Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 73 - Foursome

Masayang masaya si Maine ng gabing yon. She had the best marriage proposal she could ever dream of.   Pero si RJ half hearted.  Masaya siya na tinanggap ni Maine ang marriage proposal niya pero hindi niya makuhang hindi malungkot kapag naiisip nyang aalis si Maine at Ram kinabukasan.  Kung pwede lang na pakasalan na nya ito ng gabing yon ginawa na niya para araw-araw na niyang makasama.

Malapit na sila ng condo nila Maine, ng magtext si RJ kay Miggy.

RJ:  Bro, tell Cia na don ka na matutulog para mayaya naman akong matulog don. Ayaw ko pang magkahiwalay kami kasi ilang oras na lang aalis na naman sya.  Sige na please tell Cia to help me.

Pinabasa ni Miggy ang message ni RJ. 

Miggy:  Anong isasagot ko, naaawa naman ako eh,  tulungan na natin.

Ciara:  Talaga bang gusto mong tumulong o gusto mo lang maka-score?

Miggy: Babe, naman pano ako makakascore kung nasa kabilang kwarto lang sila.  Pero kapag narinig kong nakakascore si RJ ibang usapan yon dapat ako din.

Hinampas ni Ciara si Miggy.

Ciara:  Sige text mo na lang ng OK

yun nga ang ginawa ni Ciara.

Nagtext ito kay Maine.

Ciara:  Girl, sa condo na natin patulugin itong dalawang 'to, nakainom na.  Baka mamaya kapag pinauwi pa natin kung saan pa magpunta eh.

Maine:  Oo nga sige, sabihin natin later.

Pagkapark ng sasakyan, bumaba si Miggy at RJ at pinagbuksan ng pinto ang mga dalaga.  

RJ:  Ano Migs, bonding tayo? Bitin ako eh.

Miggy:  Oo nga kahit two for the road bago umuwi.

RJ:  Luv, hindi na kami aakyat, bonding time with Miggy bago umuwi. 

Ciara: Ano? nakainom na kayo no, iinom pa ulit? RJ, hindi ka pa nakuntento ha?

RJ:  Bitin  ng konti eh.  Sige na please. Niyakap nito si Ciara na parang batang naglalambing.

Ciara: Aba, ayan oh dyan sa aleng nakapamewang ka magpaalam. Basta ako hindi pwede. Miguel tama na yang inom ha. Pero sige kapag pumayag si Maine pero RJ huwag mo akong sisihin.

Tiningnan  ni RJ si Maine, nakapamewang nga ito.

RJ:  Luv, pwede two bottles lang tapos uwi na kami. Bitin eh!

Maine: Bitin ba ng konti.  Sige kumpletuhin natin sa taas maraming malamig na beer in Can. Dito nyo kumpletuhin yang pagkabitin niyo para kahit sumobra pa, matutulog na lang at hindi na magmamaneho.

RJ: Luv naman eh.

Maine: Ayaw mo? O gusto mong magbonding kayo ni Miggy kasama itong singsing mo?

RJ:  Ay ibang usapan na yan... dito na nga lang tayo Miggy, may beer na, may mga sexy babes pa oh.

Maine:  O siya akyat! 

Nag high five si Miggy at RJ.

Miggy:  sabi ko nga dito na lang tayo... libre na beer, ang gaganda pa ng waitress.

RJ:  Bro ha secret natin to, sagwa ng dalawang Piloto under ni Misis.

Nagtawanan sila, natawa na din si Maine at Ciara.

Pagkabihis, naglabas si Maine ng apat na can ng beer.

Maine: o ayan pakabundat kayong dalawa.

RJ:  I miss this!  Ang tagal na nating hindi nagfo-foursome eh.

Miggy:  bakit parang ibang foursome ang pumasok sa utak ko.

Hinampas ni Ciara si Miggy. Kinuha nito ang can na iniinuman ni Miggy at lumagok ng beer. Ibinalik yon kay Miggy at humiga sa couch na nakaunan sa hita nito.

Umupo si Maine, sa armchair ng single couch na inuupuan ni RJ.

RJ:  yun naman, Migs sabi ko sa yo tama lang na dito na lang tayo eh. Walang sexy legs na ganito sa bar.

Miggy: minsan meron bro hindi ka nga lang sigurado kung babae o lalake.

Nagtawanan sila.

Miggy:  So may date na ba ang kasal?

Maine:  Hmmmm wala pa eh.

RJ:  Kung bukas pa ang munisipyo bro, Now na!

Natawa si Maine.

Maine:  Sobra ka naman.

RJ: Patatagalin pa ba yon?

Ciara:  Suggestion, gusto nyo?

RJ:  Sige nga Cia... ano suggestion mo?

Ciara:  eh kung sa anniversary ninyo?

Maine: pwede pero di ba dapat medyo mahaba preparation?

RJ:  Luv nama yung Mock Wedding nga umubra ng 1 week lang eh. Kaya yun.

Ciara:  Ano bang klase ng wedding muna engrande ba?

Maine: Kung ako I want it simple but elegant.  Parang yung Mock Wedding pero elegant and solemn.

RJ:  Eh ako nga sa munisipyo lang talo-talo na eh.

Maine:  Luv naman eh, serious na.

Ciara: Teka teka kung serious na, dapat may check list wait.  

Tumayo ito at kumuha ng notebook at papel.

Maine:  Ay eksakto Cia dahil ikaw naman ang Maid of Honor simulan mo na trabaho mo.

Nagsimula namang magsulat si Cia.

Tentative date: July 16,

Ciara: Ano pa bang choice ng date

Maine:  August 8 para 8/8  para sa infinity

RJ:  Gusto ko yan!

Miggy:  Or September 8 para may infinity pa din

Ciara: lahat na lang kaya ng 8?

Maine: Gusto ko din yung September 8, Nativity of Virgin Mary yon

RJ: Oy baka naman maging December 8 yan ang tagal non.  Hanggang September 8 lang

Ciara:  Atat lang ang peg RJ?  Sige na tama na yung tatlong tentative dates

Ciara:  So yung ambiance, dapat simple, elegant and solemn

RJ:  Motiff:   yellow and White  (sinulat naman ni Ciara)

Ciara: Flowers?

RJ:  Tulips and Carnation, white and yellow syempre

Maine: Are you reading my mind?

RJ:  Syempre alam ko kung anong gusto mo eh

Ciara:  Simbahan?

Nagkatinginan si RJ at Maine

Maine: Pagiisipan pa namin.

Ciara:  Entourage na.  

RJ:  Syempre ring bearer si Ram at Coin bearer si Matti

Maine:  Bridesmaid si Riza at Coleen

RJ: Grooms men sila Dean at Jerome

Miggy:  Hindi magkapartner si Pauleen at Jerome?

Ciara:  Sabi nila kapag nagpapartner daw sa kasal hindi nagkakatuluyan.

Miggy: Eh di mabuti na lang si Matt ang Bestman!

Nagtawanan sila.

RJ:  Seryoso ako Miggy, I was actually thinking of  getting you as my Bestman. Nagulat si Miggy.

Miggy:  Hindi ba dapat yung bestfriend?

Maine:  Not necessarily, it can be a brother  basta yung pinakaclose sa yo.

RJ:  Walang halong bola to Bro. Oo bestfriend ko si Matt, but we are talking about bestman sa kasal namin ni Maine.  And there is no one most suited but you.  You are there from the start of our story until now. Kapag nagkakaproblema kami o masaya ikaw, kayo ni Cia ang kasama namin.  

Miggy: pano si Matt, nakakahiya baka may masabi yon

RJ: Maiintidihan ni Matt kung bakit ikaw ang pinili ko, I am sure of that.

Miggy:  Touched ako bro pero baka hindi kami magkatuluyan ni Ciara eh

Natawa si Maine. Pwede ko naman gawin si Ciara na Bridesmaid tapos si Coleen ang Maid of Honor eh.

RJ:  Teka nga... parang meron na sigurado sa future dito ah.

Nagblush si Ciara.

Maine:  OMG! Kaya nga takot maudlot eh!  Luv kinikilig ako. 

Dumulas si Maine sa pagkakaupo sa armchair sa kalikutan nito at napaupo sa kandungan ni RJ. Iniyakap ni RJ ang dalawang braso sa katawan ni Maine.

Nagkatinginan si Maine at Ciara, sa itsura ng tinginan may kapilyahang gagawin. Inangat ni Ciara ang katawan para mapaupo at umupo sa kandungan ni Miggy. Hindi naman napansin ni Miggy dahil seryoso sa pakikipagusap kay RJ.

Miggy:  Kayo ang bahala, am flattered then.

RJ:  So, its all settled then, Ikaw ang Bestman

Isinusulat ni Ciara ang bawat sinasabi ni Maine

Bestman - Miggy   Maid of Honor - Coleen

Groomsman - Matt/Jerome   Bridesmaid - Ciara/Patricia

Candle:  Dean and Pauleen

Veil:  James and Julia

Cord:  Frank and Pia

Sa pagitan ng pagsasalita ni Maine, hinahalikan nito si  RJ, sa ilong,pisngi, tenga, leeg, batok. At sa pagitan ng pagsusulat ni Ciara, ganon din ang ginagawa nito kay Miggy. Nakahalata si RJ, tumingin kay Miggy, nakahalata na din si Miggy. Umangat angat ang kilay ng dalawa.

Ciara:  Principal Sponsors?  (hinalikan ito ni Miggy sa leeg)

Maine: Si Papa at Mama ni Miggy (hinalikan din ito ni RJ sa leeg)

Ciara: Sino pa? (sa kabilang side ng leeg naman)

Maine:  Si Tita Jean (ganon din ang ginawa ni RJ)

Ciara:  sinong kapartner? (hinalikan ni Miggy sa likod ng tenga)

Maine:  Si Tito Ramon (hinalikan naman ni RJ sa pisngi

Ciara: Meron pa ba?  (gumanti ng halik sa tenga si Ciara)

Maine:  Si Ms. Fatima (gumanti naman ng halik sa pisngi si Maine)

Pinupog ng halik ni Miggy ang mukha ni Ciara

Ciara:  Hindi na ako makapagsulat

Pinupog ng halik ni  RJ ang batok at leeg ni Maine

Maine: Hindi na din ako makapagisip eh

Isa, dalawa, tatlo... mahigit sampung minutong katahimikan... mga impit na ungol ni Ciara ang bumasag sa katahimikan, at ang malambing na boses ni Maine ang sumunod dito... "luv naman eh".

Tumayo si RJ,  kinuyumos ng mga halik ang labi ni Maine, habang naglalakad itong buhat ang kasintahan papasok ng kwarto at hinihila ni Maine pataas sa ulo ni RJ ang t-shirt nito.

Inihiga ni Miggy si Ciara sa couch at pinaulanan ng halik ang leeg nito papunta sa dibdib at tinanggal ni Ciara ang damit nito.

 Sa hinaba ng gabi, sa mga pinagsaliw na mga ungol ng pagmamahal natapos ang gabing yon. 































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro