Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Ikinwento ko lahat kay Ate ang mga nangyari sa amin ni Kierro, except dun sa gumawa kami ng kababalaghan. Nabigla siya nang sabihin ko sa kaniyang bigla na lang nag bago si Kierro at naging mabait na sa akin. Masaya siya para sa amin pero alam kong mahal niya pa rin si Kierro.

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung magising si Ate. Dito na muna sa bahay ni Kierro ko siya inuwi pero siyempre humingi muna ako ng permiso kay Tita Kamilla. Pumayag naman sila pero hindi ko pa rin nasasabi kay Kierro ang tungkol kay Ate. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro hihintayin ko na lang siya bumalik bago ko sabihin sa kaniya ang tungkol kay Ate.

Kasalukuyan akong nag luluto ngayon nang maramdaman kong pumasok na si Ate sa Kusina. Nagugutom na siguro siya. Mukang bagong gising lang siya dahil magulo pa ang buhok niya at humihikad hikab pa ito.

“Good Morning Ate.” pag bati ko sa kaniya bago ko inilapag yung mga niluto kong ulam sa lamesa bago siya umupo. Pinag day off ko sila Aling Sali kaya kaming dalawa lang ang nandito sa bahay ngayon.

“Good Morning, kanina ka pa gumising?” tanong ni Ate bago siya nag sandok ng kanin.

“Oo, tumawag kase kanina si Kierro nung madaling araw kaya hindi na ako natulog dahil malapit nang mag umaga.” saad ko bago kumuha ng juice sa ref.

“Ate balak ko nga pa lang pumunta sa sementeryo mamaya. Gusto kong bisitahin sila Mama at Papa, sasama ka ba?” tanong ko sa kaniya bago ako nag sandok ng pag kain.

“Oo siyempre, baka mag tampo na sa akin sila Mama at Papa dahil simula nung magising ako ay hindi pa ako nakakadalaw sa kanila.” aniya ni Ate dahilan para matawa ako. Grabe naman yung mag tatampo. Alam kong alam naman nila Mama at Papa na may dahilan kung bakit hindi kami nakaka punta doon.

“Hala baka multohin ka na nila.” pang aasar ko at tumawa kaming dalawa. Nang matapos na kaming kumain ay agad kaming naligo at nag bihis para pumunta sa sementeryo. Balak ko din na ipasyal si Ate sa mall para maka gala naman siya. Last week kase ay nasa bahay lang siya palagi.

_

Dahan dahan kong inilapag sa may puntod nila Mama at Papa yung bulaklak na binili ko kanina sa may flower shop. Matagal na din since nung huli kong binisita yung puntod nila dahil naging busy ako. Nag dasal muna kami ni Ate bago kami umupo sa tabi ng puntod.

Namatay ang mga magulang namin dahil sa isang aksidente. Bumangga ang sasakyan nila sa isang poste dahilan para mamatay silang dalawa. Simula noon ay si Ate na ang nag alaga sa akin. Medyo naging mahirap ang buhay namin pero nag sikap si Ate kaya nag karoon kami ng pera.

“Naaalala mo pa ba Ate nung nag punta tayo sa bukid ni Lola tapos nag batuhan tayo ng putik kayo galit na galit sa atin si Mama.” natatawang aniya ko havang inaalala yung mga ginawa namin nung mga bata pa kami.

“Paanong hindi magagalit si Mama eh bagong bili yung damit natin noon tapos kulay puti pa.” saad ni Ate dahilan para mas lalo akong matawa.

“Saka yung time na nanguha tayo ng bulaklak sa kapitbahay tapos hinabol tayo nung may ari.” dagdag ko pa. Napaka daming kalokohan ang ginawa namin nung mga bata pa kami. Pero dahil sa kalokohan na iyon ko nakilala si Kierro

*FLASHBACK*

“Ate bakit ba kailangan natin mag suot ng ganito? Ang kati kati nito oh, saka mas gusto ko pang mag short.” pag rereklamo ko habang nag kakamot dahil sa sobrang kati nitong dress na suot ko. Eto kase ang gusto ipasuot sa akin ni Mama dahil may bisita silang pupunta.

“May mga taong pupunta dito mamaya Iris, kailangan natin maging malinis at maayos.” pag papaliwanag ni Ate bago niya ako nilagyan ng kulay pulang ribbon sa aking buhok.

“Ayan tapos na. Napaka ganda naman ng kapatid ko.” pag komplimento niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo.

“Bakit kailangan pa nating maging maayos? Ayaw ba nila sa madumi?” taning ko na nag patawa kay Ate.

“Hindi naman sa ganun pero sanay kase sila sa malinis at matalik na kaibigan nila Mama yung pupunta kaya kailangan natin maging maayos at malinis.” muling pag papaliwanag niya kaya tumango tango lang ako.

Naka upo kami dito sa labas habang sila Mama at Papa naman ay nag aayos sa loob ng bahay. Maya maya lang ay may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay namin. Agad naman akong nag taka dahil ngayon ko lang nakita ang sasakyan na iyon.

Sa sasakyan na iyon may lumabas na mag asawa, isang batang babae at dalawang batang lalaki. Mas matanda yung isang lalaki kaysa dun sa isa. Lahat sila ay gwapo at magaganda pero isa lang sa kanila ang kumuha ng atensyon ko.

Halos tumulo na nag laway ko nang lumabas mula sa kotse na iyon ang isang lalaki na mukang kaedad ni Ate habang may hawak hawak itong libro. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko habang tinititigan ko siya. Eto na ba ang tinatawag nilang ‘Love At First Sight?’Kahit saang anggulo mo siya tingnan ay napaka perpekto.

Nabigla ako ng tapikin ako ni Ate bago siya may i ibinuling sa aking tenga.

“Mukang type mo yung lalaki ah? Iris, si Ate nga bawal pa mag boyfriend siyempre ikaw din. Focus muan tayo sa study ha.” pagpapa alala ni Ate pero masyado akong distracted para makinig sa kaniya. Ang paningin ko ay naka tutok pa din dun sa lalaking may hawak ng libro.

Bigla akong nagka lakas ng loob at gusto ko siyang kausapin. Pero bago pa man ako makalapit sa kaniya ay may bumuhat sa akin.

“Grabe ang laki mo na Iris, na miss kita.” aniya ni Ate Karina bago niya ako hinalikan sa pisnge.

“Oo nga mas lalo siyang naging cute.” aniya naman ni Kuya Khalil bago niya pinisil ang pisnge ko. Na distract ako nung lumapit sa kanila at nakita ko na lang nag lalakad na yung lalaki kasama ang mga magulang niya.

Buhat buhat pa din ako ni Ate Karina hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Agad na binati ni Mama at Papa yung mga bisita at doon ko nalaman na nandito pala sila para bisitahin kami. Nalaman ko din na Kierro Shinn Mitsukhi pala ang pangalan niya. Habang nag uusap sila ay hindi pa rin nawawala ang atensyon ko kay Kierro. Pinapanood ko siya habang kumakain at nag babasa. Gustong gusto ko talaga siya kausapin pero mukang masungit siya. Hindi din siya nag sasalita at naka focus lang siya dun sa dala niyang libro.

Matapos namin kumain ay nandoon na silang lahat sa may sala habang nag kwekwentuhan habang ako naman ay nandito sa may bakod habang pinag mamasdan ko siya habang nag babasa pa din ng libro.

“Why do you keep following me?” biglaang saad niya. Agad akong lumingon lingon para malaman kung sino ang kausap niya. Teka ako ba yung kinakausap niya?

“Huwag ka nang lumingon lingon pa, malamang ikaw. Kanina mo pa ako tinititigan at sinusundan. Are you a stalker?” inis na tanong niya bago niya isinarado ang hawak niyang libro at tumingin sa akin. Shocks! Ako nga ata yung kinakausap niya.

“H—Hindi naman ako stalker.” pag tatanggol ko sa sarili ko bago ako lumapit sa kaniya

“Hindi daw. Kung hindi ka stalker bakit mo ako sinusundan? Stop it because it so annoying!” inis na asik niya bago niya ako inirapan. Grabe ha! Tinititigan ko lang naman siya eh. Wala naman akong ginagawang masama. Ang sungit niya naman!

“Ang sungit mo! Kala mo naman ang gwapo mo. Palagi ka lang naman nag babasa.” inis na saad ko sa kaniya bago ko siya inirapan.

“Reading books is better than stalking someone, so mind your own business and read books. It might taught you some manners, stalker!” grabe yung pagka sungit niya wagas! Ang gaspang naman ng ugaki nitong lalaking ito!

“Sinusundan lang naman kita ah, anong masama doon? Eto ang tatandaan mo, ikaw naman ang magiging stalker sa ating dalawa. Magiging stalker kita!” sigaw ko sa kaniya dahilan para tumawa siya

“As if, there's no way that I'm gonna be your stalker.” nakangising aniya niya bago siya nag alkad papabalik sa loob ng bahay. Tandaan mo yung sinabi ko. Sisiguraduhin kong magiging stalker kita!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro