Chapter 75 - #familygoals
Naguwian ang mga bisita nila bandang alas diyes ng gabi. Naiwang nagliligpit ng kalat si Maine, habang si RJ kalaro si Ram.
Maine: Ram, It's past your bedtime darling, go wash up and get ready for bed.
Ram: Ok Mama!
Natutuwa si RJ, kahit minsan hindi pa niya narinig na nagreklamo si Ram sa bawat sabihin ni Maine. Tumatakbo namang pumasok ng kwarto si Ram, naglabas ng damit ipinatong sa kama, kumuha ng towel at pumasok sa banyo. Pinanonood lang ni RJ. Nakita nya ang mga kalat na lata, pinggan at plastic cups, kumuha ito ng garbage bag at pinulot ang mga kalat simula sa sala hanggang sa balkonahe at inilagay yon sa malaking basurahan na nandon. Inayos ang mga nagulong throw pillows, magazines at kung ano-ano pa. Nilingon niya si Maine nakita nyang naghuhugas ito ng pinggan. Pumunta siya sa banyo at sinilip si Ram. Natutuwa siyang marunong itong magshower magisa kumakanta pa.
RJ: Baby are you sure your only 5?
Ram: yes Papa, but if you want to help me wash my back I will let you.
Pinaliguan naman ni RJ ang anak. Natutuwa siya sa kadaldalan nito.
Ram: I know a lot of things Papa because Mama taught me how to do them.
RJ: Alam mo ba kung bakit ka niya tinuruan?
Ram: Opo, so I can take care of myself, kasi nagwo-work si Mama pati si Daddy at Lola Jean. Kaya dapat marunong akong maligo, maginit ng food, kumuha ng inumin at madami pa para kahit wala sila kaya kong gawin magisa.
RJ: Naiiwan kang magisa sa bahay?
Ram: Papa baby pa ako hindi ako pwede maiwan magisa.
RJ: kaya nga, so sino kasama mo
Ram: when Mama goes to work nasa baby day care po ako, that's where I learned how to sing, dance, count, read the abc and color, I have many friends there. Tapos sinusundo nila ako ni Daddy, when I am asleep Mama goes to work again tapos paggising ko the next day she is sleeping beside me.
Matapos maligo ni Ram, pinunasan at binihisan ito ni RJ. Pinatutuyo niya ang buhok nito ng pumasok si Maine sa kwarto.
Maine: Ako na yan.
RJ: Sige na, you go freshen up para makapagpahinga ka na din.
Nang makitang pumasok na ng banyo si Maine kinausap ulit ni RJ si Ram
RJ: So Mama goes to work in the morning and at night?
Ram: Opo Papa, kawawa nga si Mama kasi minsan may masakit sa chest or sa head pero nagwo-work pa din. Kasi we need money for my medicine.
RJ: Marami ka pa ding iniinom na medicine?
Ram: one na lang po, vitamins kasi po am not sick anymore. Look I'm strong na eh.
RJ: How about Mama? May mga medicine ba siya?
Ram: Meron po pag sumasakit ang tummy niya tyaka yung chest
RJ: Madalas ba sumakit Tummy at Chest ni Mama?
Ram: Sabi ni Daddy kaya nagkasakit si Mama sa tummy kse hindi siya kumakain sa work, yung chest when she cries to much tsaka pag madaming madaming pagod na. And nung kinausap niya si Tita Ciara sa computer. Mama said kasi daw namiss nya si Tita but I know she is not telling me the truth. Siguro po nagaway sila ni Tita. (sabi ni RJ sa sarili, kung alam mo lang anak si Papa ang umaway kay Mama)
Pumasok sa kwarto ni Ram si Maine.
Maine: Mag shower ka na, ako na magpapatulog dyan
Tumayo at lumabas na ng kwarto si RJ. Pero tumayo lang ito sa gilid ng kwarto at pinakinggan ang magina. Humiga si Maine sa kama ni Ram at humiga ito sa tabi niya at yumakap.
Ram: Mama, tell me a story about Papa.
Maine: About Papa again? About other guys naman
Ram: No, Mama! I don't like!
Maine: Ok, ok... we were at Lolo Tatay's house, Tita Coleen gave me some ice cream, habang kumakain ako nilagyan ko ng Ice cream si papa sa face, I was joking around kumunot ang noo ni Papa, pinagalitan nya si Mama kasi hindi ko daw dapat pinaglalaruan ang pagkain kasi yung iba nga walang pambili ng ice cream eh.
Ram: Tama naman si Papa di ba?
Maine: Yes darling, we shouldn't play with food. But Mama still think Papa's face is funny with ice cream on it. (Bumungisngis si Ram) Ok, you better try to sleep its getting late.
Napangiti na lang si RJ at nagpunta na ng banyo.
Ram: Mama, sing me the song... kinanta ni Maine ang Ngiti, sumabay sa pagkanta si Ram hanggang sa makatulog ito.
Paglabas ni RJ ng banyo nakita niya si Maine na nasa dining table, binabasa nito ang kontrata niya sa Icon at may mga papel ito na nakahilera sa harapan nito. Kumuha si RJ ng tubig at umupo sa tapat ni Maine.
RJ: Luv hindi ka pa inaantok?
Maine: Tapusin ko lang 'to. (Sagot nito na hindi tumitingin kay RJ)
RJ: Nung nasa states ka, sabi ni Jerome dalawa ang trabaho mo. So Chef yung una eh ano yung isa pa?
Maine: Nung una kung ano-ano lang, waitress, dishwasher, cashier, bagger, receptionist, barista, kung ano makita ko na part time. (nahabag si RJ sa kasintahan) Tapos eventually pinasok ako ni Jerome, naging cook ako don sa bar don sa Hotel. So from 9am to 6pm I cook for the hotel's fine dining restaurant and from 9pm to 1am for the hotel's bar
RJ: May oras ka pa ba para matulog non?
Maine: meron pa naman mga 4 hours tapos kapag weekend bumabawi na lang ng tulog at pahinga
RJ: kamusta naman sakit mo?
Maine: controlable hindi ka naman mabubyudo ng maaga
RJ: Mendoza! Umayos ka! (kumunot ang noo ni RJ)
Tiningnan ito ni Maine
Maine: Nakita mo na ba kung pano kumunot ang noo nung anak mo ganyang ganyan.
RJ: Pag nabyudo ako maagang magiging orphan si Ram dahil susundan kita.
Maine: Ikaw ang umayos nagbibiro lang ako no!
RJ: Eh si Ram?
Maine: Ram is very healthy.
RJ: Do you regret anything you did before?
Maine: No, pero marami akong sana... sana hindi ako nadepress para hindi ako nahirapan on the pregnancy, eh di sana hindi premature si Ram at sana hindi ako nagresign, para hindi sana kita nasaktan. Pero narinig ko lang na Senior Flight Captain ka na and Ram is now very healthy every struggle was worth it.
Kinuha ni RJ ang mga papel na hawak ni Maine at iniligpit. Nakatingin lang si Maine sa kanya. Hinawakan nito ang kamay nya at hinila siya sa kwarto. Humiga sa kama at pinahiga siya sa tabi nito at niyakap habang hinahaplos ang buhok niya.
RJ: Magpahinga ka na, bawiin mo lahat ng pagod mo ng nagdaang limang taon, ngayon me and Ram will take care of you so you can reach for your dreams. Aalagaan ka namin kung papano mo inalagaan si Ram nung may sakit siya at kung pano mo inalagaan ang mga pangarap ko nung nagstruggle ako. I will help you make your own dreams come true. I will start by paying up for this home, tapos your dream wedding, tapos aayusin ko ang papers ni Ram at lahat yan habang tinutupad mo ang pangarap mo to be the worlds best FA.
Maine: Eh papano yung dream ko to be the world's best Mom and world's best wife?
RJ: After all of what you did for me and Ram, you already got that title matagal na, grand slam ka na nga eh.
The next morning nagising si Maine sa amoy ng bacon, dahan-dahan siyang bumangon at sinilip sa pinto kung ano ang nangyayari sa kusina. Nakita nya si RJ nagluluto at si Ram nagse-set ng table. Kumakanta kanta pa. Natawa na lang si Maine, naisip nya, "trying hard ang magama ko."
Ram: Papa, hurry up baka magising na si Mama.
RJ: Anak, eto na patapos na tong bacon. Eh ikaw tapos na ba yang table?
Ram: opo may plates, spoon and fork and glass na po.
Ram: Ok sige, go get the butter na
Eksaktong inilalapag ni RJ ang plato ng bacon ng lumabas si Maine sa kwarto.
Maine: Good morning! Anong meron at nagluto kayo?
Ram: Good morning Mama! (lumapit ito sa kanya, humalik at yumakap pa)
RJ: Good morning! Here's breakfast to the world's best wife
Ram: and to the world's best Mom!
Maine: Inuuto ninyo akong dalawa, may kasalanan kayo no?
RJ: Uy wala ah, good boy kami, maaga nga kaming nagising eh.
Ram: oo nga Mama, I even fixed my bed tsaka smell me, nag-take a bath na ako.
RJ: Ako din, nagshower na.
Lumapit pa ang dalawa para magpaamoy kay Maine.
Maine: O tapos?...
Nagkatinginan si RJ at Ram...
Ram: uhmmmm, and we took the garbage out na Mama
RJ: at syempre here's your coffee...
Iniabot ni RJ and isang mug ng kape at hinalikan siya sa pisngi. Umarte si Maine na parang balewala lang ang effort ng dalawa...
Maine: O eh di kumain na tayo... para yun lang akala ko naman kung ano na meron.
Tumingin si Ram kay RJ, nagkibit balikat lang si RJ... pinagsalikop na lang ni Ram ang kamay at pumikit...
Ram: Good morning Papa Jesus, thank you for watching over us last night and for the food that we are sharing for breakfast. Sana po we can make Mama happy everyday. Amen.
Pagmulat ng mata ni Ram, nakatingin si Maine sa kanya at nakangiti ito.
Ram: Mama, you're smiling. Papa, we made Mama smile! (Tuwang-tuwa itong nakipag-high five sa Papa nya)
Maine: This breakfast is for me right? (Tumango si RJ at Ram) Eh di uubusin ko lahat ito. This are all mine!
Inilagay ni Maine lahat ng bacon sa plato niya, nakipagunahan si RJ at Ram na kumuha sa plato niya. Tawa sila ng tawa.
Maine: You don't have to cook breakfast for me, I will never get tired of waking up with a smile for both of you.
RJ: At kung ang mga ngiting yan ang magigisnan ko sa bawat umaga, hindi ako magsasawang matulog ng maaga kasama ka.
Ram: Uuuyyy si Papa, nagpi-pick up line.
RJ: Ano bang pangalan mong bata ka? ang dami mong alam?
Ram: Ricardo Nicholas M. Faulkerson po, and I am just like my Dad!
Nagkatawanan sila. Alam ni RJ, simula na yon ng maraming magagandang umaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro