Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 69 - Ang pakiusap

Tinungga ni RJ ang natitirang laman ng can na beer na iniinom nya. Nagbukas ng isa pa at dere-deretsong tinungga ito hanggang maubos. Halatang nagpapalakas ng loob.  Nilingon nito kung nasan si Maine. Nakita nya ito na nakaupo sa baitang ng hagdan pababa sa garden.

RJ: This is it guys, kailangan ko na talaga syang makausap. Baka mawala sa akin ang mag-ina ko kapag hindi pa ako kumilos ngayon.

Miggy: Ingatan mo mga salita mo.

Matt: Good luck bro!

Naglakad si RJ papunta kay Maine, nakita ito ng mga magulang nila. Nilapitan ni RJ si Maine, umupo sa tabi nito at pinagsalikop ang kamay.

RJ: Pwede ba tayong magusap?

Maine: Yah, I think we should. We might not have the chance kasi uuwi na kami ng Bulacan bukas eh.

RJ: hindi ko din alam kung anong sasabihin ko sa yo, but let me start by saying sa loob ng mahigit na apat na taon ngayon lang ulit ako naging masaya at tumawa ng ganito. At alam kong dahil yon sa yo at kay Ram.

Maine: Ako din actually.

RJ: Maine, Sorry din for what I have said the last time, hindi ko itatanggi na sinabi ko ang mga yon but I didn't mean it the way it came out. Of course kilala naman kita, pero those are questions na totoong naglaro sa isip ko kasama ng iba pang mga tanong na hinahanapan ko pa ng sagot.

Maine: Yung mga tanong mo kayang sagutin ng Daddy mo, dahil siya lang ang nakakaalam kung nasan ako at ano ang nangyari sa akin.  And whatever you said the last time, oo masakit. Pero ok na yon, tutal matagal din naman kitang sinaktan at ngayon nasaktan mo ako eh di quits na tayo.

RJ: But it shouldn't be that way di ba? Hindi naman tayo ganito dati eh.

Maine: Dahil sa mahigit na apat na taong dumaan sa atin, magkaiba  tayo ng pinanggagalingan. Ako, alam ko, kung ano man ang ginawa ko, ginawa ko para sa yo, dahil ganon ka kahalaga sa akin. Pero ikaw ang alam mo umalis ako para sa sarili ko.  At alam ko naman na kasalanan ko yon kaya nga tanggap ko na magalit ka sa akin at naiintindihan ko din kung hindi mo ako kayang patawarin. 

RJ:  Marami pa akong hindi maintindihan pero pipilitin kong intindihin. Dahil I don't want us to end up hating each other.

Maine:  You might end up hating me RJ, but I will never hate you. (Tumulo ang luha nito, mabilis nitong pinahid yon)  dahil wala ka namang kasalanan sa akin. Ako, ang may gawa ng lahat, planado ko ang pagalis ko. May mga bagay na hindi ko sinabi sa yo pero kahit kelan hindi ako nagsinungaling. Nagsimulang humikbi si Maine.

Sumenyas si RJ ng tubig sa mga kaibigan, lumapit si Miggy at iniabot ang bottled water.  Binuksan ito ni RJ at iniabot kay Maine. Uminom ang dalaga at pinilit kinalma ang emosyon.

RJ:  kaya ayokong kinakausap ka kasi in whichever way I do it alam kong masasaktan at masasaktan kita and you know I don't like seeing you cry.

Maine:  Huwag mo na lang kasi akong tignan. Iyakin naman talaga ako eh.

RJ:  Pareho lang naman tayo eh.

RJ: After all this years, bakit ka nagemail?

Maine: I was trying to reconnect, nagbabakasakaling may babalikan pa ako, kahit hindi na para sa akin kung hindi para sa anak ko.  I got the answer to my email, video call pa nga diba.  Obvious naman na wala na akong babalikan pa. Sabi mo nga mahirap maghintay at pagod ka na. So let's just get this done and over with.  Yung tayo... kung tapos na eh di tapos na.   Sa maniwala ka at sa hindi ang gusto ko lang RJ yung maging masaya ka. Kaya kung kalayaan mo ang makakapagpasaya sa you, ibinibigay ko na.

Hindi na napigilan ni RJ ang mga luha. Ang sakit pakinggan ng mga sinabi ni Maine pero hindi niya ito masisi dahil yun naman talaga ang sinabi niya. Pagod na siya at ayaw na niya. Hinawakan ni Maine ang kamay ni RJ.  Napaiyak na din ito ng tuluyan.

Maine:   RJ, minahal kita pero alam kong nasaktan kita at ayoko ng dagdagan pa yon. At lalong ayoko na din na mahirapan ka pa.  Kaya kung hanggang dito na lang tayo ok na din.  Sapat na sakin na natanggap mo si Ram.  Salamat.

RJ:  Hindi ko na alam kung papano maging masaya ng hindi ikaw ang kasama.  Sa loob ng mahigit apat na taon I just exist but I didn't feel alive.  

Maine:  RJ, sabihin mo sa akin, anong gagawin ko kasi alam kong  habang nakikita mo ako, bumabalik ang mga sakit na idinulot ko sa yo. Kaya para hindi ka na masaktan aalis na lang ako.

RJ:  Ayaw mo na ba talaga sa akin? Hindi mo na ba ako mahal?

Maine:  RJ ako ang nagemail sa yo, ako ang umasang may babalikan pa ako dahil minahal kita, mahal kita.  Pero sinabi mo na ayaw mo na at pagod na pagod ka na. 

RJ:  Hindi ba kapag napapagod, nagpapahinga lang. Pwede namang magpahinga.

Maine: Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?  

RJ:  Oo pagod na ako, ayoko na ng mga sakit na nararamdaman ko. Hindi ko hinihingi ang kalayaan ko ang gusto ko mawala yung sakit ng nagdaang apat na taon. Maine please, gusto kong ayusin ito... yung tayo... paano natin maayos kung aalis ka. Bigyan mo lang ako ng konting panahon. Please ayoko ng maiwan.  

Niyakap nila ang isa't isa, mahigpit at sa pagitan ng kanilang mga hikbi...

Maine:   Ayaw din naman kitang iwan eh, pero hindi ko na kasi alam kung papano ko buburahin ang mga sakit na nararamdaman mo.  Ayokong everytime tinitignan mo ako sakit ang nararamdaman mo. Kung kaya kong burahin lahat yon gagawin ko.

RJ:  Huwag kayong umalis,  let's try to start somewhere. Alam ko with Ram around mawawala yung sakit. Please Maine... huwag nyo akong iwan.

Niyakap ni RJ si Maine ng mahigpit, matagal hindi na nila alam kung gano katagal silang ganon. Nakangiti ang mga tao sa paligid nila. Hindi man nila naririnig ang pinaguusapan ng dalawa sa pakiwari nila ay maganda ang kahihinatnan ng tagpong iyon.  Biglang may naalala si RJ, may ibibigay nga pala siya kay Maine.

RJ:  Dyan ka lang may kukunin ako at ipapakita ko sa yo.

Tumakbo ito palabas ng bahay papunta sa kotse nya na nakapark sa kabila ng kalsada. Nakita ni Ram na lumabas si RJ, nagulat ito at ang tanging pumasok sa batang isip nito ay aalis ang Papa niya at iiwan siya... tumakbo ito at sinundan si RJ.

Ram: Mama, why is Papa leaving?

Maine:  Ram, wait...

Dere-deretso pa rin na tumakbo si Ram, umiiyak na tinatawag si RJ, tumawid ng kalsada habang sumisigaw. Hinabol naman ito ni Maine.

Ram:  Papa, wait don't leave Papa!

Narinig ni RJ si Ram, lumingon siya

RJ:  Ram... don't 

pero nasa gitna na ito ng kalsada, nakita ni RJ ang parating na sasakyan, tumakbo itong pabalik  at itinulak si Ram, nasalo ni Maine at nayakap ang anak bago sila sumadsad sa kalsada sa lakas ng pagkakatulak ni RJ.  Rinig na rinig ang pagpreno ng sasakyan pero huli na ito... nabundol pa rin nito si RJ. Tumilapon si RJ,  sumadsad at gumulong ito sa kalsada. Napasigaw si Maine at Ram sa nakita.

Maine:  RJ!!!

Ram:  PAPA!!!

Narinig ng mga tao sa garden ang sigaw ng mag-ina at ang preno ng kotse.  Naglabasan ang mga ito nakita nilang nakabulagta si RJ sa kalsada. Tumakbo si Maine at Ram palapit kay RJ.   Ikinalong ni Maine ang ulo nito,  hinaplos nya ang mukha ni RJ

Maine: RJ, please gumising ka... please...

Nagmulat si RJ ng mata, tumingin sa kanya, 

RJ:  Maine...

at tuluyan ng nawalan ng malay.  Binuhat si RJ ng mga kaibigan papunta sa kotse ng nakabundol dito. Ibinigay ni Maine si Ram kay Coleen. 

Maine:  Stay with Tita, I will bring Papa to the hospital.  

Sumakay si Maine sa likod at inilagay ang ulo ni RJ sa kandungan nya. Walang tigil ang iyak at sigaw nito...

Maine:  Kuya bilisan mo!

Sumakay si Miggy sa tabi ng driver at pinaharurot na ng driver ang sasakyan, papunta sa pinakamalapit na hospital. Nagsakayan sa kanya-kanyang sasakyan ang mga kaibigan nila at sumunod sa hospital.



























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro