Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 71 - Words

Pumunta si Maine sa restaurant. Tuwang-tuwa si Joe at Gemma ng makita siya. Mas natuwa si Maine ng makitang malaki na ang improvement ng restaurant. Nakuha na nila ang buong area. Coffee shop ang isa at yung 3 unit fine dining. Ibinigay ni Gemma sa kanya ang bankbook nya na ang laman ay mahigit 1.4 Million pesos.

Maine: Joe, Gemma ano 'to?

Joe: Well balak talaga namin humiram ng pera non with a 4% interest sa isang kaibigan. Since ipinahiram mo ang pera mo sa amin we gave you the same interest. 4% per month in 4 years. Ayan na ang pera mo.

Maine: Sigurado ba kayo dito?

Gemma: Oo, Maine. Nakita mo naman kung gaano na kalaki ang restaurant. Alam mo ba na simula nung ginawa ninyo ang Mock Wedding ninyo dito naging events place na din ito. Idea ni RJ, nung makita kasi namin ang pictures ng mock wedding ninyo it looked so real. Yun ang unang ginamit naming sample.

Ipinakita ni Gemma ang billboard advertisement ng restaurant. Ang caption, "Have a simple but heartfelt wedding at Raine's Garden Restaurant & Viewdeck" at picture nila ni RJ nung mock wedding nila.

Maine: You changed the name?

Joe: Hindi kami magkasundo ng Concha's ang daming demand so we went on solo. Changed the Menu and everything. Ayaw namin pareho ni RJ na ipangalan sa amin so we have to think of somethin' else and since ikaw naman ang nakaisip nung kitchen na nagpabilis ng services namin that made people to comeback, isinuggest namin na name mo na lang. Minsan tinukso namin siya na bakit hindi na lang Raine para pangalan nyong dalawa eventually pumayag din siya.

Maine: Anyway, kaya ako pumunta, naaksidente si RJ so I want to inform you. But he is ok now but just in case pwede nyo syang dalawin. Second, itatanong ko nga kung gagamitin nyo pa itong pera kasi kung hindi na gagamitin ko naman.

Joe: Okay na ang restaurant Maine, pwede mo ng gamitin yang pera mo.

Maine: Third, I have a new business venture na gusto kong idiscuss sa inyo.

Matapos makipag-usap kay Joe at Gemma, lumuwas na ng Maynila si Maine. Nagpunta naman siya sa Raya Gardens at sa Icon office. Hindi na siya nakabalik ng hospital.

Nang gabing yon katabi ni RJ ang anak na nakahiga sa hospital bed.

Ram: Papa, sleep ka na. Magagalit si Mama kasi late na hindi ka pa natutulog. You have to get well.

RJ: Pareho lang tayong papagalitan ni Mama kasi its also past your bedtime.

Ram: Excuse ako, kasi she told me to take care of you.

Natawa silang pareho ni Daddy Richard sa narinig. Nagring ang phone ni Daddy Richard.

Maine: Hi Dad! kamusta ang pasyente at yung bantay?

Daddy Richard: Mukha namang maayos ayos na ang pasyente, mahigpit yung bantay eh.

Maine: Kausapin ko po si Ram.

Iniabot ni Daddy Richard ang phone kay Ram. Pinindot ni RJ ang speaker phone.

Ram: Hello Mama!

Maine: Hello Darling, How is Papa?

Ram: He is a little better pero madami pa din sumasakit sa kanya eh.

Maine: Did you take his pain away?

Ram: Opo Mama, pero konti lang tapos masakit na naman siguro Mama kasi small yung hands ko eh

Natawa si Maine, pati si RJ at Daddy Richard.

Ram: Mama, si Papa ayaw pang matulog.

RJ: oy ako kanina pa inaantok ha, ikaw ang ayaw matulog eh.

Maine: Nagturuan pa kayo, matulog na kayo pareho gabi na.

RJ: Maine, san ka? Bakit umalis ka?

Maine: Nandito ako sa Condo with Ciara. I just need to settle something around here para sa saturday. Sige na, both of you go get some sleep. Ram, Mama will say bye na ha.

Ram: Ok Mama, goodnight. I love you.

Maine: I love you too Darling.

Ram: Papa, ikaw naman...

RJ: anong ako naman?

Mahinang nagsalita si Ram para bang ayaw iparinig kay Maine ang sinasabi niya... pero naririnig naman ni Maine, bumubungisngis ito.

Ram: Papa you have to say I love you tsaka goodnight kay Mama kasi tapos na ako. Hindi ka talaga marunong!

Natawa si Daddy Richard.

Daddy Richard: Oo nga naman hindi ka marunong magpaalam ng maayos.

RJ: Goodnight Maine.

Ram: Papa, Mama dapat hindi po Maine.

RJ: OK ok... Goodnight Mama.

Ram: Papa, dapat may I love you.

RJ: Kanino ka bang anak ang dami mong alam eh... Goodnight Mama, I love you.

Hindi sumagot si Maine.

Ram: Mama! Papa said I love you, you have to answer.

Maine: O sige sige... Goodnight Papa, I love you too.

Pinatay na ni Maine ang linya.

Ram: Uuuyyy si Papa, nakasmile.

RJ: Ok, let's go to sleep na kung hindi magagalit sa atin si Mama.

Kinabukasan ng umaga dumalaw si Joe at Gemma, nagulat si RJ. Nalaman nya na galing si Maine sa Resto. Dumating si Miggy at Ciara ng tanghali. Pinagalitan ni RJ si Ciara.

RJ: Ciara, ikaw ha bakit hindi mo pa isinabay papunta dito si Maine, eh nandon pala sya sa Condo.

Ciara: Marami pa daw aasikasuhin eh.

Miggy: Oo nga inalok naman namin na sumabay na pero dala daw niya ang kotse nya.

Umuwi muna si Daddy Richard sa bahay. Naiwan si Miggy at Ciara na nagbabantay kay RJ at Ram. Hapon na hindi pa din dumadating si Maine, naiinis na si RJ. Kinausap niya ang anak

RJ: Ram, what did Mama told you? Did she tell you where she's going?

Ram: No Papa, ang sabi ni Mama she just have to be away from you kasi when you two are together, you hurt each other.

Nagiisip si RJ, mayamaya nagpaalam si Miggy na may bibilhin. Sabi ni RJ, Ciara sumama ka na nga kay Miggy paki bili ng cereal, gatas at vitamins si Ram, paubos na yung dala ni Daddy eh. Inabutan niya ng Pera si Ciara. Paki tignan na lang dyan sa bag ni Ram.

Ciara: Eh sinong kasama mo dito.

RJ: Ano ba kayo, hindi ako inutil. Nakakatayo na nga ako eh. Sige na pakilagay pala ang bagong number ni Maine dito sa Celphone ko at baka magluko na naman itong si Ram.

Wala ng nagawa si Ciara kundi ang sundin ang kaibigan. Bago umalis ang dalawa nagbilin pa si Ciara.

Ciara: Stay with Papa, remember Mama said you have to take care of him Don't go out ok?!

Ram: Yes Tita.

Mayamaya pa, narinig ni RJ na kinakausap siya ni Ram, nagtulog-tulugan si RJ.

Ram: Papa, do you like to drink or eat anything?

Hindi sumagot si RJ. Inugoy siya ni Ram, hindi pa rin siya sumagot.

Ram: Papa, papa!

Nung alam niyang nagaalala na ang anak dahan-dahan syang nagmulat ng mata at mahinang mahinang nagsalita.

RJ: Are you calling me Ram?

Ram: Papa, are you ok? Does anything hurt do you want me to call the Nurse?

RJ: No, call Mama and tell her to come now.

Inabot ni RJ ang celphone niya at pinindot ang pangalan ni Maine sa phonebook.

Maine: Hello sino to?

Ram: Hello Mama! Mama can you come now?

Maine: Ram, why? what's wrong?

Ram: Papa is not feeling good. I was waking him up but he wouldn't wake up.

Maine: Where's Lolo Dada?

Ram: He went home. Mama please come.

Maine: Ok I'm on my way Darling don't worry.

Nasa laguna naman na si Maine, pero hindi dapat ito pupunta ng hospital, uuwi muna sana sa bahay. Nagmamadali syang pumunta ng hospital. Naisip nya na bakit iiwan ni Daddy si RJ magisa. Tumatakbo si Maine papasok ng hospital nagmamadali. Bigla niyang binuksan ang pinto, nakahiga si Ram sa tabi ni RJ, nakayakap ito at hinahaplos ang braso ni RJ. Nakapikit si RJ. Nilapitan ito ni Maine.

Maine: Hi Darling!

Hinaplos ni Maine ang mukha ni RJ at hinalikan sa pisngi.

Ram: He's just asleep Mama, it just took me a hard time to wake him up that's why I got worried.

Maine: Oh ok

Bumukas ang pinto at pumasok si Miggy at Ciara

Maine: Kadarating nyo lang?

Ciara: Hindi kanina pa kami, pinauwi muna namin si Daddy para makapagpahinga at makaligo na din. Bumaba lang kami para bumili. Bakit parang hinihingal ka?

Maine: Nagmamadali kasi ako, tumakbo ako. Akala ko kasi walang kasama si Ram. Tumawag sa akin parang nagaalala, hindi daw niya magising ang Papa niya.

Miggy: Ano? eh gising yan kanina nung umalis kami, inutusan pa nga kaming bumili ng gatas, cereal at vitamins ni Ram oh.

Nagkatinginan ang tatlo. Natawa si Miggy,

Miggy: Naisahan ka ng mag-ama mo.

Maine: Ram, didn't I tell you not to lie?

Ram: Mama, I didn't lie. I was talking to Papa hindi siya sumasagot. I tried waking him up but he didn't wake up. I did it twice.

Miggy: Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan!

Tumayo si Maine at lumapit sa kama, nakita nya na pinipigil ni RJ na matawa. Kinurot niya ito sa tagiliran.

RJ: Aray!

Maine: Ricardo, puro ka kalokohan! Pati yung bata pinagaalala mo!

Hinawakan ni RJ ang kamay nito.

RJ: Sorry na, joke lang. Ang tagal mo naman kasing bumalik. Kahapon hindi ka nagpunta, tapos ngayon maggagabi na wala ka pa. Parang ayaw mo akong alagaan eh.

Ram: Papa? You feel better now?

RJ: Yes baby, I feel a lot better now.

Ram: Yehey! (Niyakap nito si RJ)

Maine: O nakita mo na.

Ram: Papa, sorry you got hurt for saving me.

RJ: Ram, it's not your fault. If I need to, I will save you over and over again because you are my precious son and I love you. (Niyakap ito ni Rj)

Ram: I love you too Papa!

RJ: Sana Love din ako ni Mama no?!

Maine: Ang drama nyong magama, pagbuhulin ko kayo dyan eh!

Bumaba sa kama si Ram, naglakad pabalik balik

Ram: Papa, Love ka ni Mama talaga!

Maine: Ram stop it! (Alam na alam ni Maine kapag nasa mood magkwento ang anak)

Hinila ni RJ si Maine, napaupo ito sa tabi niya sa kama. Hindi niya ito binitiwan para hindi nito mapigilan si Ram.

Ciara: Tell us about it Ram.

Miggy: Yes, Ram go on, I'm sure Papa will love to hear it.

Ram: Mama loves Papa so much. Mama says so everyday on his picture on our bedside table. I hear her pray for Papa everynight and say I love you and kiss his picture.

Nagtawanan si Ciara, Miggy at RJ. Nagba-blush si Maine.

Ciara: What does your nickname RAM stands for?

Ram: Richard And Maine po Tita.

Miggy: Ram, do you remember when we asked you what your Papa's name was tapos hindi mo masabi? Can you tell us now?

Ram: My Papa's name is Richard Faulkerson Jr.

Magkatabi na nakaupo si Maine at RJ sa kama, nakasandal si Maine kay RJ habang pinanonood si Ram na nagkukwento kay Miggy at Ciara. Bumulong si RJ kay Maine.

RJ: Thanks Maine... Thank you for bringing my son and his Mom back home. Hinalikan ni RJ si Maine sa balikat.

RJ: Ram... can you tell Papa, Mama's favorite story?

Nagtawanan sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro