Chapter 70 - Ang katotohanan
Matapos ang dalawang oras na paghihintay sa labas ng emergency room. Lumabas ang Doctor.
Doctor: Sino ang kamaganak ng pasyente?
Inalalayan ni Miggy si Maine tumayo.
Miggy: Siya po ang asawa. (Nagkatinginan lang ang magkakaibigan hindi din umimik si Maine)
Doctor: Wala namang malubhang tama ang pasyente mula sa aksidente. Ligtas na siya. Ngunit nadislocate ang kanang siko, may naipit na ugat sa kanang tagiliran at may bugbog at malaking pasa ito sa tagiliran, balakang at kanang pigi. Marahil yun ang tumama sa kotse. Pina CT-Scan na din siya mukhang hindi naman siya nauntog o nabagok marahil ay naprotectionan niya ng braso ang kanyang ulo. Dahil ang maraming gasgas at pasa ang kanyang braso at kamay pero dahil naka pantalon at long sleeves ito hindi naman malalim ang mga sugat.
Maine: Doctor bakit ho sya nawalan ng malay?
Doctor: Marahil ay dala ng matinding sakit na naramdaman at takot na rin. Huwag ka ng magalala, ligtas na ang pasyente. Nagising ang pasyente kanina nung ginagamot ang mga sugat niya. Maine ba ang pangalan mo?
Maine: Opo bakit po?
Doctor: Pangalan mo ang binabanggit niya kanina. Pinainom namin siya ng pain reliever dahil iniinda niya ang sakit. Kaya nakatulog ito. Mayamaya lang ililipat na siya sa kwarto. Hintayin lang natin siyang magising para malaman natin mula sa kanya kung may iba pang sumasakit.
Maine: Ok po Doctor. Salamat po.
Ng makaalis ang doctor, lumapit kay Maine ang nakabundol kay RJ.
Driver: Mam, pasensya na ho kayo. Hindi ko ho sinasadya. Sasagutin ko ho ang lahat ng gastos nyo dito sa hospital huwag nyo lang akong idemanda.
Maine: Huwag ho kayong magalala wala naman ho akong balak magdemanda. Aksidente ho yon at hindi nyo naman ho kami tinakbuhan at tinulungan nyo din kami na madala siya sa hospital. Yun lang sapat na, pero hindi ko tatanggihan ang tulong na iniaalok ninyo dahil kahit papano may responsibilidad kayo sa aksidente.
Miggy: Tayo na lang ho ang magusap para maayos ito.
Driver: Salamat ho Mam, sige po Sir.
Maine: Ciara, paki tawagan na lang si Daddy Richard. Iniabot ni Maine ang cellphone niya kay Ciara. Dumating ang mga magulang ni Maine at si Daddy Richard nasa kwarto na si RJ at natutulog ito. Kasama nila si Ram. Tumakbo si Ram sa Ina at yumakap ito.
Ram: I'm sorry Mama, I should have listened. It's my fault.
Maine: No Darling, its an accident, it's no one's fault.
Ram: Mama, is Papa going to be alright?
Maine: Yes he will be so don't worry anymore. You and Lolo Dada will have to take care of him though.
Ram: why Mama? Are you leaving?
Maine: I will have to settle somethings. And I need to be away from Papa, because we tend to hurt each other when we are together. Do you understand?
Ram: Yes Mama, I do.
Tumingin si Maine sa magulang.
Tay: kayo po muna ang bahala dito kausapin ko lang si Daddy.
Tumayo si Maine at lumabas ng kwarto, sumunod naman si Daddy Richard.
Umaga na ng magising si RJ, eksaktong nag- round ang doctor.
Doctor: Kamusta? Anong masakit sa yo?
RJ: Ito pong siko, tagiliran at balakang hanggang pigi po masakit at yung mga gasgas lang mahapdi.
Doctor: Nadislocate ang siko mo, may naipit na ugat sa tagiliran at bugbog at maga ang kanang balakang at pigi mo sanhi ng pagkakabundol sa yo. Yang mga gasgas sanhi ng pagtilapon at paggulong mo sa kalsada. May masakit ba sa ulo mo?
Ipinilig ni RJ ang ulo.
RJ: Wala naman po. Hawak ko po ang ulo ko ng bumagsak ako yun po natatandaan ko.
Doctor: Mabuti kung ganon, mabilis ang isip mo naprotektahan mo ang ulo mo.. Kung hindi magbabago ang pakiramdam mo basta wala kang nararamdaman pang iba sa makalawa maari ka ng makalabas. Obserbahan lang natin ng dalawang araw.
RJ: Sige po Doc, salamat po.
Umalis na ang Doctor, nakita ni RJ na natutulog si Ram sa couch. Habang nakaupo si Daddy Richard. Lumapit ito sa kanya.
Daddy Richard: Kamusta ang pakiramdam mo?
RJ: Mabuti naman po Dad, medyo masakit pero ok naman. Dad, si Maine ho?
Daddy Richard: Umalis na, may mga aasikasuhin lang.
RJ: Iniwan na naman ako, ni ayaw ata akong alagaan. Bakit iniwan si Ram?
Daddy Richard: Si Ram ang nagpaiwan, hindi nga natulog yang anak mo hinihintay na magising ka. Pinilit ko lang na mahiga habang binabantayan ka. Sinisisi ang sarili , hindi daw kasi sya nakinig sa Mama niya kaya ka naaksidente. Huwag ka ng magtampo kay Maine kung umalis man ito. Sobra sobra na ang nangyayari sa kanya. Pabayaan mo na siya.
Naiiyak na naman si RJ ng biglang nagdatingan ang mga kaibigan nila.
Miggy: Bro! ano? Buhay ka pa?
RJ: Gago! Gusto mo ikaw ang bundulin ko? one time lang.
Ciara: Kamusta pakiramdam mo?
RJ: Maayos ayos na, medyo masakit pero mas masakit ito oh. (Itinuro ang puso)
Matt: Asus... hindi ka pa nasanay, kapag inlove pa ganyan talaga.
Julia: Oo nga miss mo na agad wala pa ngang isang araw na magkahiwalay kayo eh.
RJ: Eh iniwan na naman ako, imagine nasa ospital ako iniwan ako? hindi man lang ako alagaan. Ano pa bang mas importante kaysa sa akin?
James: Yun oh! So nagtatampururot ang mama.
Pauleen: Alam mo RJ kung bakit ka ganyan? Hindi mo kasi tinatandaan kung ano ang sinabi niya sa yo noon. Kung yun ang pinanghawakan mo, hindi ka magkakaganyan eh.
Jerome: Noon, everytime tinatanong ko kay Maine kung bakit siya umalis ng Pilipinas? At bakit ka niya iniwan? Iisa lang ang laging sagot niya... "Dahil mahal na mahal ko siya, at lahat ng ginawa, ginagawa at gagawin ko ay dahil sa pagmamahal ko sa kanya."
Patricia: Sinabi niya yan sa video message niya sa atin nung nagpaalam siya di ba?!
Miggy: Kaya kung umalis man siya ngayon, dapat yan pa rin ang ilagay mo sa kukote mo, kung ano man ang ginagawa niya ay para sa yo pa rin.
Daddy Richard: Hindi niya pinauwi ang mga kaibigan mo para samahan ka dahil nga may mga kailangan siyang ayusin at para nandito din silang lahat ngayon... dahil kung handa ka ng makinig RJ. pumayag na si Maine na Ikwento ko, namin ni Jerome sa iyo, sa inyo ang mahigit apat na taong dumaan sa buhay ni Maine.
RJ: Handa na ako Dad..
Ikinuwento nga ni Daddy Richard sa magkakaibigan...
Daddy Richard: Nagpasya syang umalis nung masiguro niyang buntis siya. Hindi niya sinabi sa yo anak dahil alam niyang gugustuhin mong panagutan ang responsibilidad mo. Alam nyang ganon kahalaga sa yo ang pamilya. Kaya uunahin mo siya at ang anak nyo at ititigil mo lahat para sa kanila katulad ng itinigil mo ang buhay mo nung mamatay ang Mama mo. Inuna mo kami. Ayaw ni Maine na maging handlang siya at ang anak ninyo sa mga pangarap mo. Ginamit lang nyang opportunity ang pagtupad sa pangarap niya para hindi mo malaman ang totoong dahilan nya.
Jerome: Totoo din naman na gusto niyang matupad ang pangarap nya pero naging maselan ang pagbubuntis niya simula 6 months kinailangan nyang mag total bed rest kaya wala siyang choice kung hindi magresign. Kaya hindi na siya nakasulat sa inyo dahil nasa bahay lang sya palagi. Naging delikado ang buhay nila ng baby niya. Bumagsak ang katawan dahil sa pangungulila sa yo, at 7 and a half months pa lang ipinanganak na niya si Ram. Dahil kulang sa buwan maraming naging komplikasyon si Ram. Nakuha din nito ang sakit ni Maine sa puso. Kung hindi dumating don ang Daddy mo RJ, Malamang hindi mo na nakita ang magina mo.
Ciara: Grabe naman pala ang inabot ni Maine.
Daddy Richard: Dalawang taon na si Ram ng maging maayos ang kalusugan nito. Si Maine sa loob ng dalawang taon nagdouble job para tustusan ang gastusin nilang magina lalo na ang mga gamot ni Ram. Kaya gustuhin man niyang umuwi dahil nangako sya sa yo hindi niya magawa. Nung makita ko si Maine noon hindi ko na siya halos nakilala payat na payat at humpak ang mukha. Pero wala naman syang sakit, nangungulila lang siya at over worked. Sinabi ko sa kanya na kapag nakita mo siyang ganon magaalala ka at magagalit ka na pinabayaan niya ang sarili niya. Halos araw- araw ko siyang tinatawagan para ikwento ang mga magagandang nangyayari sayo dahil yon ang nakakapagpasaya sa kanya, sa mga kwentong yon sya humuhugot ng lakas.
Tuluyan ng umiyak si RJ.
Daddy Richard: Walang araw na hindi nya sinabi sa akin na, Mahal ka niya kaya kakayanin niya lahat dahil babalikan ka pa niya.
Jerome: Kapag may magandang nangyari sa araw niya, sinasabi lang namin na, matutuwa ka kapag nalaman mo na maganda ang nangyayari sa kanya. Nagiging masaya na siya. Mabanggit lang ang pangalan mo RJ lumalakas ang loob nya. Kaya simula ng magkaisip si Ram mga kwento tungkol sa yo ang nakapagpapasaya sa kanila. Kahit nung maliit pa si Ram, kwento lang siya ng kwento kahit alam nyang hindi pa naman siya naiintindihan nito. Kung sa akala mo kinalimutan ka ni Maine sa mahigit na apat na taong nagdaan. Maling mali ka dahil ikaw at ang pagmamahal nila sa yo ay bahagi ng araw-araw nila, ang mga alaala na meron si maine at mga balitang naririnig niya mula sa daddy mo ang bumuhay sa magina mo.
Humagulgol na si RJ, nagiiyakan na din ang magkakaibigan sa kwentong narinig nila. Nang magising si Ram.
Ram: Papa... papa! You're awake!
Tumakbo ito palapit sa kama, umakyat sa kama at niyakap ang ama. Naipit ang kamay ni RJ sa pagkakayakap nito, napaaray ito.
Ram: Sorry Papa, does it hurt? Is that why you're crying?
Nagpunas ng mukha si RJ at hinalikan ang anak sa pisngi. Iniupo ni Daddy Richard sa kaliwa ni RJ si Ram para hindi nito masagi ang masakit na bahagi ng katawan nito.
Ram: Papa san ba masakit?
RJ: itong elbow (hinimas ni Ram ang siko ni RJ) tsaka dito itinuro ang tagiliran at balakang (hinimas din ni Ram) What are you doing?
Ram: I'm taking the pain off Papa, ganito ginagawa ni Mama pag may masakit sa akin kasi sabi nya ganyan daw ginagawa mo kapag sumasakit ang tummy at chest niya noon.
Jerome: Tell your Papa, your favorite story.
Itinapat nito ang daliri sa sintido na parang nagiisip. Tumayo ito at nagsimulang magkwento. Umaaksyon pa ito.
Ram: Dinala ni Papa si Mama sa isang lugar para sumakay ng boat. Masayang masaya si Mama because she likes to see the sunset. Sa sobrang saya ni Mama, ikikiss nya si Papa sa cheek (ngumuso si Ram sa tapat ng pisngi ng Papa niya) kaso si Papa biglang lumingon sa lips tuloy siya nakiss ni Mama. Pero sabi naman ni Daddy Jerome, sinadya yon ni Papa eh.
Nagtawanan sila.
Jerome: Eh tell your Papa, your Mama's favorite story.
Ram: They were stargazing sa garden sa harap ng bahay nila Lolo Tatay at Lola Nanay. Si Papa nagpapacute kay Mama. Daddy Jerome what was it called yung parang jinojoke ni Papa si Mama?
Jerome: Pick up lines Ram.
Ram: Ayun! nagpick up line si Papa, I don't remember kung ano yung sinabi ni Papa pero si Mama naman kinikilig (umarte ito na kinikilig nagtawanan sila), tapos since night nga lumalamig na inaantok na si Mama kaya pumikit sya. Papa asked Mama kung doon ba sila matutulog eh malamig? sabi ni Mama eh di magkumot. So they pulled the sheet on top of them and they hugged and nakatulog na sila.
Tumigil si Ram, tinignan sila. Natatawa na si RJ, naaalala nya ang kasunod ng kwento pero hindi siya umiimik.
Miggy: Ram and then anong nangyari?
Ram: The next morning, si Lola Nay magwawater ng plants, nahuli niya si Papa at Mama na magkahug na natutulog don sa garden. Kinurot ni Lola Nay si Mama tapos piningot sa ear si Papa.
Ang lakas ng tawanan nila. Nagba-blush si RJ.
Ciara: Bakit kaya yun ang favorite ni Maine?
RJ: Hindi ko alam, don't look at me.
Ram: I know why Papa...
RJ: why anak?
Ram: Mama said, it's her favorite story because that night she realized that she loves you.
Sabay sabay na napa - aaaaaaaaahhhhhh ang magkakaibigan at nagtawanan. Nakangiti na nagblush si RJ.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro