Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 67 - Acceptance

Sabado ng alas sinko ng umaga dumating ng Laguna si RJ. Tumawag si RJ sa ama para pagbuksan siya ng gate. Ipinark ni RJ ang kotse sa harap ng bahay nila. Pinagbuksan siya ni Daddy Richard. Pumasok sila sa loob ng bahay kumuha ng kape at naupo sa garden.

Daddy Richard:  Nandyan sila kahapon pa, napuyat sila ni Riza sa paggawa ng give aways at loot bags. Nakakatuwa nga kasi wala silang mabili na decors na cowboy party. Nagdesign na lang si Maine at nagprint sila ni Riza. Nandon sila sa guest room. 

RJ: Sana ho sa kwarto ko na lang ninyo sila pinatulog mas maluwag ang kama don.

Daddy Richard:  Ayaw ni Maine, baka magalit ka pa daw.  Oo nga pala, yung guest room pagalis ni Maine ipapaconvert ko na kwarto ni Ram.   Yun din naman ang plano ko kung sakaling nagkatuluyan kayo eh. 

RJ:  Kayo hong bahala.  Nagpacater ho ba kayo para mamaya? Tsaka san niyo kukunin yung mga animals na ipinangako nyo kay Ram?

Daddy Richard:  Oo nagpacater ako para sa 100 adults dyan kay Ely tapos  100 kids sa Mcdonalds, sila na magpoprovide ng emcee at kung ano ano pa.  Kay Tito Ramon mo, hindi ba may farm yon? At siguradong matutuwa si Ram kasi nakapagrenta ako ng kabayo. At kahapon namigay si Ram ng invitation dyan sa labas, tuwang tuwa. Si Maine nga panay na ang reklamo, sobra na daw. Sabi ko unang beses naman na magcecelebrate dito ang apo ko kaya ok lang.

RJ:  Halata naman masaya ka sa ginagawa mo Dad eh.  

Daddy Richard:  Dahil alam ko sa isip at puso ko na apo ko ang batang yon. At napalaki ni Maine ng mabait, malambing at masunurin ang bata kaya hindi mahirap mahalin at matalino pa.

Napabuntunghininga si RJ, napatingin sa malayo. Tumayo ito gusto niyang makita si Maine at si Ram. Umakyat ito at nagtungo sa guest room.  Dahan-dahan itong pumasok sa kwarto, nakita ni RJ ang mga loot bags at giveaways sa isang tabi at ang kalat ng kwarto. Umupo siya sa kama sa tabi ni Ram. Tinitigan nya ang mukha nito. Naimagine niya ng makita niya itong ngumiti na labas ang dimples ang pamilyar na mukha na hindi niya maalala kung saan nya nakita.  Kinuha niya ang wallet at inilabas ang litrato nya kasama ang Mama nya nong 3 years old sya. Itinabi niya sa mukha ni Ram ang litrato. Noon  nya narealized na ang pamilyar na mukha nito ay mukha nya nong siya'y maliit pa. Hinaplos niya ang pisngi at buhok nito. Nagmulat ng mata si Ram 

Ram:  Papa...

Naalimpungatan ata ito at tinawag siyang Papa.

RJ:  Go back to sleep its still early.

Pumikit naman si Ram. Tinitigan ni RJ ang mukha ni Maine. Hinaplos niya ang buhok at pisngi nito. Bumulong ito sa  hangin... "iiwan mo na naman ako."  hinalikan niya sa noo ang kanyang magina at lumabas na ng kwarto.  Ang hindi alam ni RJ, gising na gising si Maine ng mga sandaling yon.

Pagbaba niya nagpaalam siya sa ama na dadalawin ang Mama niya. Lulan ang kanyang kotse pinuntahan ni RJ ang puntod ng Mama niya. Nagsindi siya ng kandila at inilagay ang bulaklak sa ibabaw ng lapida.

"Ma, kamusta na? Ako, ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin.  Iisang bagay lang ang hinihingi ng anak ko ang maramdaman ko sa puso ko na dugo at laman ko siya pero bakit hindi ko magawa? Puno na nga ata ng galit ang puso ko Ma, kaya wala na akong iba pang nararamdaman. Tulungan mo ako Ma, ayokong iwan ako ulit ni Maine.  Madali naman sabihin sa kanyang tangap ko na ang anak ko pero alam kong hindi magiging sapat yon. Dahil makikita nya na sinasabi ko lang yon pero iba ang nararamdaman ko.  Ma, please tulungan mo ako."  Sa harap ng puntod ng ina, inisa-isa ni RJ ang hinanakit niya kay Maine, iniiyak niya ang lahat ng sama ng loob niya dito at inamin sa sariling kahit galit na galit siya ay mahal pa rin nya ito at ayaw niyang mawala ito.  Umiyak lang sya ng umiyak...

Sa bahay naman ni Daddy Richard.  Nagising na si Maine, nagtimpla ito ng kape at nagluto ng breakfast.  Narinig ni Maine na may nagbukas ng gate, sigurado siya si RJ yon. 

Maine:  Dad, halika na pong magbreakfast nandyan na si RJ. 

Natatawa si Daddy Richard, dahil kahit hindi pa nakakapasok ng bahay alam na ni Maine na ito ang dumating.  Umakyat si Maine para gisingin si Riza at Ram.

Nagmulat ng mata si Ram at mabilis na tumayo. Tumakbo sa banyo naghilamos at nagmumog. Nagpunas ng mukha at hinila na si Maine palabas ng kwarto. Narinig ni RJ na sumigaw si Maine.

Maine:  Ram do not ran, baka mahulog ka sa hagdan

Tawa ng tawa si Riza, cute na cute siya pagkataranta ng pamangkin.

Riza:  Ram hindi naman aalis yang si kuya

Nagmamadali si RJ sa pagpunta sa hagdan, nagaalala na baka mahulog nga ito.

RJ: Ram its dangerous to run on the stairs! (nakita ni Ram na kumunot ang noo ni RJ)

Napahinto si Ram na nasa pangatlong baitang pa lang pababa.  Dahan-dahan itong naglakad pababa. Natawa si RJ kasi ine-exagerate ni  Ram ang bagal ng pagbaba nito. Natawa ng malakas si  Daddy Richard.

Daddy Richard:  Nangaasar pa oh.

Lalong pinakunot ni RJ ang noo.

RJ: Are you mocking me?

Ginaya naman ni Ram ang kunot ng noo at pinalake ang boses nito.

Ram:  No, I am just joking Tito.

Natawa si RJ,  binuhat ito. Tumingin kay Riza at Maine.

RJ: Good morning ladies! 

Lumapit si Riza sa kuya niya at humalik sa pisngi nito, humalik din si Ram sa pisngi niya. Lumapit naman si Riza sa Daddy niya at humalik dito. Nagpababa si Ram kay RJ at humalik din sa kanyang Lolo. Ikinalong naman  ito ni Daddy Richard.

Riza:  Good morning kuya. Good morning Dad. Ate, pag nandito ka, parang buffet breakfast sa hotel ang breakfast namin. Pag kami lang ni Dad, pandesal at kape lang talo-talo na eh.  Mami-miss ko talaga to.

Ngumiti si Maine at ginulo ang buhok ni Riza. 

Maine:  Eh di kapag nagwork ka na, dalawin mo ako. Kahit gaano kadaming breakfast pa ipagluluto kita. O kaya don ka mag-OJT para magkasama tayo.  

Rizza:  Ate ha, seryoso yan ha. 

Maine: Oo nga, basta ipaalam mo lang sa akin, hahanapan kita company don, san mo ba gusto US o Europe?

Rizza:  Europe syempre!

Daddy Richard:  Aba at talagang may balak kang iwan ako Rizza?  Ang layo na nyang narating mo ha.

Rizaa:  Daddy papayagan mo naman ako di ba? Kasama ko naman si Ate eh.

Daddy Richard:  Magandang opportunity yan, bakit naman hindi.  Pero syempre mas gusto ko pa rin na magkakasama tayong lahat.

Nakikinig lang si RJ,  Hawak ni Maine ang pinggan ni Ram.

Maine: Ram Lolo will not be able to eat kung nakakakalong ka sa kanya.

Lumipat naman si Ram sa silya sa tabi ng Lolo niya at ni RJ.  Inilapag ni Maine ang pinggan nito sa harap ng bata. 

RJ:  Maple or chocolate syrup Ram?

 Ram:  Chocolate.

Ipinagsalikop ni Maine ang kamay sa ibabaw ng lamesa nakita yon ni  Ram. 

Ram: Let's pray first... Good morning Papa Jesus. Thank you for watching over us last night. Thank you for the food that we are about to eat for breakfast.  Bless us all. Amen.

Nagsimula na silang kumain. Si Maine, tumayo at nagtimpla ng kape. Inabutan ng Kape si Daddy Richard at RJ ng hindi tumitingin dito.

Maine:  Riza , ikaw coffee or juice?

Riza: Ako na ate, magjui-juice ako.  Sobra na ata caffeine ko from  our Starbucks visits eh.

Maine:  Sabi ko kasi sa yo magcream base ka, tuloy kagabi para kang si Ram hyper pa rin at midnight.

Riza:  pero ok din yun kasi  kung inantok tayo baka hindi natin natapos yung giveaways.

Tahimik lang na nakikinig si RJ, parang natural na natural sa pamilya nya na nandon si Maine. Parang walang mahigit na apat na taon na dumaan sa kanila.

Ram: Do anyone know what day is it today?

Maine:  Hindi ko alam... hmmm Friday ata di ba Riza?

Riza:  Oo its Friday, may class pala ako

Daddy Richard:  Hindi  sunday ngayon, magsisimba nga pala ako

RJ:  Hindi monday ngayon, may flight nga ako eh

Binibiro nila si Ram. 

Ram: ang gulo nyo naman eh, what day ba talaga?

RJ:  Siguro gutom lang kami kaya hindi namin maalala what day it is today. Finish your food mamaya titignan natin kung anong araw ngayon.

Tahimik ng kumain si  Ram.

RJ:  May iba pa bang kailangan for later.

Riza:  Kumpleto na lahat kuya, tulungan mo na lang kaming ibaba lahat ng gamit mamaya, tsaka ikabit yung Tarp.

Nang matapos kumain.

RJ:  Who wants dessert?

Nagtaas ng kamay si Riza at Ram. Tumingin si Ram kay Maine at Daddy Richard, nagtaas na din sila ng kamay. Pumunta si RJ sa ref at kinuha ang cake.  Nilagyan ng limang kandila at sinindihan tsaka bumalik sa dining area. Nang makita ni Riza nagsimula itong kumanta ng Happy Birthday. Nakita ni RJ na ngumiti si Ram ng labas ang dalawang dimples, pumapalakpak pa ito.

Ram:  You remembered what day it is, its my birthday, its saturday.

Maine:  Of course we do Darling.

RJ:  You make a wish ang blow the candles.

Riza: Sandali dapat may picture. Ate doon ka sa kabilang side ni Ram. Tapos groupie sama kami ni Daddy.

Matapos mag picture taking, pumikit si Ram nagwish at hinipan ang kandila. Nagpalakpakan sila. 

Riza: anong wish mo?

Ram:  I have the same wish every year pero can't tell kasi it might not come true. I really hope it comes true this year.  Di ba Mama?

Ngumiti lang si Maine, alam niya na ang wish ng anak ay ang Papa nito. Nang makita ni RJ na nagteary eyed si Maine, alam na din nya ang wish ng bata.

Naging busy sila buong umaga sa pagaayos sa garden. Halatang umiiwas si Maine kay RJ. Kapag nagsasalita si Maine, generally para sa lahat ang sinasabi nito. Dumating na din ang caterer ng pagkain, may sampung nara na lamesang bilog at sampung wooden chair sa bawat lamesa. Pati mga lalagyan ng pagkain ay native. Rattan plates na dahon ng saging ang pinggan. Yung mga baso at kutsara at tinidor lang ang hindi.  Nagulat si Maine, may ice cream vendor, cotton candy vendor at hotdog stand. 

Naiiling na lang si Maine, maya-maya pa nakita nyang ipinasok ang mga hayop na nasa mga kulungan.  Dinala sa pinaka dulo ng garden. May rooster, duck, hen kasama ang mga sisiw nito, goat at ang anak nito at syempre ang kabayo. Nagtatalon sa tuwa si Ram, tumakbo sa Lolo Dada niya at panay ang i love you at thank you nito.

Nakatingin lang si Riza at Maine habang inaayos ang giveaways.

Riza: Oh di ba ibang klase si Daddy, all out pagdating sa apo.

Maine:  Oo nga eh, nalulula na ako.  Hindi kaya maspoil si Ram nyan.

Riza:  Ate si Daddy naman alam niyan when he needs to stop isa pa mabait na bata si Ram kahit maging spoiled kay Daddy at kay Tita Riza yan hindi magbabago ang ugali niyan.

Maine: Isa ka pa eh! Pero  masaya ako para sa anak ko.

Riza: Sana mas masaya kung masaya din ang puso mo. Pasensya ka na sa kuya.

Maine:  Yung tinanggap kami ni Daddy at tinanggap mo kami sapat na sa akin yon.

Tumulo ang luha ni Maine, naiyak na din si Riza. Pareho silang nagpupunas ng luha ng makita ni RJ na nasa beranda. Bumaba si RJ at pinuntahan ang dalawa. Inakbayan si Riza.

RJ:  Tignan mo si Daddy, marunong bang sumakay ng kabayo yan?

Riza: Ewan ko?!

Tumakbo si RJ papunta kay Daddy Richard at Ram. Isinakay ni RJ si Ram sa kabayo tinuruang humawak sa renda nito at inalalayan para makalakad ang kabayo. Dinala nya ito malapit kila Maine. Sumisigaw naman si Ram

Ram:  look Mama I'm riding a horse!

Maine:  Yes darling I can see you. 

Ram:  Tita look no hands!

Riza:  Ang galing but you better hold baka tumalon yung kabayo mahulog ka.

Ram:  Tito can this horse run?

Maine:  Ram no,  baka mahulog ka.

RJ:  Don't worry I will ride with him.

Sumakay sa kabayo si RJ at pinatakbo ng mabagal ang kabayo. Tuwang tuwa si  Ram.  Huminto sila sa tapat ng Tito ni RJ, mayamaya pa ay pinalakad ni RJ palabas ng garden at ng gate ang kabayo. Pagdating sa labas pinatakbo ng mas mabilis ito. Tuwang tuwa si Ram, nagpunta sa gate si Maine at Riza pati si Daddy Richard. Nagpabalik balik sa kalsada ang mag-ama. Kinuhanan ni Riza ng Video. Pati mga kapitbahay naglabasan na para panoorin sila. Mga trenta minutos ding pinagbigyan ni RJ si Ram hanggang tinawag sila ni Maine.

Maine:  You better let the horse rest baka hindi na yan makatayo mamaya kahit picture taking lang. Besides we all need to go clean up magdaratingan na ang mga bisita.

Iginiya na ni RJ papasok ng garden ang kabayo.  Pagdating sa dulo at hawak na ng Tito ni RJ ang kabayo, bumaba na ang dalawa at tumatakbo papunta kay Maine at Riza.

Riza: Pasikat kayong dalawa ha.

Ram:  Mama, ang galing namin no?!

Maine:   Oo na kayo na ang magaling. Now, let's go upstairs at padating na mga Tita at Tito mo. Sabay-sabay silang umakyat papunta sa kanya kanyang kwarto, bago pa pumasok si RJ sa kuwarto...

RJ: Tito wait...

Tumakbo ito palapit kay RJ at yumakap sa leeg nito. isang mahigpit na yakap at naramdaman ni RJ ang saya sa dibdib nya. Bumulong ito sa tenga nya...  "Thanks Papa!"

Bumaba na ito at tumakbo papasok ng kwarto, napatingin si RJ Kay Maine.

Maine:  Thanks so much I'm sure what you did means a lot to my son. 

Ngumiti ito, yung ngiting madalas nyang makita noon. At pumasok na ito ng kwarto. Napaisip si RJ, "Our son Maine, our son.  Sa wakas nakita ko din ulit ang ngiti mo."

















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro