit ng mga sugat na ibinigay sa akin ni Kierro.
“Bakit ganiyan kadami ang sugat mo Iris? Ang dami mong mga pasa, sabihin mo si Kierro ba may kagagawan ng mga yan?” sa tono ng pagsasalita ni Kuya Khalil ay alam kong galit siya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya dahil baka magalit si Kierro at saktan nanaman niya ako kapag nalaman ng kapatid niya.
“Hindi po Kuya, maayos na po ang pakiramdam ko pwede na kayong umalis.” pag iiba ko sa usapan. Magsasalita pa sana si Kuya Khalil ng biglang tumunog yung cellphone niya. Agad siyang lumabas upang sagutin ang tawag at naiwan nalang kami ni Ate Karina sa loob.
“Bakit ka magsinungaling kay Kuya? Sabihin mo na lang ang totoo na sinasaktan ka ni Kierro. Hindi na tama na hinahayaan mo siyang saktan ka ng ganun. Sa totoo lang kanina ko pa gustong sabihin kay Kuya ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan.” nag aalalang aniya ni Ate Karina. Kahit ano pang pilit ang gawin niya ay hindi ko sasabihin kay Kuya Khalil ang totoo. Ayaw kong mag away nanaman sila ni Kierro.
“Hindi ko sasabihin kay Kuya Khalil ang tungkol doon at buo na ang desisyon ko. Kaya ko pa namang tiisin ang pananakit ng kapatid niyo. Apat na taon lang naman ang kontrata diba? Dalawang taon na lang matatapos na ang paghihirap ko.” saad ko. Alam kong sa papel lang kami kasal pero matagal ko na siyang mahal. Mag dadalawang taon na ding comatose si Ate at mag dadalawang taon na din akong nagtitiis sa ugali ni Kierro. Lahat tinitiis ko, pananakit niya, pagiging babaero niya, at yung mga masasakit na salitang binibitawan niya sa akin.
“Per—” hindi na natapos ni Ate Karina ang sasabihin niya ng biglang pumasok si Kuya Khalil.
“I have to go now, may emergency meeting lang sa company ko. Don't worry babalik ako. Ikaw na muna bahala kay Iris, Karina.” ani niya bago kuhanin yung bag at lumabas na ito kaagad.
“Ate Karina gusto ko munang mapag isa.” ani ko sa kaniya at agad naman siyang lumabas. Nang makalabas siya ay hindi ko na napigilang umiyak. Ngayon na pumapatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mas lalo akong naiyak habang pinagmamasdan ko ang mga pasa at sugat sa aking katawan. Hindi ako makapaniwalang ang lalaking mamahalin ko ang mananakit sa akin na umabot na sa puntong sumusuka na ako ng dugo habang humihingi ng tulong.
Sa dalawang taon na kasal kami ni Kierro, hindi ko man lang naranasan na mahalin niya. Kahit isang araw hindi ko man lang naramdaman na minahal niya ako. Kahit nga siguro sa pagpapanggap hindi ko mararanasan na mahal niya ako. Napaka swerte ng kapatid ko sa kaniya. Sa kaniya lang ito sweet at gentle. Samantalang pag dating sa akin ay halos patayin na niya ako kahit maliit lang yung pagkakamaling nagawa ko.
Sa mga puntong ito ay namimiss ko na si Ate. Alam kong may kasalanan ako sa kaniya pero siya lang yung taong minahal ako ng sobra sobra. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana hindi ko na lang tinanggap yung offer ni Tita Kamilla na pakasalan si Kierro. Pero desperado ako noon na mahalin ako ni Kierro. Akala ko kapag nagkasama kami ng matagal ay makakalimutan na niya si Ate at ako naman ang mamahalin niya. Pero doon ako nagkakamali. Hindi niya kinalimutan si Ate at mas lalong nasira ang buhay ko.
Dahan dahan kong pinunasan ang luha ko at napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ni Ate para kausapin siya. Matagal na rin since nung huli ko siyang binisita dahil hindi na ako pinapayagan ni Kierro na lumabas ng mansion. Palagi akong bumibisita sa hospital noon para kausapin siya kahit alam kong hindi niya ako maririnig dahil mahimbing siyang natutulog. Para sa akin ay natutulog lang si Ate, natatagalan lang ang pag gising niya dahil mayroon siyang mahabang panaginip.
Tumayo ako at tinanggal ko yung dextrose ko bago lumabas ng aking kwarto dito sa hospital. Nakahawak ako sa pader habang naglalakad dahil nahihilo pa rin ako, pero desisdido akong mapuntahan si Ate kaya itinuloy ko ang paglalakad. Habang papalapit na ako sa kwarto niya ay naabutan kong bukas ang pinto ng kwarto ni Ate. May pumasok sa kwarto ni Ate? Agad akong sumilip mula sa pinto at doon ko nadatnang hawak hawak ni Kierro ang kamay ni Ate habang umiiyak.
“Irene love please wake up. I miss you so much” umiiyak na saad ni Kierro sa aking kapatid.
“I want to be with you again my love. Please wake up, I'm sick of living with your sister. She's annoying and stupid. Please love, wake up.” nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Hindi na naman ako magtataka kung bakit ayaw na niya ako makasama. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko habang pinakikinggan ko siya na kinakausap si Ate. Nagrereklamo siya na nakakairita daw ako, ang arte ko daw at ako daw ang dahilan kung bakit siya minamalas ngayon. Ganun naba talaga kababa ang tingin niya sa akin? Malas ako?
“I wish she was the one in coma now not you my love.” salita niya na mas nagpaluha sa akin. Ganon naba talaga kalaki ang galit niya sa akin? Na sana ako nalang yung naaksidente? Pero agree ako sa sinabi niya. Sana ako nalang yung naaksidente at nacomatose. Siguro kung ako ang nasa kalagayan ni Ate masaya na silang dalawa ngayon. Kung pwede lang siguro na magpalit kami ni Ate ay makikipag palit na ako sa kaniya.
Ilang minuto din ang nakalipas bago siya nagpunas ng luha at nag ayos ng damit. Agad akong nagtago sa gilid upang hindi niya ako makita. Nang makalabas na siya ay ako naman ang pumasok sa loob ng kwarto ni Ate. Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinaplos ko ang kamay niya.
“Ate gising kana, miss na miss na kita.” umiiyak na ani ko.
“Pagod na pagod na ako Ate, grabe na yung pananakit ni Kierro sa akin. Alam kong tama lang na maranasan ko ang pananakit niyang yun dahil ako ang sumira sa relasyon niyo. Ate gusto ko nang sumuko, wala na akong lakas ng loob. Hindi ko na kaya, tulungan mo ako Ate.”
“I'm sorry Ate sa pagsira ng relasyon niyong dalawa. Gumising ka na Ate, wala akong kakampi dito. Gusto ko nang maging malaya pero, mahal ko siya. Hindi ko kayang umalis sa tabi niya kahit palagi niya akong sinasaktan. Mahal na mahal ko siya. Mas malaki pa ang pagmamahal ko sa kaniya kaysa sa sarili ko.”
Kakaiba ako magmahal. Kapag nagmahal ako ng isang tao ay handa kong gawin lahat para sa kaniya. Kahit ang kapalit pa noon ay mamatay ako. Hindi ko din kayang mapalayo sa taong minamahal ko. Kaya kahit sobrang sakit ay pinipilit ko parin na mag stay kahit gustong gusto ko na sumuko. Kay Ate ako kumukuha ng lakas ng loob, palagi ko siyang binibisita noon para kahit nasasaktan na ako malakas pa din ang loob ko.
Maya maya lang ay ikinalma ko na yung sarili ko at nagpunas na din ako ng luha. Baka bumalik na sila Kiya Khalil at Ate Karina sa kwarto ko kaya kailangan ko nang bumalik. Hinalikan ko si Ate sa kamay bago ako tuluyang umalis ng kwarto niya at isinarado ko ito. Bibisitahin ko na lang siya ulit bukas.
Hindi na ako masyadong nahihilo kaya nakakapag lakad na ako ng maayos. Medyo inaantok na ako kaya napagpasyahan ko nang matulog. Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako ng makita kong nakaupo si Kierro sa may sofa. Anong ginagawa niya dito? Nalaman niya bang nasa labas ako ng kwarto ni Ate nung nandoon siya? Ano nang gagawin ko? Sasaktan nanaman niya ba ako?
Malamig niya lang akong tinitigan bago siya nagsalita.
“Saan ka nagpunta?” malamig na tanong niya. Parang eto ang unang beses na itinanong niya kung saan ako pumunta o galing. Wala naman kase siyang pakielam sa akin kahit kung saan saan ako pumunta o kahit mamatay ako sa gutom kaya nabigla ako ng magtanong siya.
“Umihi lang ako sandali, anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
“Binisita ko lang yung Ate mo, naisipan ko lang dumaan dito.” malamig na aniya niya.
“Ganun ba. Sige matutulog na ako.” mahinang saad ko sa kaniya at akmang uupo na sana ako sa kama ng bigla akong makaramdam ulit ng hilo. Ngayon ko lang naalala na tinanggal ko nga pala yung dextrose ko kanina. Ito siguro ang dahilan kung bakit ako nanghihina ngayon. Hindi na ako nakapag salita nang tuluyan akong lamunin ng kadiliman.
_
Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay sa may bandang braso ko. Nang imulat ko ang aking mata naabutan kong nakaupo si Kierro sa upuan habang hawak hawak yung kamay ko habang natutulog siya. Nabigla ako dahil sino ba naman ako para lapitan niya sa pagtulog.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa napaka ganda niyang muka habang natutulog ito. Gulo gulo man ang buhok niya pero ang gwapo niya pa din. Siguro kung sakali man na magkakaroon kami ng anak ay magiging sobrang gwapo nito. Pero kailangan kong tanggapin na kahit kailan ay hindi mangyayari ang bagay na iyon. Hindi ako ang babaeng minamahal niya. At alam kong hindi niya gagawin ang bagay na iyon sa akin dahil kinamumunhian niya ako.
Sana ako na lang minahal mo Kierro. Sana maayos ang pagtrato mo sa akin. Sana magkaroon ako ng pagkakataong mahalin ng isang lalaking katulad mo. Malungkot man isipin pero ang lahat ng iyan ay pangarap lamang.
Muli kong ipinikit ang aking mata nang maramdaman kong gumalaw siya. Mukang malapit na siyang magising kaya nagpanggap akong tulog pa din. Nararamdaman kong bumangon na siya at tumayo. Ilang minuto lang ang nakalipas ay kunwari nagising na ako. Nang imulat ko ang aking mata, ang malamig na tingin niya agad ang bumungad sa akin.
“The doctor said that you can go home. Let's go.” ani niya habang inaayos ang sarili niya. Nagtataka ako dahil pwede na akong umuwi? Akala ko pa naman ay mabibisita ko pa si Ate ngayon. Gustuhin ko man pero hindi niya ako papalabasin kahit gusto ko. Agad ko namang sinunod ang utos niya at inayos ko na yung mga gamit ko. Nagpalit na din ako ng damit at lumabas na kami sa hospital. Kagaya ng dati ay sa backseat ulit ako uupo dahil alam kong ayaw niya akong makalapit. Pero akmang bubuksan ko na yung pinto ng backseat ng harangin niya ako.
“May mga importanteng gamit sa may backseat. You can sit at the front.” malamig na saad niya sa akin. Napansin kong may mga box na nakalagay sa backseat kaya agad akong pumasok sa front seat at sumakay. Sumakay na din siya kaagad at nagsimula nang magmaneho.
Hindi ako nagsasalita habang nasa biyahe kami dahil baka bigla siyang magalit. Medyo awkward kaya mas pinili ko nalang matahimik. Napagpasyahan kong kuhanin yung cellphone ko para malibang ang sarili ko nang biglang tumunog ito. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
“Hello?" aniya ko dun sa tumawag sa cellphone ko. Unknown number yung nakalagay kaya nagtataka ako kung papaano niya nakuha yung number ko.
“Hello Iris, ako toh si Marian. Dati tayong mag classmates sa Henderson University. Gusto ko lang kayo imbitahin ni Kierro na pumunta sa ating first reunion. Asawa mo na si Kierro diba?” ani ni Marian. Marian is one of our classmates. Siya yung tresurer ng school namin at naging kaibigan ko din siya.
“Who's that?” tanong ni Kierro. Agad kong inabot sa kaniya ang cellphone ko at nakipag usap siya kay Marian.
“Sure, my wife and i will attend our first reunion. Just send the adress of venue to Iris. Thank you for inviting us.” huling aniya niya bago patayin ang tawag.
“Pupunta tayo sa susunod na linggo sa reunion. Make sure that you will act normally. At huwag mong ipapaalam sa kahit isa sa kanila ang mga nangyayari sa atin ngayon. Or I'll swear you'll regret it” aniya niya bago ituloy ang pag mamaneho.
To Be Continue×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro