Chapter 1
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa sofa habang ginagamot ni Aling Sali yung sugat ko. Puro pasa nanaman ang katawan ko dahil sa paghataw ni Kierro ng latigo. Hindi ako masyadong makagalaw dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.
Pagkatapos akong saktan ni Kierro kanina, natagpuan ako ni Aling Sali na nakahiga sa sahig at tinulungan niya akong tumayo. Kitang kita ko ang awa sa mga mata niya habang ginagamot niya ang sugat ko.
“Iris hindi ko na kayang makita kang sinasaktan ni Kierro. Bakit hindi mo pa siya iwanan sobra na yung ginagawa niyang pananakit sayo. Hindi ko na matiis na palagi ka niyang tinatrato ng ganiyan. Alam kong ang minamahal niya ay ang kapatid mo pero hindi niya kailangan gawin yan sayo.” nag aalalang aniya ni Aling Sali. Kahit sobra na yung pananakit niya sa akin, hindi ko pa rin siya magawang iwanan. Mahal na mahal ko siya, kaso ang kapatid ko ang minamahal niya.
“Aling Sali sa totoo lang gusto ko na umalis at maging malaya kaso, mahal ko siya eh. Umaasa ako ng umaasa na kahit isang araw lang ay ituting niya akong asawa, pero mukang malabo atang mangyari yun. Hanggang panaginip nalang ata yung mga gusto kong mangyari.” masakit man pero eto ang katotohanan. Patuloy pa din ang pag gagamot ng sugat ni Aling Sali sa akin ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa non si Kierro na walang emosyong nakatingin sa amin. Hindi ko mapigilang matakot, papaano kung saktan nanaman niya ako? Huwag naman sana sa harapan ni Aling Sali. Naramdaman ni Aling Sali ang panginginig at panlalamig ng katawan.
“Iris magbihis ka. May family dinner mamayang 7:00 PM and make sure to cover up your dirty scars para hindi nila makita. Also huwag mong subukang magsumbong kung ayaw mong masaktan.” seryosong ani niya habang nakatingin siya sa akin. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniyang napaka gandang kulay abo na mata. Siya na sana yung perfect guy para sa akin pero bakit kailangan yung kapatid ko pa ang mahalin niya? Agad naman akong tumayo at ininda ang sakit ng aking binti para pumunta sa kwarto ko para makapag ayos na. Ayaw kong magalit nanaman niya dahil baka saktan nanaman niya ako.
Gumamit ako ng napakaraming foundation para takpan lahat ng pasa at sugat na nasa katawan ko. Mula sa braso hanggang sa bewang pababa sa binti at hita. Maayos ko naman nalagyan lahat ang hindi ko lang malagyan ay yung sugat ko sa likod. Ito kase yung sugat ko kanina matapos akong bugbugin ni Kierro at sariwa pa ito. Naghanap ako ng dress na hindi backless at nakahinga ako ng maluwag nang makakita ako ng isa. Kaso nga lang ay sleeve less ito. Bahala na okay na ito, kesa naman makita nila yung sugat ko sa likod. Sana huwag mapansin nila Ate Karina at Kuya Khalil yung mga sugat ko.
Nang matapos na akong magbihis ay agad akong bumaba at naabutan kong naka upo sa sofa si Kierro. He look so handsome and his hair was brush up. The tattoo on his neck and chest makes him more sexier. The dragon and skull tattoo on his chest and the japanese letters on his neck is so cool. Napatigil ako sa pagtitig sa kaniya ng seryoso niya akong tiningnan. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya bago siya nagsalita.
“What took you so long? I've been waiting for five minutes and you look ugly in that dress. That dress is better in Irene.” he said coldly before turning around. Hindi na nga niya ako kinumplimento pero kinumpara niya pa ako sa kapatid ko? Sakit! I wanted to hate my sister, but I can't. She's the one who raise me. Mas inisip niya pa rin ang kapakanan ko kahit ako ang sumira sa relasyon nila ni Kierro.
I can't forget that day. Nag aaway kami nun dahil sa pagsira ko sa relasyon nilang dalawa ni Kierro. Marami akong nasabing masama sa kaniya dahil sa inggit at selos. Naiinggit ako dahil siya ang mahal ni Kierro. Dahil sa galit ay hindi na ako nakinig sa kaniya at tumawid sa highway. Hindi ko namalayan na may truck palang papadaan. Akala ko nung araw na iyon ako mamamatay pero iniligtas ako ni Ate. Itinulak niya ako papunta sa gilid at siya ang nasagasaan. Naging maayos naman ang sitwasyon ni Ate pero na coma siya. Mag iisang taon na nung nangyari yun. Napapa isip ako, what if ako yung nasagasaan? What if ako yung na comatose? Maayos sana ang buhay ni Ate ngayon kapiling si Kierro. Masaya siguro siya ngayon kasama si Kierro.
Simula noon palagi ko nang sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari. Kahit si Kierro ay ako din naman ang sinisisi. Sana ako nalang yung nasagasaan, sana ako nalang yung na comatose.
“Pasensya na, tinakpan ko kase hanggang sa hita at binti yung mga pasa. Kinapalan ko na para hindi makita nila Tito at Tita.” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako bago maglakad papalabas ng mansion. Agad akong sumunod sa kaniya at pumasok sa back seat. Sa back seat talaga ako umuupo dahil ayaw niya ng may kalapit. Nararamdaman ko yung hapdi sa aking likod, hindi ata magandang ideya na maglagay ako ng foundation sa sariwang sugat. Nilagyan ko na rin kanina, baka kase may makapansin.
Tahimik lang ako sa likod habang nag da-drive si Kierro. Bakit kaya may family meeting nanaman? Ang alam ko busy sila Tito dahil sa kompanya. Saka nasa japan sila Kuya Khalil at Ate Karina. Naka uwi na agad sila?
Ilang minuto din ang lumipas bago kami nakarating sa mansion nila Tita Kamilla. Pinagbuksan kami ng pinto ng mga guards. Mahigpit akong niyakap ni Ate Karina ng makita niya ako. Napadaing ako ng maipit yung sugat ko pero hindi ko ito ipinahalata.
“Good to see you again Iris. I miss you so much.” masayang aniya ni Ate Karina. Niyakap din ako ni kuya Khalil nang makita niya ako. Agad din akong bumitaw nang makita ko ang masamang titig ni Kierro habang nakatingin sa amin.
“Magandang gabi ija. You look gorgeous as always.” bati ni Tita Kamilla bago ako yakapin. Mahal na mahal ako ng pamilya niya pero siya hindi niya ako kayang mahalin. Umupo na kami sa dining table at nagsimulang kumain. Ibang iba si Kierro habang nakikipag usap sa mga magulang niya. Akala nila sobrang bait ng anak nila, hindi ko lang masabi na halos p*tayin na ako ni Kierro dahil sa maliit na pagkakamali.
“So Iris, kamusta naman ang relasyon niyo ni Kierro? Palagi ba kayong nag aaway at may misunderstandings?” tanong ni Tita Kamilla. Ramdam na ramdam ko ang masamang titig ni Kierro sa akin. Para bang sinasabi niyang huwag na huwag ako magsusumbong. Ang alam kase ng magulang niya ay minahal na ako ni Kierro.
“Maayos naman po kami, wala naman po kaming pinag aawayan. Napaka maaalagain po ng anak niyo.” nakangiting saad ko. Tuwang tuwa naman sila nang malaman nila na hindi kami nag aaway. Ipinagpatuloy namin ang pag kain at pag kwekwentuhan. Nag usap sila about sa business at about sa politician. Matatapos na kase ang termino ng lolo nila Kierro at balak naman ni Tito Kendrix na tumakbo bilang susunod na Vice President ng Pilipinas. Maayos kaming nag uusap nang maramdaman ko ang paghapdi ng sugat ko. This time hindi ko na ito matiis dahil mas mahapdi ito kumpara sa kanina.
Nagpa alam ako sa kanila na mag babanyo lang ako saglit. Agad akong nagtungo sa banyo at tinanggal yung zipper sa likod. Dali dali kong pinunasan ng tissue ang sugat ko. Binasa ko din ito para mawala yung mga foundation at mabawasan ang hapdi.
Nakahinga ako nang malamin nung matanggal na yung foundation. Nabasa yung braso ko at nagsisimula na ding matanggal ang foundation. Kakailanganin ko sigurong mag retouch nito. Buti nalang ay nadala ko yung foundation. Mag sisimula na akong lagyan muli ng foundation ang sugat ko nang may biglang magsalita.
“Hindi magandang ideya ang paglalagay ng foundation sa sugat. Ma iinfection yan at mas lalong magiging mahapdi.” napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Ate Karina. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Ano nang gagawin ko? Bubugbugin nanaman ako ni Kierro nito. Dahan dahan kong inayos yung damit ko bago nakayukong humarap sa kaniya.
“Kailan pa Iris? Kailan kapa tinatrato ni Kierro ng ganiyan? Akala mo hindi ko alam? May espiya ako sa loob ng mansion niyo. Bakit hinahayaan mong saktan ka ni Kierro?” galit na saad ni Ate Karina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula na akong umiyak. Hindi ko din alam, hindi ko kayang iwan ang kapatid niyo eh.
“Ate please huwag mong sabihin kay Kierro ang tungkol dito. Sasaktan niya ako ulit Ate, please huwag mong sabihin.” pagmamakaawa ko sa kaniya. The thought of him beating me up again is in my head again. Ayoko nang masaktan.
“Bakit mo siya hinahayaan na tratuhin ka ng ganito? Kailangan kong maka usap si Kierro.” ani niya at akmang maglalakad na siya papalayo ng pigilan ko ito.
“Huwag Ate, kapag nalaman niyang may naka alam tungkol sa pananakit niya sa akin, bubugbugin nanaman niya ako. Please Ate sobrang sakit kapag hinahataw niya ako ng latigo.”kapag naiisip ko yung pananakit niya sa akin gusto ko nalang umiyak. Ayaw ko na muling maramdaman ang bagay na iyon sa aking katawan.
Pero hindi nakinig sa akin si Ate Karina at lumabas siya ng banyo. Tinawag niya sandali si Kierro at pumunta sila sa garden. Sinundan ko sila at nang makita ako ni Kierro ay marahas niyang hinigit ang aking buhok. Hinila niya ako at marahas na itinulak, dahilan para tumumba ako.
“You stupid girl! Didn't i tell you not to tell anyone about that. Your really making me mad Iris.” he said angrily while holding me tight. Agad na lumapit sa amin si Ate Karina at malakas na sinampal si Kierro.
“Ano bang pinaggagawa mo Kierro? Bakit mo sinasaktan yang asawa mo? Akala mo siguro hindi ko malalaman noh? Grabe na ang ginagawa mong kawalangyaan Kierro. Wala kang respeto sa babae!” sasampalin muli siya ni Ate Karina si Kierro nang pigilan niya ito bago itulak. Agad akong lumapit kay Ate Karina para tulungan ito.
“Huwag kang makielam sa amin dalawa. Kapatid lang kita Karina. So keep your f*cking mouth shut.”he said angrily. He was about to slap her again when we heard Tita Kamilla shouting. Hinahanap na niya kaming tatlo.
“Don't you dare tell anything about this at Mom or i swear you'll regret it Karina. He said before walking away. Nakatayo na kami ni Ate Karina ng dumating si Tita. She look confused dahil umalis na si Kierro. Nagtanong siya kung nasaan si Kierro at gumawa nalang ako ng excuse. Sinabi kong may emergency meeting si Kierro at kinakailangan niyang umalis. Naunawaan naman ni Tita at Tito yun at pumasok na kami sa loob. Hindi ako makakain ng maayos dahil natatakot ako. Paano ako uuwi? Galit si Kierro kaya alam kong sasaktan nanaman niya ako.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpa alam na ako sa kanila. Gusto akong ihatid ni Kuya Khalil pero pinilit ko siya na kaya ko namang mag biyahe mag isa. Kalaunan ay pumayag na si Kuya at nag taxi nalang ako. Kinakabahan ako pero ngnitian ko si Ate Karina bago ako umalis. Kita ko ang pag aalala sa mga mata niya pero sinabihan ko siya kanina na huwag munang ipaalam kila Tito at Tita, lalo na kay Kuya Khalil. Alam kong magagalit siya nang sobra kapag nalaman niya ang mga pananakit na ginagawa ng kapatid niya sa akin.
Ilang minuto din ang ibinyahe ko bago ako makarating sa mansion. Nagdadalawang isip ako kung papasok paba ako o tatakbo papalayo. As much as i wanted to leave, i also want to stay because i love him.
Dahan dahan akong naglakad papasok ng mansion. Nasa tapat na ako ng pinto nang may marinig akong pag iyak at pag sigaw. Kinabahan ako dahil narinig ko ang pag iyak nila Marie, Kim at Aling Sali. Sinisigawan sila ni Kierro habang umiiyak sila.
Nagmamadali akong pumasok at naabutan kong may hawak na baril si Kierro. Nakatutok ito kila Aling Sali habang sinisigawan sila ni Kierro.
“Umamin na kayo! Sino sa inyo ang nag sabi kay Ate tungkol sa nangyayari sa amin ni Iris?! Ha! Sumagot kayo!” galit na sigaw niya sa mga katulong. Agad akong oumagitna sa kanila at masama siyang tiningnan.
“Ano bang ginagawa mo Kierro. Wala silang ginagawang masama.” pagtatanggol ko kila Aling Sali.
“Huwag kang makielam dito Iris. Hindi ako titigil hangga't walang umaamin sa inyong tatlo. Sagot!!” sigaw at akmang hihigitin niya si Aling Sali ng itulak ko siya.
“Ayaw mong masaktan sila? Halika dito ikaw ang parurusahan ko dahil sa ginawa nila.” galit na ani niya bago ako marahas na higitin papa akyat sa hagdan. Hawak hawak niya ang buhok ko bago ako isalampak sa sahig.
Kagaya ng inaasahan ko. Sasaktan nanaman niya ako. Nakadapa ako ngayon dito sa sahig habang iniinda ang sakit ng aking likod habang hinahataw niya ako ng latigo. Hindi siya tumigil, natatakot ako dahil baka mapatay na niya ako ngayon. Pero ano nga bang magagawa ko. Wala naman akong halaga sa kaniya. Mas mabuti na din na ako yung sinaktan niya, hindi ko hahayaang saktan niya sila Aling Sali. Sila lang ang tumuring na pamilya sa akin sa mansion na ito.
“I hope you learn your lesson Iris. Tell those stupid maid that don't interfere with our life or i will fired them.” huling aniya niya bago lumabas ng kwarto. Iniwan niya nanaman akong umiiyak habang humihingi nang tulong. Hindi ko alam pero nagsisimula nang dumilim ang paningin ko. Hihingi sana ako ng tulong ng biglang dumilim ang paningin ko.
To Be Continue×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro